Share

CHAPTER 5: First War

"Love is a lot like a backache.

It doesn't show on X-rays, but you know it's there."

- George Burns

****

Huli na bago ako makatakas, dahil nadala na ako sa alon ng mga sundalong matapang na sumugod pababa ng bangin para makidigma.

‘DYOS KO! ETO NA ATA ANG KATAPUSAN KO!’

Nagpatangay na lamang ako sa alon ng mga galit na galit at nagsusumigaw na mga foot-soldiers kasama sila Alchiel, habang binabambo ng malakas ang aking dibdib.

Nang makarating sa baba, ay mga umuulang pana kaagad ang sumalubong saamin at ang mga kumakalansing na espada sa tuwing magtatama ito. Halos hindi na din mabilang ang mga patay na nagkalat sa daan, habang patuloy ang paglalaban sa gitna. Dahil sa umuulang mga pana ay malaki kaagad ang nabawas sa grupo namin, at para makaiwas ay naisipan kong mamulot na lamang sa daan ng shield at espada.

Sa kalaban pa nga ata itong nakuha ko na ipinagsawalang bahala ko na lamang. Sa katunayan nga ay hindi ko naman talaga alam kung sino ang kalaban sa mga nagtatagaang sundalo rito, nakikibuntot lang ako kayla Alchiel, di rin ako sumusubok makitaga at baka ako pa ang mataga sa katangahan ko.

Gamit ang shield na napulot ay panay iwas at ilag lang ako sa mga tagaang nagaganap. Mabuti na nga lamang at mabilis ang reflexes ng katawan ko at mabilis akong nakakailag.

Muling nagpaulan ng mga pana, kung saan nasa bandang gitna na ng battlefield ang pwesto namin, at kita ko ang unti-unting pagkaubos ng mga sundalo sa pangkat namin.

"GUYS, MAY NAISIP AKO!" agad na sigaw ko na nagpakunot sa noo nila Alchiel na kasalukuyang nakikipag tagaan sa may malapit sakin habang patuloy sa pag ilag sa mga umuulang mga pana.

Matapos ang isang malakas na taga ay pinalibutan ako ni Alchiel, Venoss at Zenon. Mga kapwa sila nakatalikod at tila ba’y parang pinoprotektahan ako sa mga kalaban.

"Ano na ang iyong naisip na paraan, para maipanalo natin ang laban na ito?" kunot nuong tanong ni Venoss sa akin habang patuloy ang pag-taga sa mga kalaban na umaataki samin.

"Eto oh?" pinakita ko sa kanila ang pulang shield na napulot ko na lalong nagpakunot ng noo nila.

"Anong gagawin namin sa kalasag ng kalaban?" kunot nuong tanong ni Zenon, saka muling nakipagtagaan.

"Pwede ba Rudeus? Ayusin mo ang iyong mungkahi at baka ikaw pa ang maging rason ng pagkamatay ko." inis na turan ni Alchiel saka sinaksak ang kalabang nakaamba na tumaga sa kaniya.

"Duuuuuuuh! Bakit ka naman mamatay sa suggestion ko? Maganda kaya yung naisip ko!" saad kong nakuha pang mag roll-eyes sa kanila kahit hindi naman nila nakikita dahil sa aking suot na helmet, at dahil narin sa nakatalikod sila saakin.

"Anong linggwahe ba iyang pinagsasabi mo dyan Rudeus? Nabagok ba ang ulo mo sa suntok ko kahapon at kung ano-anong hindi mawaring salita ang lumalabas sa iyong bibig." kunot na kunot ang nuong saad ni Alchiel.

"Ano ba’t dito pa kayong dalawa nag-diskusyon kung kailan tayo nasa gitna ng labanan?" inis na naman na sabat ni Venoss, saka humakbang paabante at sinalubong ng taga ang kalabang papasugod sa pwesto niya.

"Eh eto kase si Alchiel eh! Ang ingay-ingay ayaw nalang kase makinig sa sasabihin ko!" sumbong ko pa kay Venoss na mukhang naiirita na talaga sa kaartihan ko.

"Ano ba naman Rudeus? Itigil mo yang pagiging isip-bata mo, nasa oras tayo ng digmaan nakuha mo pa talagang kumilos ng ganiyan!" sermon saakin ng palaging highblood na si Venoss.

