“ANONG ginawa mo sa papa ko? Bakit nagkaganyan siya? Masyado mong inabuso ang katawan niya kaya nagkasakit siya?” Matalim ang mga mata ni Manuel na nakatingin sa kay Yza. Gumagalaw rin ang panga nito.“Hindi mo alam ang mga nangyayari, simula nang umalis ka Manuel,” matigas din sabi ni Yza.“Ang alin ang hindi ko alam, Yza? Ilang araw lang ako nawala simula ng umalis ako. Agad ka nagpakasal sa papa ko? Kung pera lang din ang habol mo. May pera din naman ako. Bakit ang papa ko pa?” Sunod-sunod na mga katanungan ni Manuel.“Kasalanan mo, Manuel.” “Kasalanan ko? Bullshit! Minahal kita Yzabelle.”“Really?” nang-uuyam sabi ni Yza. Hindi ba nito natandaan ang ginawa nito? Para pagsabihan siya ng hindi magandang salita at akusahan ng mga bagay-bagay na hindi niya naman ginawa.“Masyado mong inabuso amg Papa, kaya nagkaganyan siya. Right?” Naniningkit ang mga mata pinukol siya ng tingin ni Manuel. “Alam natin parehas kung gaano ka hot at active it comes to sex, Yzabelle.”“Ganyan na ba tala
“Daddy,” sabi ni Yuna, tumatakbo itong lumapit sa kanya. Nagpakanlong agad ito sa kanya ng nakalapit ng tuluyan dito ang bata.Hindi ni Manuel napaghandaan ang ginawa ni Yuna. Hindi agad siya nakahuma. Samo’t sari ang naramdaman niya nang mga sandaling iyon.God! Napahilamos ng sariling mukha si Manuel.Ito pala ang pakiramdam kapag tinawag na Daddy ng anak na pinanabikan niya. Hindi niya maalis-alis ang mga tingin niya sa cute na cute na mukha ng kanyang anak.Biglang uminit ang sulok ng mga mata ni Manuel. Bigla rin nanubig ang kanyang mga mata. Bago mangyari iyon ay tumingaka siya roon sa may kisame upang pigilan ang mga luha nagbabadya sa sulok ng kanyang mga mata.“Daddy,angry?” inosente sabi ni Yuna, nakatingin sa mukha ni Manuel na naging kulay pula na.“Of course not my love. Happy lang si Daddy,” nakangiti sabi ni Manuel, hinalikan sa pisngi ang anak niya.Lumipad ang tingin niya roon kay Yza na nanatiling nakatayo ilang dipa lang ang layo nasa pagitan nila.“Thank you,” sabi
“MOMMY, please. Join us with daddy,” pangungulit pa rin sabi ni Yuna.Yumukod siya upang sa gayon ay magpantay sila ng anak niya. “Sorry, sweety but I can't.”Nakikita niya na biglang nalungkot ang itsura ni Yuna. Nagpaskil siya ng mdluwag na ngiti sa kanyang mga labi. “Ganito na lang, ipagluto kita ng favorites pan cake mo, after mong mag swimming may snacks ka na. Okay ba ‘yun?” Saglit nag-isip si Yuna. Pagkuwa’y, “Okay, Mommy,” sabay thumbs up ni Yuna, tuwang-tuwa pa ito. Paborito kasi nito ang pancakes.“Aalis na si Mommy para igawa ka ng pancakes, okay,” aniya medyo ginulo ang basa nitong buhok.Hinakbang niya na ang kanyang mga paa upang talikuran na lamang ang mag-ama. Hindi niya rin pinansin si Manuel na nakatayo lang din ilang dipa lang ang agwat nito mula sa kinatatayuan niya. Hindi niya rin magawang tapunan ito ng tingin. Magkakasala lang siya. Paano ba naman binabalandra ni Manuel sa harapan niya ang mala pandesal nitong abs.Galing pool ay dumiritso na siya roon sa kusina
WARNING-SPG!!! READ YOUR OWN RISK!MULA sa private room, nasa second floor ay nakikita ni Manuel, ang mga grupo na sumasayaw roon sa gitna ng dance floor. Ngunit mas na kaagaw sa pansin niya ang babaeng sumasayaw na nakasuot ng maikling palda at crop tops. Nakalugay rin ang blonde at alon-alon nitong buhok. Tila hindi ito napapagod sa pag-indak ng balakang nito.Hawak niya ang baso na may laman double scotch whiskey. Lumapit si Manuel sa gilid ng tinted wall glass. Upang sa gan’on mapagmasdan niya ng mabuti ang babaeng sumasayaw roon sa gitna ng dance floor.“She’s Yzabelle Marie Calvajar,anak ni Don Franco Calvajar,” ani Travis na nakatayo na rin ito sa kanang bahagi niya. Katulad niya ay may hawak din baso si Travis na may lamang whiskey.Pamilyar sa kay Manuel ang pangalan ni Don Franco Calvajar. Isa rin itong kilalang tao sa mundo ng mga negosyante at alam niya rin na meron itong nag-iisang anak na babae. Ngunit hindi niya pa nakikita ang anak ni Don Franco.“She’s pretty,” komento
