Share

Chapter 29: Gimik

"Magtitinda ba ko o rarampa? Kung ano-ano pa kasi pinapasuot mo." Hindi maipinta ang mukha ni Luis habang nagrereklamo dahil sa ipinasuot ni Hana sa kanya at nagmumukha syang jejemon.

Nakasuot ito ng sando at kitang-kita ang kalakihan ng kanyang mga biceps. Naglagay din si Hana sa kanyang ulo ng bandana na animoy isa syang manggagamot. Nakasuot sya ng half pants na maong at kitang-kita rin ang kaputihan ng kanyang mga binti. Hindi siya komportable sa kanyang suot dahil pakiramdam nya nagmumukha syang katawa-tawa.

"Huwag mong alisin, ang angas mo kayang tignan. Tiyak maraming bibili sa'tin ngayon." Inayos-ayos niya pa ang bahagyang nagulo na buhok ni Luis. "Basta 'yong napraktis natin kanina sa bahay ah? Ganon dapat ang gawin mo para maengganyo ang mga tao na bumili sa'tin, okay?"

"Oo na sige na." Pagsuko ni Luis at napakamot sa kanyang ulo. Pumaroon na sya sa pwesto kung saan itinuro ni Hana.

Pumwesto na rin si Hana sa kanilang paninda, bahagya niyang inayos ang mga gulay na nakalat
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status