Share

Nineteen

Buong akala niya ay okay na ang lahat sa kanila ng anak ngunit isang tawag ang kanyang natanggap makalipas lamang ng isang linggo.

" Your dad's not doing well, anak. Inatake siya sa puso kagabi at na confined sa Makati Med. Sana'y makapunta kayo rito ni Jabez, anak." Malungkot at umiiyak ang tinig ng ina. Para namang pinagsakluban ng langit at lupa si Yumi sa narinig.

" K-Kumusta po ang daddy, my?" Sa bahagyang nanginginig na boses ay tanong niya sa ina. Narinig niya sa kabilang linya ang pagbuntung-hininga nito.

" Inoobserbahan pa siya ng mga doktor, hija. They said his condition is not stable yet." Napahagulhol ito pagkatapos. Natutop naman ni Yumi ang bibig para sa pinipigil na hikbi. Oh my God! Bakit nangyari ito sa daddy Arman niya?

Matapos makausap ang ina ay agad nagpa-book ng ticket ang dalaga. Kailangan nilang makapunta agad ng Manila ng anak niya bago pa mahuli ang lahat. Hindi niya gustong pagsisihan ang naging desisyon niyang tumira malayo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status