Share

Chapter 2

"Luis, fix yourself na dahil sasama ka meeting namin with Mr. Choi para sa business natin. Dapat ngayon pa lang ay matuto ka na para incase ibigay na namin sa iyo ang negosyo ay alam mo na ang gagawin mo."

Napatakip ako ng unan sa teinga ko dahil tanghaling tapat ay nandito na si Mama sa kwarto, nanenermon. Laking pagsisisi ko tuloy na umuwi dito dahil sa pagiging bungangera niya. Mas mainam pa sa condo, wala akong sermon na maririnig mula kay Mama.

"Bumangon ka na diyan." Hinila niya iyong kumot na nakatakip sa akin. "Saan ka na naman ba nagpunta kagabi at tinanghali ka na naman ng gising?"

"Ma, sa bar lang.." walang gana na sagot ko.

"Jusko, Luis, araw-araw na 'yang paglabas mo ng gabi para makipag-inuman ha. Imbes na 'yan ang atupagin mo, bakit hindi 'yang pag-aasawa mo ang asikasuhin mo."

"Si Mama naman, kakagraduate ko pa lang, gusto mo na 'ko agad mag-asawa." Napakamot ako sa aking sentido.

"Aba! Kung puro barkada ang aatupagin mo, hindi ka magkakaroon ng inspiration na magsettle sa buhay mo. Atleast kapag may girlfriend ka ay magkakaroon ka ng plano sa buhay tsaka magiging masinop ka pa para sa future niyo."

"'Yan ka na naman, Mama e, may plano naman talaga ako sa buhay ko, okay?  Wait ka lang kasi, minamadali mo lahat e. Pati pag-aasawa ko, minamadali mo, baka mamaya pati pagkakaroon mo ng apo madaliin mo rin." Depensa ko.

"Talagang minamadali na kita dahil tumatanda ka na. Baka hindi namin maabutan ng Papa mo 'yong mga apo namin sa'yo." Inilapag ni Mama sa tabi ko 'yong kapirasong shirt at pantalon.

"Si Mama, kung ano-ano sinasabi." Napasimangot ako.

"Hay naku! Bumangon ka na dyan at magbihis para makaalis na tayo. Inaasahan ka namin don ng Papa mo."

Pinagsarhan na ako ni Mama ng pinto bago pa ako makareklamo. Napadabog ako ng bangon saka sumandal sa headboard ng kama ko. Nahilot ko ang aking sentido dahil naramdaman ko ang pagkirot nito. Hangover is real.

Sanay na ako sa pagiging OA ni Mama pagdating sa pakikipagrelasyon ko. Wala pa kasi akong naipapakilala sa kanila mula nong nagbinata ako. Aware sila sa pagiging playboy ko pero ang gusto nila ay magseryoso naman ako sa babae which is wala pa sa plano ko.

Gusto ko ng ganitong buhay na sarili ko lang ang iniisip ko. Walang kaaway, walang katampuhan, walang kailangang suyuin at pag-effortan kapag monthsary or anniversary. Naniniwala kasi ako na ang tunay na pag-ibig ay darating sa tamang panahon.

Matapos kong maligo ay inayos ko na ang sarili ko. Maaga pa naman kaya hindi ko muna isinuot 'yong inihanda ni Mama na susuotin ko. Bumaba na ako papunta sa kusina matapos kong maglagay ng pabango sa buo kong katawan. Naabutan ko si Alyssa na nanood sa may sala ng paborito niyang k-drama.

Nasa wisyo ako para asarin siya kaya 'yong pinagbalatan ko ng saging ay ibinato ko sa gawi niya. Umusok na parang galit na leon ang ilong niya nang mapagtantong kagagawan ko yon.

"Para kang timang diyan! Kilig na kilig, huh? Psh!"

"Kuya, you're so dugyot!" Ibinato niya ito pabalik sa akin pero kaagad naman akong umilag at pinagtawanan ang pikon niyang mukha. Tumabi ako sa kanya at nakinood kahit hindi ko bet ang pinapanood niya.

