Share

Akin Ka Na Lang, Please
Akin Ka Na Lang, Please
Author: AveryHayz

One

" Kuya, pupunta ba si Jacob ngayon? " Excited niyang tanong sa nakakatandang kapatid.

" Ewan ko. Pag-aaral nga ang atupagin mo diyan, bata ka. " Supladong sagot nito sa kanya. Napasimangot ang dalagita. Lagi naman siyang sinusupla ng kuya Nathan niya. Matanda ito sa kanya ng pitong taon . Twenty-two na ito pero kung tratuhin siya ay parang mas bata pa sa kanya. Sumimangot siya. Kapag ganito ang tono ng kapatid ay hindi niya talaga ito makausap ng matino. Kaya naman iniwan na lang ito ni Yumi.

Ipinagpatuloy niya ang paggawa ng assignment sa trigonometry. Sisiw lang iyon sa dalagita. Wala siyang problema sa studies niya dahil likas naman siyang matalino. Kabilang pa nga siya sa top three sa school na pinapasukan niya.

Inspirasyon niya yata si Jacob . She cannot wait to grow up and have him as her boyfriend. Pangarap niya iyon. Kaya nga inaabangan niya ang pagpunta nito sa kanila araw-araw.

" Hey, bud !" Hindi siya nagkakamali ng dinig. Boses iyon ni Jacob Her heat skip a beat. Parang nag extend ang tenga niya sa tinig na iyon ni Jacob. Ito ang palaging epekto ng binata sa puso niya. Simula yata noong twelve years old siya. She learned to have a crush on him.

" Akala ko ba may date ka with Nancy? " Tanong ng kuya Nathan niya rito. Muntik pa siyang matumba sa pagmamading makapunta ng living room makita lamang ang binatang hinihintay niya.

" Postponed , pare. May emergency raw siyang pupuntahan . " Balewalang sagot ni Jacob rito. Gustong pumalakpak ni Yumi sa narinig.

' Yes! ' Napalatak siya sa kanyang isip. Masaya siyang hindi natuloy ang date nito with the campus qeen bee. Magkaklase ang kuya niya at si Jacob sa kursong Civil Engineering. At nasa huling taon na ang mga ito ngayon kaya madalas na itong napapadpad sa kanila. Busy ang mga ito sa mga projects na ginagawa.

' Hayst! Sana siya na lang ang i date nito. Ba't pa ito maghahanap ng iba? Eh nandito naman siya sa tabi-tabi. Hindi na nito kailangan pang tumingin sa malayo. Siguradong sasamahan niya ito kahit saan na gusto nito.

" Hi, sweetheart ! " Napansin marahil siya nitong nakatayo di kayuan sa pwesto ng mga ito kaya siya binati ng lalaki. Ito ang nickname sa kanya ng binata. At siyempre pa, nagugustuhan niya.

" Hello, Jacob ! " Malapad ang ngiting iginawad niya sa binata. Baka sakali kasi mag-iba ang tingin nito sa kanya. Lumapit pa siya sa binata at tumabi rito.

" Kuya Jacob , sweetheart . " Salungat ng binata sa turing niya rito. Napasimangot tuloy ang dalagita. Nakita niya ang pagkunot ng noo ni Nathan sa ginawa niya. Jacob always treated her as a little sister, naiinis man siya ay hinayaan na lang niya.

" Lumayo ka nga sa aming bubwit ka! " Inis na turan nito. Totoo naman na maliit siya kompara sa mga ito." Wag si Jacob ang atupagin mo rito, sa halip gawin mo iyong assignment mo. " Pinamulahan si Yumi ng mukha sa direktang panghihiya ng kuya niya sa kanya. Alam na alam kasi ng kuya niya na may crush siya kay Jacob Kaya nga madalas siyang sinusupla nito tuwing nagpapapansin siya sa lalaki.

" Kuya, tapos ko na pong gawin. " Mahina ang tinig na sagot niya. ' Ano ba itong kuya niya napakamanhid naman! ' Naisip niya. Nagyuko siya ng kanyang ulo.