Yung itsura niya ngayon mukha ng mangangain ng buhay sa sobrang panlilisik ng mata niya sakin. Tipong pakiramdam ko ay dukit-dukit na ang muka ko sa talas ng paglisik ng kaniyang mga matang, parang kutsilyo sa talim. Kaya wala sa sariling napa roll-eyes ulit ako sa kaniya at nagmake-face.

‘KJ amputs! Kaya siguro ‘di umuunlad ang mga tao sa panahong ito, ay dahil lahat sila mga KJ! Dapat kase bago ka mamatay mag enjoy ka muna! Atlis bago ka namatay naging masaya ka hindi ba?’

‘Mga bulokers mga tao dito! Lahat ata may mga PMS!’

Bumuntong-hininga ako, saka itinaas ang dalawang kamay na tanda ng aking pagsuko.

Maya-maya pa ay muli na namang nagpaulan ng mga pana ang kalaban, kaya agad kong itinaas ang shield na hawak ko sa aking uluhan para sanggahan ang sarili sa mga umuulang mga pana.

"Eto kako yung naisip kong gawin para ‘di tayo matamaan ng nga umuulang pana! Inaaway niyo na kase ako agad, wala pa nga akong sinasabi! Sa pamamagitan ng pag taas ng ating kalasag ay maaari nating maprotektahan ang ating sarili sa mga umuulang patalim" nakanguso kong turan sa kanila.

Agad na nagtinginan ang tatlo at nagkanya-kanyang pulot na rin ng mga shield na pakalat kalat mula sa mga sundalong namatay. Nakita ito ng mga kasamahan naming  mga foot soldiers ata tawag sa kanila before, hindi ko nga lang tanda kase I don't usually pay attention with my history class. Kaya ng muling magpaulan ng pana, ay wala ng nabawas sa grupo namin. Nagsabay-sabay kaming muli ng pagsugod, at pagpaslang sa grupong sundalo ng mga kalaban.

Maya-maya ay tumigil na ang pagpapaulan ng mga pana, mukhang nakahalata na ata ang mga kalaban na wala ng nababawas sa grupo ng mga foot sodiers, kaya nagpadala naman sila ng mga kabalyerong nakasakay sa kung hindi ako nagkakamali ay chariot ang tawag doon.

Isa itong sasakyan na parang kalesang walang bubong at upuan. Nakatayo lamang ang mga kabalyerong nakasakay dito, habang hinihila ng dalawang kabayo. May patalim ang dalawang gulong at talagang mamatay ang lahat ng madaanan.

Dahil dito ay muli na namanng nabawasan ang grupo naming mga foot soldiers, dahil sa rumaragasang sasakyan ng mga kalaban. Panay kami iwas sa mga chariot na nagpapaikot-ikot sa gitna ng battle field.

Muli na naman ako nakaisip ng kalokohan ng makita ang mga nakahandusay na mga patay sa paligid.

"ALCHIEL! MAY NAISIP ULIT AKO!" muling tawag ko sa atensyon ni Alchiel, na talagang pinapakita ang kanyang husay sa pakikipag laban.

Lahat ng matamaan ng dala niyang lance ay talagang tumitilapon sa malayo, at namamatay. Masyado niya talaga ginagamit ang malaki niyang katawan. Habang ako naman ay panay lang ang salag ng mga taga ng kalaban saakin habang nagtatago sa likod niya na mukang wala namang pakialam sa pagtatago ko, at panay lang ang pagwasiwas ng dalang armas.

Sumenyas na naman si Alchiel sa dalawang itlog, para muling pakinggan ang kung ano mang kalokohan na naman ang naisip ko para ipanalo ang laban.

"Ano na yung naisip mo?" tanong ni Zenon, na panay din ang taga sa gilid ko.

Pinalibutan na naman nila akong tatlo, at umaktong parang pinoprotektahan akong tunay, kahit hindi naman! ‘Charot!’

Hindi ko naman ipagkakaila na kanina pa talaga ako pinoptotektahan nung tatlong kulokoy, at talagang hindi sila umaalis sa malapit saakin. Kanina nga noong may kalaban na dapat na tataga sakin ay nasaksak agad ni Venoss, saka muling bumalik sa pagsugod sa kalaban.

