Share

KABANATA 4

                                        THE BEAUTIFUL STALKER

Lacey's Pov

Hiyang hiya ako sa nangyari kanina pero expected ko naman na iyon. I know magiging ganun ang pakikitungo niya sa akin. I just did what Shaira had suggested me to do. Hindi ko pa naranasan ang gawin ang ganung bagay sa boung buhay ko. Nakakaawa pala sa pakiramdam. Naisip ko tuloy ganun din kaya ang nararamdaman ng mga lalaking habol ng habol sa akin pero di ko man lang pinapansin? Pero lalaki naman sila, hindi naman siguro nakakabawas sa kanilang pagkalalaki ang rejections maliban na lang siguro kung lagi lagi na lang.

Tinanaw ko ang oras. Naku po, mag aalas onse na pala ng gabi pero di pa ako tulog. Kanina pa ako nakahiga pero hindi ko nagawang makatulog. Kinuha ko ang cellphone ko sa bedside table. Tiningnan ko yung f******k account ko. Ang daming notifications lalo na dun sa friend request.

Ano kaya ang f******k account ni Kurt? Noon ko pa talagang sinubukan na hanapin pero wala ako mahanap. Naka private kaya? Imposible naman ‘ata.  O di kaya’y naka block ako? Kasi kahit dun sa mga common friends di ko siya makita talaga. Kahit pa nga dun kay Sheena, yung pinsan nya na kaklase ko.

God! Ano kaya ang next move ko? Hindi ako susuko nang walang mangyayari sa amin this year. Ahhh bahala na. Let’s just cross the bridge when we get there, 'ika nga.

Kinaumagahan ay nilapitan ako ni Shai sa canteen. Hindi ako nakapag-agahan kanina kaya doon na ako nag breakfast. Mukhang masarap at malinis naman ang mga pagkain. Iyon naman talaga ang importante sa akin. Hindi ako mapili kahit pa sabihin ng iba na maarte ako. Nakasanayan ko na mula nung naging magkaibigan kami ni Shai. Isa iyon sa natutunan ko sa kanya.

“Hoy gurl, may narinig ako!” simula nito habang ngumunguya sa burger na kinain .

“What should I expect?” sagot ko na nagkibit balikat.

“Good job! Akalain mo nga naman ambilis pa ni “The Flash’ yung mga the moves mo? Sus, kung ako si Kurt sasagutin na kita para kasalan na agad.” Natatawang sambit nito.

“Eh di naman ikaw si Kurt”.

“Talking of the devil,” Sabi nito sabay nguso sa likod ko.

Bahagya akong lumingon. Nakita ko ang grupo nina Kurt sa di malayuan na kararating lang. Abala sila sa pag-aayos ng kanilang mga upuan. Araw araw kaya silang nandito? kung ganun, dadalasan ko na pala ang pagpunta rito.

Pa simple akong lumipat ako ng puwesto. Gusto ko yung natatanaw ko siya mula sa aking upuan. Mukha namang naintindihan ni Shai ang ginawa ko. Kitang kita ko kung paano nakikitungo si Kurt sa mga kaibigan niya. Nagtatawanan ang mga ito, mukhang masaya ang usapan. Hindi ko nililipat ang tingin ko sa bandang kinaroroonan nila. Hanggang sa tiningnan ako ng isa sa mga kasamahan niya. Palipat lipat ang tingin niya kay Kurt at sa akin. Parang may sinabi siya kay Kurt na hudyat kung bakit napasulyap si Kurt sa banda namin. Pagkalingon nito’y, itinaas ko ng bahagya ang aking kanang kamay at sumenyas ng isang ‘hi’ pero Deadma.

Nagkatinginan kami ni Shai. Makikita ko ang sobrang inis sa mukha ng kaibigan ko.

“Suplado! kala kung sino! hmmp,” inis na sambit ni Shai.

“Di naman, baka wala lang sa mood, baka dinatnan ng buwanang period?” pabiro kong sagot sabay lingon ko uli sa mga ito.

“Naku, pinagtatanggol mo pa ‘yang impatiko na yan at pag di ako makapigil ay susugurin ko ipapakita ko sa kanya ang listahan ng mga manliligaw mo, aba! Ano? Game?” akma itong tumayo.

