Share

You're Mine Sergeant
You're Mine Sergeant
Author: Lyniel

Chapter 1

“Ninong please sige na sabihin mo na sa’ken kung merong bagong story na pwede ko isulat sa newspaper namin,” pagmamakaawang sambit ni Cris or Crisanta Manalastas, isang baguhang newspaper writer sa isang di kalakihang tabloid sa kanilang lugar. Madalas siyang magtungo sa presinto para mangulit sa kanyang ninong na hepe lang naman sa kanilang bayan. Parang anak na ang turing nito sa kanya dahil matapos mamatay ng kanyang pulis na ama sa isang engkwentro noong araw ay ito na halos ang umako ng responsibilidad ng pag papalaki sa kanya.

“Crisanta, tigilan mo ko!” seryosong pahayag ng ninong n’ya. “Wala ka ng makukuha na kahit anong balita sa’ken ang mabuti pa bumalik ka na sa opisina ninyo at marami pa akong gagawin.” Matigas na tugon ng kanyang ninong sabay balik sa mga papeles sa lamesa nito.

Agad namang napasimangot si Cris at nag umpisang suminghot singhot at nag kunwang naiiyak. Nag taas naman ng ulo ang kanyang ninong at agad siyang tiningnan at ng makita nito ang malungkot na mukha ng anak-anakan na tila naiiyak pa ay agad itong na pa buntong hininga. Hindi niya talaga matitiis ang batang ito, sa loob loob pa niya.

“Okay fine!” napipilitang sambit ng kanyang ninong. Agad namang nagtaas ng tingin si Cris at mabilis na lumapit sa kanyang ninong, alam na alam niya talaga ang kahinaan ng kanyang ninong/tatay-tatayan.

“O ayan ang folder ng buong mission,” inabot nito sa kanya ang folder. “Ikaw Crisanta ha kapag yan nakalabas at nabulilyaso ang operation nila malilintikan ka sa’ken!” nagbabantang turan pa nito.

Siyempre alam naman niya ang salitang confidential, ayaw rin naman niyang malagay sa alanganin ang reputasyon ng kaniyang ninong. Kaya hinding hindi niya ito ipapahiya. Impact babasahin lang naman niya ang nilalaman ng folder at pag katapos niyon ay saka siya gagawa ng hakbang kung paano makakagawa ng isang magandang story. Sa story na gagawin niya nakasalalay ang future niya bilang news writer. Nagkaroon kasi ng opening ang kanilang sister company na na ka base sa Manila for news writer at gusto niya na ma-impress ang kanilang managing director para siya ang ipadala nito na representative ng kanilang kompanya.

Mabilis na pinasadahan ni Cris ang nilalaman ng folder at nagulat siya sa kanyang nabasa. Ang mission ay tungkol sa mga nakatakas na miyembro ng isang malaking drug syndicate na na ka base sa maynila. Sinasabi rin sa file na ang mga ito ay mga ma-impluwensiyang tao sa lipunan at may sinsabi sa buhay. Mayroon din daw silang mga koneksiyong sa mga international syndicate. Pero paanong narito sila sa maliit na bayan ng Santa Fe? Oo nga at bulubundukin ang lugar nila pero wala naman silang mapapala dito. “It’s weird.” mahina niyang usal sa sarili.

Binuklat niya muli ang file at doon nakita niya ang mga pangalan ng mga pulis na mag handle ng kaso.

“Master Sgt. Alexander Ricafort”, basa n’ya sa pangalang naroon. “Sino siya ninong?”

Huminga muna ng malalim ang ninong niya bago ito sumagot sa kanya,

“Siya ang hahawak ng case at dito siya na assign sa division namin, isa siyang magaling at mahusay na pulis, dati rin s’ya sa navy army, nag silbi rin siya bilang sundalo at na assign noon sa Mindanao. Siya talaga ang pinapadala ng kapulungan sa mga ganitong sensitibo at critical na mission.” Seryosong saad nito habang nakatingin sa kanya.