" Tigilan mo na nga 'yang kapatid mo, bud. " Nakatawang saway nito kay Nathan. " Yumi can you prepare us a snack? " Paglalambing ni Zeke sa dalagita kasabay ang pagngiti nito sa kanya. Para namang lumubo ang puso niya sa narinig at ngiti na iginawad ng binata sa kanya.

Her doe brown eyes sparkle. Habang nag-iinit ang magkabilang pisngi niya.

" Sure, Jacob. Sandali lang at maghahanda ako. " Para siyang nasa langit nang talikuran ang dalawa. Nawala ang pagkasira ng mood niya dahil sa sinabi ng kuya niya sa kanya.

Ganado siyang naghanda ng mamemeryenda ng dalawa. Binuksan niya ang ref para i check kung ano pa ang pwede niyang i serve sa mga ito. Umilaw ang mga mata niya nang makita ang isang blue berry cheesecake. Paborito iyon ni Jacob . Napapangiti siya habang naghahanda. Feeling niya kasi ay asawa siya ng lalaking pinaghahanda niya ng makakain. Ang feeling niya talaga!

Dala ang isang tray na may lamang dalawang sliced ng cake at dalawang baso ng soft drinks ay tinungo ni Yumi ang living room.

Nakaplaster agad ang ngiti sa kanyang labi habang palapit sa umpukan ng dalawa.

" Excuse me guys. Here's your snacks. " Yumi told them. Pagkatapos ay inilapag iyon sa coffee table.

" Thanks, sweetheart . " Nakangiting wika ni Jacob sa kanya. Habang ang kuya niya ay walang ginawa kundi ang ipagpatuloy ang pagguguhit nito. Kinikilig ang puso niya sa tuwing tinatawag siya sa endearment nito sa kanya.

" Welcome, Jacob " Pa cute niyang sagot rito bago tinalikuran ang dalawa. Hindi naman siya masyadong lumayo sa dalawa. Masarap kasing pagmasdan ang binatang maganang kumakain sa inihanda niyang meryenda rito. Kinikilig na sumandal siya sa dingding. Iniimagine na naman niya na mag-asawa sila ng binata.

' Hayst! I love you, Jacob! ' Gusto sana niyang isigaw ngunit pinigilan ang sarili. Kontento na lang siyang titigan ito sa malayo. Admiring him and loving him secretly.

¤¤¤¤¤

" Sundan natin sila! " Ani Yumi sa kaibigan. Nakita niya kasing bumibili ng isaw sa labas ng University si Jacob kasama ang iba pa nitong kasamahan sa basketball team ng paaralan. Wala roon ang kuya niya kaya inaya niya si Jillian. Sumimangot ito sa kanya.

" Duh! Patay na patay ka talaga kay kuya Jacob. " Nagkibit-balikat pagkatapos. Yumi pouted her lips.

" Sige na please. I promise ako ang gagawa sa project mo sa Science subject natin kapag sinamahan mo akong bumili ng isaw? " Nagkatitigan sila ng kaibigan. She pouted her lips while waiting for her friend's approval. Ang totoo hindi naman siya kumakain ng isaw kundi si Jillian. Front niya lang ang kaibigan para makita ng malapitan si Jacob na kuya nito. Pagkakataon niya na kasi dahil wala ang kuya Nathan niya.

" Okay deal. Siguraduhin mo lang na gagawin mo 'yon? " Ani Jillian. She raise her right hand na parang nanunumpa sa watawat ng Pilipinas.

" I promise ! " Matamis ang ngiting sumilay sa labi ni Yumi.

" Tara na nga! " Hinila siya ng kaibigan papunta sa nagtitinda ng isaw. Nakatambay pa rin ang varsity players ng kanilang University doon.

" Fifty pesos po nito, manong. " Wika ni Jillian nang makarating roon. May fishball doon kaya nag-order na rin Yumi. Pasimpleng tinitingnan ang binatang nakatalikod sa kanya habang naghihintay na ma i-serve ang inorder nila.

