“Nay, dalhin na kita sa clinic sa gan’on matingnan ka ng Doctor. Lalong lumala ‘yang ubo mo,” may pag-aalala ng sabi ni April.Kasalukuyan silang nagliligpit at naglilinis sa loob ng karinderya. Maaga sila nagsara dahil sa maaga rin naubos ang mga pagkain ni luto ni Aling Lucing. Mag-alas singko pa lang ng hapon. “Huwag na, gastos lang iyan.” Tanggi agad ni Aling Lucing na pinagpatuloy nito ang pagkwenta ng kinita nila ngayong araw na ‘to.“Nay lalong lumalala kasi ‘yang ubo mo,” giit pa rin ni April.Tumigil si Yza sa paghuhugas ng mga plato, marinig niya ang pag-uusap ng mag-inang Aling Lucing at April. Lumabas siya mula rito sa loob ng kusina.“Tiya Lucing, tama naman po si April. Kailangan mo nang magpa-check up sa Doctor,” nababahala na rin siya sa ubo ng butihing Ginang. Sa tuwing inaatake ito ng ubo ay tila kating-kati ang lalamunan nito. Napansin niya rin na nangangayat na rin si Aling Lucing simula ng atakihin ito ng ubo.“Mamaya, iinom ko lang ito ng calam
“HELP!” May kalakasan ang boses ni Manuel ng huminto ang kotse minamaneho niya sa tapat ng entrance door ng hospital. Mabilis ang bawat kilos niya.Kaagad naman siya dinaluhan ng security guard na may wheelchair itong tinutulak. Mabilis ang kilos ng bawat isa upang ipasok sa loob ng Emergency room, si Yza na wala pa rin malay-tao. Papasok na rin sana sa loob ng ER si Manuel ng harangan siya ng nurse.“Sir, sorry pero hindi po kayo allowed doon sa loob.” Anang Nurse na nagmamadaling sinara ang dahon ng pinto.Napabuntong-hininga na lamang siya ng malalim. Walang nagawa si Manuel kung di ang maghintay na lamang dito sa labas ng pinto ng ER. Nakasandal siya sa dingding na nakahalukipkip habang nakatingala roon sa kisame, tila ba naroon ang kasagutan ng mga katanungan na tumatakbo sa kanyang isip nang mga sandaling iyon.Naiinip na siya sa kahihintay sa Doctor ng umaasikaso sa kay Yza. Sobrang nag-alala na rin siya sa kalagayan ng dalaga.Panay ang buga niya ng hangin. Pabalik-ba
SA LOOB nang ilang araw nakalipas ay naging tahanan na rin ni Manuel ang hospital. Kasama si Yza sa private room nito.Sa katulad niyang six footer ay pinagkasya niya na lamang ang sarili sa di gaanong mahabang sofa. Kahit na palaging sumasakit ang buong katawan niya, dahil sa hindi siya maka higa ng maayos. No choice siya at bawal magreklamo.Naupo siya sa sofa. Bahagyang sinuklay ang kanyang buhok gamit ang dulo ng kanyang mga daliri. Naihimas niya rin ang ibabang bahagi ng kanyang baba, ramdam niya rin ang stables niya roon.Lumipad ang tingin niya roon sa kama na inookopa ni Yza na mahimbing pa rin ang tulog nito. Sumingaw ang munting ngiti sa sulok ng kanyang mga labi ng marinig niya ang mahinang paghihilik ni Yza. Naiiling siya ng mapansin niya na nahulog ang kumot nito.Lumapit siya sa gilid ng kama. Inayos niya ang kumot sa katawan ni Yza. kumilos ito, nalihis ang damit pantulog na suot nito. Tumambad sa kanyang paningin ang makinis at maputing hita ng dalaga. Walan
MAY ilang butil ng luha ang umalpas mula sa sulok ng mga mata ni Yza. Awang-awa siya sa kanyang sarili. Pakiramdam niya ay wala na siyang silbi. Higit sa lahat naging pabigat na siya at nakakaabala sa ibang tao na may mabuting puso at nagmamalasakit sa kanya,sina Manuel,Tiya Lucing at April.Tiyak nag-alala na sina Aling Lucing at April sa kanya. Hindi alam ng mga ito ang nangyari sa kanya. Simula ng admitted siya dito sa ospital ay hindi niya na rin nakausap sina Tiya Lucing at April.Naiihi siya. Kanina pa niya gustong pumunta ng cr. Ngunit mahirap para sa kanya ang kumilos na mag-isa. Kanina pa nakaalis si Manuel at ilang oras na rin ang nakalipas buhat umalis ito. Hanggang ngayon hindi pa rin nakabalik ang lalake. Wala rin nurse na pumunta rito sa kwarto niya. Sobrang nahihirapan na siya sa kalagayan niya. Pakiramdam niya ay para na siyang imbalido.Bigla na lang siya napangiwi ng maramdaman niya ang pinaghalong kirot at sakit sa kanang binti niya. Pakiramdam niya ay pinagpawisan
