Share

Kabanata 89 Ito Lang Ang Paraan Para Maparusahan Kita

Ipinatong ni Selena ang isang kamay sa kanyang dibdib habang siya ay bumangon. Pakiramdam niya ay nabigla siya sa impormasyon, hanggang sa nawalan na siya ng gana. Kumilos si Calista para tulungan siya, pero tinanggihan niya ito.

"I need some quiet. Tapusin mo na yang pagkain mo, tapos umalis ka na. Hindi ko na alam kung ilang surpresa pang ganito ang kakayanin ng puso ko."

Tapos, nagwave siya ng kamay kay Macy.

"Ibigay mo sa kanila ang imbitasyon."

Kinuha ni Macy ang isang invitation sa coffee table at iniabot kay Calista bago pumunta sa kusina.

Technically, si Lucian ang amo niya, kaya dapat siya ang nagbigay ng imbitasyon sa halip na si Calista, pero kinilabutan siya ng malamig na ngiti nito.

Binuksan ni Calista ang imbitasyon. Isa itong imbitasyon sa isang engagement party. Nang makita niya ang pangalan ng nobya ay tumaas ang isang kilay niya. Isa ito sa mga kaklase niya sa unibersidad.

Nakatingin sa kanya si Lucian, kaya nang makita ang ekspresyon nito, nagtanong ito, "May
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status