"Nanay Berta!" kumaway si nanay Berta sa amin ni Cloud. Ganoon din ang ginawa namin. Nasa airport kami para salubungin siya sa araw ngayon."Rey! Ay ang batang ito talaga. Namiss kitang bata ka? Ang ganda-ganda mo lalo ah," papuri ni nanay Berta sa akin."Salamat po nanay, kayo rin po ang gandang-ganda niyo po," balik na papuri ko sa kanya."Sus! Baka binobola mo lang ako niyan ha!" "Hala hindi po, sobrang ganda niyo po kaya lalo na sa picture niyo noong dalaga ka pa kaya at ganun din po ngayon. Baka nakalimutan niyo na na pinakita niyo ang picture mo noong dalaga ka pa at nagkaasawa kaya tama nga ako na maganda po kayo!""Na hala, huwag na nating pag-usapan ang tungkol diyan basta ang mahalaga na maganda tayong dalawa," saad ni nanay Berta ay tinawanan na lang namin. Kahit marami na ang mga puting buhok niya at kulubot na rin ang balat sa mukha dahil sa katandaan ay makikita mo parin ang taglay niyang kagandahan noong kabataan ni manang."Nanay si Cloud po, asawa ko," pakilala ko k
"Nanay Berta!""Ako nga ito Iha. Gising na anak! Kanina pa kita ginigising para makahanda kana. Kanina pa nagising ang mga kaibigan mo dahil ginising sila ng kanilang mga asawa samantalang ikaw naman, dahil ikaw ang ikakasal at hindi ka dapat makita ng groom kaya ako na lang ang pumanhik sa'yo dito, kaya hala gising na diyan, bumangon at maayusan kana ng mga make-up artist sa kabilang kwarto," anunsyo ni manang Berta.Panaginip? Isang panaginip lang ang lahat na 'yon. Proud sila sa akin. Sobrang proud ng mga magulang ko at ang aming little angel ni Cloud. "Hoy babaita, parang hindi ka ikakasal ngayon ah at chill lang tayo diyan. Na hala! Kilos na at baka mainip na ang boyfriend mo sa kahihintay, panay pa naman pagkain ang nasa bibig ni Carlos at Vincent, sayang naman daw kung hindi sila makauwi ng ulam mamaya kapag kinancel ang kasal at ang sa kainan." saad ni Cathy.Natawa na lang si manang Berta sa pinagsasabi ni Cathy. Dahil ako na lang yata ang wala pang ayos kaya bumangon na ak
Kanina pa ako nakikiliti dahil sa pinanggagawa ng asawa ko habang nakatagilid akong nakahiga. Nasa likod ko siya at hinahaplos niya ang hubad ko na katawan ng kanyang mga daliri. Lalo na sa bandang likod. "Baby!'' tawag nito sa malambing na boses sa akin."Hmm,''"I miss you so much," napapangiti ako dahil sa paglalambing niya."Lagi naman tayong nagkikita ah, ilang oras ka lang namang mawawala dahil pumupunta ka ng opisina mo," sabi ko sabay haplos sa kamay niyang nakayakap sa may tiyan ko."Yeah! But my buddy misses you!" tinampal ko ang braso niya dahil sa mga pinagsasabi nito. Sabi ng hindi muna pwede."Ano ang sabi ng doktor? Bawal na daw kasi malaki na ang tiyan ko. Huwag kang mag-alala dahil kapag nanganak na ako at maging maayos na sa akin then you can have me all night." pangako ko sa kanya. Kahit sa totoo niyan kinakabahan ako kung ano ang mangyari dahil ang isang to, kahit pagod na gusto paring umisa hangga't hindi na ako makalakad kinabukasan."And all day, promise? Then
Author Gratitude: From 0 words to 200k words plus. Hanggang ngayon hindi pa rin na sisink in sa utak ko na nagsusulat na ako ngayon na ganito kahabang novel. Dati lahat ng scenes pinapagana ko lang at tinatapos sa utak ko at ngayon sinimulan ko na siyang isulat at pinakilala ang sarili kong akda. Nakakatawa lang na may nagbabasa at humihingi ng Update. Ganito pala ang feeling kaya maraming salamat sa mga mahilig magbasa ng mga novel at naisama niyo itong story ko na inaabangan niyo. Abangan niyo na lang po ang ibang stories ko at sana magustuhan niyo parin, ayeeh-ROSENAV91EPILOGUEDevi Cloud Valentino POV 01Baby...I miss you so much! How are you there? Kung nasaan ka man ngayon sa kabilang buhay, lagi mong tatandaan na ma..hal na ma..hal kita. Always remember that. Ni kailanman hindi ka nawawala, lagi kang nasa puso at isipan ko,I love you! Keep smiling baby kung saan ka man ngayon at kung ano man ang ginagawa mo. Always smile!" matagal kong tinititigan habang sinusunod ng mga dal
