Sobrang saya ng puso ko sa mga natatanggap ko na blessings lalo ngayong taon na ito. Pinaghandaan talaga ng mama ko ang birthday ko, simple lang ito pero sobrang saya na ng puso ko dahil tulad ng mga nakaraan ko na birthday, naghahanda talaga si nanay ng pagkain baka daw may bisita na darating.Dati si mama at si Cloud lang kasama ko, sa school lang kami nag cecelebrate dahil hindi pa alam ni mama ang tungkol sa relasyon namin ni Cloud at may handaan para sa konting salo-salo pero naiiba ngayon kasi binigyan ako ng pagkakataon na makilala ang ibang estudyante at kaibigan ni Cloud at kaibigan ko. Kahit tahimik lang ako minsan pero marunong naman akong makisalamoha kahit papano.Ngayon with the man beside me, aside sa papa ko na kasama na si Lord ngayon alam kong masaya din ang puso ni papa habang nakikita niya ako na masaya.Masaya ako di dahil sa regalo na binigay ni Cloud sa akin kundi paano naging strong ang relasyon namin, ilang days na lang kahit buwan pa ang bibilangin bago kami
Tinago ko ang binigay na regalo ni Cloud sa akin dito sa shoe box, dito ko iniipon lahat na bigay n'ya sa akin sa mga nakaraang birthday ko at kahit hindi ko pa birthday basta may gusto siyang ibigay sa akin ay ibibigay nya kahit dahon pa yan ng santol na may pangalan niya na nakasulat, tinatago ko at dahil gagamitin ko ang cellphone na kakabigay niya palang ay itong mga cartoon nito ang itatago ko.Nagulat nga si mama nung pagkarating ko noong galing kami sa Bacolod nung hapon at matutulog na sana kami na may bigla na lang tumunog.Kaya doon ko sinabi na niregalohan ako ni Cloud ng cellphone, wala namang reklamo si mama ang sabi lang na ingatan ang gamit lalo na sa akin na sobrang clumsy.Kakatapos ko lang gawin ang ibibigay ko kay Cloud para sa birthday nya, sabi naman n'ya na kahit ano lang basta bukal sa loob. Sana magustuhan ang ibibigay ko sa kanya. Buong puso kong inalay ang paggawa kaya dapat lang magustuhan n'ya.Baka daw bukas makalawa bago ang birthday ni Cloud ay darating
"Kumusta mama ang trabaho nyo po sa araw na ito?" tanong ko sa aking pinakamamahal na ina habang kumakain kami ng hapunan.Nauna akong nakauwi at nagluto agad ng hapunan namin. Ang niluto ko lang naman ay tinolang-manok para naman may sustansya ang kinakain namin ni mama. May dahon pa yung malunggay sa likod ng bakuran namin kaya yun na ang kinuha ko na pangsahog, wala naman kaming papaya kaya itong sayote na lang, binili ito ni nanay nung isang linggo, ginamit ko na kaysa masira pa, mahal pa naman lahat ng paninda ngayon kahit mga gulay, tumataas na ang mga presyo."Ayos naman anak, medyo masakit lang itong aking likod dahil may nilabhan ako na kumot, massage mo na lang ito ng kaunti mamaya para mawala anak," sabi ni mama habang humihigop ng sabaw.Tumatango ako habang nilalapit ang bibig sa maliit na bowl para humigop din ng sabaw. Isa din ito sa mga gusto ko ang pagluluto. Kaya ng matikman ko ang niluto ko napapangiti na lamang ako dahil sakto lang at masarap ang pagka timpla,"sure
"Happy birthday sir Cloud," yan ang unang bungad sa amin pagkarating sa kusina ay ang batiin nila si Cloud.Sinulyapan ko ito at mabuti naman at nakangiti, "maraming salamat po, hihingi lang kami ng pagkain for lunch," sabi ni Cloud.Nagkaundugaga naman na magserve ang mga kasamahan dito sa bahay. "Ano gusto nyo po sir? May 3 dishes po tayong ihahain at ito ang Filipino dish, Italian dish and Japanese dish," paliwanag ni kuya na nakatuka sa mga food sa ngayon."How about you? Gusto mo tikman natin lahat na nandito na pagkain?" bulong na tanong ni Cloud sa akin habang may pilyong ngiti na nakatitig sa akin. Inirapan ko siya, akala niya ba pumunta lang ako dito para lang kumain ng kumain lahat ng pagkain na nandito? Paano naman kung may nagrereklamo na lang sa aking tiyan at kailangan magrestroom baka wala pang six ng gabi, magyaya na ako kay nanay na umuwi dahil masama ang pakiramdam ko."Yung kaya ko lang ubusin, mamaya ko na yan banatan ang lahat na pagkain na narito kung kainan na t
