Share

CHAPTER 7 - Hidden Affection

            SINADYA talagang magpaiwan ni Jade sa ladies’ room para hindi niya makasabay ang kanyang mga katrabaho paglabas ng gusali. Ayaw niya kasing sumakay sa elevator dahil nagka-trauma siya nang ma-stuck dito, kaya mas pinili niyang bumaba sa hagdanan. Nahihiya kasi siyang pagtawanan ng mga kasama.

Mag-isang bumaba ng hagdan si Jade, ngunit nasa ika-labinwalong palapag pa lamang ay nakaramdam na siya ng pagod. Saglit siyang tumigil para magpunas ng pawis. Pagkatapos ay ipinusod niya ang kanyang mahabang buhok gamit ang ponytail na kinuha niya sa bulsa ng kanyang bag. Muli siyang nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan, ngunit nakarinig siya ng pagbukas ng isang pintuan. Napatigil siya at pinakinggan ang taong pumasok. Naisip niyang baka janitor ng gusali. Dahan-dahan siyang lumingon at tiningala ang isang lalaki. Tila pamilyar ito sa kanya subalit hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.

“Hi, miss! Anong ginagawa mo rito?” tanong nito sa kanya.

“Mas gusto ko lang dumaan dito kasya mag-elevator. Kanina kasi nagka-aberya ang elevator at isa ako roon sa mga na-stuck,” paliwanag niya. Kung tutuusin hindi naman niya kailangan magpaliwanag sa lalaki dahil hindi naman niya ito kilala pero ginawa pa rin niya.

“Napatango-tango ang lalaki, “Oo, nabalitaan ko nga iyon kanina. Kasama mo sina Mr. Xavier at si Uriel, ‘di ba?” Ibig sabihin ay ganoon kabilis kumalat ang balita.

Nang nilingon niyang muli ang lalaki, ay sumusunod pa rin ito sa kanya. Naningkit ang kanyang mga mata at tinanong ito.

“Teka, bakit mo pala kilala ang boss ko?” ang naalala niyang itanong.

“Alam mo, miss, walang hindi nakakakilala rito kay Mr. Xavier. So, boss mo pala siya? Ano ka niya, secretary? Matagal ka na bang nagtatrabaho sa kanya?” sunod-sunod na tanong nito. Tila mapanuri ang mga tingin nito na humahagod sa kanyang buong pagkatao, nakaramdam siya ng pagkailang dahil tila interesado ito sa kanya at sa kanyang boss."

“Oo, boss ko siya,” ang tanging naisagot niya. Nagpatuloy siya sa paghakbang pababa subalit ramdam niya ang kaba.

“So, dito ka rin bababa? Ayaw mo rin gumamit ng elevator?” tanong niya habang naririnig niya mga tapak ng matigas na sapatos nito sa hagdanan.

“Oo, ayaw ko rin mag-elevator, kasi nandito lang naman nakaparada ang kotse ko sa seventeenth floor. Kung gusto mo sumabay ka na sa akin para mas mabilis kang makababa,” anito. Nagtaka siya kung papaano nagkaroon ng parking area sa seventeenth floor gayong napakataas pa nito. Kadalasan ang parking area ay nasa baba lamang ng gusali o kaya naman kung nasa taas man hindi naman siguro ganoon kataas ang paglalagyan ng parking area.

“May parking area diyan?” kunot-noo na tanong niya sa lalaki.

“Oo naman. Kaya sumabay ka na. Tara na…” Nilingon niya ito at nagtama ang kanilang paningin.

“S-sige…” Sa hindi malamang kadahilanan ay agad siyang napapayag ng lalaki. Nang akmang lalabas na sila ng pintuan ay may isang lalaking pumasok na tila pumukaw ng kanyang pag-iisip.

“Jade, andito ka lang pala!” Anitong nagpalipat-lipat ng tingin sa kanila ng lalaking kasabay niya. Hindi tuloy niya alam kung ano sasabihin,

            “Sir, ano pong ginagawa niyo rito?” tanong niya.

