"Hoy! Gisinggg! Pasunog na ang dagat, 'di ka pa bumangon!"Kasabay ng nakakabinging sigaw ni Mahana ay ang paghampas nito sa hawak ng takip ng kaserola at sandok sa kabila nitong kamay. Kaagad na napabalikwas ng bangon si Luis dahil sa gulat."What the? Itigil mo nga 'yan, ang sakit sa teinga." Singhal nito sa babae, hindi niya napigilan ang inis na nadarama kaya kinuha niya ang yakap-yakap nitong unan kanina ay kanya itong ibinato kay Mahana pero kaagad naman itong nakaiwas."Bumangon ka na kasi dyan. May nag-aantay sa'yo."Nagising ang diwa ni Luis sa sinabing iyon ni Mahana na may naghihintay sa kanya. At sa labis na excitement, napabalikwas siya ng bangon sa pagkakahiga. Mas mabilis pa sa takbo ng kabayo ang ginawa niyang paglabas sa kwarto ni Mahana, doon siya pinatulog ng babae kagabi dahil ayaw niya itong katabi."Excited ah." Natatawang sambit ni Mahana. Sinundan niya si Luis palabas ng kwarto. Natawa nalang siya sa naging reaksyon ng lalaki.Hindi na niya pinansin si Mahana,
"Hindi ka pa pwedeng mamatay, hindi pa ako nakakaganti sa'yo." Natawa na lamang si Mahana sa narinig niyang usal ni Luis noong kinukulit siya nitong sabihin ang kanyang sakit dahil sa walang humpay na katanungan kung para saan ang gamot na iniinom nito. "Psh! Akala ko pa naman concern ka sa health ko. Hmp." Nagkunwaring nagtatampo na tugon ni Mahana, kanyang ipinagpatuloy ang pagtutupi na kanyang ginagawa sa mga damit na nilabhan ni Luis kaninang umaga.Hindi siya tinantanan ng lalaki hangga't hindi nakukuha ang kasagutan na hinihingi niya. Parang may sili ang pwet ni Luis dahil hindi siya makapirmi sa kinauupuan. Nakailang kalabit at panunuyo na siya kay Mahana para lang pagbigyan siya nito."So, para saan nga 'yon? Doctor's prescribed ba 'yon? Nakakahawa ba yang sakit mo? Nakakamatay? Ilang years ka pa daw mabubuhay?" Sunod-sunod na tanong ni Luis.Nakakunot-noo si Mahana sa pagiging overacting ni Luis."Ang OA ah." Inirapan niya ang lalaki."Para saan nga kasi? Kanina pa 'ko nagt
"Magtitinda ba ko o rarampa? Kung ano-ano pa kasi pinapasuot mo." Hindi maipinta ang mukha ni Luis habang nagrereklamo dahil sa ipinasuot ni Hana sa kanya at nagmumukha syang jejemon.Nakasuot ito ng sando at kitang-kita ang kalakihan ng kanyang mga biceps. Naglagay din si Hana sa kanyang ulo ng bandana na animoy isa syang manggagamot. Nakasuot sya ng half pants na maong at kitang-kita rin ang kaputihan ng kanyang mga binti. Hindi siya komportable sa kanyang suot dahil pakiramdam nya nagmumukha syang katawa-tawa."Huwag mong alisin, ang angas mo kayang tignan. Tiyak maraming bibili sa'tin ngayon." Inayos-ayos niya pa ang bahagyang nagulo na buhok ni Luis. "Basta 'yong napraktis natin kanina sa bahay ah? Ganon dapat ang gawin mo para maengganyo ang mga tao na bumili sa'tin, okay?" "Oo na sige na." Pagsuko ni Luis at napakamot sa kanyang ulo. Pumaroon na sya sa pwesto kung saan itinuro ni Hana. Pumwesto na rin si Hana sa kanilang paninda, bahagya niyang inayos ang mga gulay na nakalat
"Why did you stole my wallet? Alam mo bang pwede kitang kasuhan dyan sa ginawa mo for stealing someone's property?" Nag-uusok ang ilong ni Luis na kinompronta si Mahana pagkarating nila sa bahay.Walang pakialam na naupo si Mahana sa may sala ng kanilang bahay. Napasandal siya roon saka bahagyang napapikit habang si Luis ay nasa harapan nito, nakatayo at nag-aalburuto sa galit."Hindi ko naman ninakaw e." Simpleng sagot ni Mahana, dumilat pa siya ng bahagya upang tignan si Luis.Napakunot-noo si Luis sa sinabi ng babae. Hindi siya kumbinsido sa sagot nito dahil wala siyang makitang ibang rason kung bakit na kay Mahana iyong wallet niya kundi sa paraang ninakaw niya ito."E bakit nasa 'yo?""Napulot ko nga lang, hindi ko naman alam na sa'yo pala yon e." Depensa nito, umayos ng upo si Mahana saka pinagkrus ang mga braso sa may dibdib nito.Napailing-iling si Luis. "So, sa akin man 'yon o hindi, wala ka talagang balak ibalik 'yon? Ang malala pa don, winaldas mo pa 'yong pera."Napangiwi