"Baka sa ating dalawa, ikaw ang unang mag-asawa."

"At paano mo naman nasabi, Kuya?"

"Dahil diyan," inginuso ko ang pinapanood niya.

Inirapan niya ako. "Wow! Nanood lang ng kdrama, mauuna nang mag-asawa? Ang OA mo ah. E ikaw ba, kailan ka mag-aasawa?"

"Psh! Parehas lang kayo ni Mama, mga excited." Inalis ko ang pagkakaakbay sa kanya at kumuha nong popcorn na nilalamutak niya habang nanonood.

"Bakit? Nasa tamang edad ka naman na e, degree holder pa."

"Required mag-asawa kapag degree holder na, hmm?" Ginulo ko ang buhok niya kaya napanguso siya sa inis. "Magka-utak talaga kayo ni Mama, mga babae nga naman talaga."

Bago pa kami magkarambulan ni Alyssa ay pumaroon na ako sa kusina upang kumuha ng alak don sa may refrigerator namin. Abala ang lahat sa paghahanda ng meryenda, actually naghuhugas ng mga pinagkainan ang mga kasambahay namin dahil katatapos lang kumain ng lunch ang pamilya ko. 

Matapos kong makakuha ng isang lata ng alak sa loob ng ref namin ay isinarado ko na ito at binuksan ito. Pagkatungga ko pa lang ng lata ay napasubsob na ako dahil naramdaman ko na may bumatok sa akin. 

"Hmm, tanghaling tapat, alak na naman nilalamutak mo, 'di ka na nagsawa." Panenermon ni Mama sa akin.

Napakamot ako sa aking ulo dahil bahagyang kumirot ang labi ko dahil napalakas ang batok ni Mama sa akin dahilan para sumubsob ang nguso ko sa lata. Muntik pang tumaob ang buong laman ng lata sa mukha ko. 

"Si Mama naman," reklamo ko sa kanya at kumuha ng kapiraso ng tissue sa ibabaw ng dining table namin upang punasan ang mukha ko. 

"Hindi ba pwedeng padaluyin mo muna ng tubig yang lalamunan ko kaysa alak, anak? Kagigising mo lang, alak na agad, hindi ka pa nakakakain ng kanin e." Nag-aalala na panenermon ni Mama sa akin. "Kumain ka kaya muna bago ka maglaklak ng alak dyan." 

Inilapag niya yong niluto niyang menudo saka kanin sa harapan ko.  Ang isang kasambahay naman namin ay naglapag ng plato saka kutsara't tinidor. Pinaghain ako ni Mama  na parang bata kaya mabilis ko siyang pinigilan.

"Ma, ako na," pang-aagaw ko sa sandok na hawak niya upang ako na ang maglagay non sa plato ko. "Binebaby mo naman ako masyado e."

"Aba! Hindi ko na magagawa ang mga ganitong bagay  kapag nag-asawa ka na, Luis."

"Ma.." Singhal ko kaagad dahil ayon na naman ang hinaing niyang nakakastress. 

"Totoo naman ah kaya dapat kapag nag-asawa ka na, siguraduhin mo na don ka mapupunta sa babaeng kaya kang pagsilbihan sa lahat ng bagay. 'Yon bang marunong sa mga gawaing bahay at hindi sa pagpapaganda lang." Suhestiyon ni Mama pero  hindi ko magawang matuwa. Muntik ko pang hindi malunok ang kanin na nasa bunganga ko sa mga pinagsasabi niya.

Sobrang cringe!

"Ma, tama na, baka 'di ako matunawan diyan sa mga pinagsasabi mo e."  

Napabuntong-hininga ako ng malalim. 

"Hay naku! Kung pwede lang na ako ang pumili ng mapapangasawa mo, ginawa ko na e. Pero, bilang magulang niyo, hahayaan namin kayo na pumili at magdesisyon ukol sa bagay na 'yon. Ang importante naman sa amin ay maging masaya kayo sa buhay may asawa niyo at mabigyan niyo kami ng maraming apo."

