DREX I WAS just sixteen years old and Elize was fourteen when we first met in my parents house. I still remember the day when my mom introduced her to me. That day was my mom's birthday."Come here, son. May ipapakilala ako sa 'yo. Tama na muna 'yang pagbabasa mo ng libro," excited na sabi ni mommy pagkapasok ng kuwarto ko."I'm not interested, Mom," tamad kong sagot habang nakasandal sa headboard ng aking kama at nakatutok pa rin ang tingin sa binabasa kong libro."Oh come on, son. Pagbigyan mo na si mommy, anak. Huwag mo naman akong ipahiya sa Tita Amanda mo. Sinabi kong ipapakilala kita sa anak niya ngayon dahil magiging school mate mo siya by this year."I frowned at my mom as she grabbed my arm. "Mom, I'm not interested, okay? Look, I'm studying here. I don't want to go out!""Hay naku naman, anak. Puro na lang libro ang inaatupag mo kapag narito ka sa bahay. Subukan mo namang magkaroon ng kaibigan. Hindi ka ba nabo-boring sa life mo? School-bahay ka na lang palagi."Hindi na ak
ELIZE NAPAHIKAB ako at inunat-unat ang aking katawan bago iminulat ang aking mga mata. Maliwanag na sa buong silid pero wala na akong katabi sa kama at mag-isa na lang sa loob kuwarto. Nang mapatingin ako sa alarm clock na nasa bedside table ay alas otso na, kaya kahit na parang inaantok pa ako ay pinilit kong bumangot at naligo sa loob ng banyo. Nang matapos sa pagligo ay hindi na ako nag-abala pang magbihis at isinuot ko na lang ang white bathrobe at binalot ng puting tuwalya ang ulo ko bago lumabas ng kuwarto at bumaba ng hadgan.Pababa pa lang ako ay rinig ko na ang pag-iyak ng kambal, kaya nagmamadali akong naglakad papunta ng kitchen. Pero nang mapatapat na ako sa nakasiwang na pinto ay agad akong natigilan nang makita kong ano ang nangyayari sa loob. Nakatalikod si Drex at walang damit na pang-itaas habang nakasuot ng apron at parang may hinahalo sa kawali, I think nagluluto, habang ang kambal naman ay nakaupo sa kani-kanilang swivel chair at naka-seatbelt pa. Umiiyak si Shann
NAKANGITI kong hinaplos ang aking wedding gown na nasa ibabaw ng aking kama. Bukas na ang kasal ko, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal na ako sa lalaking mahal ko. It was a dream came true for me. Pangarap ko talaga ang makasal sa lalaking mahal na mahal ko at bukas na mangyayari ang bagay na iyon. Nakaka-excite. I'm very excited.Napatigil ako sa paghaplos sa aking wedding gown nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng doorbell.Napatingin ako sa aking pambisig na relo. It's already 09:45 in the evening, wala naman akong inaasahan na bibisita sa akin ng ganitong oras.Kahit may pagtataka ay agad akong lumabas ng kuwarto para makita kung sino.Pagbukas ko ng pinto ay ang mukha ng best friend kong si Drex ang bumungad sa akin. May dala itong isang isang bote ng whiskey.“Let's drink, my best friend. Let's celebrate your last night as miss.” Nakangiti niyang bungad sa akin at itinaas pa ang whiskey.Hindi ko naman mapigilan ang mapairap. Seryoso? Hay naku,
NAPAHAWAK ako sa sarili kong ulo at napangiwi dahil sa pagkirot nito. I slowly opened my eyes. Maliwanag na sa buong silid. Muli akong pumikit at napahikab bago nag-unat-unat ng katawan. But I immediately stopped when my hand hit like a human body. I opened my eyes again and looked beside me. Ganoon na lang ang paglaki ng mga mata ko sa gulat nang makita ang payapang mukha ng best friend ko na mahimbing na natutulog sa tabi ko.What the fuck?Bumalikwas ako ng bangon at malakas na napasigaw nang makitang nakahubad pala ako. Not only me, but also the person beside me was also naked.Nagising naman si Drex sa pagsigaw ko at agad na napamulat ng mata. "Why are you shouting?" inaantok niyang tanong sa akin.No! This is not real! This is just a nightmare! A fucking nightmare!Pinagkurot ko pa ang pisngi ko para lang magising sa pag-aakalang nananaginip lang ako. Pero hindi, dahil talagang totoo ito! Hindi na ito panaginip!I started crying when I realized what really happened last night be
