Share

Chapter 10

"May lakad muna kami. Kayo na ang bahala sa bahay ha," lingon ni Mr. Chandler sa amin.

Nasa bukana kami ng mansyon ni Manang habang papalabas naman sina Mr. Chandler, Timothee and Rosie. Masama pa rin yung tingin ng babae sa akin pero hindi ko ito pinansin. Si Timothee naman ay walang emosyon yung mukha. Who knows what's going on inside his head?

"Sige po. Kami na po ang bahala ni Ava," sagot ni Manang at bahagyang yumuko.

Nilipat ni Mr. Chandler yung tingin niya mula kay Manang papunta sa akin. "Aalis na kami," paalam niya at tumalikod.

Gaya ni Manang ay bahagya din akong napayuko. Ramdam ko pa yung titig ni Rosie sa akin bago sumunod kay Mr. Chandler. Walang kibo naman si Timothee na sumunod sa ama. Tuluyan na silang nakapasok sa sasakyan at lumabas na ng mansyon. Agad akong nilingon ni Manang na nakahalukipkip.

"Anong ginawa mo kanina?" Istrikta niyang tanong.

Sabi ko na nga ba. Hinding-hindi talaga ako makakalusot kay Manang. Well. Alam na siguro ng lahat na maldita ako.

"Pinagsab
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status