Share

Chapter 41

"MAY kailangan ka?" Nagsalubong ang kilay ni Agatha, matiim niyang tinitigan si Khevin na agad na napatingin sa balikat niya.

"Yes, Khevin?" Muli niyang tanong. Nakaupo siya sa veranda at masayang ka-videocall ang anak nang lumapit ito.

"Ikaw ba si Agatha Buenamente?" Seryosong tanong ng binata.

Kumunot ang noo ni Agatha.

"Siya ba ang tinutukoy mong kakilala na kamukha ko?" Balik-tanong niya rito.

"Oo o hindi?"

Pagak na tumawa si Agatha. "Agatha Mondragon ang pangalan ko, talaga bang kamukha ko siya?"

Nagtagis ang bagang ni Khevin, imposible pero paano kung iisang tao lang pala ang dalawa?

"Khevin, hindi lang ikaw ang unang nagsabi na may kamukha ako. Kung maganda 'yung Agatha na sinasabi mo, ituturing kung compliment." Nginitian ito ni Agatha.

Napabuntong-hininga ang binata. Marahil nga ay hindi o baka kasi umaasa pa siya na muling makikita ang dalaga.

"Pero sige, ipapahanap ko ang Agatha na sinasabi mo baka may kapatid pa pala ako ng hindi ko nalalaman. Pero sa pagkakaalam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (7)
goodnovel comment avatar
Greganda Gervhin
anak mo yun khevin
goodnovel comment avatar
RIAN
Salamat pa rin pobsa pagbabasa. Naiintindihan ko po kayo. Pasensya na po kung mabagal ang update, wala na pong magamit na cp ang Author. Nakikilog-in lang po kasi at limited ang oras.
goodnovel comment avatar
Car Mhina
nakakatamad ng antayin bah...Ganda sana kulang Naman s update...bibilang ka ng ilang araw......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status