            “Ako ang dapat magtanong niyan sa’yo. Why are you taking stairs when there is an elevator available?” tanong nito sa kanya. Wala na siyang magawa kundi ang umamin. Agad na lumabas ang lalaking kumausap sa kanya sa pintuan at sinundan naman ito ng tingin ni Mark.

            “And who’s that guy?” kunot-noo na usisa nito na animo’y nagseselos na boyfriend.

            “Nakasabay ko lang po, sir. Ang sabi niya nandiyan daw ang kotse niya sa parking area,” aniyang itinuro ang sumarang pintuan patungo sa seventeenth floor sa pag-aakalang naroon ang parking area na tinutukoy ng lalaki. Bahagyang gumuhit ang gitla sa pagitan ng noo nito.

            “Parking area? Walang parking area sa floor na ito, Jade. ‘Tsaka sino ba ang walang isip na maglalagay ng parking area dito?”

            “Talaga po? Pero sabi ng lalaki meron daw po…”

            “Be careful next time sa mga kinakausap mo lalo na kung hindi mo kilala,” paalala nito sa kanya.

Napakagat siya ng ibabang labi ngunit lihim siyang natuwa dahil nag-aalala pala ito sa kanya.

“Kayo po, maghahagdan din po ba kayo?” tanong niya.

            “Of course not. May nakapagsabi lang kasi sa’kin na dito ka raw dumaan kaya sinundan kita. Hindi mo ba alam na delikado ang gumamit ng hagdan kapag mag-isa ka lang?” Nakaramdaman siya ng kaba sa sinabi ng lalaki.

“B-bakit po, may..may multo po ba rito?” Iyon agad ang pumasok sa kanyang isipan nang makita niya ang reaksiyon ng mukha ng lalaki.

“Hindi lang ‘yon. Marami pa akong naririnig na kuwento.” Lalo siyang kinilabutan. Kaya ba bigla-bigla na lang ay nasisira ang elevator? Hinimas niya ang kanyang magkabilang braso dahil tila nagtatayuan ang kanyang mga balahibo.

            “Sir, naman nananakot pa,” saad niya pero mukhang hindi naman siguro nagbibiro ang kanyang boss. Kung bakit kasi hindi pa siya sumabay kanina sa kanyang mga kasama.

            “Will you continue, or will you take the elevator now?” tanong nito sa kanya sabay talikod at mabilis na lumabas ng pintuan patungong hallway.

            “Teka, sir, sasabay po ako!” aniyang nagmamadaling sumunod sa amo. Naabutan niya itong naghihintay ng elevator. Napalinga-linga siya sa palingid at hinahanap ng kanyang mga mata kung saan ang parking area pero wala siyang makita.

            “Tama ka, sir, wala pala talagang parking area dito,” saad niya. Kanina lang ay muntik na siyang mapapayag ng lalaki na hindi niya kilala na sumakay sa kotse nito na hindi niya malaman kung nasaan iyon nakaparada. Ipinilig niya ang kanyang ulo. Hindi na lang niya sasabihin sa amo dahil baka lalo lang siyang pagalitan at magmumukha na siyang tanga.

“Nagka-trauma kasi ako, sir, sa elevator kanina. Kaya alam kong nakakatawa ang ginagawa ko. Sino naman kasi ang mag-aakalang gagamit ako ng stairs hanggang sa lobby,” ang sabi niya.

            “Hindi kita pinagtatawanan. I understand experiencing such trauma is not a joke. I just want to warn you that being alone on the stairs is dangerous. I'm telling you the truth, and I'm not trying to scare you or anything.” Seryoso ito kaya lalo siyang naalarma. Mabuti na lang at hinabol siya nito at pinagsabihan.

            “Thank you, sir,” pasalamat niya.

            “That's fine. I'm just worried that you might not be able to come in tomorrow. You still have a lot of work to do, at ayokong um-absent ka dahil sasabihin mong masakit ang mga paa mo.” Hindi ito nakatingin sa kanya kaya napagmasdan niya ulit ito habang naka-side view. Kahit saang anggulo siguro niya tingnan si Mark ay guwapo talaga ito.

