“ILANG taon ka na ba?” Wala sa sariling naitanong ko kay Xence at napatikhim naman ito bago sumagot sa tanong ko. “Turning 29. How about you?”“26.”“Woah, I'm 3 years older than you?”“Oo, tanda mo na pala.. Egol naman..” Bulong ko at biglang napakunot ang noo ni Xence. Napatakip naman ako ng bibig dahil mukhang napalakas ang bulong ko.“I heard that, Bellissima.”“Ah, narinig mo ba? Edi mabuti.”“What do you mean by egol?”May kaunting accent na sabi ni Xence kaya natawa ko. Tunog mayaman talaga. “Wala, huwag mo na lang intindihin mga pinagsasasabi ko kapag hindi mo maintindihan. Alien language hehehe..”“Bellissima.” Pagbabanta nito kaya napataas ang kilay ko.“Sinong tinatakot mo?”“I am not scaring you. Sabihin mo na kasi, please?” Nagpapa-cute na sabi nito kaya napangiwi na lang ako. Ang laking tao pero hilig palang magpa-cute? “Ibig kong sabih
TAHIMIK akong naghugas ng pinggan at hinayaan na lang ako ni Xence. Nakatitig lang ito at nakapangalumbaba sa lamesa habang pinanonood akong magbanlaw ng mga pinggan. "Anong sinabi ko sa'yo kanina?"Tanong ko habang hinuhugasan ang pang-huling plato. Parang nasa ulap na naman si Xence nang lingunin ko ito. Wala sa sarili at nakatulala lang sa akin."Huy, Xence!"At doon lang nito napansin na kanina ko pa siya tinatawag. Pumikit-pikit pa ito bago magsalita."Bakit?""Ang sabi ko, ano yung sinabi ko sa'yo kanina?"Natatawang tanong ko rito at napaisip naman ito. Napakunot ang noo bago umiling sa akin bilang sagot. "Ano bang sinabi mo sa akin kanina? Hindi ko na maalala."Nagpunta ako sa sala at sumunod naman ito. Naupo ulit ako sa sofa at sinusundan lang ako nito. "Diba sabi ko sa'yo kanina, tigilan mo na 'yang ugali mong paninitig kasi hindi nga maganda? Nakakailang kaya... “
MATIWASAY kaming nakauwi ni Xence sa condo niya. Nakahawak lang ito sa kamay ko hanggang sa makapasok kami sa loob ng condo. Umupo ako sa sofa para magpahinga, dumiretso naman si Xence sa kusina at kumuha ng maiinom na tubig para sa aming dalawa. "Uminom ka muna ng tubig, Coke yung ininom mo kanina." Inilahad nito ang isang tubig ng baso sa akin at inabot ko naman ‘yon. "Salamat."Naupo ito sa tabi ko at namayani ang katahimikan sa buong paligid. Nag-iisip pa lang ako ng sasabihin nang biglang magtanong ito. "Bakit ka nga pala nasa club ulit nung gabing 'yon?" Tanong nito at nagtaka naman ako. "Anong ulit? ibig sabihin—""Sa pagkakatanda ko, tatlong beses ka pa lang nagpunta roon sa club." Pagbibigay alam nito kaya napatanga ko. Paano niya nalaman kung ilang beses na akong nakapunta roon?! "B-bakit alam mong tatlong beses pa lang ako nakakapunta roon sa club?"At doon lang
NAGISING ako mula sa mahimbing na pagkakatulog nang kumalam ang sikmura ko. Sa pagmulat ko pa lang ng mga mata ko ay mukha na ni Xence ang nasilayan ko kaya napangiti ako. Mahimbing na rin ang pagkakatulog nito habang yakap-yakap ako. Kaagad namula ang parehong pisngi ko nang maalala kong ginawa na naman namin ang ‘bagay’ na 'yon ngunit ang pinagkaiba ngayon ay pareho kaming nasa tamang pag-iisip at wala sa buong sistema namin ang alak.Dahan-dahan kong inalis ang pagkakayakap ni Xence sa akin nang magreklamo na naman ang sikmura ko dahil gutom na gutom na 'ko. Kumuha na lang ako ng isang roba para takpan ang buong katawan ko bago ako marahang lumabas ng kuwarto upang hindi magising si Xence at nagtungo kaagad sa kusina para maghanap ng makakain. Sinuri ko ang loob ng refrigerator kung mayroon bang makakain at labis kong ipinagpasalamat na may isang balot pa ng tinapay at bote ng palamang tsokolate ang nandoon. Inilabas ko ang mga 'yon at nagtimpla na ri
