HABANG busy ang mga tauhan ni Inspector Cruz sa paghahanap ng mga hidden camera sa loob ng apartment ay naroon si Bogart, nagpapanggap ito biglang isang parte ng team. Isang bulalas ang bumasag sa katahimikan nang matagumpay na itinaas ng isang pulis ang isang maliit na camera na nakita niya mula sa tv. “May nahanap akong hidden camera!” anunsyo niya. Napatingin ang lahat sa pulis na iyon at saka lumapit si Bogart dala ang ziplock na ang laman ay mga nakolektang hidden cameras ng apartment. Binuksan niya ang ziplock at ipinasok ng pulis camera.Malalim na ang gabi at pagod na pagod na ang mga pulis dahil umabot ng alas dos ng madaling araw ang imbestigasyon.Sa wakas ay nagsalita na si Inspector Cruz upang tapusin na ang operasyon. “Alright, let’s wrap up!” sabi niya.Bumaling ang tingin ni Inspector Cruz kay Bogart na nakatayo pa rin habang hawak ang ziplock. Nakaramdam siya ng lamig at napalunok. Nanlilisik ang mga mata ng inspektor na may halong panghihinala. May kung anong likid
HULING araw na ni Bitsy nang bumisita si Mari sa chapel. Mabuti na lang ay nakahabol siya pagkatapos ng limang araw na pagpapahinga niya sa ospital. Umuwi na rin ang mga kaibigan niya sa Baguio. Hindi na niya sinama pa ang mga kaibigan at pamilya niya sa lamay dahil gusto niyang mapag-isa.Pagpasok ni Mari sa loob ay dinig niya hikbi ng pamilya sa pagkawala ng sekretarya niya. Sa bawat paghakbang niya patungo sa kabaong ni Bitsy ay unti-unti niyang nararamdaman ang matinding bigat at panghihinayang. “I’m sorry, Bitsy.” Iyon lamang ang lumabas sa bibig niya at saka tumulo ang kanyang luha. Pagkatapos niyang tingnan ang labi ng sekretarya ay lumapit siya sa ina nito upang makiramay. “I am sorry for your loss, M’am Merideth. Nakikiramay ako,” malungkot niyang sabi sa ina ni Bitsy. Hahawakan niya sana ang balikat nito nang bigla siyang tinulak palayo. “Ikaw! Ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay ang anak ko!” sigaw ng nanay ni Bitsy na may halong pagbibintang. Nagdulot ng malak
HAWAK ni Mari ang tablet niya nang maupo siya sa sala. Pinapanuod niya mula rito ang video na nakuha ng dalawang hidden camera; ang sa opisina niya at sa apartment ni Bitsy. Naikuyom ni Mari ang kaniyang kamay kasabay ng pag gilid ng luha niya nang makita kung paanong sinaksak ng tauhan ni Kate ang walang kalaban-labang Bitsy. Napalunok siya upang pigilan ang h’wag humikbi.Halos tatlong araw na walang maayos na tulog sina Clarence at Mari dahil sinamahan nila ang technician habang inaayos ang laptop at ma-restore ang video. “Stop it, Mari,” sabi ni Clarence. Kinuha niya ang tablet kay Mari at nilagay ito sa center table saka siya tumabi rito.“I don’t get the point, Clarence. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang kasama si Kate. Na bakit kailangan pa niyang mangdamay ng ibang tao?” mangiyak-ngiyak na wika ni Mari. “H’wag mo na isipin iyon, Mari. Basta alam na nating masamang tao si Kate.” Napabuntong-hininga si Clarence at sa mukha niya ay may halong pag-aalala ay pagkadismaya
APAT na buwang itinago ni Marigold Harrington sa pamilya niya na buntis siya. She had a one-night stand with a man she didn’t know. Tradisyon ng pamilyang Harrington na ibigay ang sarili sa araw lang mismo ng kasal. Ngayon, ang kapatid niyang si Vina lang ang nakakaalam tungkol sa pagbubuntis niya. Kasama ni Mari sa kuwarto niya si Vina. Di siya mapakali at panay lakad niya dahil palaki nang palaki na ang tiyan niya. Baka mahalata ng mga magulang niyang buntis siya. Huminto siya sa ginagawa niya at hinarap si Vina. “Ipalaglag ko na lang kaya ‘to, Ate Vina?” nababahalang sabi ni Mari. Nanlaki ang mata ni Vina. Nilapitan niya ito at hinawakan ang kamay. “What are you thinking, Mari? Papatayin mo ang bata? Maawa ka naman sa anak mo. Di bale na, magagawan natin ‘yan ng paraan.” “Paano?” kunot-noong tanong ni Mari. Hindi makasagot si Vina. Walang ni isang plano na pumasok sa isip niya. “Basta, gagawa ako ng paraan, Mari.” Huminga nang malalim si Mari. Takot sila pareho sa dad
