Share

A brittle heart
A brittle heart
Author: RieRie

KABANATA 1

                                            LAVENDER LACEY DEL CEILO

Lacey’s POV

I can have everything I desire in the world. People said I was born in affluence or under lucky circumstances, but that was just what everyone thought. My family owns several businesses, so we are technically filthy rich. 'Lahat ng nanainisin ko makakamit ko lang,' sabihin ko.

That's how my parents raised me, so I have a lot of tantrums when I don't get what I think I deserve. My parents are both preoccupied with their businesses, so they have squandered all of the freedom I am currently enjoying.

As an only child, I always dream to have a sister with whom I can live with this erratic world I indulge. Kaya ang laking pasasalamat ko when I met Shaira, anak siya ng aming kasambahay na si Aling Belen who had nurtured me since birth. Well, our friendship was a long story, ma bored lang kayo kung pag-uusapan natin. Pero 'andami kong natutunan sa buhay nang nakikilala ko si Shai. Unti-unting nagbabago ang mga pananaw at paniniwala ko sa buhay dahil simula noong grade 3 ay malimit na kaming magkasakasama sa lahat ng bagay.

Sabi ko nga, lahat nakukuha ko except for one thing.

One name.

KURT URIEL ESTILLORE.

I had a huge crush on this fifth-year engineering student. And I'm not sure if nanatili pa itong sekreto thinking about how his peers looked back at me every time I passed by along the engineering hallway.

Malayo ang mundong ginagalawan namin. I am out of his league and he's out of the world I embrace as well. Batang bata pa ako kompara sa mga babaeng nakapaligid nito. But my kind of attraction is easy to develop and so impossible to ignore.

My Kurt.

Intelligent. Devastatingly attractive. But unlawfully arrogant. I think well at least only to me. Bakit ko nasasabi yon? Sa lahat ng ayaw ko, he never gets the chance or probably ignores every chance to even glance at me the way how guys are drooling over me. He is so impossible. Hambog!!! Saan siya humugot ng lakas para deadmahin ako? For all, I care, ako lang naman si Lacey Lavender del Cielo, pangalan pa lang you can’t take away the thoughts na I have the most sophisticated face a guy wishes to take as an item para ipagmamalaki. Did you get what I mean? what I mean was, no one can ever resist my charm and elegance. I sound so desperate but it’s quite an honest opinion.

But why? Gusto kong malaman bakit ayaw nya sa akin? Ba’t ba ayaw nya akong tingnan? Alam kong damang dama nya ang mga steal glances ko sa kanya. I know I am not his type, or I am too young to be. He always sees me around with boys. So what? Siya lang ang gusto ko.

Teka, nasabi ko na ba sa kanya na gustong-gusto ko siya?  Na sa ganun akong katinuan when suddenly my phone rings. I look at my phone visualizing na pangalan ni Kurt ang nasa screen. Ako na siguro pinakamasayang nilalang sa boung mundo pag nangyari iyon.  But it’s Shaira. My best buddy.

“Hoy, bangon na alam kong nakahiga ka pa d'yan,” si shai.

“Eh, parang gusto kong umabsent muna ngayong araw” natatamad kong bigkas.

“kahit sabihin kong parang si Kurt yata ang mag handle sa class natin kasi parang wala si Mr. Vasquez?” ani Shai.

Napabalikwas tuloy ako ng bangon pagkarinig ko sa magandang balita mula kay Shai. Pinatay ko agad ang tawag. Aba! This is it! Ito na ang pinakahihintay ko.

Agad-agad akong naliligo. Sa isip ko, dapat mas maganda ako ngayong araw kasi for the first time in history from stalking him, mararanasan ko na rin ang napakadaling paraan para magkaroon ng konting pagkakataon na marinig ko ang boses niya, matignan nang malapitan na walang halong pangangamba na baka mawala siyang bigla o baka may kasamang ibang babaeng walang ginawa kundi panay pa cute at pa flirt lalo pag alam nilang nakatingin ako. Ano ba naman kasi , lagi ko siyang namamataan na kinakausap ng mga girls sa school. Samantalang ako, heto lagi lang nakamasid sa malayo. Salamat naman talaga Lord at binigay mo sa akin ang araw na ito. Promise ko sa’yo magsisimba na talaga ako tuwing araw ng linggo hahaha. Kasi minsan pag nagyaya sina Shai at Aling Belen lagi akong may excuses kaya madalas di na nila ako nagawang anyayahan ulit.

Pagkatapos magbihis ay bumaba ako para mag umagahan. Nakikita ko na si Mom and Dad na kasisimula lang ‘atang kumain. Mukhang inaantay ako ng mga ito.

“Morning mom” nakangiti kong sabi.

“You look different this morning.” sabi ni mommy.” kamukhang kamukha mo na ako, sweety”.

“Of course, mom.”

“At paano naman ako?” lambing ni Daddy.

