Share

Two

Naghahabol ng hininga si Yumi nang makarating sa silid niya. Agad niyang isinara at ini-locked ang pinto ng kanyang kwarto nang makapasok. Nakadama siya kanina ng matinding kaba. Akala niya ay hahalikan siya ng binata nang masukol siya nito sa sink area ng kitchen. Ngunit tumigil ito sa tamang oras.

Pabagsak siyang humiga sa kama at kinuha ang paboritong unan na si tweety bird. Niyakap iyon at ibinaon ang mukha roon habang nagtitili sa sobrang kilig na kanyang nadama.

Hindi niya akalaing makikita niya ito sa bahay nila. Ano kaya ang ginagawa nito kasama ng kuya Nathan niya? Hinubad niya ang ipinatong nitong t-shirt sa pantulog niya. Sinipat ang sarili, saka lang niya nabistahan ang suot na pantulog. Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita. She was wearing her sexy lingeree. Kaya pala ganoon na lang ang tingin ng lalaki sa kanya. Pinamulahan siya ng mga pisngi sa naisip.

Dinala niya sa ilong ang hawak na pang-itaas ng binata. Inamoy-amoy niya iyon. She could smell his manly scent. Napangiti siya at parang sira ang ulong nagpagulong-gulong sa higaan.

" I love you, Jacob Mercado! " Kinikilig na wika niya sa sarili. Hanggang sa makatulog ay iniisip niya pa rin ang binata.

She woke up late the following day. Mabilis siyang naligo at nag-ayos sa sarili. She and Jillian decided to stroll at the mall today. Magsa-shopping sila katulad ng nakagawian nila. Gusto niya rin iyong gawin, kahit naman kasi matalino siya ay hindi naman masasabing kabilang siya sa mga nerds na nasa school nila dahil fashionista siyang babae. She love wearing fashion wardrobes kaya nga magkasundo silang dalawa ni Jillian. They shared common likes and dislikes.

Sunod-sunod na katok sa pinto ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

" Bababa na po! " Sigaw niya habang ipinagpatuloy ang pag-aayos sa kanyang sarili. Hindi na niya hinintay pa ang isasagot nito sa kanya at nagmadali na niyang pinihit ang seradura ng kanyang silid.

" You missed your breakfast, sweetheart. " Nanlaki ang kanyang mga mata sa nabungaran. It was Jacob, giving her his sweetest smile that made her heart go somersault.

" H-Hey, what are you doing here? " She can't help but stuttered. Buong akala niya ay nakaalis na ito. It's already eleven nang magpasya siyang lumabas ng kwarto niya. She saw him twitched the side of his lips. Ang itim na itim na mga mata ng binata ay matamang nakatitig sa kanya.

" I was ordered by your mom and dad to watch over you, while they're away. "

" Ha? Saan sila nagpunta? How about kuya, Nathan? " Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Di yata't iniwan siya ng pamilya niya.

" Apparently, Nathan is on a date. And your parents is having their weekend vacation in boracay. So, I'm here taking care of you, sweetheart. " Ang sarap sa pandinig niya ang sinabi nito.

' So, they are alone in this house? ' But she tried to relax herself.

" It's okay Jacob, I can handle myself. You can go home now. " Nagtatampo pa rin siya sa lalaki dahil sa nasaksihan kahapon sa school nila.

" I'm not asking for your permission, brat. Lumabas ka na para makakain. " Mahinang piningot ng binata ang maliit at matangos na ilong ng dalagita. Her cute bow lips parted. Natulala na siya sa kinatatayuan niya. Starstruck na naman ang bruha.

" Tsk, kumilos ka na, sweetheart. " Jacob tried to distract her sa pamamagitan ng pagpatunog ng mga daliri nito sa harap niya. Saka lang din siya natauhan at napakurap-kurap rito.

Pagdating sa dining room ay may nakahanda ng pagkain sa mesa. Naroroon sa mesa ang mga paborito niyang kainin sa breakfast gaya ng fried rice, scrambled eggs at tocino. May dalawang pares ng plato na rin ang nakalagay doon.

Nakadama siya ng kasiyahan sa nakita.

" Did you prepared all these? " May ngiti sa kanyang labi.

" Yes, sweetheart. Iniwan ba naman kasi tayo ng mga katulong niyo. " Naglahong parang yelo ang kasiyahang kanyang nadama dahil sa ginawa nito. Mukha kasing napilitan lang ito.

" Day off kasi nila kapag Saturdays and Sundays. Pasensya na Jacob naabala ka pa tuloy. You don't have to do this naman, kaya ko namang magluto mag-isa. Pasensya na ulit. " Katwiran niya. Nadismaya siya sa ipinakitang kagaspangan nito. Nawalan tuloy siya ng ganang kumain.