“ANONG BALITA?”“Sa radyo at tv?”Dugtong ko sa tanong ni Khloe sa akin kaya sumama na naman ang tingin nito sa akin. “Anong nangyari at bakit hindi ka pumasok kahapon? Hindi ko rin nakita sa office niya o dumaan man lang si Sir Maxence kahapon. Magkasama ba kayo?!"Pagsususpetya ni Jenniecah sa akin kaya napabuntong hininga na lamang ako.Kaibigan ko naman sila at alam kong mapagkakatiwalaan silang dalawa. Bakit nga ba hindi ko pa sinasabi sa kanila? Hindi naman siguro masama kung sabihin ko kung ano ba talagang namamagitan sa amin at kung ano nga ba talaga kami ni Xence ngayon.“Huwag kayong maingay. Nakatira ako ngayon sa condo ni Xence.”Pagsisiwalat ko at para na namang megaphone ang parehong bunganga nina Khloe at Jenniecah. “Ano?!”"Condo?!"Exaggerated na sabi nilang dalawa. Napangiwi naman ako dahil napatingin ang mga ka-trabaho namin maging ang inspector na nandito pala pa
"SURE ka ba talagang para sa ating dalawa lang itong mga pagkain? Bakit parang catering na yata ‘to?! Sobrang dami naman, Xence!”Gulat na turan ko dahil halos maging buffet na sa loob ng opisina ang mga pina-deliver na mga pagkain ni Xence kay Torn. Ultimo si Torn ay natatawa at namamangha sa mga pagkaing nakahain sa harapan namin sa sobrang dami nito. Baka akala ni Xence ay bibitayin na kami pagkatapos ng tanghaliang ‘to?"Oo naman, hindi ko gustong nagugutom ka at saka maganda na yung maraming choices para hindi ka mahirapang pumili ng gusto mong kainin—""Torn, umupo ka rito. Kumain ka rin."Ipinagpag ko ang katabing upuan ko at kaagad namang umiling si Torn sa paanyaya ko kaya nairita ko rito. "Umupo ka sabi rito. Hindi namin kayang dalawa ubusin 'to. Sumabay ka na sa aming kumain para lahat tayo busog dito."Matigas na sabi ko at napakamot naman ito sa ulo habang napapasilip kay Xence kaya sinamaan ko ito ng ting
NAKARATING kami nang matiwasay sa condo at tahimik lang si Torn at Xence buong biyahe. Bumaba na lang ako at hindi na inantay pa na pagbuksan ako ni Xence ng pinto pero pinabalik lang ako nito sa loob ng sasakyan. Kaagad namang tumaas ang kaliwang kilay ko at pinag-krus ang mga braso ko sa aking dibdib. Ano na namang kailangan nito sa akin? “Anong problema mo?”Inis na tanong ko rito pero sinara lang ulit nito ang pinto ng sasakyan. Magrereklamo na sana ako sa ginawa nito pero napakunot ang noo ko nang buksan ulit nito ang pinto at ilahad ang kamay niya sa akin. Nasisira na yata utak ni Xence. “Ano bang trip mo?”"Pinagbubuksan lang kita ng pintuan.""Ang lakas ng trip mo. Kita mong binuksan ko na, sinara mo pa ulit."Tawa naman nang tawa si Torn sa amin kaya sinamaan ko ito ng tingin. Napaayos ito ng tayo at itinikom ang kaniyang bibig. Inis kong inabot at hinawakan ang kamay ni Xence at inalalayan ako nito sa pagbaba ng sasakyan. Akala mo naman ay ang taas ng hahakbangin ko para al
“MATUTULOG ka na ba?”“Yup, why? Ipa-prank mo na naman ba ako?”Mataray na tanong ko rito kaya napatawa naman ito at kaagad na umiling."No, hindi kita ipa-prank...""Eh, ano?"“C-can I... Can I sleep beside you?”Nahihiyang tanong ni Xence kaya lihim akong napangiti. Tumango ako at saka naunang pumasok sa loob ng kuwarto. Umakyat ako sa kama at saka inayos ang puwesto kung saan ako mahihiga dahil tatabi sa akin si Xence ngayong gabi.“S-should I turn off the lights?”“Teka, bakit ka nauutal diyaan?” Natatawang tanong ko at namumulang umiwas ng tingin ito. “Sige, patay mo na lang. Mahirap kasi makatulog kapag bukas ang ilaw. Masiyadong maliwanag.” Sagot ko na lang dahil mukhang hindi na komportable si Xence. Kaagad naman nitong pinatay ang ilaw sa kuwarto.Humiga na ako sa kama at tumalikod sa gawi ni Xence. Naramdaman ko ang paglubog ng kama kaya alam kong humiga na rin ito sa tabi ko. Tanging liwanag lamang galing sa buwan ang nagsisilbing ilaw sa kuwarto. Pareho kaming walang im