Share

Six

" Wala kang karapatang gawin iyon sa akin! " Nanginginig ang katawan ng dalaga sa galit na nadama. Wala itong karapatang halikan siya. Ni hindi sila magkasintahan para gawin iyon ng binata.

Marahang hinimas-himas ni Jacob ang pisnging nasaktan. Hindi makapaniwalang magawa iyon ng babe sa kanya.

Inis na kinuha ni Yumi ang cellphone sa bag para tawagan ang ina. Ngunit maagap siyang napigilan ng lalaki.

" Ako ang inutusan ni tita na sumundo sa'yo. " Perio tinaasan lang ito ng kilay ni Yumi.

" I better ride a taxi. " Irap niya sa binata. Akma na siyang bitbitin ang mga gamit ngunit mabilis pa sa alas cuatro siyang nahawakan nito.

" Ako ang maghahatid sa'yo sa bahay niyo. " Matigas ang boses ni Jacob.

" Ayoko! Hayaan muna ako. Di ba sabi mo ayaw mo akong makita, bakit ngayon atat kang ihatid ako sa amin? I am not your responsibility, right ? So, hayaan mo ako! " Pagkatapos ay tinanggal niya ang kamay ng lalaki pero nanatili itong nakahawak sa kanya.

" I don't want to argue with you. Pumasok ka na sa kotse kung ayaw mong pilitin kita. " Pigil ang galit sa tinig nito habang sinasabi iyon. Nakadama ng kaba ang dalaga nang makita ang panliliit ng mga mata ni Jacob. Nakita na niya kung papaano magalit ang lalaki kaya hindi na niya gustong maranasan pa iyon. Sandali siyang nag-isip bago nagpasyang sumunod rito. She heard him sigh the moment she get in the car.

Wala silang imikan habang daan. Mas ginusto niyang balewalain ang presensya ng lalaki kaya nakontento na lamang ang dalagang nakatingin sa labas ng bintana. Maya-maya ay pinukaw ng lalaki ang pananahimik niya.

" Kumusta ka na? " The question made her stunned. Wala siyang balak na sagutin ang lalaki. Hindi niya gustong palawigin pa ang connection nila dahil hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawa nito sa kanya five years ago. She tried her very best to stay still and be silent. Sa halip ipinikit niya ang mga mata para magkunwaring nakatulog. Bumuntung-hininga si Jacob.

" I know you're awake, Yumi. Try harder, tsk. " Ani na napailing-iling nalang. Hindi niya makausap ng matino ang dalaga. Marami pa sana siyang gustong itanong rito but she completely ignored him. Tumahimik na lang si Jacob at muling itinuon ang pansin sa kalsada.

Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa ere. Napakasarap ng tulong niya. Mukhang napagod talaga ang dalaga sa biyahe kaninang umaga.

" Hmm." Napakabango naman ng unan niya. Ngunit naalimpungatan ang dalaga nang may malamig na bagay ang dumampi sa labi niya. Awtomatikong nagmulat siya ng mga mata, ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang mabungaran ang mukha ni Jacob. Dalawang pulgada na lang ang distansiya ng mga mukha nila at halos maghalikan na silang dalawa.

Mabilis niyang tinampal ang braso ng binata para maibaba nito.

" Put me down! " Asik agad ng dalaga. Mabuti na lamang at nakinig ang binata sa kanya. Pero nang ilibot ang paningin sa kabuoan ng bahay ay nagulat siya. Magkasalubong ang mga kilay na nilingon ang lalaki.

" This isn't our home. Where are we? " Iminuwestra ng dalaga ang loob ng bahay. Her eyes roaming inside the house.

" In my private rest house. " Walang anuman na sagot ng binata.

" What !? " Naibulalas ni Yumi. Naalarmang hinanap agad ang daan palabas ng bahay. Hindi niya tuloy napansin ang native at modern interior ng bahay. Nang mahanap ang main door ay lumabas ang dalaga para lamang matigagal sa nakita. Ilang metro lamang ang layo ng puting buhangin sa kinatatayuan niya. Napakaganda rin ng malawak na dagat. The place is complete with amenities iyon nga lang ay wala siyang nakitang ibang tao sa paligid.

' Saan siya dinala ng lalaki? At anong ginagawa nila sa napakagandang lugar na 'to? ' Tanong ng isip niya.

Nagpasya siyang libutin ang lugar. Susubukan niyang maghanap ng ibang tao at baka matulungan siyang makaalis sa lugar na iyon.

Ano ba kasi ang ginagawa nila sa lugar na iyon?

Hanggang sa napagod siya sa kalilibot ng buong lugar pero wala siyang nakitang tao ni isa. Sa halip nadiskubre niya na nasa isang isla sila. At tanging silang dalawa lang ang nakatira sa isla.

She wanted to scream real hard nang sa ganoon ay mailabas niya ang sobrang inis na nararamdaman. Nagpasya siyang bumalik sa rest house ng lalaki para ito'y komprontahin.

Naabutan niya itong nagluluto ng pagkain sa kusina ng bahay. Napataas ang kilay niya sa nakita. Sa pagkakaalam niya ay hindi marunong magluto ang lalaki. Kahit nga nakabukod ito ay kontento ito sa pag-order ng mga lutong pagkain noon.

' That was before. ' Kontra ng isang bahagi ng isip niya. Five years had past kaya wala siyang ideya kung kamusta na ito. If he and Nancy got married. Parang may punyal na tumarak sa puso niya nang maalala ang masasakit na pinagdaanan niya.

Sakto namang lumingon ang lalaki sa kanya. Pagkuwa'y nagtagpo ang mga paningin nila. Nakita niyang ngumiti si Jacob katulad noon kapag naglalambing ito sa kanya.

" I want to go home. " Bungad agad niya rito. Balewala ang pagsikdo ng damdamin sa pagkakatitig nilang iyon.

" You are home. " Matapos sabihin iyon ay tinalikuran siya para ipagpatuloy nito ang pagluluto. Napakunot-noo ang dalaga sa narinig mula rito.

" I'm dead serious, Jacob. Let me home! Ano bang ginagawa natin dito? " Tumaas ang tinig ng dalaga.

" Vacation. " Tipid na sagot nito.

" Ano ba! Gusto ko ng umuwi, iuwi muna ako! " Napapadyak ang dalaga na parang bata. But he didn't bothered facing her. Sa halip ay nagpatuloy pa rin sa pagluluto. Hinayaan si Yumi na patuloy sa pag-iinarte.

Maya-maya lang ay natapos na ito sa pagluluto.

" Make yourself useful. Set the table for us. " Utos ni Jacob sa kanya na nagpaawang ng bibig niya. How dare this man! Kontra ng isip niya.

" Ayoko. Hindi ako gutom. Ang gusto ko lang naman ay makauwi na ng bahay. Mom must be worried right now. Kaya mabuti pa ay ihatid mo na ako. " She reasoned. Umiling-iling ang binata.

" No, you're stuck her with me in this island. So, better set the table before we starve. " Pagkatapos ay tinalikuran siya ni Jacob. Naiwan siyang hindi makapaniwala sa narinig.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status