"I didn't mean that way, sweetheart. "

" It's okay, Jacob. " Pinilit niya ang sariling ngitian ito ng tipid. " Pagkatapos nating kumain, pwede ka ng umuwi sa inyo at baka hinahanap ka na ng parents mo. " She tried to sound normal. Ayaw niyang ipahalata rito na na offend siya sa sinabi nito sa kanya. " Excuse me. " Tumayo na siya dala ang pinagkainang plato.

" Hey! " Maagap siyang napigilan nito sa braso. " May problema ba tayo, sweetheart? " Nasa tono nito ang pagsusumamo. Marahan siyang umiling rito.

" W-Wala naman. " But her voice is shaking. Pinipigilan niya ang pagbabara ng kanyang lalamunan dahil baka mapaiyak siya. Pumiksi siya para umiwas sa paghawak nito.

" Sweetheart. " Napapikit si Yumi. Bakit ba tila may kutsilyong tumarak sa puso niya? Mukhang napakababaw naman niya.

" M-Medyo masama ang pakiramdam ko, aakyat na muna ako. " Nagmamadali niyang tinalikuran ang di makahumang binata.

¤¤¤¤¤

" Hindi na muna matutuloy ang lakad natin, Jill. Medyo masama ang pakiramdam ko, eh. " Pinalungkot niya pa ang boses para magmukhang effective sa kaibigan niya.

" Bruha, andiyan pala ang kuya Jacob ko. Nagbabantay raw sa'yo. " Nanunudyo ang tinig sa kabilang linya.

" Pinaalis ko na siya, Jillian. Talagang masama ang pakiramdam ko, sige na ibababa ko na ang phone. "

" O siya, magpahinga ka, bru. Bye na. "

Matapos maibaba ang phone ay humiga sa kama si Yumi.

Nasaktan talaga siya sa sinabi ng lalaki sa kanya kanina. Buong akala pa naman niya ay magiging memorable ang araw na ito dahil sila lang dalawa ng binata sa bahay nila. Everything seems perfect pero naging makulimlim iyo dahil sa sinabi nito.

Nilibang niya ang sarili sa pagbabasa ng romance novels. Mahilig siya sa ganoon simula nang makadama siya attraction sa opposite sex.

Sunod-sunod na katok ang nagpagising sa kanya.

" Open the door, sweetheart ! " Si Jacob ang kumakatok at tumatawag sa kanya. Napasimangot siya. Akala niya ay nakaalis na ito, hindi pa pala. Nagkunwari siyang tulog at hindi ito naririnig. Nagtakip siya ng unan sa kanyang dalawang tenga para hindi marinig ang tinig nito.

' Pumunta ka sa Nancy mo! ' Sigaw ng isip niya. Pero hindi isinatinig. Ipinikit niya ang mga mata.

Patuloy pa rin sa pagkatok ang lalaki pero hindi niya pinapansin hanggang sa makatulog siyang muli.

Pakiramdam niya ay lumilindol ang paligid niya. Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata.

" Sweetheart, wake up. " Mukha ni Jacob ang nabungaran niya. Napabalikwas siya ng bangon. Anong ginagawa nito sa silid niya?

Umurong siya sa headboard ng kama para makalayo rito.

" Paano ka nakapasok? " Gulat na tanong niya. Itinaas ng binata ang hawak na susi.

" I used this. Kanina pa ako kumakatok pero ayaw mong buksan ang pinto. So, I have no choice but to used this keys, sweetheart. " Napakalambing ng boses nito. Mukhang nag-aalala naman ito sa kanya.

" Masama kasi ang pakiramdam ko, sorry. A-Akala ko nakauwi ka na? " He chuckled.

" Hindi pwede, sweetheart. Walang magbabantay sa'yo rito. " Ngumuso pa ito kay Yumi.

" Nagreklamo ka kaya kanina dahil ikaw ang nagluto ng breakfast. " Hindi mapigilan niyang komento rito. Napakamot ito sa ulo.

" Sorry about that, sweetheart. Nagluto ako ng sopas, kumain ka muna. " Yaya nitong matamis na ngumiti sa dalagita.

" Salamat, pero hindi ako gutom. "

" Hindi ka na nga nag lunch, sweetheart. It's already eight pm, kailangang malamnan kahit papaano ang sikmura mo. " Pangungulit ng binata sa kanya. Napilitan siyang kainin ang inihanda nitong sopas.

" Hindi pa ba dumating si kuya? " May pagtatakang tanong ni Yumi rito. Umiling ito.

" Overnight. Tumawag kanina habang tulog ka. "

" What !?" Nanlaki ang mga mata niya.

