Share

Amnesia Triplet Mommy: Billionaire's Lost Love
Amnesia Triplet Mommy: Billionaire's Lost Love
Author: P.P. Jing

Kabanata 1

“Anong klaseng ulam ‘to?! Pagkain pa ba matatawag dito, ha?!” Galit na tinapon ng asawa ni Yasmien ang pagkaing kanyang inihain para dito.

Nagkalat ang mga bubog ng plato sa sahig, gayundin ang baso na sunod nitong hinagis sa kanya.

“A-Ah!” Hindi siya kaagad nakaiwas, at ang piraso ng bubog ay sumugat sa kanyang makinis na pisngi dahilan ng pagdurugo niyon.

“Kung ano-anong dahon pinapakain mo sa ‘kin! May balak ka bang lasunin ako, Yasmien? Pasalamat ka nga at inuuwian pa kita, tapos ganito lang ang aabutan ko?! Lintek na buhay ‘to!”

Napaintag si Yasmien sa takot nang ikalabog ni Carding ang pintuan ng kubo-kubo nilang bahay, at muli na naman siyang naiwan mag-isa sa loob.

Sanay man sa pagmamalupit ng asawa ay hindi parin niya mapigil ang pagbabagsakan ng kanyang mga luha sa dalawang mga mata.

Sa huli ay wala siyang magagawa kundi damputin sa sahig ang mga bubog habang humihikbi. Winalis din niya ang nilagang talbos na kanina'y hinanda niya kay Carding pagkagaling nito sa trabaho bilang construction worker.

“Yasmien! Yas?” Kapagkuwan ay binuksan niya ang pintuan nang katukin siya ng matalik na kaibigan na si Mina.

“Mina,” malugod niya itong pinapasok sa loob ng kanilang kubo.

“Yas, narinig ko na naman ‘yung bunganga ng mapagmalupit mong asawa kahit ang layo-layo ng bahay ko. Ayos ka lang---hala, may sugat ka naman!” nakita nito ang dugo sa kanyang pisngi. “Tamang-tama! Nagdala ako ng first aid kit. Sabi ko na nga ba sinaktan ka na naman, eh.”

Ganoon na lang ang pag-aalalang ruhemistro sa mukha ng kaibigan. Dahil doon ay napangiti si Yasmien, sa kabila ng kirot na nararamdaman niya ngayon.

“Salamat, Mina. Pero sinabi ko naman na sa'yo na hindi mo kailangang mag-alala para sa akin, ‘di ba? Maliit na hiwa lang ‘to, kaya ayos lang ako.” paliwanag niya pa.

“Sinong niloko mo! Eh, bakit namumula ‘yang mga mata mo? Kung bakit ba naman kasi sa katulad ka pa ni Carding bumagsak. Ang ganda-ganda mo naman. Mukha ka namang mayaman. Bakit ba siya pa ang napili mong asawahin?”

Walang nagawa si Yasmien nang gamutin ni Mina ang sugat niya sa pisngi. Sa halip ay kinataba pa iyon ng puso niya, para isipin na merong taong nag-aalaga sa kaniya.

“Hindi ko rin masasagot ‘yang katanungan mo, Mina.” nanlulumong tugon niya. “Alam mo namang hindi ko maalala ang nakaraan. Tanging si Carding lang ang pamilyar sa akin, at siya lang ang halos na nasa alaala ko.”

“Hahay! Siguro ay dahil siya lang din ang palagi mong nakikita kaya siya lang ang naaalala mo. Sigurado ako na kung may isa pang tao kakilala mo noon ang sumulpot, pati ‘yon maaalala mo na! At baka nga'y bumalik na rin ‘yang alaala mo! Edi, hindi ka na amnesia girl.”

Malungkot siyang napatawa. “Sabi ni Carding matagal nang patay ang mga magulang ko, at nagsama na kami noong sixteen years old pa lang ako bago kami mapadpad dito. Kaya sa tingin ko, kahit maalala ko ang nakaraan, wala parin iyong saysay, dahil wala na akong matatakbuhan.”