THEY ended up at a five-star hotel. Dumiretso kaagad sila sa kuwarto. Pagdating nila ay napatingin siya sa lalaki. Medyo madilim ang kuwarto, hindi pa rin niya kita ang mukha nito, lalo na’t lasing siya. Tinitigan siya ng lalaki saka ito ngumisi. “You know what captures my attention? Your beautiful dress. It gives me the desire to see behind that.” Namula ang pisngi ni Mari. Hindi pa nga siya hinahawakan at tila bang nakaramdam na siya ng sensasyon sa buo niyang katawan. Lumapit ang lalaki sa kaniya. Hinawakan niya ang baba ni Mari. Pagkatapos, hinalikan niya ang mga labi nito. Nag-iinit ang buong katawan ni Mari sa ginawa ng lalaki. Kaya naman, ginantihan niya ng marahas na halik. Nang mapansin ito ng lalaki, mas lalo niyang diniinan ito. Itinulak niya si Mari sa malambot na kama. Gumapang siya rito habang nakatitig kay Mari. Napadilat na lang ang dalaga nang hubarin ng lalaki ang damit nito. Napakagat siya ng ibabang labi nang makita ang abs nito. Nag-wo-workout siguro ito a
ANIM na taon na ang nakalipas simula ng itinakwil si Mari ng daddy niya. Marami nang nagbago sa buhay niya. She now lives in Baguio with her 70-year-old grandma, Epiphania de Flores. Malakas pa ang lola niya kahit matanda na ito. May sarili silang ukay-ukay sa night market. May araw din na naglalako ito ng strawberry taho sa mga turista. Payapa ang buhay niya sa Baguio. Ang maganda dito sa lugar na ‘to, kahit summer, malamig pa rin. At hindi na kailangan ng aircon sa loob ng bahay nila. Nakapundar na rin ng maliit na grocery store si Mari, pero kulang pa rin ito para sa future ng anak niya. Gianni Harrington, her five-year-old son, had recently started attending grade school. Dumagdag ang responsibilidad niya habang lumalaki ito. She even stopped searching her son’s father, mauubos lang pera niya kahahanap dito. Pinubaya niya na lang sa Diyos ‘yon, basta ang importante ay kasama niya ang anak at lola niya. Her son’s future is on the top of her priority list. Busy siya sa pagliligp
SA BAWAT minutong nagdaan, mas lalo siyang naguguluhan. Sinusubukan niyang intindihin ang sitwasyon, but for her it doesn’t make any sense. “Ma’am, I’m sorry, pero sa record namin ay naka-married status ka na,” the staff reiterated. “Pero hindi ko maalala na kinasal ako. Paano nangyari ‘yon? Pwede ko bang malaman kung sino ang asawa ko? Nandyan ba ang marriage certificate ko?” sunod-sunod niyang tanong. “Naku, Ma’am, pasensya na. Down pa kasi ang system namin ngayon sa mga kukuha ng marriage certificate. Siguro mga five working days pa.” “So, meaning, next week pa kasi Thursday ngayon, e?” “Opo, Ma’am. Pwede kayong bumalik. . . o di kaya mag-iwan na lang kayo ng contact number, tawagan ko kayo once na ready na ang marriage certificate niyo” Tumango si Mari at sinulat niya sa papel ang numero niya. Paglabas niya ng PSA ay tulalang naglakad siya sa kalye. Wala siyang maalala na pumirma siya ng marriage contract o dumalo man sa anumang seremonya sa kasal. Her mind was flooded wi
NATAPOS na ang ribbon cutting at saka naman pinakilala ni Manager Patricia ang mga staffs niya kay Clarence. Nakayuko lang si Mari at panay iwas ang tingin niya kay Clarence habang nagsasalita ito. “So, I hope na maging consistent tayo sa mga gagawin natin. Kailangan galingan natin sa customer service, okay?” seryosong sabi ni Clarence. “Opo, Sir Clarence,” ani ng staffs saka yumuko ang mga ito. Umayos na ng pagtayo ang mga conceirge ngunit naiwang nakayuko si Mari. Kinalabit ng kasamahan nilang babae si Mari nang mapansin nila ito. “Kanina ka pa nakayuko, uy? Tapos na.” Nanlaki ang mata ni Mari saka agad siyang napatindig ng maayos. Tumikhim siya habang inaayos ang buhok niya, nakatingin pa rin siya sa malayo at pilit na iniiwasan si Clarence. Napatingin si Clarence sa direksyon ni Mari. Feeling niya familiar ang mukha ng babaeng ‘to, ang hindi niya alam ay ito ang kasama niya sa convenience store.