Share

KABANATA 3

                                                     WISE GUESS

Kurt’s POV

Malalim na ang gabi. I could hardly sleep. Di ako dinalaw ng antok. Inaalala ko ang nangyari sa room kanina. Yung babae na yun talaga ang una kong nakita pagpasok ko na tila nakatingin sa pintuan at wala sa sarili.

Lavender Lacey del Cielo.

Sino ba naman ang taong di makakilala sa kanya? Even her name screams perfection. Her sweet soft little face. Her submissive looks pero tila inosente pa ring tingnan. Maraming nabibighani sa mata nito. Yung matang tila laging nangungusap lalo sa paraan ng pagtitig nito na kung iyong titigan ng maigi  ay mas lalong maging malinaw ang kulay , almond-brown. Its shape is symmetrical. Everyone thinks that her eyes are her best asset. Yet, her intolerable tantrums irritate me to death. The way she dresses up. God! kulang na lang ay makitaan mo na halos wala ng saplot. Hindi ba ito nagawang pagsabihan ng parents nya? The fact that her family belongs to a very prominent family. Nasasakop sa mga successful business tycoons.

I have known from such hearsays na wala daw itong halong kaartihan. ‘Ika nga simple daw. Mahirap yata paniwalaan. Sa pagdadala nga lang ng sarili nito’y matatawag pa bang walang kaartihan yon? Nalalaman ko lang naman to galling kay Jex at Lester na tila sa dami ng nalalaman tungkol kay Lacey ay daig pang mga tsismosong kapitbahay sa amin. Lagi daw nila itong natatagpuan na kumakaing walang pandidiri sa gilid ng university kasama si Shai. Sabagay, laking hirap si Shai malamang na influence lang ito. Peru bakit parang deep inside I have the urge na makikita mismo ng dalawang mata ko?

Hindi ako manhid at bulag para di malaman ang mga paraang pagtitig nya sa akin kahit saan. Di man nya nahalata pero nakikita ko siya sa bawat gilid ng aking mga mata. And I just fight the longing to look back. Mahirap na.

Wala man siyang sinabi pero pinahalata nya sa boung university ang obsession nya sa akin. Hoping na papatusin ko bawat simpleng motibo nya. Damn! How can she afford to look so possessive and yet innocent at the same time? And shit! It suits her. Flawlessly. Thinking of the idea of how the beautiful Lacey is madly crazy about me. Great! I kinda pissed off!  Kasi, I tried to deject the thought of it but her presence made me wishing to ask her, why me?

Seriously I hate it. It’s a long story. Starting with how I once lost my father because of a selfish rich bitch woman na nagtagumpay na agawin sa amin ang father ko. That still pained me a lot until now. At naalala ko siya sa katauhan ni Lacey. Plus the point na I don’t tolerate such a rich spoiled girl like her. Nasa ganun akong katinuan na biglang tumunog ang cell phone ko.

One message received. Unknown number. Kanino kaya galling to?

“Hi, Di ako makatulog. Iniisip kita.

Syempre gulat na gulat ako. Ang masaklap pa’y di ko maiintindihan kung bakit sa pagkakataong ito ay iisang pangalan lang ang pumasok sa isipan ko. Si Lacey.

Napahiga ako sa kama, sasagutin ko ba o balewalain ko? Tinitigan ko phone ko ng matagal.Napakatagal na tila isa itong specimen na kailangan kog pag-aralang maigi.

Dagli akong napabalikwas ng bangon at dinampot ang cellphone ko sa kama na di mawari kung ngingiti oh mabwebwesit.

My heart flushed. I didn’t like how it happened all of a sudden. Kalalaki kong tao ba’t Kinikilig akong bigla. Bakit? Kasasabi ko lang na di ko sya papatulan. ‘You mean di papatulan di mo sinabing di ka attracted sa kanya’. Pagtatalo tuloy ng utak ko. Haha.

Na papraning ako sa text. At hindi yun simpleng text. It was a simple declaration. Natagpuan ko ang sarili kong daling nagtipa ng sagot sa kanya.