            “Sana huwag nang masira ang elevator,” saad niya habang pinapagaan ang loob.

            “I’m sure ayos na ito. Kaya huwag ka nang mag-alala,” ang sabi nito sa kanya. Nang bumukas ang elevator ay sumakay na sila. Nang makarating sila sa lobby ay nag-offer ang lalaki na sumabay na lang siya dahil madadaanan naman nito ang lugar kung saan siya umuuwi. At dahil nagtitipid siya ay pabor sa kanya iyon. Nang mapadaan sila sa isang fastfood ay nagdrive-thru sila upang um-order ng makakain. Maghapon kasing hindi ito nagpabili ng meryenda o kahit nagpatimpla man lang ng kape kaya baka gutom na nga ito.

            “Anong gusto mo?” nilinga siya nito.

            “Naku, ‘wag na po, sir,” mariin niyang tanggi. Ngunit mapilit ang lalaki at maawtoridad na tila hindi siya puwedeng tumanggi.

            “Sige, burger na lang po, sir,” sabi niya. Kunsabagay mabuti na rin at nakatipid siya dahil hindi na siya bibili ng hapunan. Kung makapal nga lang ang mukha niya, makikiusap siyang sumabay palagi sa pag-uwi para mas makatipid. Kaya lang hindi niya puwedeng gawin iyon dahil madalas mas maaga itong umuuwi kaysa sa kanya.

            “Burger and pineapple juice, miss,” ani Mark sa kausap.

 “Make it three, miss,” pahabol pa nito.

            “Yes, sir.” Agad na sumunod ang crew at ilang sandali pa ay inabot na sa kanila ang order.

ILANG sandali pa ay binabagtas na nila ang kahabaan ng express way kung saan nangyari ang dating aksidente. Biglang kinilabutan siya nang maisip ang mga namatay sa lugar na iyon. Ang paniniwala ng ilan ay naroon pa daw ang mga kaluluwa ng mga ito at naghahanap ng hustisya sa hindi makatarungang pagkamatay. Nakaramdam siya ng takot sa naisip.

            “Sir, naniniwala po ba kayo na may mga kaluluwang hindi matahimik?” tanong niya.

Napakunot-noo ang lalaki na tumingin sa kanya, “Bakit mo naman naitanong? Dahil ba naiisip mo pa rin ang nangyaring aksidente?”

Napatango-tango siya dahil mukhang nahuhulaan nito ang iniisip niya, marahil ay nararamdaman din ng lalaki ang trauma at takot sa mga nangyari.

            “I don’t believe it, actually…” anang lalaki na tila may gusto pang idugtong ngunit natigilan.

“May napanood kasi akong movie, sir, ‘yong guy namatay sa aksidente at dahil mahal na mahal niya ‘yong girlfriend niya, palagi niya itong binabantayan saan man magpunta.”

“I knew it, but that movie is far from reality. I don't think it's possible to guard the soul of a loved one left behind. He must have a destination right away," seryosong sabi nito.

“Bakit, mas gugustuhin mo bang dalawin ka pa ng boyfriend mo na namatay na? Wouldn't you be afraid if that happened?” gumuhit ang ngiti sa sulok ng mga labi ng lalaki. Napaisip siya dahil kahit nga ang yumaong lola niya, takot siya na baka magpakita ito sa kanya.

“Depende siguro, sir,” alanganing sagot niya.

“Okay, don’t worry dadalawin kita palagi kapag naging boyfriend mo na ako,” pilyong sabi nito sabay napahagikhik.

“Sir, ‘wag kang magsalita ng ganyan. Hindi ka mawawala, ayokong mawalan ng trabaho.” Lumakas ang kanilang tawanan sa loob ng sasakyan. Nang matahimik sila ulit ay muli siya nitong sinulyapan.

“Wala ka ba talagang boyfriend?” tanong nito sa kanya. Hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang tanong na iyon. Gustong-gusto niyang sabihin na wala siyang boyfriend dahil hinihintay talaga niya ang dream guy niya na katulad ni Mark.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status