“Syempre, dad. Mana din ako sa inyo.” sabay yakap ko sa likod at umupo sa tabi nito. Paborito ko talaga ang luto ni Mommy. Naisip ko na sana matutunan ko din paano magluto malay mo, baka gusto ni Kurt ang babaeng masarap magluto.

“Ikaw ba’y may lalaki nang nagustuhan sa school?” nagulat ako sa tanong ni mommy na di ko alam kung nagbibiro o seryoso.

“Po?” Napatingin Ako kay Dad.

“Oh, bakit ka sa akin nakatingin?” si dad. Natawa ito sa biglang tanong na iyon ni Mom.

“Ahm, wala eh” giit ko. Tumawa na rin si mommy.

“kahit sabihin kong okay lang?” sambit ni mommy.” Syempre hanggang crush lang muna, sweety.”

“Meron, mommy.” nahihiya kong amin.” But he doesn’t like me back. Pero okay lang yon, no worries.”

“Anong okay lang yon? Aba’t sino bang hindi magkagusto sa anak ko, ha?” hindi makapaniwalang sabi nito.

“Ganyan talaga ang mundo, Alicia.Di mo maitutulad ang lahat ng lalaki.” ani dad. “Gusto kong malaman kung sino ang lalaking yan, sweetheart.” baling nito sa akin.

Kinabahan tuloy ako. Sana hindi ko na lang sinabi. knowing papa, mabusisi kaya ito pagdating ng tamang lalaki para sa akin. Di naman kasi nila alam na marami n akong naging boyfriends. Though hindi naman talaga seryoso. Ika nga, enjoy boys while young.

Ano ba yan? Nalilimutan ko na tuloy na kailangan ko pala maagang umalis para hindi ma late sa klase, para namang magkakaroon agad ako ng good impressions kay Kurt. Napag-alaman ko kasi na perfectionist itong si Kurt. Maraming ayaw sa lahat ng bagay. Maraming sinusunod na golden rules sa buhay. 

Paano kaya mahalin ng isang Kurt? Sabi din nila na ayaw daw nito sa mayayamang katulad ko. Sa pagtataka ko nga’y   napadasal tuloy ako na sana baliktad na lang ang buhay namin ni Shai. At sana, may kwento na hindi pala ako ang tunay na anak nina mom at dad. Ampon lang pala ako. Hahaha Silly!

Habang nasa loob ako ng van marami akong iniisip kung ano kaya ang mangyayari pag mahalin ako ni Kurt? Di ba niya kokontrahin ang paraan ng pananamit ko? Strikto na boyfriend ba siya? Wait, masarap ba siyang h*****k? Boung buhay ko wala pa akong first kiss. Although giit ng iba marami na daw akong n*******n. Pati ba naman ang katotohanang iyon ipagkait pa nila sa akin? Naku naman po.

“Ang heavy ng traffic, manong Edgar noh?” sabi ko sa driver namin.

“Oo nga mam, eh. Lalo na ngayong araw ng lunes.” sagot nito.

Napabuntung hininga ako. Aabot kaya ako nito sa first class? Pag hindi isusumpa ko talaga tong kahabaan ng Edsa.Tumunog ang cellphone ko. Tumawag si Shai. Kinabahan ako na baka anong sabihin nito.

“Oh, Shai? Nasa byahe pa ako, bwesit ang tindi ng traffic. Nasa school ka na ba?” tanong ko sa kabilang linya.

“Yap, gurl. Bilisan mo at baka ma late ka di ka na papasukin ng guard. Pag hindi ka aabot akin na yang si Kurt mo!” dinig na dinig ko ang malaswang hagikhik nito sa kabilang linya. Pinatay ko ang tawag sa inis.

“Malapit na ba tayo, manong? “

“Oo, mam. Payb minutes” anito.

Dumating nga kami sa unibersidad after 10 minutes nga lang. May ilang minuto pa akong tatakbuhin ang room ko sa right side ng Architectural building. Well, Architecture ang kinuha kong kurso. Aside sa mahilig talaga ako sa drawing, malapit sa akin ang kurso na ito kasi ito ang kurso ng dad ko of course.

Pagpasok ko sa room, si Shai agad ang unang hinahanap ko. Syempre magkatabi kami ng upuan. Napansin kong balisang -balisa ang mga babae sa pagpaganda. Madami pala kami, ha? Napatingin ako kay Breena, President ito ng Architectural council sa school. Maganda at mayaman rin katulad ko. Ito ba’y may gusto rin kay Kurt? Huwag naman sana.  I’ve heard na may boyfriend na yata ito, eh. Good for her.

“No need mo nang mag retouch, girl.” sabay hawi nito sa buhok kong nagulo sa ginawa kong pag lakad-takbo kanina sa building

“Really, huh? O dahil lang kaibigan mo ako? Tseee!” naiinis kong sabi sa kanya.

 “Wow! Pa- infamous effect, gurl?” biro nito. Sabay kaming nagtawanan.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Arnold carpentero
ang cute ng story!!!!!
goodnovel comment avatar
Rie Rie Anne Nathiel
The story is so compelling.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status