“Kaya naman Crisanta utang na loob ‘wag kang gagawa ng ikakasira ng mission nila kundi pareho taong malilintikan.” mahabang litanya ni Chief Enrico Dela paz.

“Ninong naman palagay mo naman saken?” baling n’ya rito sabay ngiti. “Laging gulo ang dala? Syempre hindi kita ipapahamak. Trust me ninong,” kumindat kindat pang saad niya.

Nag pa-beautiful eyes pa siya para mawala ang alalahanin nito sa kanya. Naiintindihan naman niya kasi kung bakit ganon na lamang ang pag aalala ng ninong niya sa kanya. Nang minsan kasi may scoop siyang sinusundan na galing din dito ang tip ay muntik na siyang mapahamak and worse muntik ng pumalpak ang lakad ng mga bataang niyang pulis. Napa ngiwi siya ng maalala ang nangyari noon.

“Don’t worry ninong, this time I’ll behave”. She assured him.

Mabilis niyang ibinalik ang folder sa ninong niya at nag paalam na dito at tinungo ang pinto. Saktong pag pihit niya ng door knob ay sakto naman bumukas ito kaya napasubsob tuloy siya sa malapad na dibdib ng isang lalaki. Sinalat salat niya pa ito bahagyang napisil!

Shemay! ang tigas ng masel! Ilan kayang pandesal este abs meron ito, mabilang kaya? Bahagya pa siyang napapitlag ng may mag salita sa likuran ng lalaking may matigas na dibdib.

“Miss, baka may mabuhay sa pag pisil mo na yan, ikaw rin!” sabay tawanan ng mga kasama nito. Tumikhim yung lalaking may masarap na pandesal este abs at napatingala siya dito.

Oh my ang gwapo! Kulang ang salitang gwapo para isalarawan ang itsura ng lalaki.

“Are you done?” malamig na turan ng lalaki sa kanya. Marahil nahalata nito ang ginawa niyang pag kabisa sa itsura nito.

“Ha?” pag mamaang-maangan niya. “Anong sinasabi mo? Pwede ba tumabi nga kayo sa daan! ang lalaki n’yo nakaharang kayo sa daan!” pagtataray pa niya sa mga ito para lang pag takpan ang pag kapahiya niya.

“Crazy,” narinig pa niyang turan ng lalaki sa kanya. Mabilis siyang lumingon dito at nakapamewang na hinarap ito. “Hoy mister na may matigas na abs, hindi ako baliw no! for your information isa akong journalist at ninong ko lang naman ang hepe ng pulisya dito sa bayan namin,” pag mamalaki pa niya.

“Kaya wag mo kong masabi sabihin ng baliw kung ayaw mong kagatin kita!” pag kasabi ‘nun ay mabilis na siyang tumalilis ng lakad at hindi na nilingon ang lalaki.

“Sgt. Alexander Ricarfort, nice seeing you again,” galak na turan ni Chief Dela paz. “Pag- pasensiyahan mo na ang inasal ng inaanak ko kanina, ganoon talaga ‘yun may pagka-isip bata pa. Na spoil ko kasi.” Naka ngiting turan nito sa kanila.

“Teka pala bago ko makalimutan narito ang folder ng lahat ng information na kailangan ninyo. Ito rin ang hard drive na binigay sa’ken ni General Agustin, nariyan ang lahat ng iba pang critical information na magagamit ninyo sa mission.” Inabot ng hepe ang lahat ng kailangan nila sa pag sisimula ng kanilang misyon dito sa bayan ng Santa Fe. Marahan siyang umupo sa harap ng lamesa ng hepe habang ang mga kasama naman niya ay naupo sa mahabang sofa na naroon. anim silang lahat ang naka assign sa mission na ito, at lahat sila ay well-trained army at navy. Mga bihasa sa pag tugis ng mga criminal at pag buwag sa mga malalaking sindikato. Matagal na silang magkakasama sa grupo kaya naman lahat sila ay sanay na sa bawat isa.

