"Aahh!! Help me!" malakas kong sigaw habang inihaharang ko ang aking mga braso sa aking mukha para maprotektahan ko ang mukha sa mga nagliliparang basag na bahagi ng salamin nang aking kotse. Wala akong tigil sa kakasigaw nang bigla akong matigilan. Tila walang nakakapa ang mga kamay ko at hindi na rin umiikot ang pakiramdam ko. Nagtaka ako kung bakit hindi ko na maramdaman ang sakit ng ulo ko na dulot ng pagkakauntog sa gilid na salamin ng aking kotse.
Anong nangyayari? Bakit tila ayos lang ang pakiramdam ko? naguguluhan kong tanong sa aking isip. Para masagot ko ang aking tanong ay dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. At ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang matuklasan kong wala na ako sa loob ng aking kotse kundi nasa isang lugar na pawang kaputian lamang ang aking nakikita. At hindi na ako nakaupo kundi nakahiga sa isang puting sahig.
"Where Am I?" sambit ko. Agad akong tumayo sa pagkakahiga at mabilis na nagpalinga-linga sa aking paligid. Wala man lang akong nakikita na kahit isang tao sa paligid ko na maaari kong mapagtanungan kung nasaan ako.
"Farina..."
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang tinig na iyon ng isang lalaki. Nagpalinga-linga ako sa paligid para alamin kung nasaan siya ngunit wala naman akong nakitang tao sa paligid ko.
"Sino ka? Nasaan ka? Nasaan ako? At paano ako napunta sa lugar na ito?" magkakasunud-sunod kong tanong sa lalaking hindi ko nakikita at tanging boses lamang ang aking naririnig.
"Nandito ka sa pagitan ng buhay at kamatayan," sagot ng mahiwagang tinig.
"Buhay at kamatayan? Ibig mong sabihin ay patay na ako? Namatay ba ako sa aksidente?" hindi makapaniwalang tanong ko. Hindi. Hindi ako puwedeng mamatay agad. I'm only twenty-four years old. I'm too young to die. At saka may isang bagay pa ako na hindi ko pa natatapos gawin. Ang bagay na iyon ay sobrang napakahalaga sa akin.
"Oo at hindi. Patay na buhay. Dahil namatay ka sa aksidente ngunit buhay pa ang kaluluwa at hindi ka pa maaaring umakyat sa langit."
Naguluhan ako sa kanyang sinabi. Buhay ako ngunit patay na? Anong ibig niyang sabihin?
"Can you please explain it to me? I don't understand. Paanong hindi pa ako maaaring umakyat sa langit? Meaning, I can go back to my human body?" tanong ko. Gusto kong maintindihan ang lahat ng mga sinasabi mahiwagang tinig.
"Makinig ka dahil isang beses ko lamang ito sasabihin sa'yo, Farina. Namatay ka sa aksidente isang buwan na ang nakalilipas. Ngunit hindi mo pa oras kaya ibabalik kita sa mundo ng mga buhay. Pero dahil naging abo na ang katawang lupa mo ay sa ibang katawan ka mabubuhay hanggang sa araw ng iyong kamatayan."
"Isang buwan? Paano nangyaā" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil bigla akong bumulusok paibaba na tila ba nahuhulog ako sa isang napakataas na building. Tuluy-tuloy ako sa pagbulusok at hindi ko alam kung hanggang kailan ako bubulusok.
***
Isang mahabang paghugot ng hininga ang ginawa ko kasabay ng pagmulat ng aking mga mata. Uhaw na uhaw ang pakiramdam ko na para bang tumakbo ako sa isang napakalayong running marathon.
"Feelin! Diyos ko maraming salamat at gising ka na, anak ko!" umiiyak na sabi ng may edad na babaeng nasa tabi ko pagmulat ng aking mga mata. Gusto ko siyang itulak nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit ngunit nanghihina ang aking katawan at uhaw na uhaw ako. Kaya sa halip na usisahin ko kung sino ang may edad na babaeng nakayakap sa akin at kung bakit tinawag niya ako sa pangalang Feelin gayong hindi naman iyon ang pangalan ko ay tubig ang kaagad na namutawi sa aking mga labi.
"Water. I need water, Please, give me water," mahina ang boses na pakiusap ko sa kanya.
"Tubig? Oo. Sandali lang at tatawagin ko ang doktor. Kukuha rin ako ng tubig," natatarantang sabi niya sa akin. Nagmamadaling lumabas siya sa kuwartong hula ko ay isa sa mga kuwarto sa loob ng ospital. Pagbalik nito ay may kasama na itong doktor at isang baso ng malamig na tubig na agad niyang ipinainom sa akin.