" Don't worry sweetheart, sasamahan naman kita. " Kumindat pa ito kay Yumi.

" Sira ka ba? Hinahanap ka na siguro sa inyo. Mapagalitan ka pa. " She pouted her lips. She look cute.

Yumi has a long curly brown hair. A brown doe eyes with long curly eyelashes. Natural ang pagkakaarko ng mga kilay nito. May maliit at matangos na ilong. At hugis puso ang mapulang mga labi. May pagka mestisa ito at mukhang manika. She's petite in her five feet three height but with curves in the right places. Her best asset is her long legs. Iyon nga lang masyado itong bata kaysa sa kanya. Isa pa kapatid ito ng kaibigan niya.

" My parents knew already and walang problema sa kanila, if that makes you feel better . " Her face turned into crimson red. Napahiya siya rito. Masyado siyang maarte sa kabila ng pag-aalaga nito sa kanya. Napatango-tango na lamang si Yumi sa binata bago ipinagpatuloy ang pagkain. Tuluyan ng nawala ang tampo niya kay Jacob.

¤¤¤¤¤

" Ang pabebe mo talaga. " Si Jillian habang ikinukwento niya rito ang nangyari sa bahay nila noong inaalagaan siya ng binata.

" I think he likes me too, bru. " Nangangarap ng gising na wika ni Yumi sa kaibigan. Jillian rolled her eyes.

" Ito na naman po tayo nangangarap ng gising. " Panunudyo pa sa kanya ni Jillian. Hinampas niya ito sa balikat.

" Ang sama mo, bru. " Napasimangot siya sa kaibigan. Ngunit tumawa lang ito.

" Kaibigan mo ako kaya kailangan kitang paalalahanan. May girlfriend na ang kuya Jacob ko at iyon ay si Nancy, intiendes? " Lumungkot bigla ang mukha ni Yumi.

" Alam ko naman iyon, eh. Gusto ko na nga siyang kalimutan pero hindi ko magawa. Napaka sweet niya sa akin habang inaalagaan ako. " Binatukan siya ni Jillian.

" Tama na ang kahibangan my friend. Wala ka ng pag-asa sa kuya ko. Hindi mo ba alam na ipinakilala na niya si Nancy sa parents namin. And kuya said na si Nancy ang pakakasalan niya sa sandaling makatapos sila ng pag-aaral. " Para iyong bomba na biglang sumabog sa puso ni Yumi.

" Anong sabi mo? "

" Opps! Me and my big mouth. " Napatakip bigla sa bibig si Jillian.

" Hoy, ulitin mo nga ang sinabi mo Jillian? " Taranta namang napailing-iling si Jillian.

" May sinabi ba ako? Wala naman, ah. "

" Wag ka nga magbiro diyan. Please, sabihin mo?" Pakiusap niya sa kaibigan. Itinaas ni Jillian ang dalawang kamay tanda ng pagsuko sa kanya.

" Dinala ni kuya si Nancy sa bahay at ipinakilala sa parents ko. Sinabi niya sa amin na magpapakasal sila pagkagraduate nila. " Nanlaki ang mga mata at umawang ang labi ni Yumi.

' Hindi pwede! Hindi siya makakapayag! '

" Ayoko, Jillian. Hindi ako papayag na makasal sila. " Napaiyak na siya nang sabihin iyon sa kaibigan. " Mahal na mahal ko si Jacob. " Nakakaunawang niyakap siya ni Jillian.

" Tahan na, may panahon pa naman para hindi matuloy ang kasal nila. Kaya cheer up my friend!" Pampalubag-loob nito sa kanya.

Marahan niyang pinahid ang luha sa mga mata. Kailangan niyang mag-isip bago maging huli ang lahat.

" Kumusta ang baby namin? " Nakangiting binati siya ng mommy niya.

" Okay lang po mommy. Aakyat po muna ako sa taas. " Mabilis niyang paalam rito. Gusto niyang magkulong sa kanyang silid dahil masakit na masakit ang puso niya sa nalaman kanina.

" Sure baby. Tawagin na lang kita pag dinner na. "

" Thanks mom. " Sagot niya na pilit ngumiti rito.

Mabilis niyang isinara ang pinto at sumandal roon. Nanghihinang napaupo siya sa sahig ng kwarto niya.

Akala niya may espesyal na pagtingin ang binata sa kanya. Akala niya lang pala. Napahagulhol siya. Hindi niya matanggap na ikakasal ito kay Nancy.

' Pagtinging kapatid lang ang turing niya sa'yo. Nilagyan mo lang ng kulay. ' Saway ng isang bahagi ng isip niya.

" Paano ngayon 'to? Anong gagawin ko? " Naguguluhanng turan niya sa sarili.