“Maraming Salamat dito Chief at salamat din sa pag payag ninyong pansamantala kaming tumuloy sa bahay ninyo.” Nakangiti niyang turan sa butihing hepe. Matagal na rin niya itong nakilala ‘nung minsan nag karoon siya ng mission sa kalapit bayan ng Santa Fe.

“Naku wala yun, Mabuti nga at may titira doon, matagal ko na rin hindi natitirhan iyon, yung inaanak ko na lamang ang matyagang nag lilinis sa bahay dahil katabi lang din naman ng bahay n’ya iyon.” Masayang pahayag pa nito. “Kapag may kailangan kayo maaari kayong mag sabi sa batang iyon at tiyak tutulungan kayo ‘nun.” Naka ngiting turan ng hepe sa kanila.

“E mukhang kasing tapang ng tigre iyong inaanak niyo hepe, hindi kaya sakmalin kami ‘nun?” tugon naman ng isa sa kasama niya si Max or Maximo Barrientos pinaka maloko sa kanila pero pinaka bihasa sa martial arts.

“Kayo naman nagulantang lang yung si Ms. Abs dito kay Sgt. Alex, banggain ba naman ng napaka-tikas nitong dibdib!” palatak naman ni Rom or Romouldo Perez ang sniper ng grupo. Sabay sabay naman nag tawanan ang grupo.

“O siya alam kong pagod kayo sa biyahe, mabuti pa eh mag pahinga na muna kayo sa bahay at nag pahanda ako ng makakain niyo dun sa kasambahay namin malamang naroon na iyon ngayon.” Sabay-sabay na silang tumindig at nag paalam sa hepe. Tinungo nila ang parking area kung saan naka parada ang service vehicle nila.

Habang binabagtas ang kahabaan ng daan patungo sa lumang bahay ng hepe, hindi maiwasang sumagi sa isip ni alex ang babaeng pumisil pisil sa kanyang dibdib, bahagya pa siyang napangiti ng maalala ang itsura nito kanina. Halatang napahiya ito at pulang pula ang mukha. Maganda rin ito at may sinasabi ang katawan yun nga lang may pag-katigasin itong kumilos. “D*mn hindi naman siguro siya tomboy,” Mahina niyang usal sa sarili.

Malapit na sila na kinaroroonan ng bahay ni hepe ng mapansin nila ang dalaga na nag lalakad habang may kausap sa cellphone nito. Agad itong binusinahan ng malakas ni Lucas Hererra ang hacker ng grupo sanhi para magulat ang dalaga “ay s*so ng kalabaw!” mabilis nitong turan at bahagyang namula ang mukha ng masilayan nito kung sino ang sakay ng owner type jeep na bumusina sa kanya. “Hey, watch your mouth young lady,” naka ngising sabi ni Lucas sa kanya. Sabay sibat ng owner jeep ng mga ito.

Napaka-bastos talaga ng mga walanghiyang yun! Naku nakakagigil talaga.

Mabilis na naglakad pa uwi si Cris at baka abutan pa siya ng dilim sa daan though alam naman niyang walang gagalaw sa kanya sa lugar na iyon dahil malaki ang respeto ng mga tao sa namayapa niyang mga magulang lalo na sa kanyang ama na dating marangal na pulis sa kanilang bayan. Bigla ang dating ng kalungkutan sa kanya ng maalala ang mga magulang.

Matagal na rin ng maulila siya ng mga ito. Namatay sa engkwentro ang kanyang ama at makalipas lang ng isang taon sumunod naman ang kanyang ina sa sobrang kalungkutan. Naiwan siya sa pangangalaga ng kanyang ninong hepe.

“Hay! ang hirap ng walang magulang”, buntong hininga niya, “Ang daya niyo naman Nay at Tay iniwan niyo ako kaagad. Ni hindi niyo man lang nahintay ang magiging apo n’yo sa’ken.” Madamdamin niyang kausap sa mga ito at tumingala sa langit. Sa isiping iyon ay biglang pumasok sa isip niya ang gwapong pulis na nakabangga niya kanina sa opisina ng ninong niya. Particular ang mga mata nitong parang nang-hihigop ng lakas at ang mga Abs nitong ang titigas. Napangiti siya sa isiping iyon. “Hmp! gwapo nga ang antipatiko naman! Sarap umbagin ang mukha!”