Sinaid ko ang laman ng baso. Hindi ko alam kung bakit uhaw na uhaw ako. Kaagad namang napawi ang uhaw na nararamdaman ko matapos kong maubos ang isang basong tubig. Pagkatapos ay sinuri na ako ng doktor. Inilawan ang aking mga mata pati ang aking lalamunan.
"Kamusta na ang pakiramdam mo, Feelin? May masakit ka bang nararamdaman?" nakangiting tanong sa akin ng doktor.
That name again. The doctor is the second person who called me the name of Feelin. Who is Feelin? Gusto ko silang tanungin kung bakit nila ako tinatawag sa ibang pangalan. Ngunit nanghihina pa ako at hindi ko pa kayang magsalita ng matagal kaya nanahimik na lamang ako. Mayamaya lamang ay biglang namigat ang mga talukap ko hanggang sa tuluyan akong nakatulog muli.
Nang muli akong magising ay mas maayos na ang pakiramdam ko. Kahit paano ay hindi na ako masyadong nanghihina katulad nang una akong magising. At katulad din nang una akong magising ay nasa tabi ko pa rin ang may edad na babaeng una kong nakita pagmulat ko ng mga mata kanina.
"Kumusta na ang pakiramdam mo, anak? Nagugutom ka na ba?," magkasunod nitong sa akin. "Ang sabi ng doktor ay wala namang masyadong pinsala na tinamo ang katawan mo maliban sa sugat mo sa noo. At himala nga raw na nakaligtas ka sa nangyaring aksidente."
"Anak? Bakit mo ako tinawag na anak? Who are you? And why did you called me Feelin when I first woke up? My name is not Feelin but Farina," Finally, nasabi ko na rin sa kanya ang nais kong itanong kanina pa.
Halatadong nabigla ang babaeng may edad sa itinanong ko. Bigla kasing nanlaki ang mga mata nito at pagkatapos ay tila maiiyak na nagtanong sa akin.
"H-hindi mo a-ako nakikilala? A-ako ang iyong Mama. At ikaw ang anak k-kong si Feelin," gumagaralgal ang boses na sabi niya sa akin.
Napanganga ako nang marinig ko ang sinabi niya. Since when did I have a mother? Lumaki ako sa bahay-ampunan dahil iniwan ako roon ng aking ina. Iyon ang sabi sa akin ng madre na siyang nagpalaki sa akin. I was fifteen years old when my grandfather adopted me. Wala na kasing pamilya si Don Manolo Solomon kaya ipinasyang mag-ampon ng bata sa bahay-ampunan kung saan ako nakatira. Wala naman itong apo dahil ito nagkaroon ng asawa matapos mabigo sa unang pag-ibig. Itinutok na lamang nito ang buong atensiyon sa pagpapayaman. Isinunod ni Don Manolo sa apelyido niya ang apelyido ko kaya Solomon ang gamit kong apelyido ngayon.
Bilang nag-iisang apo niya ay sa akin niya ipinamana ang lahat ng kanyang mga ariarian. Kaya mabubuhay ako sa karangyaan kahit hindi na ako magpakahirap pa sa pagtatrabaho. But I do modelling. Nagustuhan ko kasi ang napanuod ko sa cable tv na mga babaeng rumarampa at nagmomodelo ng mga damit kaya ako naging ramp model.
Nang mamatay ang adopted grandfather ko four years ago ay nasanay akong mag-isa. I don't have parents but I have a lot of friends. Pero masaya pa rin ako dahil may boyfriend akong mapagmahal at maaruga. Kaya wala man akong pamilya ay masaya pa rin ako. Ngunit bakit sa isang iglap ay may magki-claim na ina ko siya? I don't have a mother.
"Baka nagkakamali lang po kayo, Ale. Wala na po akong nanay dahil matagal na siyang patay."
Magmula kasi nang iwan ako ng nanay ko sa bahay-ampunan noong baby pa ako ay itinuring ko nang patay kung sino man amg nagluwal sa akin.
"Feelin, ano ba ang nangyayari sa'yo? Bakit hindi mo ako maalala?" tuluyan na itong napaiyak sa tabi ko.
"I am not Feelin. My name is Farina," muli kong pakilala sa kanya sa pangalan ko. "Mukha ba ng anak mo ang nakikita mo kung kaya't tinatawag mo akong Feelin?"
Sa halip na sagutin ang tanong ko ay tumayo ang may edad na babae sa kanyang kinauupuan at saglit na pumasok sa loob ng banyo. Paglabas ay may dala na itong kuwadradong salamin na hindi naman gaanong kalakihan. Hindi siya nagsalita't basta na lamang iniabot sa akin ang salamin. Nagtatakang tinanggap ko ang salamin at tiningnan ang sarili. Kasabay ng panlalaki ng aking mga mata ay ang pagkawala ng malakas na tili sa aking lalamunan nang makita kong hindi ang aking mukha ang nakikita ko sa harapan ng salamin kundi mukha ng ibang tao.
