Share

CHAPTER 50

JOYCE ANNE

Paglabas ko ng banyo ay nagulat ako sapagkat ang mukha kaagad ni Jake ang aking nabungaran at agad na lumapit ito ng makita niya ako agad.

Hinawakan niya ang aking pisngi maging ang gilid ng aking labi kung saan naroon ang sugat.

"A...anong ginagawa mo dito? Hindi ba't may meeting ka kamo?" sabi ko sa kaniya.

"Bakit mo hinayaang saktan ka ni Steff?" agad nitong tanong.

Kita ko sa kaniyang mga mata ang pag-aalala na humaplos sa aking dibdib.

Hinawi ko ang kaniyang kamay at umiwas ako ng tingin dito dahil baka matalo ako ng aking damdamin sa pinakikita ni Jake.

"Okay lang ako huwag mo akong intindihin," sabi ko na lamang sabay lampas ko sa kaniya.

"Hindi ako makakapayag na hanggang ngayon ay tratuhin kang gan'yan ni Steff," habol na salita ni Jake sa akin.

"Bakit? Ano bang magagawa mo para pigilan ang obsession ng iyong Ex?" sabi ko sa kaniya.

"Ex? Hindi ko alam na Ex ko na pala si Steff? Sa pagkakaalam ko ang naging Ex ko ay iyong dati pa," nakangiting sagot niya s
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status