***

“Hmmm ok din naman pala itong bahay ni Chief eh. Malawak ang solar at presko ang hangin,” si Rigo habang pinagmamasdan ang paligid. Pasimpleng lumanghap pa ito ng hangin.

 “Makakapag isip tayo dito ng maayos para sa mission natin, di’ba Alex?” baling ni Rigo Suarez ang spy ng grupo. Tumango lamang siya at nag-tuloy na sa loob ng bahay. Siya ang tumatayong lider at pinaka-utak ng grupo. Hindi na sana niya tatanggapin ang mission na ito dahil plano na niyang mag early retirement. Oo sa edad niyang 35 ay nais na niyang bitawan ang pag-seserbisyo sa kapulisan.

Nais naman niyang pag-bigyan ang kanyang ama na pamahalaan ang hacienda nila dahil ito ay tumatanda na. Hindi n’ya lamang matanggihan ang kanilang General. Malaki ang tiwala nito sa kanya at sa grupo niya kaya naman sila ang napili nito para sa mission. Alam din n’ya na may kanya kanya ng plano ang mga tao n’ya sa kanilang mga personal na buhay at gaya niya rin ay nag-nagnanais na rin ang mga ito na mag retiro.

“Oy kita mo nga naman kapag sinuswerte ka,” malakas na turan ni Max na ngayon ay naka-tingin sa nag lalakad na dalaga.

“Hi Ms. Tiger lily akalain mo mag kapitbahay pa pala tayo!” narinig niyang sigaw muli ni Max. Kaagad niyang sinilip sa bintana ang dalagang tinutukoy nito. Nakita niyang papasok na sa gate ang dalaga, lumingon pa ito at gulat ang mukha ng makita ang grupo niya. Halata sa mukha nito ang inis at nang amba pa ito ng suntok kay Max. Napailing nalamang siya sa nakita. Mukhang may bago na namang “aasarin” ang bataan niya.

Inis na inis si Cris ng makapasok ng bahay niya ng makita ang grupo ng mga pulis na iyon. Dito pa talaga sila pinatira ng ninong n’ya sa dati nitong bahay. Ibig sabihin araw-araw siyang mabubuwisit sa mga antipatikong iyon.

“Pero teka bakit parang wala si Mr. abs kanina? Di kaya hiwalay siya ng bahay?” kausap niya sa sarili.

 “Pero imposible naman dahil andito ang mga kasama niya, ay teka bakit ba iniisip ko yung mayabang na iyon.”

Tinutukan pa niya ng mahina ang ulo dahil sa inis. Para pa siyang nababaliw na ginulo gulo ang buhok niya. Mabilis siyang nagtungo sa kanyang silid at naligo. Kailangan pa niyang maghanda ng pagkain niya at marami pa siyang gagawin. Kailangan niyang pag isipan kung paano siya makakakuha ng magandang scoop mula dun sa pinakitang mission ng ninong niya. Alam niyang ang mga kapitbahay niyang pulis ang naka-assign sa mission na iyon.

Kailangan sigurong maging mabait ako sa kanila para makakuha ako ng magandang information.

“Aha, tama mag luluto ako ng ulam at bibigyan ko sila.” Napa-ngiwi naman siya sa naisip niya. Baka naman kasi mag duda ang mga ito kapag iyon ang ginawa n’ya. “Kailangan siguro palipasin ko muna ng ilang araw. Tama mag oobserba muna ako sa kanila.” Kumbinsi n’ya pa sa sarili.