“WHAT?! magpapakasal po ako?” Naniningkit ang mga mata ni Yza nakatingin sa ama. “You, hear me right? Magpapakasal ka Yza, sa ayaw o gusto mo!” Matigas na angil ni Franco. Lango na naman ito sa alak.Simula nang mamatay ang ina niya sa sakit na bone cancer ay nalulong na rin ang kanyang ama sa bisyo, katulad na lang ng pagsusugal at paglalasing. Halos pagkain nito ng tatlong beses sa isang araw ay nakakalimutan nito, mas inuuna pa nito ang alak na kadalasan ay ginagawang kape sa umaga.Hindi rin lingid sa kaalaman niya na paunti-unting nalulugi ang kanilang negosyo. May sariling kompanya sila. Her father owned Esso machinery works corp. Esso-one of the leading machine tool accessories manufacturer in the world. Ngunit bumagsak iyon ng naging pabaya na ang kanyang ama.“Did I tell you, Dad. Ayoko magpakasal sa lalaking hindi ko pa nakilala’t nakikita.” Pagmamatigas pa rin niya. Lihim siya napangiwi, she can't imagine the guy is old enough in her age. O mas matanda pa s
MAY NGITI nakapaskil sa mga labi ni Yza nang maalala ang magandang panaginip niya nang nagdaang gabi. Tila totoong-totoo nangyaring may umaangkin sa kanya.Uminat siya ng katawan, habang nanatili pa rin nakapikit ang kanyang mga mata. Ramdam pa rin niya ang pamimigat ng kanyang ulo, dala marahil ng hang over. Naramdaman niya ang bahagyang pagkirot sa gitna ng kanyang mga hita ng tinuwid niya ang kanyang mga binti. Bigla ay tinambol ng kaba ang kanyang dibdib at napuno siya ng takot.Nagmulat ng mga mata si Yza, nagimbal siya sa kanyang natuklasan ng sumalubong sa paningin niya ang hindi pamilyar na lugar. Wala siya sa sariling kuwarto niya. Nasa ibabaw siya ng queen size bed na hubo’t hubad. Hindi isang panaginip ang nangyari sa kanya nang nagdaang gabi, kung di totoong may umangkin sa pagkababae niya. Ang palatandaan ay ang mansta na kulay pula nasa bed sheet. Hilam ng luha ang kanyang mga mata, pinagsisihan niya ang ginawa niya ngunit huli na. Nangyari na ang hindi
NAKAPANGALUMBABA si Yza, habang nakatanaw roon sa labas nitong karinderya. Alas-diyes pa lang ng umaga kaya mangilan-ilan pa lang ang kanilang mga customer na kumakain.“Nagbibilang ka ba ng mga taong dumadaan o hinihintay mo si pogi?” pambubuska ni April na dumaan ito sa tabi niya.Kunwari sumimangot siya.“Nakapangalumbaba lang may hinintay agad?”Huminto si April sa paghakbang ng mga paa nito atsaka pumihit paharap sa kay Yza. May malapad na ngiti nakapaskil sa mga labi nito. Talagang nang-aasar ito.“Pansin ko lang, ilang araw ng hindi naka dayo rito si pogi. Miss mo na siya ano?” Tudyo ni April.Tumayo si Yza mula sa stool na inuupuan niya. “Grabe talaga ‘yang instinct mo, April. Di ko alam na may pagka madam Auring ka na rin pala.” Natatawa niyang sambit, atsaka tinalikuran na ang kaibigan bago pa ito makahirit ng isasagot nito sa kanya.“Saan ka pupunta?”“Nakikita mo naman di ba? Sa kusina,” pang-aalaska niya rito.“Ang sabihin mo, talagang umiiwas ka lang na pag-usap
“Nay, dalhin na kita sa clinic sa gan’on matingnan ka ng Doctor. Lalong lumala ‘yang ubo mo,” may pag-aalala ng sabi ni April.Kasalukuyan silang nagliligpit at naglilinis sa loob ng karinderya. Maaga sila nagsara dahil sa maaga rin naubos ang mga pagkain ni luto ni Aling Lucing. Mag-alas singko pa lang ng hapon. “Huwag na, gastos lang iyan.” Tanggi agad ni Aling Lucing na pinagpatuloy nito ang pagkwenta ng kinita nila ngayong araw na ‘to.“Nay lalong lumalala kasi ‘yang ubo mo,” giit pa rin ni April.Tumigil si Yza sa paghuhugas ng mga plato, marinig niya ang pag-uusap ng mag-inang Aling Lucing at April. Lumabas siya mula rito sa loob ng kusina.“Tiya Lucing, tama naman po si April. Kailangan mo nang magpa-check up sa Doctor,” nababahala na rin siya sa ubo ng butihing Ginang. Sa tuwing inaatake ito ng ubo ay tila kating-kati ang lalamunan nito. Napansin niya rin na nangangayat na rin si Aling Lucing simula ng atakihin ito ng ubo.“Mamaya, iinom ko lang ito ng calam