Nabilaukan ako sa sinabing yon ni Mama kaya aligaga siyang nagsalin ng tubig sa baso ko at iniabot ito sa akin upang inumin. Matapos kong uminom ay hinaplos-haplos niya ng bahagya ang likod ko.

"Ma, nakakakilabot naman 'yang mga sinasabi mo." Tugon ko at napaubo ng bahagya. " Hingin mo na lahat sa akin, Ma, huwag lang asawa at apo."

"E 'yon ang gusto ko e," nakangusong tugon nito kaya napahilamos na lang ako sa aking mukha. 

Kakatakot naman ang mga hinihingi ng nanay ko, Lord.

Matapos ko na kumain ay bumalik na ako sa kwarto ko upang magbihis na dahil lalarga na kami. Kahit anong pagpupumilit ko kay Mama na hwag na lang ako isama ay ayaw niya.  Konti na lang ay lumuhod ako sa harapa niya upang pumayag lang sagusto ko pero wala pa rin. Dinaig niya pa ang bato na hindi makaramdam sa inis ko.

"Ma, may lakad pala kami nina Kenneth kaya 'di ako makakapunta. Nextime na lang ako sasama sa inyo ni Papa," nagkunwari pa akong nagtitipa sa selpon ko para mas kapanipaniwala ang palusot ko.

"Kaya nga kita niyayaya dahil nakausap ko na sila kanina pa at nalaman ko na wala kayong lakad today," ngumisi pa ng nakakaasar si Mama kaya  napapikit ako sa inis.

Bakit ba nakalimutan ko na may lahing detective conan 'tong nanay ko? Fuck!

"Ma, ayokong sumama baka maout of place lang ako don e." Nagpapadyak ako na parang bata sa harapan ng nanay ko at talagang katawa-tawa ang lagay ko ngayon.

"Sasama ka s aayaw at sa gusto mo, Luis. Wala ka naman ibang gagawin kundi ang matulog zat magkulong lang sa kwarto  mo, hindi ba? Sayang ang oras kaya mas mabuting sumama ka na lang sa akin."

"Ayoko nga, Ma. May hangover pa 'ko, hindi ka ba naaawa sa akin?"

Umiling-iling pa siya at sa itsura niya ay talagang hindi ko siya mapapakiusapan.

"Tsaka na kita papayagan sa gusto mo kapag may naipakilala ka ng misis mo sa akin, okay?" Nakangising tugon ni Mama saka tinapik ng mahina ang pisngi ko. "Tara na, hinihintay na tayo ng Papa mo don kasama si Mr. Choi." Nauna na siyang maglakad palabas ng bahay.

"Tangina naman!"

Nasabunot ko ang aking buhok sa inis. Gustong-gusto kong magwala sa galit pero nanay ko na ang kalaban ko dito. Nakakairita! Sana pala nanatili na lang ako na estudyante para sa ganon ay malaya ako sa buhay ko, hindi kagaya ngayon na konti na lang ay kontrolado na nila lahat maski ang pag-aasawa ko.

"Potangina niyo! Salamat ah, pinaalam niyo kay Mama na wala tayong lakad ngayong araw." 

Hindi ako nag-aksaya ng oras para tawagan ang mga magagaling kong kaibigan dahil sa inis.  Nanggigigil ang kamao ko na sumuntok sa mga mukha nila, napahawak ako dahil sa pagigingh honest nila. Shit!

"Welcome.." pilyong sagot ni Kenneth kaya nakatanggap siya ng malutong na mura sa akin at narinig ko ang tawanan nila. Ipinaalam ko sa kanila na isasama ako ni Mama sa lakad nila dahil nga nalaman niyang wala kaming lakad ngayon. 

"Bigyan mo na kasi ng daughter in law sina Tita saka apo para matahimik na sila." Demonyong suhestiyon ni Chris kaya si Kenneth samantalang si Rhaiven ay tahimik lang na nakikinig sa usapan naming tatlo. Sanay na kami sa pananahimik niya.

