Share

KABANATA 2

                                                 MR. OH SO PERFECT!

Lacey’s POV

Di ako mapakali sa aking upuan habang pinaglalaruan ko yung hawak kong ballpen. Pabalik balik ang ulo ko sa pintuan sa kahihintay ng isang tao.

Kurt Uriel Estillore.

Ang lalaking matagal ko nang gusto mula noong una ko itong nakita sa unibersidad na ito. Hindi. Sobrang gustong gusto. Paano ba naman hindi, bukod sa gwapo’y matalino pa ang kumag na ‘to. Ang tangkad nito kompara sa mga karaniwang lalaki sa loob ng campus. He is the man who embodies perfect and unfaltering masculinity.  And his eyes, there’s something in his eyes na kung makatingin tila nakakalimutan ko kung sino at ano ako. Kahit yung tingin ng mga matang iyon ay di para sa akin. Tanggap ko naman iyon. Kahit nga lahat ng mga mata ng kalalakihan sa campus ay sa akin lang halos lahat nakabaling ay balewala lang sa akin kasi iisa lang ang taong hinahangad kong maging akin.

Bakit kaya wala pa siya? Dapat 'andito na yun. Magkaka stiff neck na talaga ako nito sa kakaangat ng ulo. I don’t know kung maiinis ako o malulungkot pag di ko siya makikita today to think na halos araw araw ako gumawa ng paraan para masilayan man siya sa malayuan man o sa malapitan. Tas ngayon, rare chance na makita ko sya na di ako mahihirapan. Grrrrr!! saan na ba yon? Napaigtad ako nang may narinig na sigaw…

“Miss del Ceilo?’

Oh shit! Nandito na pala ang letseng palaka este ang baklang professor na to kung makasigaw akala mo’y nahuli akong nangongopya. Sakit sa tenga. Teka bakit siya ang nandito? Tiningnan ko si Shai nang matalim at mukhang wala naman ‘tong kaalam alam sa pangyayari sa paraan pa lang ng pag kibit ng balikat nito.

‘Yes ma’am, ay Sir?” nataranta kong sagot. Di ko talaga namalayan ang pagpasok nito, swear! Ganun ba talaga ako ka seryoso sa ginawa ko kanina? Now I’m in a complete mess again. Lagi kasi ako nito nahuling nakatulala. Hello? di ba niya alam ang salitang day dreaming?

“Kung ang hanap mo ay si Mr. Estillore, well Kurt, kindly do the attendance first,” sabi nito sabay tingin sa may pinto. “Siya muna ang in-charge sa class ngayon dahil I have some important matter to attend to.” Dagdag nito.” Goodbye class, be good, okay?” At dagli na itong mabilis na lumakad palabas ng room.

Ha? Nandito na siya? Nakakahiya!!!! Nagtatawanan ang boung klase. Ang iba’y sumipol na waring nanunukso. But no big deal. Mas gusto ko yan. Yung tinutukso ako sa kanya. Gusto ko masilayan ang kung paano ang  reaction ng isang Kurt kapag tinutukso.

Puno ng kumpyansa naman itong lumakad patungo sa harap na tila lang normal sa kanya ang lahat. Sinimulan na nga nito ang attendance checking.

“Ba’t di mo sinabi sa akin na nandyan na siya?” pabulong kong tanong sa katabi kong si Shai.Nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakaupo na si Kurt sa mismong gilid ng teacher’s table sa harap.

“Malay ko kung di mo pala alam,” sabi sabay hagikhik.

Kahit saang panig ng utak ko mababaliw talaga ako sa lalaking ito. Habang pinanonood ko siya, naglalaro sa isipan ko kung bakit di ko agad siya napapansin. Well now I know. He had his hair newly cut. And damn! lalo itong dumagdag sa kagwapohan niya. It suits him. Really.

 I am staring at him, not even blinking. Trying to search for his eyes on mine. Kung titingin ka sa akin Kurt lilinisin ko boung classroom, Promise. Please look at me, Just once. Kumbinsi ng isipan ko.

Nabigla ako nang siniko ako ni Shai sa gilid.

Dali dali ko namang itinaas ang aking kanang kamay. “Present.” wala sa sarili kong sambit.

“Were you even listening?” supladong tanong nito sa akin.