"Nandito ka sa loob ng ospital kaya puwede bang tumahimik ka?" ang mariing saway sa aking ng isang guwapo at matangkad na lalaking bigla na lamang pumasok sa loob ng kuwartong kinaroroonan ko. Napahinto ako sa pagtili at napatingin sa kanya ang aking nagtatanong na mga mata.
"Who are you?" malakas kong tanong.
Tiningnan muna ako ng masama ng lalaki bago mariin niyang sinagot ang tanong ko. " I am your husband. Don't you remember me?"
Ang dalawang pangungusap na lumabas sa bibig ng lalaking bagong dating ay tila bumingi sa akin. Ako? May asawa na? At asawa ko ang lalaking kaharap ko ngayon?"Iiwan ko muna kayo para makapag-usap kayong mag-asawa. Bibili lang ako ng pagkain ni Feelin, Rafael," mataktikang paalam ng babaeng nagsasabi na kanyang ina. Or maybe it's true, but not her mother but the mother of this woman's body."Ano ang sabi mo sa akin? You are my husband?" tanong ko sa lalaki nang makalabas na ang mama ng babaeng nagmamay-ari ng katawang nakita ko sa salamin."Wala na ang mama mo kaya puwede bang huwag ka nang magpanggap," naiiritang pahayag nito. Mukhang hindi ito masaya na nagising siya, este, iyong babaeng nagmamay-ari pala ng kanyang katawan. Nang tinangka siyang lapitan ng lalaki ay bigla siyang napatili."Huwag kang lalapit sa akin dahil kung hindi ay sisigaw ako ng malakas," nata
Hindi ako makapaniwala. Talagang ipinagtulakan ako ni Rafael palabas ng bahay niya. Ang sama naman ng ugali nang asawa ni Feelin. Hindi naman niya kailangang ipagtulakan pa ako palabas dahil talagang aalis naman ako sa bahay niya kahit hindi niya sabihin. Hindi ako si Feelin kaya bakit pa ako mananatili sa bahay ni Rafael? Pero sa halip na palayasin ako sa bahay niya ay bakit hindi na lang siya pumayag na makipag-divorce sa akin? Dapat pa nga ay matuwa siya dahil nakikipaghiwalay ako sa kanya. Mulha namang wala siyang pag-ibig sa kanyang asawa kaya bakit hindi siya pumayag na makipag-divorce sa akin?Sa halip na pakaisipin ko ang dahilan kung bakit hindi pumayag na makipag-divorce sa akin si Rafael ay nagpasya akong puntahan sa condo nito si Ted. Ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat ng mga nangyari sa akin. Sasabihin ko sa kanya ang mga pinag-usapan namin na tanging kami lamang ang nakakaalam. Tiyak na maniniwala siya sa akin kapag narinig niya ang mga sasabihin ko. Pero teka
Masakit na masakit ang dibdib ko dahil sa natuklasan kong panloloko sa akin ng dalawang taong itinuring ko na siyang pinakamalapit sa akin. Wala akong kaalam-alam na isinusuka na pala ako ni Ted. Na habang ginagawa namin ang ginagawa ng mga mag-asawa ay ibang babae pala ang iniisip niyang kasiping. At ang matalik ko pang kaibigan. Nagsisisi ako kung bakit ipinagkatiwala ko pa sa kanya ang aking sarili. Kung bakit ko pa siya nakilala at minahal.Dahil sa sakit ng dibdib ay ipinasya kong magtungo sa isang bar. Gusto kong magpakalunod sa alak. Gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak para kahit paano ay pansamantala kong makalimutan ang sakit na dulot ng mga natuklasan ko."Miss, saan ang punta mo?" tanong sa akin ng driver na puno ng pagtataka ang mukha. Marahil ay nagtataka ito kung bakit siya umiiyak."Dalhin mo ako sa pinakamalapit na bar," sagot ko habang sumisinghot."Sa tingin ko ay dapat na umuwi ka na
Ang sakit ng ulo nang magising ako. Ito na yata ang tinatawag na hangover. Naparami kasi ako ng inom kagabi kaya parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. Although I drinks alcohol but I seldom got drunk. Patikim-tikim lamang kasi kung uminom ako ng alak kaya hindi ko naranasang malasing talaga at magka-hangover. Ngayon lang.Akmang babangon na ako sa kinahihigaan ko nang ma-realized kong nasa loob ako ng kuwarto ng bahay ni Rafael. Biglang napakunot ang aking noo. I don't remember that I came home after I got drunk. So how did I came here?"Mabuti at gising ka na, Feelin," sabi ni Rafael na biglang pumasok sa nakabukas palang pintuan. Seryoso ang anyo na iniabot niya sa akin ang isang tableta at isang basong tubig. "Heto ang gamot. Inumin mo para mawala ang hangover mo."Akmang ibubuka ko na sana ang bibig ko para magsalita nang maramdaman ko ang paghilab ng aking sikmura. Agad