Ngunit nagsisimula na silang kumain ay hindi pa rin sila tinapunan ng tingin ni Jacob. Pasulyap-sulyap naman siya sa binata habang si Jillian ay busy sa pagkain ng paborito nitong isaw. Abala pa rin kasi ang binata sa pakikipag-usap sa mga kasama nito. Hindi sila nito napapansin.

" Hoy, tititigan mo na lang ba 'yang hotdog o kakainin mo pa? " Saway sa kanya ni Jillian. Natauhan naman si Yumi at sinimulang kagatin ang hotdog na hawak.

Ilang sandali pa ay may narinig silang nagkakantiyawan. Mabilis naman silang napalingon ni Jillian sa pinanggalingan ng ingay. May sumipol pa bigla.

" Wooh! Lapitan mo na, captain. " Sulsol ng isa kay Jacob . Ngiting-ngiti naman ang binata habang nakatingin sa babaeng palapit sa kinatatayuan nila.

Nanlaki naman ang mga mata ni Yumi sa nakita.

" Oh no! May kontrabida. " Bulong ng kaibigan sa kanya.

Si Nancy! Turan ng isip niya. Patuloy sa pag-cheer ang grupo ni Jacob . At halos madurog ang puso niya nang bigla nalang nitong halikan ang binata sa labi nito.

" Hello, loverboy! " Maarte nitong bati sa binata matapos nitong lubayan ang lalaki.

" Hey! " Abot-tenga ang ngiti ni Jacob sa babae.

Napatakip siya bigla sa kanyang baba dahil sa gulat. Bigla ang pagsigid ng sakit sa dibdib niya sa nakitang ka-sweetan ng dalawa.

Napabaling ang tingin ni Yumi palayo sa dalawa. Awtomatikong hinila ang kaibigan palayo sa lugar na iyon. Nang makalayo ay saka lang pinakawalan ang mga luhang nagbabadyang humulagpos kanina.

" Bruha, what happened? Okay ka lang? " May pag-alala ang tinig ni Jillian nang tanungin siya nito. Sunod-sunod ang pag-iling niya at hindi na makapagsalita.

" I'm sorry, nakita mo pa talaga iyon. That bitch was just so flirt! " Pang-aalo nito sa kaibigang patuloy sa pagluha. Hindi ito boto sa bagong gf ng kuya nito. Napakaarte kasi ng babae.

" U-Uuwi na muna ako. " Sa nanginginig na tinig ay saad ni Yumi rito.

" Sige, bru. " Sang-ayon na lang ni Jillian. Magkapanabay na naglakad ang dalawa papunta sa sakayan ng mga taxi. Tiyempo namang may bakante kaya pinasakay na ni Jillian ang kaibigan.

" Sigurado ka bang okay ka lang? " May pag-aalala pa rin sa tinig ni Jillian. Malungkot na ngumiti si Yumi.

" O-Oo, sige mauuna na ako. " Nagbeso-beso muna sila at nagpaalam sa isa't-isa. Pagkuwa'y umandar na ang taxi palayo sa lugar na iyon.

Nag-uunahan na naman sa pagdaloy ang mga luha niya. Kinuha niya ang panyo sa bulsa ng suot na school uniform at marahang ipinahid iyon sa mga luha niya. Labis siyang nasaktan sa nakita kanina. Sa harap pa niya naglampungan ang dalawa. Pakiramdam niya tuloy ay malalagutan siya ng hininga kapag hindi pa siya makalayo roon.

" Okay ka lang, hija? " Napansin marahil ng matangdang taxi driver na umiiyak siya sa likod. Nasa boses nito ang simpatiya. Napatingin tuloy siya rito.

" Alam mo bata ka pa naman. Hayaan muna ang boyfriend mo, maganda ka hija. Alam kong marami pang magkakagusto sa'yo. " Saad nito na ikinatigil ng mga luha niya. Akala siguro nito ay hiniwalayan siya ng kanyang boyfriend. Eh wala naman siyang kasintahan.

" W-Wala po akong boyfriend, manong. May problema lang po ako na iba. " Nahihiyang paliwanag niya rito. Pilit niyang hinamig ang sarili. Mahihirapan pa siyang magpaliwanag rito.