Devi Cloud Valentino POV 02"Nakahanda na ba lahat?" tanong ko sa aking lalaking secretary. "Yes sir, malinis na po lahat sa loob at labas ng bahay po," aniya sa akin. Alam ko na malayo pa pero sobrang excited na ako na makapiling ko ulit ang nag-iisang baby ko. Dito siya sa Manila mag-aaral ng College kaya ito ako. Halos araw-araw lagi kong pinapalinis ang bagong tahanan nila. Mabuti na lang at pumayag si manang Carmelita noong tinawagan ko siya habang nasa mansion pa ito."Sige salamat Dado. You can go home now." sabi ko bago pinatay ang tawag.Nagising ako dahil sa sa alarm clock, bumangon agad ako para pumunta muna ng opisina dahil may meeting ako sa isa sa mga clients ko. Bandang 9 ng umaga pa ang pasok ko kaya kailangan ko munang kausapin ang mga empleyado sa kumpanya na tinatawag na Valentino Design & Craft Arts Corp. Dahil sa hanggang ngayon na comatose pa si dad kaya ako na muna ang mamamahala at mabuti na lang noong bata pa ako ay sinasama na ako ni Dad sa opisina kaya ki
DEVI CLOUD VALENTINO POV 3Para akong na estatwa sa nakikita ko. Hindi ako makahinga na nasa harap ko lang ang babae na kanina ko pa iniisip. Siya ba talaga ito? Baka nanaginip lang ako at hallucination lang itong lahat. Baka kung hawakan ko siya ay bigla na lang siyang mawawala katulad na lang kapag napapanaginipan ko siya.My beautiful wife is here in front of me while holding? Bakit may hawak siya na cake? Bakit ang baby ko ang may hawak niyan? Bigla yatang kumulo ang lahat ng dugo ko sa loob ng katawan dahil pinahirapan nila ang mahal ko, ang kakapal ng mga apog nitong mga nilalang na mga ito na panay ngisi lang."Who are you?" nagulat ito dahil sa tanong ko at hindi ko alam na sa dami-dami kung gustong sabihin ay yun pa talaga ang lumabas sa bibig ko. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit dahil narito na siya sa harapan ko, pinili niya ako kaysa sa boyfriend niya o asawa na ba dahil magkasama sila sa isang bubong?"Sorry parekoy. By the way, this is Shemaia Rey. Siya ang kapalit ni
SPECIAL CHAPTER (The Last Farewell)Devi Cloud Valentino POV"Baby, I miss you so much! Ilang years na ba ang nakalipas, pero hanggang ngayon ikaw pa rin ang nag-iisang baby ko, kung nasaan ka man ngayon I hope masaya ka kasama sina tatay at nanay Carmelita. Tay..nay…kayo na po bahala sa kanya. Baby… I love you always and forever. Like what I always say everyday, hmm and don't forget na ako parin ito si Devi Cloud Valentino, the handsome creature in our Valentino's family, always remember that baby!""Dad, let's go! Let's go dad!" kahit kailan talaga panira ng moments itong batang ito."Wait Deimos, I'm not done talking here," sabi ko sa kanya."We're going to be late! Paulit-ulit lang naman ang binabanggit mo na gwapo ka!" sinungitan ko siya."Totoo naman ah." "Ako kaya daddy, period.. let's go, we're going to be late sige ka.""Sus! sabihin mo namimiss mo lang si Aelia," binatukan ni Deimos ang kakambal niyang si Arnoux."Wee, nagsalita ang nabastid!" ani naman ni Perseus. Napabu
"Shemaia! Gising na anak! Tulog mantika ka na naman bata ka," naalimpungatan ako dahil sa sigaw ni nanay galing siguro ng kusina o labas ng bahay.Medyo gising na ang diwa ko pero ayaw ko munang sagutin si nanay, ito pa naman ang ayaw ko sa lahat na ginigising ako, gusto ko na ako mismo ang kusang bumabangon sa higaan na walang gumigising sa akin.Nababad mood agad ang umaga ko kapag ganyan ewan ko ba kung bakit, dahil ayaw ko pang bumangon kasi inaantok pa ako,hindi kasi ako yung tipong early bird o dahil nasa kalagitnaan ako ng magandang panaginip, minsan pa naman ang ganda ng panaginip ko pero agad namang naputol dahil may naririnig ka na ng mga kalampag hudyat na umaga na. Hudyat na kailangan mo ng bumangon para sa bagong araw."Shemaia Rey Ocampo! Limang beses na kitang ginigising ha, sabi mo sa akin kagabi na gigisingin kita bandang five-thirty ng umaga dahil maaga kang pupunta sa paaralan nyo! Anong oras na oh malapit na magsi six-thirty!" Tinatapik na ni nanay ang balikat ko p