Better sleep, Lacey”.

Sent.

Ilang segundo lang ay tumunog agad cp ko.

How did u know it’s me?

Nagtatanong pa ha.

“Wise guess”.

Sent.

One message received.

“You’re impossible. Siguro nga’y mali ako sa akalang di mo ako napapansin eh.’

I was caught off guard. I switch one corner of my mouth upward habang binasa ang message nang tumunog na naman cellphone ko.

One message received.

I cud see you smirk ’” Ang text.

“Pano mo nalaman?’

Sent.

Babangon sana ako nang Nakita ko reply nya.

“Wise guess as well ”.

At dahil dun ang lakas ng tawa ko. Hinilot ko kunti ang sentido ko. I feel like I am losing my brain. What do you want from me, Lacey?

                                                   

*******

                                            

Dali dali akong naghanda sa sarili papuntang school. Crap! Di ako masyadong nakatulog kagabi. Di mawaglit waglit sa isip ko kung paano nakuha ni Lacey ang number ko. I think of how possible it was for her to be so aggressive para makuha yon. O baka nga ipinagkanulo ako sa isa sa mga tropa ko ng lingid sa aking kaalaman. Pinagtritripan ha? Makakatikim talaga sa akin ang mga iyon basta mapapatunayan kong pinagkatuwaan nilang binigay ag number ko kay Lacey.May pa morning greetings pang nalalaman sa text pag gising ko kanina. Pakiramdam ko tuloy parang naging iba ang gising ko ngayon? Sana naman hindi.

This is gonna be difficult. No, wala lang ito. Nakasalubong ko si Mama pagbaba ko sa hagdan.

“Di ka kakain nak?" anito.

“Di na siguro, Ma"

“Naku baka magkasakit ka nyan?”

“Sa school na lang siguro, Ma” sagot ko.

Mabilis na akong lumabas patungo sa motorbike ko. Ito ang gamit ko papuntang school araw araw. Mabilis at convenient kasi. Kumbaga best buddy ko na ito mula noon pa man.

“May allowance ka pa ba d'yan?’ habol ni mama sa labas.

“No worries, Ma” sagot ko sabay kaway senyales na paalis na ako.

Kahit kailan talaga si mama mula nung iniwan kami ng papa ko ay lahat lahat ng attensyon nakatuon na sa akin. Ayaw na ayaw yata nitong mapariwara at maging katulad ng tatay ko kahit busy ito sa pagtrarabaho bilang public attorney sa PAO office sa Makati.

Malapit lang naman ang pinapasukan kong Unibersidad.Isa ito sa pinaka sikat na unibersidad sa Quezon City. Ang Ateneo de Manila University.

Pagdating sa school ay dumerecho akong school canteen. May 30 minutes pa naman so napagdesisyunan kong kumain muna. As usual natagpuan ko na doon ag mga kaibigan ko sa paborito naming lamesa habang nag o-order ako ng breakfast. Rice toppings at veggie salad ang usual breakfast ko pag sa school ako nakain.  Sumabay na rin ako sa kanila pagkatapos kong binayaran ang order ko sa cashier. Anim lang kami sa barkada. Si Sheena na first-degree cousin ko at classmate ni Lacey sa Architecture.

Si Jex, Lester, Omar at Leonard na mga kapwa engineering students. Matagal na rin kaming magkakasama mula nung first year. Kaya kilalang kilala ko na ang laman ng mga bituka ng mga ito. Iiisa lang din ang hilig namin. Musika.

“By the way, may tanong ako.” simula ko nang naupo na.

“Shoot.” ni Omar.

“Sino sa inyo ang nagbigay ng number ko kay ano, kay ahh” di ko masabi sabi ang pangalan ni Lacey.

“kay nino? kay Lacey?” si Sheena.

“Yeah, exactly.” pinilit kong maging casual ang dating. Ba’t mo natukoy? Ikaw ba?” giit ko.