Naging magaan naman ang pag-uusap nila ng matanda hanggang sa makarating sila sa bahay nila. They lived in a high-end village na may mahigpit ang security.

" Salamat po manong. " Nakangiti niyang paalam rito bago bumaba.

" Ingat ka hija. " Kumaway pa ang matanda sa kanya bago paandarin ang sasakyan at umusad na.

¤¤¤¤¤

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya habang kausap niya ang taxi driver kanina. Her mind was enlighten. Hindi siya dapat padadala sa nakita. Hindi pa naman kasi kasal ang dalawa kaya may pag-asa pa siya sa binata. All she has to do is magtapat sa lalaki sa tunay niyang nararamdaman rito. Wala namang masama kung gagawin niya iyon. They are living in the twenty-first century now na kung saan okay lang na ang babae na ang manliligaw sa lalaki.

Meron namang freedom of expression ang mga tao sa Pilipinas kaya naisip ni Yumi na magtatapat na rito. Kailangan lang niyang pag-isipang mabuti kung papaano niya iyon gagawin.

Matapang naman siya kaya magagawa niya.

Pumasok na siya ng main door. Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ng ina. Her mom was a plain housewife by choice. Mas gusto kasi nito na alagaan sila kaysa magtrabaho. Tama na raw na ang daddy niya na lang ang magtatrabaho. Her ideal mom.

" O ba't napaaga ka ng uwi, anak? " Lumapit si Yumi sa ina at humalik sa pisngi nito.

" I'm not feeling well, mom. Hindi na po ako nagpasundo kay manong Kanor, nagtaxi na lang po ako. " Matamlay niyang wika rito.

" O siya, magpahinga ka na muna sa silid mo. Mamaya paaakyatan na lang kita ng pagkain para sa dinner mo. " May pagmamahal na sabi nito sa anak. Tumango si Yumi.

" Sige po, mommy. Aaakyat na po ako sa kwarto. " Paalam niya sa ina. Hindi niya na gusto pang mag-usisa pa ang ina kaya mabilis na niyang tinalikuran ito.

Nang makarating sa kanyang silid ay agad humiga ang dalagita sa kama nito. Pagod ang isip na pumikit siya at ilang sandali lang ay nakatulog na ito.

Pupungas-pungas na bumangon si Yumi. Napansin niyang hindi pa rin siya nakakapagpalit ng uniform kaya naman dumiretso na siya sa kanyang banyo. Nanlalagkit kasi ang pakiramdam niya. Na tuyuan pa yata siya ng pawis sa likod niya. Nakaligtaan niya kasing paandarin ang aircon ng kwarto niya bago makatulog.

Nagising siyang kumakalam ang sikmura kaya nang matapos siyang maligo at magbihis ay nagpasyang bumaba sa kusina para kumain. Hindi na siya nag-abala pang magbukas ng ilaw total maliwanag naman ang buwan sa labas ng bahay nila. Kabisado rin ni Yumi ang daan papuntang kitchen.

Tinungo agad ng dalagita ang double door ref malapit sa sink ng kitchen. Walang babala niya iyong binuksan para maghanap ng makakain dahil gutom na gutom na si Yumi ay basta na lang siyang sumilip roon.

Hindi siya makatulog. Namamahay yata siya. Ito ang unang pagkakataong makatulog siya sa bahay ng mga Rodriguez. Kung hindi lang nila kailangang magpuyat ni Nathan ay nunkang matutulog siya rito. May sarili naman siyang condo unit. Bumangon siya at nagpasyang pumunta ng kitchen. Maghahanap siya roon ng maiinom na beer para makatulog. Hindi na siya nag-abala pang buksan ang ilaw papuntang kitchen.

Para lamang magulat sa babaeng nakatayo sa harap ng refrigerator with only in her super thin lingeree. Aninag roon ang mahubog nitong katawan at ang kakapiranggot na underwear nito. Hindi niya alam na may babaeng sexy na nakatira sa bahay ng mga Rodriguez.

Sino ito? Multo? Wika ng isip niya. The woman was petite but with curves in the right places. Bakit ito nagsusuot ng ganoong klaseng damit? Napalunok ang binata nang sunod-sunod. Bigla ang pag-igting ng harapan niya.

