Share

Kabanata 12

“Hello, pwede ba akong mangialam sa malaki ninyong kusina para magluto?” malaki ang pagkakangiti niyang tanong sa isang katulong sa loob ng kusinang iyon.

Halatang natigilan ang babae sa pagkausap niya rito. Kaagad na nag-iwas ng paningin ang babae sa kanya at tinalikuran siya na para bang walang nakita.

“??” Napalabi siya.

Nang makita ang isa pang paparating na babaeng katulong ay agad niya iyong hinarang. “Excuse me, pwede ba akong makigamit sa kusina---"

Ngunit hindi pa siya natatapos sa pagsasalita ay mabilis na siyang nilampasan ng pangalawang babae na iyon.

“Wow.” natatameme niyang sambit.

Hindi siya sumuko, at nang may makitang pangatlong babae na pumasok sa kusina ay kaagad niya iyong kinausap. Sa pagkakataong ito ay hinarang na niya ang kanyang sarili upang hindi ito hayaang makaalis.

“Pakiusap, pwede ko bang gamitin ang kusina panandalian dahil gusto kong magluto ng sarili kong pagkain? Hindi naman siguro ako mananagot kung kukuha rin ako ng mga sangkap at pagkain sa cabinet
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status