Share

CHAPTER ELEVEN : AS SWEET AS CHOCOLATES

PAGOD na pagod akong naglakad papuntang parking lot. Nauna na ako kina Khloe at Jenniecah dahil nga sa sinabi ni Xence. Pinuntahan ako ni Torn kanina at sinabing kailangan kong umuwi dahil susunduin daw ako ni Xence pagkatapos kong mag-impake ng mga gamit ko.

Inaantok ako habang nagmamaneho ngunit pinilit kong dumilat kahit na mahirap. Kaagad kong pinark nang maayos ang kotse pagkarating ko sa bahay. Bubuksan ko na sana ang gate nang biglang bumukas ito at makita ko sina mama't papa kasama si ate Lhayzel na masayang masaya at may dalang mga bagahe at nakaayos na para bang aalis ang mga ito.

"Taji...."

"Saan ang punta niyo po?" Nakangiti ngunit nalulungkot na sabi ko.

"N-nag-aya kasi si mama na magpunta sa Palawan at bisitahin sina lolo't lola, Taji. Hindi mo ba nabasa yung text ko sa'yo? Gusto mo bang sumama? Hihintayin ka namin dito para makapag—"

"Hindi na, ate… Enjoy na lang kayo."

Pilit ang ngiti sa labing sabi ko.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status