Labis na naawa si Mina sa lagay niya. “Kaya ka siguro nagka-amnesia dahil diyan sa pananakit ng asawa mo sa'yo. Kung may kaya lang din ako sa buhay, talagang ilalayo kita sa kaniya! Paano niya nagagawang saktan ang katulad mo na ubod ng ganda? Pinagpapalit pa sa mga maaasim na babae sa kanto! Pwe!”

Kumirot ang puso ni Yasmien sa narinig. Kahit anong pilit niyang paniwalain ang sarili na chismis lamang na nagbabayad si Carding ng mga prostitute sa kanto nila, ay paulit-ulit siyang sinasampal ng katotohanan. Kaya naman pala nauubos ang pera nila ay dahil sa bisyo nito sa bahay parausan.

Sa totoo lang ay minahal niya si Carding dahil ito ang nag-iisang tao na nakasama niya pagkamulat pa lang ng mga mata niya, sa kabila ng hirap ng buhay na nararanasan niya sa lalaki. Subbalit habang tumatagal ay napapagod na rin siya at nananawa sa ganitong klase ng buhay.

Napakahirap nila, ni electric fan ay wala sila. Ang sensitibo niyang balat ay tila ba hindi sanay sa mga lamok at iba't-ibang insekto. Mabuti na nga lang at palagi siyang inaabutan ng mga ointment ni Mina. Dahil kung hindi ay hindi niya kinakaya ang kati-kati.

Gusto niya ring magtrabaho para makahanap ng dahilan upang lisanin ang asawa niya, pero ni anumang dokumento na magpapatunay ng pagkakakilanlan niya ay nasunog noon sa dati nilang bahay ayon kay Carding, kung kaya't hindi siya makaalis-alis. Ayaw naman niyang maging isang pulubi na natutulog sa lansangan.

Masakit mang tanggapin, pero wala siyang ibang pagpipilian kundi ang tiniisin ang buhay na kasama ang mapagmalupit niyang asawa.

“Maraming salamat sa paggamot ng sugat ko, Mina.” Nakangiting pasasalamat niya sa kaibigan.

“Ano ka ba! Wala lang ‘yun. Ito nga lang ang kaya kong maitulong sa'yo eh, ipagkakait ko pa ba? Hayaan mo. Kapag yumaman ako, sabay nating lilisanin ‘tong probinsya!”

Natatawa na lamang niyang sinakyan ang pangarap ni Mina. “Basta huwag mo akong kalimutan dalhin kung saan ka man pumunta, ah?”

“Syempre naman!”

“O sige, lumalalim na ang gabi at may pasok ka pa sa trabaho mo bukas. Mauna ka nang magpahinga, Mina. Salamat ulit, ah?”

“Walang anuman, Yas. Kita na lang tayo ulit bukas. Bye, bye!”

Hinatid niya si Mina palabas sa kanilang kubo saka pinanood pa itong maglakad papalayo sa masukal at madilim na daan.

“Ingat ka!”

“Byeee!”

Nang sa wakas ay makalayo na ito ng ligtas ay muli niyang sinarado ang pintuan. Ang kandado nila ay kahoy lamang at batid niyang hindi iyon ligtas kung sakaling may magtangkang pumasok sa kubo nila.

Mabuti na lamang at hindi pa iyon nangyayari kaya't nakakahinga pa siya ng maluwag. At dahil wala si Carding ngayong gabi, siya lang muli ang matutulog mag-isa sa matigas na kahoy nilang kama.

“Ay, hala! Naiwan ni Mina ang first aid kit niya.” nabibiglang aniya saka napakibit-balikat na lamang. “May bukas pa naman.”

Inayos niya na lang ang mga gamit sa first aid kit ng kaibigan at akma na sana itong ipapasok sa isang hunos nang makarinig ng sunod-sunod na katok sa pintuan.

“Mina!” dali-dali niyang binuhat ang first aid kit at nagtungo sa pintuan para buksan iyon. “Pasensya na kinailangan mo pang bumalik para sa----”

Nanlaki ang mga mata niya nang makitang walang tao sa pintuan. Sinalubong lamang siya ng malakas at malamig na hangin.

