Share

Accidentally Married to a Playboy (Playboy Series #2)
Accidentally Married to a Playboy (Playboy Series #2)
Author: Yassieebells

Prologue

Breath in....

Breath out....

Breath in....

Breath out....

Hindi mabilang na buntong-hininga ang nagawa ko matapos buksan ang bagong dating na papel sa akin na ngayon ay hawak-hawak ko na nagiging dahilan para manginig ang kamay ko sa kaba.

Titig na titig ako sa kapirasong papel na hawak ko na hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gusto ko itong punitin pero naubusan ako ng lakas. Hindi maalis ang tingin ko sa dalawang salita na alam kong makakapagpabago sa buhay ko.

Sinusubukan kong iproseso ng maayos kung tama ba ang pagkakabasa ko sa dalawang salita na malalaki na nakasulat sa pinakaitaas ng papel.

Marunong naman ako magbasa pero bakit nabobo ako bigla sa papel na ito?

Bakit biglang hindi gumana ang utak ko?

Sa isang iglap, hindi ko akalain na biglang magbabago ang buhay ko.

Isang gabi na puno ng saya pero nabahiran nito ang nananahimik kong buhay ng kaba at pangamba.

Paano ko haharapin ito? Hindi ako naging handa sa bagay na ito. Wala pa ito sa plano ko pero dumating ito sa panahong hindi ko naman inaasahan.

Bumaba ang tingin ko at napunta sa pangalan na nasulat sa baba.

Shit!

Halos malaglag ang mata ko sa gulat nang makita kung ano ang pangalan na nakasulat roon. Pakiramdam ko, magugunaw ang mundo ko pagkabasa sa pangalan niya.

Luis Adrian Arevalo

No way!

Paano ako ikinasal sa lalaking ito? Paano ko makakayang maging asawa ang pinakadakilang playboy na kilala ko?

"Gising! Hana, nananaginip ka lang! Gumising ka!"

Pinagsasampal ko pa ang pisngi ko para sana magising sa bangungot na ito pero nararamdaman ko na buhay ang diwa ko. Kinurot ko pa ng malakas ang braso ko pero ganoon pa rin ang pakiramdam ko.  Pakshet!

"Letche! Hana, legal na marriage contract 'to."

Napahilot ako sa aking sentido nang masuri ko na legal ang papel na hawak ko. May pirma ng Mayor sa baba, may pirma rin ako at ni Luis na nagpapatunay na pumayag kaming dalawa.

Ano 'tong katangahan ko? Paano ako pumayag na pakasalan ang lalaking kinamumuhian ko? Sa lahat ng maaari kong mapakasalan nong gabi na yon, bakit siya pa?

How can I forget the night that I am accidentally married to a playboy?

A/N: Hello bibes! Playboy series #2 is here! Talagang pinag-isipan ko 'to ng mabuti kaya sana magustuhan niyo. Since nakilala niyo na ang mga leading lady ng mga kwatros ay opo, may kanya-kanya na silang kwento. Sana suportahan niyo ay magustuhan niyo. Padayon!

PLAYBOY SERIES #1 BABYSITTER OF A PLAYBOY BOOK 1&2 (COMPLETED)

PLAYBOY SERIES #2 (ACCIDENTALLY MARRIED TO A PLAYBOY (ONGOING)

Comment down your feedback?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status