" Shit! " He cussed. Hindi niya napigilang naibulalas iyon. He was referring to his manhood na bigla na lang tumigas. Damn!

" Who's that? " Lumipad ang tingin ni Yumi sa lalaking nagsalita sa likod niya. His eyes widened when he finally saw the sexy woman.

" Y-Yumi? " Hindi makapaniwalang turan ni Jacob. Nagpantasya pa siya. Mabilis na naabot ang switch ng ilaw. Tumambad ang liwanag sa buong kitchen. And there he saw the sweet and innocent Yumi with her very thin lingeree. Bigla ang pagsalakay ng naramdamang inis sa babae.

" Jacob? Nagugutom ka rin? " Hindi man lang ito nag-abalang takpan ang sarili. Nagulat rin siya nang makita ang lalaki.

Nagsalubong ang mga kilay ng binata na nakatingin sa kanya.

" Why are you wearing that skimpy lingeree? Wala ka na halos itinago sa katawan mo! " Naiinis nitong saad sa kanya. Ang gwapong mukha nito ay nag-iba. Galit ba ang nakita niya roon? Napansin niyang namumula ang mga tenga at leeg nito. Pinamulahan siya ng mukha sa narinig mula rito.

Bumangon ang yamot sa dibdib ni Yumi. Anong karapatan nitong insultuhin siya sa sariling pamamahay niya?

" You! How dare you insult me! " Dinuro niya ito. Nasaktan kaya ang ego niya sa sinabi nito sa kanya. At saka galit siya rito dahil nakipaghalikan ito sa flirt na babaeng iyon. Lumapit sa kanya ang binata habang hinuhubad nito ang suot na pang-itaas. Napapaatras naman siya hanggang sa nasukol siya nito sa lababo.

" Hey! What are you doing? " Takang tanong niya sa binata. Sa halip ay walang babala siya nitong dinamitan ng suot na t-shirt nito.

" You are looking for danger in what you wear, sweetheart. " Nagtitimping wika ni Jacob sa kanya. Ngunit sumimangot lang si Yumi sa lalaki.

" Wala kang paki, this is my house and I will wear anything I like. " She said rebelliously. Hindi niya alintana ang distansya nilang dalawa.

" My God, you're just a girl! " Parang sasakit ang ulo ng binata sa narinig mula kay Yumi. She must be crazy! Lumalabas ito ng kwarto na ganoon ka sexy ang suot na pantulog? Bakit ito pinahihintulutan ni Nathan na ganito ang isuot ng kapatid?

" And so? Tumabi ka nga! " Asik niya sa lalaki. Malakas na malakas ang tibok ng puso ni Yumi ngunit hindi niya iyon ipinahalata kay Jacob . Tinulak niya ito palayo sa kanya pero parang pader ang itinulak niya dahil hindi man lamang ito natinag.

Nako-conscious na nga siya sa lalaki. He leveled his face to hers. Gusto niyang titigan ang dalagita sa mismong mga mata nito. Ngunit umilap ang mga mata ni Yumi dahil hindi niya kayang makipagtitigan sa binata. Hinawakan niya ang mukha ni Yumi para masalubong ang tingin nito.

" What happened to you, sweetheart ? " He said softly. Ngayon lang ito natitigan ni Jacob ng malapitan. Para namang nataranta si Yumi.

" Hoy, ano ba? Lumayo ka nga sabi, eh! " Pagmamaldita niya. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga dahil ang lalaking pinapangarap ng bata niyang puso ay ganito ka closed sa kanya. First time ito kaya hindi siya komportable.

" Bad girl. " He murmured. Their gazes locked.

" J-Jacob. " Nanindig yata lahat ng balahibo niya sa katawan nang bumulong ang binata sa kanya.

" Umakyat ka na bago ko makalimutang napakabata mo pa. " May banta ang tinig na wika ni Jacob . Pagkuwa'y umatras ito. Para namang sinisilihan ang puwet ni Yumi na patakbong iniwan ang lalaki.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status