Share

CHAPTER 4: Foot Soldier

"Love does not consist of gazing at each other, but in looking outward together in the same direction.

-Antoine de Saint-Exupéry

****

Nang buksan ko ang aking mga mata, ay nasa loob na ako ng isang lumang balon. Tiningala ko ang aking leeg, at nakita ang asul na asul na kalangitan. Tinakpan ko gamit ang aking isang kamay ang sinag ng araw na tumatama sa aking mukha...

Nakabalik na ba ako sa mundo ko?

Nilinga ko ang aking paningin, at naghanap ng maaring gamitin upang makaalis sa loob ng balon. Basang basa ang aking kasuotan, dahil sa hangang bewang na tubig ng balon. Nakita ko ang mga tipak ng bato, na nakasalansan sa paligid nito, kaya naisipan kong subukang tumuntong at magwall-climbing.

Mabuti na lamang talaga at nahiligan ko ang pagwowall-climbing noong bata pa ako, sa tuwing maiisipan ko magcutting-classes noong Elementary.

‘Akalain mo ba naman na may silbi rin pala ang mga kalokohan ko noon, at nagagamit ko ito ngayon...’

Nang makarating sa taas, ay muli kong inilinga ang aking paningin. I look side by side only to find out I was in a very unfamiliar surface. I look at the well, I was in just awhile ago and saw how old it was. The old well was already surrounded with mud and moss.

There is an old nippa hut on my side and hanged clothes, on a rope tied on two tree’s brunch. I walk towards the hanged clothes and decided to strip my wet clothes and change them on the dry clothes, hanged on a rope.

‘Syempre nagtago ako sa likod ng lumang bahay habang nagbibihis, alangan naman na duon na din ako magbihis, edi nabosohan pa ako!’

Nang makatapos makapagbihis, ay napansin kong ang kasuotan palang naisuot ko ay isang lumang kasuotan, na may kasama pang armor na nakapatong sa may gilid ng kubo. At dahil nga katikatera ako at pakialamera, sinuot ko na din pati yung armor at helmet.

‘Ang cute lang! Para akong knight in shining kinakalawang na armor. Kase kinakalawang naman na talaga halos itong armor na suot ko. Hihihi...’

Nasa kasalukuyan akong sinisipat-sipat ang sarili habang suot ang kinakalawang na armor ng may biglang kung sino mang di ko kilala ang biglang lumapit at umakbay sakin.

"Aba kaibigan, suot mo na pala ang kalasag ng iyong namayapang ama. Natutuwa ako at ngayon ay nakakuha ka na ng lakas ng loob na lumaban para sa ating bayan tulad ng iyong amang dakila!" masayang turan ng malaking lalaki na nakasuot din ng armor.

"A-anong p-pinagsasabi mo d-dyan?" utal-utal na tanong kong pinipilit makaalis sa mahigpit na pagkakaakbay sa akin ng malaking lalaki.

"Naku! At nahiya ka pa talaga Rudeus na amining itinapon mo na ang pagiging duwag at lampa!”

“Ikinagagalak kong tinanggap mo ang aking payo, at nakuhang maglakas ng loob sa pagsama sa akin, sa pagtatanggol ng ating bayan sa gyera!" masayang-masaya na turan ng malaking lalaki habang kinakaladkad ako sa aking leeg habang nakaakbay, kaya patuloy naman ako sa pagkawag at paghulagpos sa kaniyang mahigpit na pagkakakapit.

Tang ina! Nasasakal na ako, puta!

"B-bitawan m-mo nga a-ako! H-hindi ako m-makahinga p-puta!" Inis at utal-utal na reklamo kong hindi naman nya pinansin.

‘At saka ano daw tawag niya sakin? Rudeus? Sino yun? Ah baka yung may ari nitong kalasag...’

Gusto ko tuloy bigla sabunutan ang aking sarili dahil sa sariling katangahan.

‘Tang ina naman kase Celizia, ano ba kase ang napagkaisipan mo at pati yung kalasag at helmet ay naisipan mo pang isuot? Ayan tuloy at napagkamalan ka pang ibang tao. Tang inang kabobohan yan! Mukang mapapahamak ka pa ata sa kagagahan mo eh!’

"Ngapala Rudeus, nais ko sana humingi ng tawad sa ginawa kong katangahan kahapon. Pasensya na at bigla kitang nasapak," paghingi niya ng dispensa habang patuloy ang pagkaladkad sa akin mula sa leeg.

"Nainis lang naman ako saiyo, dahil masyado mong pinapairal ang karuwagan mo!”

“Bilang isang lalaki ay responsibilidad natin na ipagtanggol ang ating bayan mula sa mga mapang-aping mananakop. Bukod dito ay malaki rin ang gantimpalang ipagkakaloob ng palasyo kung maipapanalo natin ang gyera." mahabang turan ng lalaki, na mukhang walang balak na bitawan ang leeg ko habang naglalakad.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad, ng may makasalubong kami na dalawang lalaki na bumati sa malaking lalaki na nakaakbay sakin.

"Oi Alchiel! Si Rudeus na ba yan?" masayang bati ng lalaking may kulay blond na buhok.