Namumugto ang mga mata niya nang bumaba kinabukasan para mag-almusal.

" Bakit namamaga iyang mga mata mo, anak? " May pag-aalala sa tinig ng daddy niya.

" S-Sumakit po kasi ang ulo ko kagabi. Nahirapan po akong makatulog. " Nakatungong sagot niya sa ama.

" Kaya mo bang pumasok, anak? " Segunda naman ng mommy niya. Marahan siyang tumango.

" Opo. " Tipid niyang sagot sa mga ito.

Habang lakbay papuntang paaralan ay iniisip ni Yumi ang napag-isipan kagabi. Iyon lang naman ang naisip niyang tamang gawin para hindi matuloy ang kasal ng mga ito. Kakausapin niya muna si Jillian kung papayag ito na kasabwatin niya. Hindi niya tuloy namalayang nakarating na sila sa University.

" Nandito na tayo, hija. " Untag sa kanya ni manong Kanor. Saka lang siya kumilos.

" Salamat po, manong Kanor. " Tumango lang ito sa kanya. Medyo kinakabahan siya sa maaaring gawin niya pero kailangan. Ito lang ang tanging paraan para magtagumpay siyang hindi matuloy ang kasal ng mga ito.

" Bru! Bakit ngayon ka lang? " Nagtaka pa ang kaibigan niya nang makita siyang pumasok sa classroom nila. Hindi siya pumasok sa first subject niya dahil may pinuntahan siya sandali sa botica.

" Medyo masama kasi ang pakiramdam ko kanina, bru. " Pagsisinungaling niya sa kaibigan.

" Okay ka na ba? " Nag-alala ito.

" Oo. "

Lunch break nang sabihin niya sa kaibigan ang plano niya. At siyempre pa nagulat ito pero wala itong nagawa kundi suportahan siya. Hindi rin kasi gusto nito si Nancy para sa kapatid nito. Napagkasunduan nilang gawin iyon sa weekend.

¤¤¤¤¤

" What are you girls doing here? " He frown. Nagtataka sa dalawang napagbuksan ng pinto. Ngumiti ng malapad ang kaibigan.

" Hihingi sana kani ng tulong sa'yo kuya. " Ani Jillian.

" What help? "

" Can we at least come in? "

" Sige, pasok kayo. " Wika ni Jacob na iniawang ang pintuan para makapasok sila.

" Alam ba ito ng kuya Nathan mo? " Baling nito kay Yumi. Umiling siya.

" Wag mong sabihin kuya. It's something personal kaya wag mong sabihin sa kanya. " Napakunot-noo si Jacob.

" About boys? " Nagtaas-baba ang dalawang kilay nito sa kanila. Sumimangot si Jillian.

Umupo na muna sila bago sumagot si Yumi.

" Hindi tungkol sa boys, Jacob. Its about our t-thesis. " Sana lang maniwala ito. She crossed her fingers.

" What about it? "

" Kuya our thesis is about alcoholism. Hindi namin alam kung papaano magiging effective ang thesis namin kung hindi namin i try, di ba? "

" What?! Are you out pf your minds? " Napatayo bigla ang binata. Nagkatinginan ang magkaibigan.

" Kaya nga ikaw ang hiningan namin ng tulong kasi cool kang kuya unlike Nathan who's a tyrant. " Napataas-kilay si Yumi sa narinig mula sa kaibigan. Hindi niya alam na may lihim na galit ito sa kuya niya.

Natawa si Jacob.

" Bolahin pa ako. Ano bang gagawin natin? " Inosenteng tanong nito na umupo na pabalik sa sofa.

" M-May beer ka ba rito? " Tanong ni Yumi sa binata.

" Yeah. Anong gagawin natin sa beer? "

" Iinom. "

" Iinom! " Magkapanabay na turan ng magkaibigan.

" Kami na ang kukuha kuya. " Jillian voluntered. Magkasunod na tinungo ng dalawa ang kitchen area ng binata.

Samantala.

" Buksan na natin. " Excited na saad ni Jillian. Sinimangutan niya ang kaibigan.

" Bakit hindi mo sinabing may galit ka kay kuya? " Nanliliit ang mga matang tiningnan niya ito. Jillian just rolled her eyes.

" That super conceited kuya of yours is so hambog, no. "

" Inaano ka ba niya? " Takang tanong niya. Pinamulahan ito ng mukha.

" Ah basta. Sige na buksan na natin ang beers. " Pag-iiba nito ng usapan. Sumang-ayon siya.

" Wala ba itong masamang epekto sa kuya ko? "

" Wala, sigurado ako dahil nag research ako, bru. "

" Siguraduhin mo lang? Isa lang ang kuya kong gwapo. " OA nitong sabi. She rolled her eyes.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status