Share

Chapter 25

SUMANDAL si Greyson sa poste ng waiting shade, naka ekis naman ang mga mahahabang mga binti ng lalaki at nakahalokipkip ito na nakatingin sa kay Allison na halos hindi na maipinta ng magaling na pintor ang itsura ng dalaga. Kanda haba-haba na rin ang leeg ni Allison sa kakaabang ng taxi. Ngunit wala pa rin bakanteng taxi na dumadaan. Kung meron man dumadaan ay meron ng pasahero. Bakit ba napakahirap ang sumakay ng taxi ngayon.Kung saan pa na nagmamadali siya.Kapag minalas ka nga naman!

“Ihahatid na lang kita,” pangungulit pa rin ni Greyson. “Para naman makabawi ako sa ‘yo.”

Pinukol ng masamang tingin ni Allison ang lalaking prenteng nakasandal sa poste. “May konsensya pa palang natira diyan sa puso mo.”

“Sorry,Alli.”

“Umalis ka na,” pagtataboy ni Allison dito.

“Sumabay ka na lang kasi sa’kin.Atsaka responsibilidad kita.”

Kusang tumaas ang isang kilay ni Allison. “Dahil sa’yo nandito ako,” naiinis niyang turan.

“Kaya nga pumayag ka na lang na ihatid kita roon sa talyer,” pangungulit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bette Saulog Gelito
next chapter pleaseee....
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status