Pagkarating ko sa may gate ay napansin ko nga ang mga ka schoolmate ko na nakikipag-usap kay manong guard.Nilapitan ko sila at agad naman akong nakita."Mga kaibigan ko po sila, kakausapin ko lang muna," pakilala ko kay Manong guard para hindi magtataka na lumabas ako."Oh my goodness, mabuti na lang at nandito ka Shemaia Rey! Alam mo bang kanina pa kami nandito? Kaso ayaw kaming papasukin ni kuyang guard na masungit," parang bata rin itong si Gail na nagsusumbong sa akin ngayon.Nagkanya-kanya naman silang tango para sumang-ayon. Mabuti na lang medyo malayo kami sa guard at hindi narinig ang pinagsasabi ni Gail sa bandang huli dahil lumabas talaga ako ng gate dahil may mga lumalabas-pasok ang mga tao kung doon kami magtatambay sa guard area."Oo nga, pwede naman kaming pumasok kasi mga kaibigan kami ni birthday boy, pero ayaw kaming papasukin dahil wala kaming invitation card, luh. Pang VIP kaya itong gwapo kong mukha," singit naman ni Samson na kasama ni Cloud sa basketball. Naka
Pagkatapos kong magbihis ng pang-alis, tiningnan ko ang kabuohan ng aking suot, simple lang naman ang porma ko ngayon malaking puting T-shirt na may design na malaking pusa sa gitna, tinupi ko ng dalawang beses ang manggas dahil sa sobrang lampas pa ito sa aking siko.Galing ito kay Cloud, pinahiram niya sa akin noong isang beses na 'di ko namalayan na, na tagusan na pala ako habang nagpapractice ng cheerdance, mabuti na lang at nandoon ito sa gym at siya pa talaga ang nakapansin kaysa mga kasamahan ko, mabuti na lang at may naiwan pa ako sa bag ng sanitary pads kaso nga lang wala akong pampalit na palda kaya ang naiwan na lang ni Cloud na damit ang pinahiram niya sa akin hanggang ayaw na niyang ibalik ko sa kanya dahil para ko na daw siyang kayakap kung sinusuot ko ito, baliw talaga 'yon sa akin at binabagayan ko ito ng denim short and pair with my favorite white sneaker, matagal na ito pero dahil kasya pa sa akin kaya linis lang ang katapat nito.Nakalugay ang buhok ko dahil basa pa
Kay bilis ng panahon, hindi mo namamalayan na matatapos na naman ang taong ito, babalik tayo sa unang buwan ng kalendaryo, numero at araw pero hindi ang taon at takbo ng kwento ng buhay natin.Sa taong lumilipas hindi mo namamalayan na ang dating paslit na walang ibang problema kundi kung paano tumakas sa mga magulang para maglaro sa ilalim ng araw at ayaw matulog pagdating ng hapon.Tulad ngayon hindi lang ako nagdadalaga, naranasan ko na rin paano magmahal at paano mahalin, iba ang feeling na habang lumalaki ka nalalaman mo ang kalakaran ng mundo, nagagamit lahat ng senses mo at higit sa lahat emosyon mo.Pero habang tumatanda, ang akala mo na puro lang masaya ang mararanasan mo pero hindi pala, minsan kailangan din natin masaktan, kailangan din natin maging emotional.Magpapasko at taon na ito hindi ko kasama ang lalaking mahal ko, nasa Paris sila dahil doon napili ng mga magulang niya na magbakasyon, kahit ayaw naman ni Cloud na sumama ay wala itong magawa dahil pinilit ko na ri
Panay pa rin sa pagtunog ang cellphone ko. Kinakalma ko ang sarili at malalim akong bumuntong hininga para baka sakali sa paraan na ito unti-unting mawawala ang kirot na nakadagan sa puso ko ngayon.Bigla itong tumigil at tumunog ulit, ngumiti ako sa kawalan, sa ganitong paraan ba niya gustong makipaghiwalay sa akin? Sa bagong taon bang ito gustong ipaalam ni Cloud na may nahanap na siya na mas higit pa kaysa sa akin. Sobrang tuwa siguro ng mommy niya ngayon dahil nagtagumpay siya, mas lalo yatang lumapad ang tawa ng mommy ni Cloud kapag nalaman niya na si Cloud na mismo ang nakipaghiwalay sa akin dahil mas gusto niya si Karen at ngayon tumawag si Cloud para ipaalam sa akin na tapos na kami, wala na siyang nararamdaman sa akin? Na hindi na niya ako mahal, na nagsasawa na siya sa mga kabebehan ko sa buhay.Biglang tumunog ulit ang cellphone ko, bumuntong hininga ulit ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko, ilang minuto na lang ay malapit na magbagong taon, ganito ko ba sasalubungin