“Hoy buang, mag relax ka nga.  I will play his game. You’ll see” tiyak na sabi ko kay Shai para kumalma ito.

Dumating si Carl. Isa sa pinakamasugid kong manliligaw. Matagal na itong nanliligaw sa akin but I already told him na kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Palibhasa kasi matagal na rin magkasosyo ang mga parents namin sa negosyo.

“What’s up? dito lang pala kayo,” umupo ito sa tabi ko. Sa lakas ng boses nito tiniyak kong pinagtitinginan ito ng mga taong kumakain doon. Well, bukod sa sikat ito ay Mvp kaya ito sa basketball at twice in a row pa. kaya medyo sagana sa yabang ‘tong kumag na to.

“Ba’t ka andito?” tanong ko kay Carl.

“Bakit bawal ba? may magagalit?” sabi nito na tumitingin sa banda nina Kurt.

“Hindi naman, slight lang.” si Shai ang sumagot.

“Hindi ka naman nagpupunta rito, ah” baling ni Carl sa akin.

“So, ano naman? bawal ba? May magagalit?” ulit ko sa sinabi nito kanina.

Kinurot nito ang pisngi ko. “Sobrang ganda mo talaga pag ginagalit.” Gigil na sabi nito.

“Sobrang ganda nga para maging stalker” baliwalang sabi ni Shai at sinadya talaga itong lakasan ang boses.

“Sinong stalker?” takang tanong ni Carl kay Shai.

Tumingin ako sa grupo nina Kurt. Tiniyak ko kung narinig ba nila ang sinabi ni Shai.Mukhang patapos na ang mga ito. Ewan ko kung naririnig ba nila ang usapan namin sa sobrang ingay ng dalawa kong kasamahan.

Iniisip ko kung ano naman ang susunod kong gagawin. Medyo nahihirapan ako. Ah, alam ko na. Kakaibiganin ko kaya si Sheena? Wow, magandang ideya yun, ah. Alam kong ilag si Sheena sa akin. Siguro na rin dahil pinsan niya si Kurt.

“Tapos ka na? let’s go?” tanong ni Shai sa akin.

“Sige, tara.” Tumayo na ako. “Ikaw, saan ka pa?” baling ko kay Carl.

“After you, ladies,” sabi sabay lahad ng kamay sa daanan.

Ayaw ko pa sana. Kaso atat na atat na ata itong si Shai umalis. Siya pa itong nag mungkahi na gawan ko na ng paraan para magkalapit kami ni Kurt, siya pa itong ayaw sumuporta.

Nadaanan namin ang mesa nina Kurt. Tumingin naman ang ibang kasamahan niya sa akin. Binigyan ko ang mga ito ng napakatamis kong ngiti pero umiiwas lang ang mga ito ng tingin. Ano kaya ang sabi ni Kurt sa mga ito? Binabalaan ba niya ito na huwag rin akong pansinin? Kung di lang talaga sila kaibigan nito ay matagal na itong nakakatikim ng insulto mula sa akin. Aba, sa ganda kong ito ayaw rin nila sa akin?

“Tara na nga, malapit na yata ang oras,” dinig ko pa ring sabi ni Sheena sa mga kasamahan. Kung nagsitayuan na ang mga ito ay malamang magkasunod lang sila sa amin kaya binagalan ko ang lakad ko. Napansin kong di pantay ang pagka ayos ng sirentas  ng isa ng mga sapatos ko kaya yumuko ako para ayusin sana nang may nabangga ako sa likod.

“Oops! Sorry” si Kurt.

Napatayo ako kaagad. Gulat na gulat ako. Akalain ko nga ba naman na uubra pala ang ginawa ko. Di ko naman yata sinasadya yun. Nakita kong bumalik si Shai at Carl sa banda ko.

“Sorry din,” di ko nakilala ang sarili kong boses.

“Great job!” sarkastikong sabi nito at tumingin sa sapatos ko para tiyakin kung wala ba talaga ito sa ayos.

Kita mo? mukhang di naman ako nagkukunwari, wala naman talaga sa ayos ah! 

Umalis na agad ang mga ito palabas ng canteen. Ayaw yatang mas humaba pa ang usapan o baka nga nagmadadali na rin sila.

Tiningnan ako ng may halong panghuhusga ni Shai. Binalewala ko na at hinila ko na siya paalis.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status