Share

Chapter 0004

Ilang sandali pa nga pagkatapos nilang mag- usap ni Lucas sa telepono ay kaagad na dumating sa kanilang bahay si Kian. Agad nitong inabot sa kaniya ang regalong sinabi nito kaninang magkausap sila sa telepono.

Regalo? Muli niyang naitanong sa kaniyang isip habang nakatitig sa hawak niya. Naghanda siya ng isang regalo niya na ilang araw niyang pinag- isipan kaya nga lang ang nakakalungkot ay hindi nito ito gusto. Aalis na sana si Kian pagkatapos na pagkatapos nitong maibigay sa kaniya ang regalo ni Lucas nang pigilan niya ito.

Hinila niya ito hanggang sa kusina at pagkatapos ay binuksan niya ang ref at maingat na inilabas doon ang cake.

“Ako mismo ang gumawa nitong cake at gutso kong tulungan mo ako at dalhin natin ito sa kaniya.” sabi niya kay Kian na bahagyang natigilan dahil sa sinabi niya.

Biglang naalala ni Kian ang mga salita na sinabi sa kaniya kanina ng kaniyang boss na si Lucas.

“Kung sabihin niya na dalhan mo ako ng cake ay tumanggi ka.” bilin nito sa kaniya kanina.

Napatingin siya kay Annie at hindi niya alam kung tama ba na sabihin niya rito ang mga ibinilin sa kaniya ng kaniyang boss. Ilang minuto siyang nag- isip at nagdadalawang isip ngunit pinili niya pa rin na sabihin rito ang totoo.

“Sinabi ni Mr. Montenegro na hindi siya mahilig sa matamis. Alam niyang mahilig ka raw sa matamis kaya hiniling niya na ikaw na lamang raw ang kumain.” sabi nito.

Naikuyom ni Annie ang kaniyang mga kamay nang marinig niya ang sinabi nito at halos manghina ang kaniyang mga tuhod. Hindi na siya nagmatigas pa sa tauhan ni Lucas na si Kia at hindi na niya ipinagpilitan pa ang gusto niya.

Pagkaalis nito ay dinala niya ang cake sa silid niya ngunit nang nasa pinto na siya ng silid ay bigla na lamang siyang nadulas dahilan na maibagsak niya ang cake. Mabuti na lamang at hindi siya napano at dahil napasubsob lamang siya sa sahig at naitukod niya ang dalawa niyang kamay. Dahil sa nangyari ay bigla na lamang tumulong muli ang kaniyang mga luha. Sobrang sakit ng nararamdaman niya ng mga oras na iyon.

Noon pa man ay alam na niyang hindi gusto ni Lucas ng cream o kahit na anumang cake na matamis kaya siya ang gumawa ng cake na iyon mag- isa at sinadya niya iyong tinabangan. Kaunti lang ang inilagay niyang gatas at talagang hindi matamis. Wala rin itong cream at pawang cake base lamang. Ni hindi man lang nito ginustong sumubok tumikim ng kahit isang kagat lamang.

Binuksan niya ang cake at mapait na ngumiti habang nakatitig rito. Umupo siya ng maayos at malungkot na gumuhit ng pamilya ng tatlo gamit ang kaniyang kamay at pagkatapos ay bigla siyang ngumiti na tila ba isang baliw. Pagkalipas lamang ng ilang sandali ay bigla na lamang niyang inabot ang cake at kumagat rito.

Ibinaba niya ang kaniyang ulo sa cake at hindi na niya inisip pa kung ano ang istura niya habang kumakain ng cake at kinain niya ito sa ubod ng kaniyang makakaya, kahit na mukha na siyang baliw.

Napakalaki ng cake na iyon kung tutuusin at hindi niya akalain na makakalahati niya ito at sa puntong iyon ay bigla siyang nakaramdam na tila ba masusuka siya kaya binitawan niya ito at tumakbo sa banyo upang sumuka.

Pagkatapos niyang magsuka ay pinulot niya ulit ang cake at nagsimula na namang kumain. Hindi niya napigilan na hindi mapaiyak, kumakain siya habang umiiyak. Ang alat at lasa ng cake ay naghalo na at hindi na niya mawari kung ano ang lasa ng kinakain niya dahil ang alam lang niya ay kailangan niyang ubusin ang cake.

Hindi siya nakuntento hanggang hindi niya naubos ang buong cake ngunit pagkatapos siya ay nagsuka at nagtae sa banyo dahil ang kaniyang tiyan ay sumakit at dumagdag ang pagkahilo at panghihina ng kaniyang katawan.

Walang sinuman sa mundo bukod sa kaniyang ina ang nakakalam na siya ay allergic sa mga itlog kaya tuwing birthday niya ay lagi lang siyang kumakain ng cream at hindi cake. Ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi lang basta cake ang kinain niya dahil buong cake iyon. Sinabi niya sa kaniyang sarili na iyon na ang huling araw na magiging t*nga siya at magiging baliw para kay Lucas.

Pagkatapos niyang magsuka ay napaluha na lamang siya, pero para hindi siya marinig ng ibang tao ay tinakpan niya ang kaniyang labi gamit ang kaniyang mga kamay upang walang lumabas mula sa kaniyang bibig na kahit anumang ingay.

“Baby pasensiya kana. Hindi napigilan ni Mommy si Daddy…” bulong niya rito na tila ba naririnig siya nito. “Hindi mahal ni Daddy si Mommy dahil may mahal siyang iba, pero umaasa si Mommy na magkakaayos pa kami ng Daddy mo pero hindi naman ako pwedeng maging makasarili anak.” napasinghot siya. 

“Anak kailangan mong maging malakas. Kaya kang palakihin ni Mommy ng mag- isa.” sabi niya rito at marahang hinaplos ang kanyang tiyan.

Nagitla siya nang bigla na lamang nag- ring ang kanyang cellphone kaya bigla na lamang siyang lumabas mula sa banyo at mabilis na pinunasan ang luha sa kaniyang mga mata. Huminga siya ng malalim upang maging kalmado na ang pakiramdam niya bago niya iyon sinagot.

“Hello.” tahimik siyang sumagot at pilit na pinakaswal ang kaniyang tinig.

“Natanggap mo ba ang regalo? Nagustuhan mo ba?” excited na tanong nito sa kaniya.

“Well, nagustuhan ko. Salamat.” pagsisinungaling niya kahit na sa totoo lang ay kapupulot niya lamang ang box at binuksan iyon. Isang kulay pulang mga hikaw ang nasa loob at hindi ang ipinangako nitong jasper na hikaw. Ano kayang naging problema sa regalo nito?

“Bagay na bagay iyon sayo lalo na at maputi ka.” sabi nito at ilang sandaling hindi ito nagsalita, akala nga niya ay pinatay na nito ang tawag ngunit bigla na lamang niyang narinig mula nag tinig nito. “Hindi na ako uuwi diyan ngayong gabi.” sabi nito.

“Honey sinabi mo na ba sa kaniya? Halika na, nakahanda na ang ating candlelight dinner…” sabi ng isang malambing na tinig sa background nito. Alam niya na kaagad kung sino iyon, si Trisha.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status