"Tangina niyong dalawa, mga demonyo." Pikon na singhal ko at nagpaalam na ako sa kanila dahil tinawag na ako ni Mama.

Nagpahatid na lang kami sa driver namin at inabot na kami ng dilim nang makarating sa restaurant. Naroon na si Papa sa isang table kasama ang hindi pamilyar na mukha sa akin. Niyaya na kaagad ako ni Mama na lumapit sa kanila, kaagadna tumayo si Papa upang salubungin kami.

"Hello Mr. Choi, sorry we're late, sobrang traffic kasi e." Nakipagbeso si Mama sa matandang lalaki na nakangiti sa amin. " By the way, this is our son, Luis, Luis, this is Mr. Choi." Pagpapakilala ni Mama sa akin sa kameeting nila.

"Nice meeting you, Sir,." Magalang na tugon ko at nakipagkamay rito.

"Nice meeting you too, the future CEO of Arevalo Company."

Ngumiti na lang ako kahit hindi ko yon gustong marinig dahil wala naman sa plano ko ang kunin o manahin ang kompanya na pinaghirapan ng mga magulang ko. Gusto kong magtrabaho sa isang kompanya na wala akong special treatment na matatanggap. Bukod sa gusto kong matuto, gusto ko rin kunin o gawin ang gusto ko nang pinaghihirapan.

At kagaya ng inaasahan ko, naout of place nga ako. Wala naman akong ginawa kundi ang lamutakin lahat ng pagkain na nasa mesa. Tumunganga sa kawalan at makinig sa mga usapan nila kahit hindi ko naman talaga naiintindihan. Nakita ko kung paano mag-effort sina Mama sa trabaho nila. Napapabilib nila ako pero hindi ganyan ang gusto ko para sa sarili ko. 

Hindi lang isang beses na sinasama ako nina Mama sa mga lakad   nila, nasundan pa 'yon ng ilang beses. Ganoon ang naging takbo ng buhay ko sa loob ng isang linggo, buwan, at hanggang sa naging taon na. Nakakalabas naman ako kasama ang mga kaibigan ko pero limitado na.

"I cant bro, kakauwi ko lang at pagod ako. Nextime na lang. Okay. Bye!"

Padabog akong nahiga sa kama ko dahil sa pagod at inihagis sa kung saan ang selpon ko. Sa sobrang kapaguran, hindi na ako nakapunta sa bar kung saan nagyayaya sina Kenneth at Chris na mag-inom. Dito na lang ako sa condo ko magpapalipas ng gabi since binigyan ako ni Mommy ng rest ng dalawang araw.

 Kinabukasan, nagising ako sa sunod-sunod na pagdoorbell sa may pintunan kaya kahit na tinatamad ay bumaba ako upang pagbuksan iyon. 

"Good day, Sir. May sulat po kayo."

Nagpasalamat ako sa lalaki saka ko kinuha yong iniabot nito sa akin. Antok na antok pa ako kaya hindi ko naintindihan 'yong sinabi niya. Isinarado ko na 'yong pintuan at parang lantang gulay na naupo sa may sofa dito sa sala ng condo ko.

Walang gana kong binuksan 'yong sulat na hawak ko para mabasa na. Sa sobrang kaantukan, hindi ko na pinakialaman ang mensahe na nasa harapan nito. Basta ang alam ko ay para sa akin ang sulat ngunit hindi ko alam kung kanino galing.

Marriage Contract..

Nabuhayan ang diwa ko hindi lang ang dugo ko. Bumilis ang tibok ng puso ko't pinagpawisan ako ng malala nang mabasa ang pangalan ko don sa papel. 'Yong natutulog kong sistema kanina ay biglang nabuhayan pagkakita pa lamang sa malalaking letra na naroon sa itaas ng papel.

"What the fuck?!"

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rechylcheng Onabla
Update po miss a.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status