"Oo Zenon! Nagulat nga rin ako ng makitang naghahanda si Rudeus sa may likod-bahay nila kanina!" masayang sagot naman nang malaking lalaking tinawag ng lalaki na blond ng Alchiel.

"Aba ayos ah? Isang sapak lang pala ang kailangan para matalimuanan yang si Rudeus, kung nalaman ko ay ‘di sana ay matagal ko na binugbog si Rudeus ng maalis sa pagiging duwag." saad naman ng isa pang lalaki, na kamuka nung Zenon, pero may kulay itim na buhok.

"Grabe ka naman sa bugbog Venoss. Masyado mo pinapainit ang ulo mo, mabuti nga at sumama na ito sa atin!" mapagbirong saad ni Alchiel na sinamahan niya ng isang malakas na tawa, habang mahigpit pa din ang hawak sa akin.

"Ano ba naman yan Alchiel at ayaw mo bitawan ang leeg ni Rudeus? Ako na ang nahihirapan sa klase ng pagkakahawak mo sa kaibigan natin," tatawa-tawang pansin ni Zenon sa klase ng pagkakaakbay sakin ni Alchiel.

"Nako Zenon, ayokong palagpasin ang pagkakataon na maisama itong si Rudeus sa atin sa gyera na pamumunuan ng Haring Achilles! Baka bigla na naman itong makatakas at bumalik na naman sa lungga niya para magtago." saad ni Alchiel na nagawa pang tuktukin ang helmet na nakasuot sa aking ulo.

Hindi na lang ako nakisabat sa usapan nilang tatlo, at nagpasyang bumuntong hininga at sumunod na lamang sa kung saan nila ako dadalhin. Isang mahabang lakad ang aming ginawa. Pinagpasalamat ko na lamang talaga na binitawan na ako ni Alchiel, dahil sumasakit na talaga ang aking leeg at likod sa pagkakayuko at sa pagsambot ng mabigat niyang kamay.

Bagamat tinanggal na ni Alchiel ang kamay niya sa aking leeg, ay hindi naman niya inalis ang pagkakahawak sa aking kalasag. Naniniguradong hindi ako makakatakas. Kanina pa ako bumubuntong-hininga sa may gilid ni Alchiel, iniisip kung paano ako makakatakas sa tatlong kulokoy na bagamat nagtatawanan at nag hohontahan ay hindi nawawala ang paningin sa akin. Talagang sinisiguro nilang di ako makakatakas.

‘Wengya! Pahamak talaga itong tang inang pagka-pakialamera ko, nakakabanas!’

‘Siguradong nagliliwaliw na sa lungga niya ngayon si Rudeus dahil nakatakas siya sa galamay ng tatlong itlog, na nasobrahan ata sa saya na makitang napasama nila sa gyera ang inaakala nilang si Rudeus.’

‘ARGGGGHHH!!!! Ayoko na dito! Tapos itong armor pa! Nakakaurat! Ang bigat pala nito? Tapos dadagdagan pa ng mabigat na kamay ni Alchiel. Jusko, pakiramdam ko ay malalaglag ang ulo ko sa bigat nitong full helmet na suot ko.’

Nasa malayo pa lamang ay naririnig ko na ang malakas na kalansing ng mga espadang nagtatama, sa labanan sa may bandang malayo, kaya mas lalong binilisan ng tatlong itlog ang paglalakad, na halos takbuhin na nila ang lugar kung saan nagaganap ang gyera.

Ako naman ay hila-hila sa kamay ni Alchiel sa pulsuhan habang mahigpit ang pagkakahawak sa helmet na nasa aking uluhan. Malaki ito kaya natakot ako ng kamuntikan na itong malaglag sa aking ulo.

Mabilis ang lakad na tinungo namin ang maalikabok na bangin, dahil sa nagaganap na labanan. Bago pa man kami makarating sa lugar na pinaglalabanan ay ilang libong mga aliping sundalo na ang nag-aantay na maisabak sa gyera.

Humanay kami sa kumpol mg mga foot-soldiers na nag-aantay na isabak sila sa laban. Wala pa man ay labis-labis na ang kabang nadarama ko. Para bang gusto na makatalon ng puso ko mula sa aking dibdib dahil sa matinding kaba, dahil sa lakas ng pagkalabog nito.

‘Mukhang ito na talaga ang magiging katapusan ko. Tang ina! Wala pa naman akong alam sa mga ganyan-ganyan!’

Nilinga ko ang aking paningin at nakitang lahat sila ay may sukbit na espada sa tagiliran o di kaya naman ay mga pana at sibat.

Ibinaba ko ang aking paningin sa aking tagiliran, at nakitang bukod sa suot kong kalasag ay wala akong kahit anong dalang armas na maari kong gamitin para ipagtanggol ang aking sarili.

Humakbang ako ng isa patalikod, at akma na sanang tatakas ng marinig ko ang tunog ng gong sa pangkat namin. Huli na bago ako makatakas, dahil nadala na ako sa alon ng mga sundalong matapang na sumugod pababa ng bangin para makidigma.

‘DYUSKO! ETO NA ATA ANG KATAPUSAN KO!’

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status