"Can you repeat what you just said?" tila nabingi kong tanongĀ sa kanya. Sa tingin ko ay imposibleng magahasa si Rafael ni Feelin. Ang laki nitong lalaki at isa pa itong pulis. Kaya malamang ay binibiro niya lamang ako."You heard what I said so I will not repeat it again," tugon niya sa akin sa seryosong anyo."It's ridiculous! How can rape a strong man and also a police like you?" bulalas ko nang makita na mukhang nagsasabi siya ng totoo. "Yes, it's ridiculous. But you did. And it's a shame once the people know that a police captain like me was raped by spoiled woman like you. People will laugh at me that's why I choose to marry you," hindi humihiwalay sa akin ang mga paningin na sa sagot niya.Ilang beses akong napakurap-kurap habnag nakatingin sa mukha niya. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ni Feelin ang bagay na 'yon dahil sa sobrang pagmamahal nito kay Rafael. At kahit hindi naman ako gumahasa sa ka
Kinakabahan ako habang papasok ako sa condo kung saan narito ang aking condo unit. Baka kasi hindi ako papasukin ng guard dahil hindi naman ako nakatira rito, I mean, si Feelin pala. Mas mahigpit ang guard ng condo ko kaysa sa tinitirahang condo ni Ted. Sabagay, mas mahal kasi ang condo na tinitirahan ko kaysa kay Ted kaya siguro ganoon. Abot-abot ang dasal ko na sanay ay hindi ako mapansin ng guard lalo pa at may mga kinakausap itong customers. Kapag sinita niya ako at hindi pinapasok ay tiyak na sa isang mumurahing apartelle ako ngayon matutulog. Mabuti na lamang at hindi ko kinalimutang dalhin ang pera na pinagbentahan ko ng wedding ring ni Feelin. Sorry na lang Feelin at ibinenta ko ang wedding ring mo. Gipit lang talaga ako at saka ikaw lang naman ang nagpapahalaga sa pagsasama ninyong dalawa. Ganoon talaga siguro kapag pinikot mo lang ang asawa mo. "Sandali lang, Miss!" malakas n
Paano nangyaring nandito ang pangalan ni Feelin? At nakasulat na talagang sa kanya ko nga iniiwan ang lahat ng mga pag-aari ko pati na ang condo na ito sakali mang may masamang mangyari sa akin. At kapag may masamang mangyari naman kay Feelin ay saka pa lamang mapupunta kay Ted ang mga pag-aari ko. Lihim akong napangiwi sa huling nabasa ko. Bakit ko ba isinulat pa ito? Para ko na ring sinabi kay Ted na patayin niya si Feelin para mapunta dito ang lahat ng mga pag-aari ko. Pero hindi bali na. Sa ibang araw ko na lamang iisipin ito. Ang mahalaga ngayon ay ako ang mananalo sa aming dalawa ni Ted. Hindi ako mapapalayas sa condo ko dahil may katibayan na akong hawak na pirmado pa ng isang abogado na siyempre'y kilala ko dahil siya ang aking abogado."O bakit hindi ka na nakagalaw diyan? Ano iyang mga papeles na binabasa mo?" tanong ni Ted sa akin. Tila nainip na siya sa paghihintay sa akin kaya nilapitan na niya ako at pahablot na kinuha sa akin ang mga
Biglang naningkit ang mga mata ni Rafael nang marinig ang mabilis kong pagpayag sa alok niya. Siyempre, bakit naman hindi ako papayag kung kapalit ng pag-arte ko bilang loving wife sa harap ng pamilya niya ay ang aking kalayaan?"Inuulit ko. You are my loving wife. Alam ng family ko kung gaano ako kamahal ni Feelin kakaya kapag malamig ang pakikitungo mo sa akin at tila ba gusto mong tumakbo kapag nasa harapan ako ay tiyak na makakahalata sila," nakasimangot na paalala niya sa akin. I just rolled my eyeballs. Kung hindi ko lamang alam na pinikot lamang siya ni Feelin ay iisipin kong may gusto siya sa asawa niya."Rafael, I miss you. I love you, Rafael," malambing kong sabi sa kanya pagkatapos ay niyakap ko siya ng mahigpit. Ramdam ko ang paninigas ng kanyang katawan na tila ba ngayon lang siya nayakap ng isang babae. Hindi ba siya niyayakap ni Mitzy? B