NAGISING si Yza na magaan at maaliwalas ang kanyang pakiramdam. Nawala rin ang naramdaman niyang magkahalong sakit at kirot sa kanang binti niya. Ngunit nahihirapan pa rin sa kanyang kalagayan. Nanatiling nakapikit pa rin ang kanyang mga mata. Narinig niya rin ang mga taong nag-uusap sa mahinang boses ng mga ito.Minulat niya ang kanyang mga mata. Nakikita niya si Doctor Dax Sandoval,may hawak itong chart habang nakikipag-usap sa babaeng nurse.Dahan-dahang bumangon si Yza, maingat din ang bawat kilos niya upang sumandal sa headboard ng kama.“Miss Calvajar,tulungan na kita,” wika ng nurse na agad siya dinaluhan para tulungan na makasandal ang kanyang likod sa headboard ng kama. Nilagyan din nito ang likod niya ng unan.Nagpaskil siya ng mabining ngiti sa kanyang mga labi. “Thank you,” aniya sa nurse pagkatapos siya tulungan nito.“Gusto mo bang ipatong ang kanang binti mo sa unan para di na mangalay?” Nakangiti rin tanong ng nurse.“Yes,please.” Dahan-dahan pinatong ng nurse ang is
MULA SA OPISINA ni Attorney Sanchez. Dumiritso na si Manuel doon sa basement nitong building kung saan ang parking lot. Nasa tapat na siya ng kotse niya ay agad siya pumasok sa loob niyon. pinagana niya ang makina ng sasakyan. Pinaharorot na umalis sa IG Tower.Habang nasa byahe ay hindi pa rin niya maiwasan ang di mapapaisip sa pinag-usapan nila ni Attorney Sanchez. Walang foul play nangyari sa pagkamatay ni Franco Calvajar. Ayon sa report ng medico legal ay suicide ang nangyari. Ngunit hindi lingid sa kaalaman niya na may mga utang si Franco dahil sa nalulong ito sa sugal.Masakit na rin ang kanyang ulo sa kakaisip. “Ito na ba ang sinasabi mo, Franco?” mahinang usal niya sa kanyang sarili.Malaki ang utang na loob ni Manuel sa kay Franco Calvajar. Minsan nang niligtas ni Franco ang buhay niya. He meet car accident at nang mga oras na iyon ay si Franco Calvajar ang sumagip sa kanyang buhay, si Franco rin ang naging blood donor niya ng operahan siya at kailanganin niya
KANINA pa si Manuel paikot-ikot sa loob ng hospital upang hanapin si Yza. Subalit ni anino ng dalaga ay hindi niya nakikita. Tinatambol na rin ng kaba ang dibdib niya ng mga sandaling iyon. Hindi na rin niya maiwasan na di mag-isip ng masama. Kung may masamang nangyari kay Yza, hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili.‘Huwag naman sana,’ piping dasal niya.“Manuel, kanina pa kita napapansin. Sino hinahanap mo?” Tanong ni Nurse Jane, ng makasalubong niya dito sa corridor.“Hinahanap ko si Yza, wala kasi siya sa private ward niya ng dumating ako.” Palinga-linga siya sa paligid ng nagbabakasakali na makita niya ang dalagang hinahanap niya.“Nakita ko sila na magkasama ni Doc Sandoval.”Kunot ang noo niya napatingin dito kay Jane. “Si Dax?” naninigurado ng tanong niya. “Nasaan mo sila nakita, Jane?”“Oo, nandoon sila sa garden,”pinasadahan nito ng tingin ang relo pambisig na suot nito. “Maiwan na kita, Manuel. May pasyente pa kasi ako.”“Salamat,” aniya bago ito makaalis. “Pu
"Dito ka nakatira?" Tanong ni Yza, ng huminto ang sasakyan sa compound ng Raider condominium. Palinga-linga siya sa paligid. Alam niya rin na pawang mga mayayaman ang nakatira dito sa Raider condominiums. Ang ibig sabihin lang ay mayaman si Manuel at hindi isang pangkaraniwang tao lang. Tinanggal ni Manuel ang seatbelt nito. Atsaka pumihit na humarap sa kay Yza. "Yes,I have a unit here," anito na bahagyang umuklo upang maabot nito ang seatbelt ni Yza."M-manuel," nauutal sabi ni Yza. Pakiramdam niya ay biglang nagkaroon ng mga paro-parong naghahabulan sa loob ng dibdib niya. Shit! kailangan bang mauutal? Lihim siya napa mura sa kanyang sarili. Ilang araw na rin sila magkasama ni Manuel ngunit tila hindi pa rin siya nasanay sa presensiya ng lalaki.Paano ba naman malapit na malapit ang mukha nito sa kanyang mukha. Halos isang dangkal lang ang agwat ng pagitan ng kanilang mga mukha. Naamoy niya rin ang mabango at mainit na hininga ni Manuel na tumatama sa balat niya. Natutukso tuloy s