Kinabukasan maagang nagising si Cris at nag timpla ng kape at umupo sa terrace at malayang pinagmasdan ang kanyang mga tanim na halaman. Sa ina niya pa ang halaman na iyon lalo na ang mga malalaking rosas na kulay pula at puti. Napangiti siya ng maalala ang ina mahilig kasi silang dalawa sa mga flowering plants kaya punong puno ng halamang namumulaklak ang kanilang bakuran. Simula ng mawala ito siya na ang nag alaga sa mga tanim nila. Bahagya siyang napalingon sa kabilang bakuran ng makarinig ng kaluskos. Nakita niya si Mr. Abs na nakatingin sa kanya. Bigla ang kabog ng dibdib niya na hindi niya maintindihan. Sa taranta ay napataas niya ang kamay na may hawak ng tasa ng kape at kiming ngumiti sa lalaki. Blanko naman ang mukha ng binata at kaagad pumasok sa loob ng bahay.

“Hmp ang suplado talaga!” napasimangot siya sa ginawa ng binata. Ni hindi man lang kasi ito ngumiti sa kanya. Nang maubos ang kape ay mabilis siyang pumasok sa loob ng bahay at naligo. Kailangan niyang makapunta ng opisina nila at kahapon pa siya hinahanap ng boss nila. Bagaman alam niyang hindi siya pagagalitan nito dahil patay na patay lang naman ito sa kanyang kagandahan.

Hindi niya lang talaga type ang binatang boss, masyado kasi itong good boy looking. I mean parang hindi sila bagay mukha itong mabait samantalang siya mukhang mataray at matapang ang aura. Ang gusto niya sa lalaki iyong matapang ang dating, brusko, laging salubong ang kilay yung tipong kagaya ni Mr. Abs.

Napangiti siya sa na isip at inimagine ang mukha ni Mr. Abs. Ang ganda na sana ng eksena sa isip niya ng makarinig siya ng malakas na katok mula sa gate niya. Dali dali siyang nagbanlaw at nag tapis ng tuwalya at bahagyang sumungaw sa bintana. Nang makita niyang isa sa mga pulis sa kabila ay mabilis siyang nag bihis ng T-shirt at skinny pants, hinayaan niya lang ang towel sa kanyang buhok at lumabas na.

“Ahmm Miss ano kasi manghihiram sana kami ng walis tambo at dustpan sa’yo,” nahihiyang turan ng lalaki. Hmm kumpara dun sa kasama nito na mapang-asar mas mabait ang aura nito. Marahan siyang tumango at binuksan ang gate niya. Naisip niya baka ito na ang chance niya para makipag- lapit sa mga herodes sa kabila. Kaagad niyang kinuha ang extrang walis tambo at dustpan sa loob at ibinigay ito sa lalaki.

“Wag mo ng isoli yan, sa inyo na yan meron naman ako dito sa bahay na extra.” Sabi niya dito sabay abot ng mga gamit. “May isang linggo ko na kasing hindi nalilinis ang bahay na yan dahil naging busy ako sa trabaho,” sabi niya muli sa lalaki. Ngumiti ito at inilahad ang palad sa kanya para mag-pakilala.

“Ako nga pala si Rigo Suarez,” pakilala nito. Naka-ngiting inabot niya ang palad nito at nag-pakilala sa kanya.

“Ako naman si Crisanta Manalastas, Cris na lang for short masyadong luma ang pangalan ko eh,” biro niya dito.

“Sige nice meeting you Cris at pag pasensiyahan mo nasi Max ganun talaga iyon masyadong maloko.” Natatawang ani nito.

“Max?” alanganing tugon niya dito.

“Yung tumawag sayo kahapon,” napakamot sa batok na tugon ni Rigo. Napa ah na lang siya. Umalis na rin naman si Rigo at mag lilinis pa nga daw muna sila ng bahay. Napag pasyahan ni Cris na umalis na at tumungo sa kanilang opisina. Baka mag huramentado na naman sa kanya si Tarcy or Tarsila Dimagiba. Ewan ko ba naman dito sa bayan namin kung bakit ka-gaganda nilang babae e ke-papanget ng binigay sa kanilang mga pangalan kaya naman binabawi na lang nila sa mga nicknames.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status