“MOMMY, I'm sorry! I'm really, really sorry!” paulit-ulit kong sambit habang umiiyak nang nakayuko. Nakabihis na ako at nakaupo na ngayon sa kama ko habang haplos ni Mommy ang likod ko para patahanin ako sa pag-iyak.“Kasalanan ko po lahat, tita. Handa naman po akong panagutan si Elize kung mamarapatin niyo. I can marry her,” ani Drex na nakatayo sa tabi ng kapatid kong walang kibo at nakatingin lang sa akin.“Lumabas ka muna, hijo. Mamaya na tayo mag-usap. Kakausapin ko lang muna itong anak ko,” mahinahon na sabi ni Mommy.“Sige po, tita,” magalang na sagot ni Drex bago lumabas ng pinto. Naiwan naman kaming tatlo nina Mommy at ng kapatid ko sa loob ng kuwarto.“Mommy, p-paano kung hindi matuloy ang kasal namin ni Luke?” pasinghak-singhak kong tanong at sinabayan ng mahinang pag-iling.“Kakausapin ko si Luke, anak, kaya tumahan ka na. Sabihin mo sa akin kung ano ba talaga ang nangyari sa inyong dalawa ni Drex.”Napaangat ako ng tingin kay Mommy. “He fooled me, mom. Nagising na lang ak
MAGHAPON akong nagkulong sa loob ng aking kuwarto, kahit na dinalhan ako ni Mommy ng pagkain ay pinabayaan ko lang at hindi kinain.Hindi pa rin ako makapaniwala sa desisyon nina Mommy at Daddy na gusto nila akong ipakasal kay Drex, imbes na kay Luke na siyang fiancè ko. Kahit na umiyak ako at nagmakaawa ay tinalikuran lang ako ng parents ko at sinabing buo na ang pasya nila. Itinago din ni Mommy ang phone ko, kaya hindi ako makatawag kay Luke.Nang sumapit ang gabi ay naisipan kong tumakas, pero paglabas ko ng aking kuwarto ay puro mga naka-lock ang pinto ng bahay, kaya wala na akong nagawa kundi ang bumalik sa kuwarto ko, naghanap pa ako ng telephone na maaaring gamitin pero itinago yata ni Mommy pati telephone. Kinabukasan ay panay ang katok ng mommy ko at ng kapatid ko sa aking kuwarto pero hindi ko sila pinagbuksan at nanatiling tahimik.“Anak, kailangan mong kumain. Buksan mo ang pinto may dala akong pagkain para sa 'yo,” ani Mommy pero hindi ko pinansin at nanatili lang akong
PAGKAHINTO ng taxi sa harap ng apartment ni Luke ay agad akong bumaba at sumilip sa driver."Pakihintay lang po muna, manong, hihingi lang ako ng pera sa boyfriend ko."Napasatsat ang taxi driver. "Hay naku, bakit kailangan ko pang maghintay? Oh, sige na, basta bilisan mo!"Hindi ko mapigilan ang mapasimangot sa reklamo ng taxi driver. Tsk. Pasalamat na nga siya at paghintayin ko pa siya, eh balak ko nga sanang takasan na lang, kaso natawa naman ako sa kanya.Napailing na lang ako at iniwan ang badtrip na taxi driver.Pagtapat ko sa pinto ng apartment ni Luke ay hindi na ako nag-doorbell pa dahil alam ko naman ang password ng apartment niya, kaya binuksan ko na lang. Pagkapasok ko ay walang tao sa loob ng apartment, at tingin ko ay wala si Luke, kaya dumiretso ako sa kuwarto niya para humanap ng pera na pambayad sa taxi driver. Habang papalapit ako sa kuwarto ay siya namang pagkunot ng noo ko nang makarinig ng sunod-sunod na ungol na nagmumula sa loob, kaya nagmamadali akong lumapit
Halos hindi ko na mahabol ang sarili kong hininga dahil sa klase ng halik ni Drex na para bang uhaw na uhaw at parang walang balak pakawalan ang labi ko. He kissed me while his right hand was massaging my breast. We are both naked in bed while kissing each other. "Drex, I need to breath…" mahina kong sambit sa gitna ng halikan naming dalawa. "Take my breath away, baby,” he replied but he didn't stop kissing me. "I will give you my breath with all my heart..." Pilit kong iniiwas ang labi ko para makalanghap ng hangin, pero kahit anong iwas ko ay nahahabol pa rin ni Drex at nasasakop. At dahil sa kailangan ko na talagang huminga ay wala na akong choice kundi ang sipain ang hita ni Drex. "Ouch—fuck! Damn! Elize Mica!" gulat na bulalas ni Drex na napabitaw ng halik sa akin at napaalis sa ibabaw ko bago tapahawak sa pagitan ng kanyang hita at halos hindi maipinta ang mukha. "Ano bang problema mo! Bakit mo sinipa ang alaga ko?" Napairap ako at umupo sa kama. "Paano kita hindi sisipa