Share

CHAPTER 13

Naramdaman ko ang pagkalabit sa akin na agad na nagpamulat sa aking mga mata.

"Narito na tayo," sabi ng katabi kong si Jake na nakatingin sa akin.

Mabilis ang pagderetso ko ng upo sapagkat hindi ko napansin na ibinaba pala ng lalakeng ito ang sandalang upuan dahilan ng aking malalim na pagkakatulog.

Hinila ko ang nakapatong na americano at nag-isip ako kung ibibigay ko pa ba ito o lalabhan ko muna. Nabasa na kasi ito ng aking basang damit dahil sa ulan kanina.

"Sige na para makapagpalit ka agad at baka magkasakit ka pa," mahinahon nitong salita. "Saka na lang uli tayo mag-usap kapag okay ka ng humarap sa akin," dugtong nito.

Napangiti ako sa aking sarili. Akala ko ay bukal sa kaniyang kalooban ang tulungan ako ngayong gabi pero parang may plano ito kaya naging mabait ito ng ilang minuto sa akin.

Binuksan ko ang pinto at lumabas ako na hawak ko ang kaniyang suit.

"Lalabhan ko muna ito bago ibalik sa'yo. Pasensya na sa abala," sabi ko sa kaniya.

"Alam kong may mabigat kang pinagdada
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status