‘So that only shows that this three are really Rudeus friends.’ Kase nga kahit naiinis na talaga sila sa kaduwagan ni Rudeus ay hindi naman nila ito pinababayaang mag isa. At dahil akala nila na ako ang kaibigan nila, edi ako ang pinoptotektahan nila. Itinuro ko sa tatlo ang mga nakahandusay na mga patay.

"Pagpatung patungin natin ang mga katawan nila para makagawa ng pananggalang sa mga chariot" seryoso kong saad, na tinanguan lamang nung tatlo.

Sumenyas sila sa iba pa naming mga kasamahan saka nagumpisang gumawa ng walls na gawa sa katawan ng mga bangkay. Nakatulong ang corpse walls na ginawa namin bilang pananggalang sa muli na namang pagpapaulan ng mga kalaban ng  mga pana. At syempre pati na rin sa mga nakamamatay na gulong ng chariot.

"Kung magtatago lamang tayo rito sa pader ng mga patay, ay walang mangyayari sa atin! Lalabas na akong muli at makikipag laban." madiin na saad ni Alchiel na mukhang hindi nagugustuhan ang ideya ng pagtatago namin sa mga kalaban.

Patayo na sana itong muli ng pigilan ko siya.

"Sandali lang Alchiel!" pigil ko sa kanya, na nagawa pang hawakan ang kaniyang braso.

Kunot naman ang nuong nilingon ako ni Alchiel dahil sa ginawa kong pagpigil sa kanya.

"May naisip ulit ako!"saad ko na nagpabalik kay Alchiel sa kinauupuan niya.

Inabot ko kay Alchiel ang mga sibat ng kalaban at mga kakampi namin na namatay, na kanina ko pa tinitipon para sa backup plan ko after ng corpse wall.

"Kaya mo bang itusok ang lahat ng ito sa mga dadaanan ng chariot?" seryosong tanong ko kay Alchiel, na nagpakunot lalo sa noo nya.

"Bakit? Ano gagawin mo sa mga iyan?" tanong ni Alchiel  na nagpalawak sa aking ngisi.

"Gagawin nating patibong sa mga kabayo" ngising sagot ko na nagpangisi rin sa tatlo.

Matapos ko maipaliwanag sa kanila ang gagawin, ay nagkanya-kanya na kami ng pwesto. Lahat ng mga foot soldier mula sa aming pangkat, na may kasing pangangatawan kay Alchiel ay inatasan kong magtusok ng mga sibat sa labas ng corpse wall, habang ang iba naman ay sinasang galangan sila mula sa mga lumilipad na pana.

Nagawa naming makapag improvice sa maliit na panahon ng isang patibong na nakalaan para sa mga kabayo. Mula sa mga sinturon ng mga patay na sundalo ay itinali namin ang mga sibat na aming ibinaon sa lupa, saka ito nilagyan ng tali sa dalawang gilid.

Kaya ng may mga chariot na padaan, ay agad namin itong hinila na tumusok sa bandang tyan ng mga kabayo ng chariot. At dahil dito ay nangatumba ang mga kabalyero ng mga kalaban. Saka kami nag umpisang sumugod.

Inatasan ko si Zenon at Venoss na nakawin ang apat sa mga chariot ng kalaban para ito naman ang gamitin sa pagpatay sa mga kawal nila. Mabilis itong naisakatuparan ng dalawa, kaya naman kinuha namin ni Alchiel ang pagkakataong iyon para sumakay din sa chariot.

At dahil nga wala naman akong alam sa pag gamit nito ay halos madala ako ng sariling kabayo. Mabuti na lamang at nagawa kong ibalance ang sarili at makatayo ng ayos. Nagsimula kaming magparagasa ng chariot sa kalaban, at hindi din nagtagal ay nakita namin ang mga itong lumilikas na sa gitna ng digmaan.

Dahil dito ay muling nagdiwang ang grupo namin at masayang napasigaw tanda na tapos na ang digmaang aming kinasasadlakan.

Akala ko ay uwian na ang kasunod nito, ngunit nagkamali ako dahil matapos namin makita na tumakas ang mga kawal ng kalaban ay isang comander ang lumapit saamin at sinabihan kaming maghanda ng sarili sa pagsisimula ng panibagong labanan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status