"Tangina! 'Di pa sinabi kung sino e. Papatayin pa 'ko sa pag-iisip."Nag-uusok na reklamo ni Luis matapos mabasa iyong sulat na kanyang natanggap mula may Jade. Padabog niyang ibinaba sa center table iyong papel at napasandal sa kanyang kinauupuan. Sa labis na inis ay nakaramdam siya bahagya ng kirot sa ulo kaya napahilot sya sa kanyang sentido."Bakit, anong sabi?" Kuryosidad na tugon ni Mahana. Hindi nya nabasa iyong nilalaman ng sulat kanina dahil nakaharang ang ulo ni Luis. Wala siyang natanggap na sagot mula sa lalaki kaya naman kinuha ni Mahana iyong papel at kanyang binasa ang nilalaman nito.Mag-ingat ka sa mga nakapaligid sa'yo dahil hindi lahat sayo ay totoo. -jade"Ke laki-laki ng papel tapos yan lang sinulat niya?" Iritableng tugon ni Mahana. Sinilip niya pa sa likod ng papel, nagbabakasakali siyang may nakasulat pa doon pero wala na talaga. Tanging sa harap nito na ang may sulat, kakarampot pa."Argh! Sino ba kasi ang mga potanginang tinutukoy
Breath in....Breath out....Breath in....Breath out....Hindi mabilang na buntong-hininga ang nagawa ko matapos buksan ang bagong dating na papel sa akin na ngayon ay hawak-hawak ko na nagiging dahilan para manginig ang kamay ko sa kaba.Titig na titig ako sa kapirasong papel na hawak ko na hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gusto ko itong punitin pero naubusan ako ng lakas. Hindi maalis ang tingin ko sa dalawang salita na alam kong makakapagpabago sa buhay ko.Sinusubukan kong iproseso ng maayos kung tama ba ang pagkakabasa ko sa dalawang salita na malalaki na nakasulat sa pinakaitaas ng papel. Marunong naman ako magbasa pero bakit nabobo ako bigla sa papel na ito? Bakit biglang hindi gumana ang utak ko?Sa isang iglap, hindi ko akalain na biglang magbabago ang buhay ko. Isang gabi na puno ng saya pero nabahiran nito ang nananahimik kong buhay ng kaba at pangamba.Paano ko haharapin ito? Hindi ako naging handa sa bagay na ito. Wala pa ito sa plano ko pero dumating ito sa pan
LUIS'S POV"Yeah! Inom pa! Magpakalasing tayo ngayong gabi..."Walang kahirap-hirap ko na itinungga ang bagong bukas na wine na kinuha ko mula sa cabinet ng condo ko. Oo, nandito kami sa condo ko, hindi dahil nagtitipid kami kundi dahil dito mas komportable kaming uminom, iwas pa sa gulo.Kumuha rin ako ng ilang plato dahil sakto na kararating din ng inorder kong pulutan namin sa isang fastfoodchain. I was with my friends, Kenneth and Chris, Rhaiven's presence is absent, as usual. Dinadamdam niya pa rin hanggang ngayon 'yong pagkawala ni Haila sa kaniya. Although, hindi naman namin siya masisisi kung bakit ganoon katagal siya magmoveon.After our graduation, wala na yata kaming ginawa kundi ang icelebrate ang achievement na nalagpasan namin ang college life. Almost one month na rin mula nong grumaduate kami. And yes, hanggang ngayong nagcecelebrate pa rin kami. Ganito kami kasaya na sa wakas ay mga degree holder na kami. College life is one of the worst part of my life as a student.
"Luis, fix yourself na dahil sasama ka meeting namin with Mr. Choi para sa business natin. Dapat ngayon pa lang ay matuto ka na para incase ibigay na namin sa iyo ang negosyo ay alam mo na ang gagawin mo."Napatakip ako ng unan sa teinga ko dahil tanghaling tapat ay nandito na si Mama sa kwarto, nanenermon. Laking pagsisisi ko tuloy na umuwi dito dahil sa pagiging bungangera niya. Mas mainam pa sa condo, wala akong sermon na maririnig mula kay Mama."Bumangon ka na diyan." Hinila niya iyong kumot na nakatakip sa akin. "Saan ka na naman ba nagpunta kagabi at tinanghali ka na naman ng gising?""Ma, sa bar lang.." walang gana na sagot ko."Jusko, Luis, araw-araw na 'yang paglabas mo ng gabi para makipag-inuman ha. Imbes na 'yan ang atupagin mo, bakit hindi 'yang pag-aasawa mo ang asikasuhin mo.""Si Mama naman, kakagraduate ko pa lang, gusto mo na 'ko agad mag-asawa." Napakamot ako sa aking sentido."Aba! Kung puro barkada ang aatupagin mo, hindi ka magkakaroon ng inspiration na magsettl