Share

CHAPTER 16

JOYCE ANNE

Nakaramdam ako ng sakit ng aking sikmura kaya naman napilitan na akong gumising. Hindi lang sakit ng aking sikmura maging ang aking ulo ay masakit rin.

Ano ba ang nangyari?

Tanong ko sa aking sarili habang hawak ko ang aking ulo.

Doon ko lamang napansin na nasa ibang kuwarto pala ako at bukod tanging kumot lamang ang nakabalot sa aking katawan. Pinagmasdan ko ang aking sarili. Nakasuot ako ng bra at bikini panty.

Shit!

Anong nakakahiyang eksena na naman ang aking ginawa at wala akong maalala? Inikot ko ang aking paningin na baka na roon lamang si Jake at nagmamasid sa akin. Pero tahimik ang kabuuang kuwarto at ni kaluskos ng lalakeng iyon ay wala siyang marinig.

Joyce... mag-isip ka... anong kahibangan ang ginawa mo kagabi?

Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi.

Pumasok ako ng kuwartong ito na kinakabahan. Nakita ko pa si Jake na nakaupo sa mahabang sofa at sinabihan na ako nito na magpalit ng aking damit. Natandaan ko pa na nagbigay ako ng kondisyon sa lalake at tina
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status