Share

Chapter 32

Nakatitig lang ito sa cake na hanggang ngayon ay nasa kamay ko parin at hindi niya nilapitan para hipan ang kandila at hindi na niya ako tinapunan ng tingin sa mga mata o mukha man lang.

Ibang-iba na siya ngayon kaysa dati. Alam ko naman na magbabago talaga ang kanyang pangangatawan at porma pero hindi ko maisip na ganito pala kaganda ang hubog ng kanyang katawan kahit may suot pa itong simpleng t-shirt at jean pants.

Siya parin ito ang matangos na ilong, thin lips, low fade haircut at ang kanyang mga mata na kulay abo na ngayon ay malamig ang tingin hindi man sa akin kundi sa cake. Katawan na hapit na hapit sa kanyang damit at mas lalo siyang tumangkad. Ibang-iba na siya sa nakikita ko sa mga pictures namin na lagi kong tinititigan kapag namimiss ko siya.

Gusto ko mang ngumiti at batiin siya pero walang lumalabas sa aking mga labi, dahil siguro hindi rin ito ngumingiti at nakaigting lang ang kanyang panga. Titig na titig parin ako sa mukha niya, sinisigurado ko na tama ang nakikita
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status