Share

CHAPTER 22

"Malamang naipasa mo na ang bracelet sa kasamahan mo na nasa banyo para kapag sinita ka ay wala kang ipapakita. Alam ko na ang mga style n'yong magnanakaw," muli nitong salita sa akin na talagang ikinapanting ng aking tenga.

"Hoy!" sabay duro ko sa pagmumukha nito sa sobrang inis. "Hindi ako magnanakaw tulad ng ibinibintang mo sa akin. Pang ilan ka na sa mga taong mapanghusga sa aking pagkatao! Wala kang alam sa lahat ng pinag daanan ko! Kaya huwag na huwag mo akong pagbibintangan na magnanakaw!" kasabay no'n ang muling pagbaliktad ng aking sikmura dahilan upang itulak ko ng malakas ang lalakeng nasa harapan ko para makadaan ako.

"Ang tagal mo naman! Natulog ka na ba sa banyo?!" sigaw sa akin ni Misty ng makabalik na ako sa aming upuan. Buti na lamang na sa paglabas ko ng banyo ay wala na ang gagong lalakeng iyon. Dahil pikang pika talaga ako sa kung paano ito mambintang sa akin.

"Hey! Kaya mo pa ba? Gusto mo na bang umuwi?" bulong na sa akin ni Misty ng mapansin siguro nito na hindi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status