Share

Chapter 6

Sa isang linggong pakikitira ko sa magandang bahay ni Eros kasama ang mga kaibigan niya ay unti-unti akong nagiging komportable sa kanila lalo na kay Andrei na palagi akong kinukulit.

Katulad na lang ngayon.

"Gusto mo 'no?" asar niya sa akin kaya napakunot ang aking noo. Sino?

"Ha?"

"Gusto mo siya?" ngumisi siya sa akin ng nakakaloko habang ako ay nagtataka lang siya tinitingnan. Pinagsasabi ng makulit na lalaking 'to?

"Sinong siya ba?" nagsisimula na akong makaramdam ng inis dahil sa ngisi niyang hindi ko maintindihan.

Sa totoo lang, itong lalaking 'to ang una kong naka-close sa kanila dahil sa pagiging makulit at pagiging feeling close niya sa akin. Kahit na naguguluhan ako minsan sa kilos niya at nawe-weirdohan ay tanggap ko pa rin naman siya. 'Tsaka, alam niyo bang minsan ay para siyang bading? Hihi.

"Siya," nakakalokong saad pa din nito. This time, my brows knitted while looking at him.

"Alam mo, hindi kita maintindihan. Sino bang siya na sinasabi mong gusto ko?" imbes na sumagot ay tumawa lang siya kaya doon na talaga ako nainis ng tuluyan. "Dati ka bang baliw?"

"Yes pi lesa, dating baliw na baliw sa kaniya. Ehe, balik ka na, 'di na me galit. Uwu!" nag-boses bakla pa siya habang sinasabi iyon kaya ang inis ko ay agad na naghupa at napahalakhak ng hard.

"Gago lang!" sinabayan niya din ako sa pagtawa kaya nagmukha kaming baliw na nakatakas sa mental hospital. Psh. Ang lalaking ito ay hindi nakakasawang makasama. Para kasing lahat ng kalokohan sa mundo ay alam e.

Si Andrei ang klase ng tao na baliw ngunit sa tingin ko nama'y mapagkakatiwalaan. Ang ayos niya ring maging kaibigan, sa sobrang ayos ay pati ang seryosong tao pwedeng mabaliw dahil sa kaniya.

Siya iyong klase ng tao na mamimiss ko kapag tuluyan akong mahanap nila daddy.

"Crazy people!" komento ni Luke nang mabungaran kami sa sofa. Pero ang loko ay tumabi rin naman sa akin at sinabayan kami sa pagtawa. "Ano bang ganap? Hahahaha! Nakakatawa grabe!"

Kita niyo na? Sila ay magkakaibigang baliw. Si Luke na wala namang alam sa nangyayari pero sumasabay sa amin ngayon sa pagtawa. Mga dating baliw.

"Ginagawa niyo? Nagmumukha kayong takas mental." si Yuro na kakalabas lang ng banyo. Iling-iling nito kaming nilampasan at umakyat sa taas.

Kanina pa ako nagpapagulong-gulong sa kama habang sapo-sapo ang puson. Putspa, ang sakit! Hapon na pero wala pa rin sila Andrei na kanina pang tanghali umalis. Ako na lang at si Eros ang nandito sa bahay ngayon.

Dahan-dahan akong bumangon at lumabas ng kwarto. Pupunta lang akong banyo para i-check kung meron ba 'ko ngayon. Nanlaki ang mata ko nang makita sa salamin dito sa loob ng banyo na may tagos ako.

Wala pa naman akong nabiling pads. Malas naman oh!

Napatingin ako sa may pinto nang bumukas iyon at bumungad si Eros. Gague! Hindi ko pala iyon na-lock. Nanlaki ang mata nito ng makita ako at akma na sanang isasarado ang pinto pero pinigilan ko siya.

"E-Eros," napalingon siya sa akin ng may nagtatanong na mata. "P-Pwede bang makisuyo?"

"What is it?" lumunok muna ako ng ilang beses bago sumagot.

"A-Ano kasi, ahm.." huminga muna ako nang malalim bago nagpatuloy. "Meron kasi ako ngayon pero wala akong ano—"

"What do you mean by "meron?" nakakunot na ang noo nito.

"Ano.. buwanang dalaw—"

"You mean, red days?" tumango-tango ako. "Then, you want me to buy you pads because you don't have one, right?" tumango ulit ako.