Nagtatawanan ang boung klase. May naulinigan pa akong may nagsabing nagpapansin lang daw ako. Hanapin niyo paki ko! Sige yan, tingnan mo pa ko. Kausapin mo ako. Pagalitan mo pa ako, please.

Ilang saglit ay nagpapatuloy na ito sa pagtawag ng ibang pangalan. Ang damot talaga ng mata nito!Ayaw tumingin.

“Anyare, gurl? Shonga-shongahan lang?” natatawang bulong ni Shai sa tabi ko.

“Eh, siniko mo kasi ako kaya akala ko tinawag na pangalan ko, bwesit ka!” sagot ko.

“Paanong hindi ko gagawin yon eh, nakatulala ka gurl! Daig mo pang na coma, kala ko matuluyan ka na.Kulang nalang tulo-laway para maging asong ulol ka na," tawang tawang sambit nito.

“Del Cielo, Lavender Lacey?” biglang tawag ni Kurt sa pangalan ko.

Oh my! Ang sarap pakinggan ng pangalan ko sa paraan ng pagbigkas niya. Parang nakalutang ako sa langit.Parang kulang na lang ay "Will you marry me?

Itinaas ko ang aking kanang kamay. ”Pres…”

“Dindin, Grace?” si Kurt.

Naiwan sa ere ang kamay ko nang tumawag agad siya ng ibang pangalan. Hindi ko pa nga natapos ang sasabihin ko ay tumawag na agad ito ng iba? Agad-agad? Hindi ko man lang naramdaman ang pagtama sana ng mga mata namin kahit ilang segundo lang. 'Ba naman ,Kurt? What a crap!!!

“kita mo yun?” bulong ko kay Shai.

Siniko nya ako. “He's looking," pabulong na balik nito.

“Was he?” Sabi ko ng di nakatingin sa kinaroronan ni Kurt. Parang di ako kumbinsido.

“E -oplan seduction mo kaya? Desperada ka na 'te,” biro nito.

“Ano ka? And why should I?” nalilito kong sabi.

“Sge, ikaw din te ‘bala ka ga graduate na yan remind ko lang” giit nito.

“Tutulungan mo ako?” sabi ko. Shai just rolled her eyes.

Napapaisip ako sa sinabi ni Shai.Iisipin ko pa lang na gagraduate na siya parang tinutusok na ang dibdib ko. Malapit na din iyon, Nasa huling year na kasi siya. At for the next few months ay baka magsimula na sila ng kanilang internship. Parang kailangan ko na talaga ng first wild move. Bahala na.

Seryoso na siya sa mga pinanggagawa niya. Binigyan niya lang kami ng iilang worksheets na sasagutan sa araw na iyon kaya tahimik na ang boung klase.Panay pa rin ang titig ko sa kanya.

Inaalala ko kung anong insidente ba yon na una ko siyang nakita at bakit mula noon ay di ko na siya makakalimutan.

Iyon yung nagkukunwari akong pumuntang library kasi may pinagtataguan akong isang nakakainis na suitor. Hindi naman talaga ako napunta ng library. Habang nagkukunwaring namimili ng libro ay nakita ko siyang nakaupo sa pinaka dulo malapit sa may bintana na seryosong nagbabasa ng isang makapal na libro. Parang Encyclopedia kaya ‘yon? Ewan.

Unexpectedly our eyes met. Pero dagli lang siyang nagbaba ng tingin. Hindi ko na tinanggal ang mga titig ko sa kanya. He got me then with just a swift look.  Boung buhay ko hindi ko pa maranasan ang makaramdam ng ganoong matinding atraksyon sa isang lalake. Uupo na sana ako ng malapit sa kinauupuan niya’y bigla na itong tumayo.

He walked passed by me. Sinusundan ko siya ng tingin. Simpleng lakad lang niya ay nagpapatuliro na nang lahat ng senses ko. Mula noon ay ginawa ko ang lahat ng paraan para masilayan siya araw araw.

Biglang nag ring ang bell hudyat na tapos na ang first subject. Naputol tuloy ang pag muni-muni ko.

“Just finish your worksheets at home.” patapos na sabi ni Kurt.

Nagsisitayuan na ang lahat ng mga kaklase ko ang iba’y lumapit pa kay Kurt.Gustuhin ko man lumapit pero wala akong maisip na dahilan. Kaya hinila na ako palabas ni Shai pagkatapos ko siyang huling sinulyapan. What a great day!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status