“Ha? Mina?” napalinga-linga pa siya sa paligid subalit walang tao. Kinilabutan siya. “M-Multo?

Tumaas ang mga balahibo niya sa braso at akto nang isasarado ang pintuan nang biglang umalingawngaw sa lugar ang malakas at matining na boses ng bata.

“Mommy! Mommy, down here!”

Nanigas siya sa kinatatayuan nang bumaba ang paningin niya sa isang batang lalaki na hanggang hita niya lang ang tangkad. Hindi ito halata sa suot nitong itim na kasuotan at itim na sumbrero.

Napaawang ang labi niya sa batang lalaki na iyon. Napakaputi at kinis ng kutis ng balat nito. Mahahaba ang pilik mata sa malalaking mga mata nito. Ganoon na lang ang kaganda ang hugis ng kulay rosas nitong labi. Anak mayaman!

“Mommy!” inangat pa nito ang mga maiikling braso, tila nagpapakarga sa kanya. “I finally found you, mommy!”

Mommy? Napatanga siya. Bigla ay nag-alala siya. “Bata, anong ginagawa mo sa lugar na ‘to? Gabing-gabi na, ah! Nasaan ang mga magulang mo? Naliligaw ka ba?”

“No!” malakas nitong sigaw. Mas inunat pa ang mga braso sa kanya.

Napapaawang ang labi niya na kinarga ang bata. Mabigat ito, halatang malusog ang pangangatawan!

Walang alinlangan niya itong pinasok sa kanyang kubo at sinarado ang pintuan. Saka niya ito inupo sa kahoy na mahabang upuan sa sala.

“Nasaan ang mga magulang mo, bata?” lumuhod siya sa harapan nito.

“Mommy, nasa harapan kita!” tugon nito na tila ba nalilito rin sa kanya at hindi makapaniwala. “Don't you recognize me, mommy?” Tinanggal ng bata ang sumbrero nito at lumantad ang makapal at paalon nitong buhok. May maaamong mga mata siya nitong tiningnan sa mga mata. “Mommy, it's me, Lance.”

“Lance?” kumunot ang noo niya. Bakit ba ito mommy ng mommy sa kanya?

“Yes, Lance! Short for Von Lancashire Del Ville, you named me!” may naninindigan pa nitong tugon.

Hindi niya sineryoso ang sinabi ng bata. Sa halip ay natuwa siya sa pagiging cute nito. “Ilang taon ka na, Lance?”

“I’m six turning seven this year! N-Nakalimutan mo na, mommy?”

Sa halip ay namangha siya. “Oh? Six ka pa lang pero ang tangkad mo na.” Kumpara sa mga nakikita niyang bata sa probinsya na six years old, na hindi pa aabot sa hita niya dahil sa tangkad niya ring babae. Masasabi niyang galing talaga ito sa mayamang pamilya, lalo pa't english ito ng english!

“Mommy… d-don't you remember me?” mabilis na nagsipag-giliran ang mga luha sa dalawa nitong mata. “M-Mommy… how dare you!”

Napaawang ng husto ang labi niya. “B-Bata, ‘wag kang iiyak—”

“I hate you! I hate you!” lumakas ang pagngawa nito na kinagulat niya pa. “Daddy was right! You’ve already forgotten about me because you have a new family now! I hate you! After I did e-everything just to find you…”

“T-Teka lang, bata. Hindi ako ang mommy—”

“You left when I was two years old but I still remember you! But you!!” bumuhos ang nakakabagbag-damdamin nitong mga luha.

Mabilis niyang niyakap ng mahipit ang bata. “Shh, don’t cry, baby. Mommy's here… Mommy's here—eh??”

Nagulat siya sa sarili nang mapagtanto ang mga salitang kusang lumabas sa bibig niya nang hindi iyon pinag-iisipan man lang.

Ha? Mommy? Siya? Anong Mommy's here na sinasabi niya?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status