"O-Oo, if okay lang.."

"Sure. No problem with that." bahagya akong nagulat sa agad-agad na pagpayag niya. "Wait for me. Will be back in a minute." sabay labas na nito ng banyo.

Umupo ako sa maliit na upoan habang sapo pa rin ang puson. It took 5 minutes before he arrived. Nang buksan ko ang pinto, nakita ko siyang pawis na pawis habang may dalang maliit na plastic bag. Kinuha ko agad iyon sa kaniya at walang sabi-sabing sinaraduhan siya. I know it's rude but I want to finish this already. Ang lagkit kasi sa pakiramdam.

Mabuti na lang nadala ko ang black underwear ko pampalit, incase.

I walked out in the bathroom to find Eros because I want to thank him for doing me a favor. If it wasn't because of him, wala akong pads ngayon.

Nadatnan ko siya sa kusina na naghuhugas ng kamay sa lababo. I immediately approached him.

"Woy," tinusok ko ang tagiliran niya gamit ang hintuturo kaya bahagya siya napaliyad at nilingon ako. "Thank you and sorry sa abala." instead of answering, he just nod his head and continue what he was doing.

Hindi ko na siya kinulit at umakyat na sa kwarto para magpahinga. Sa sakit ng puson ko, gusto ko na lang matulog. So I did.

I just woke up when I felt someone tapping my cheek. Kinusot ko ang mata ko at nagmulat. I saw Eros' face.

"What?"

"It's dinner time. You have to eat." hindi ako sumagot at tinitigan lang siya kaya bumuntong hininga siya. "Look, I have no intention on distracting you from sleeping but you need to eat. Malipasan ka pa e, it's not good for your health."

"Maraming beses na 'kong nalipasan, no need to worry." nakasimangut ang labi ko habang sinasabi iyon.

"First of all, I'm not worried. Second, I don't care if ilang beses kang nalipasan. My concern is you to be not sick. Sino na lang ang maglilinis ng bahay kung magkaka-sakit ka?" napanguso ako sa sagot niya.

"Okay, fine. I'll eat. Dami mo pang palusot, nag-aalala ka lang e." tumayo ako at dere-deretsong lumabas ng kwarto.

"How can you say so?!" narinig ko pang sigaw nito ngunit hindi ko pinansin.

Saktong nakarating ako ng dinning ay tumunog ang tyan ko. Nandoon na sila Andrei, kumakain. Umupo na din ako para sabayan sila.

"Good evening, sleeping beauty." bati ni Andrei. Hindi ko alam kung inaasar niya ba 'ko o ano. Hindi ko siya pinansin kaya napanguso siya. "Suplada,"

"Okay ka lang, Aza?"

Nakaupo na 'ko sa sofa nang magtanong si Keo na katabi ko habang nanonood ng movie. Kakatapos lang naming kumain at sama-samang nanood dito sa sala.

"Oo." matipid na sagot ko. "Bakit?"

"You look pale." dahil sa sinabi niya, sabay na napalingon sa akin ang lahat. Ang kanilang nagtatanong na mata ay naging dahilan para mapairap ako.

"I'm fine." tinaasan ko sila ng kilay kaya sabay silang napaiwas ng tingin maliban kay Eros na nanatiling na sa akin ang atensiyon. His brows knitted when I roll my eyes.

"Tss."

Humikab ako bago tumayo. "Akyat na 'ko."

Nakarating ako sa harap ng pinto ng kwarto at akma na sana iyong bubuksan nang may humawak sa kamay ko para pigilan. Lumingon ako sa may gawa no'n at nakita si Eros. Hindi ko namalayang sumunod pala siya.

"Masakit pa din ba?" nangunot ang noo ko, naguguluhan. "'Yung ano mo.. puson,"

Tiningnan ko pa muna kung seryoso siya sa tanong niya bago sumagot.

"Hindi na." kinuha ko ang kamay ko sa kaniya bago buksan ang pinto ng kwarto. "Matutulog na 'ko. Good night."

He smiled a little before nodding. "Good night, Azara." hindi ko masyadong narinig ang huli niyang sinabi, but that's not my concern anymore, I want to sleep.

Tinanguan ko siya bago tuluyan nang pumasok.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status