“Wala akong binigay, promise!” tumayo nito sabay taas sa kanang kamay na tila nanunumpa, “Mamatay man ang professor nating bakla” dagdag pa.

Napailing iling ang apat na akala moy iniimbestigahan sa disciplinary office nagtataka ang mga mukha na nagkukunwaring walang kinalaman.

“Okay, sabi nyo eh” ani kong ‘ndi nakumbinsi sa mga ito.

“Ibig sabihin ba pati sa cellphone ginugulo ng babaeng yan ang isip mo este ang buhay mo?” Patawang sabi ni Jex.

“Patay tayo dyan, tol!” si Lester.

“Matinding iwasan pala yan kung ganun?” si Leonard na pinilit huwag matawa.

“Aba may magandang stalker si ‘insan ko.” biro ni Sheena.

Alam kong iniinis ako ng mga to. Palibhasa kasi alam nilang di ako mahilig sa text. Kahit nga din sa f******k ay hindi rin ako masyado mahilig.

“Anong sabi sa text tol? Pabasa naman.” malakas na sabi ni Jex na siyang dahilan na pinagtitinginan kami ng ibang mga estudyante sa canteen.

“Hinaan mo boses mo, hoy! kahit kailan ka!” baling ko kay Jex.

“Pengeng number tol.” bulalas ni Omar.

“Ako din.” dagdag ni Lester.

“Mga gago!! Dalian nyo d’yan at magsimula na first class natin.”

Tumayo ako at di ko na pinatulan ang paghingi ng mga number ng mga to. Baka mahalata nilang wala akong balak ibigay sa kanila ang numero ng babaing ang syang dahilan kung bakit may napakaagang interrorigation na nangyari sa amin.

 Dali dali kaming pumunta sa room namin ng nakita ko si Lacey na tila may inaabangan. Good Lord! Ito na siya. Sinisimulan mo na ba ang paglalaro sa akin, gaya ng ginawa mo sa ibang lalaki?  Okay, smart move, Lacey! I can deal with it!

Nakatayo lang siya sa may pintuan sa gilid ng pasilyo. Pilit kong iniwaksi sa isipan na ako talaga ang sadya nito. Kabadong kabado ako nang palakad na ako malapit sa kinaroronan niya. Di ko lang pinahalata.Dapat hindi ko naman talaga mararamdaman ang ganitong kaba.

“Hi,” derechong sabi nitong nakangiti.

Pasimple ko siyang binalingan.

“What?” iritado kong tanong. Iritado kasi di ko malaman kung ano ang dapat na mararamdaman. Ito ang unang beses na kinausap niya ako.

“Tungkol dun sa text, gusto kong…

“Look, I don’t like you, ok? so stop this!” deretsahan kong sabi na hindi man lang siya pinatapos sa sinasabi niya.

Hindi man lang ito nagulat sa sinabi ko. Sa halip ay tumingin lang ito na sa akin na tila okay lang sa kanya ang narinig at hindi siya naapektuhan. Ang galing siguro nito sa mga ganitong bagay, ano.

Alam kong pinagtitinginan na kami ng mga kaklase ko sa loob.

“Kurt, yaan mo na yan, tara” sabi ni katarina sa may pintuan na isa sa mga kasundo ko sa klase. Tiningan ito ng pasimple si Lacey. 

Iniwan ko agad si Lacey ng walang paalam sa labas. Gusto kong ipakita sa kanya na hindi uubra ang mga tactics niya sa akin. Nang makaupo na ako sa upuan ay di ko na pinansin ang mga panunuya sa akin ng mga kaibigan ko. Alam kong anong mga iniisip nila.

Pero bakit may nararamdan akong pagsisisi sa loob ko. That was wrong! I shouldn’t have done that! Ayaw kong tingnan si Lacey sa mata kanina kasi natakot akong baka madala ako. Dapat panindigan ko kung anong gusto ko. Gusto kong walang katulad niya sa buhay ko.

Baka tama nga lang na ginawa ko yon. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status