Share

Among The Laurente
Among The Laurente
Author: cas_airen

Simula

Ian's POV

Napahilot ako sa sintido ko dahil sa dalawang pamangkin ko na kaunti na lang ay magsusuntukan nanaman sa harap ko. Kumakain kami ni Chester nang dumating ang isa ko pang pamangkin na si Roi. Wala pa kasi si Roi kanina kaya nauna na kami, akala ko ay gagabihin nanaman siya.

I'm single. I don't do girlfriends because they only give me a headache, but because of my two nephews who fight every day, my head hurts. They are the reasons I am stressed, despite the fact that I do not have a girlfriend. Because of them, I will grow old quickly.

"I told you! I told you na huwag si Carrie, but what the hell, Chester! Bakit mo siya niyayang makipagdate sa harap ng maraming tao!?" Galit na ani ni Roi kay Chester.

"Kumakain ako, Roi. Huwag mo ako simulan," simpleng sambit ni Chester kay Roi.

"Ginagago mo ba ako?" Kung kanina ay galit na si Roi, ngayon ay double na 'yun.

Naibaba ko na ang hawak na kutsara at binigay sa kanila ang buong atensyon ko nang itulak ni Roi ang upuan ni Chester. Pinanood ko ang pagtayo ni Chester para harapin ang pinsang nitong si Roi.

"Sir Ian, awatin mo na. Baka magsuntukan nanaman," rinig kong sambit ni Manang na ngayon ay nasa tabi ko na.

"Girlfriend mo ba siya? Bakit kung makaasta ka ay akala mo sinagot ka na niya?" Masama na rin ang titig ni Chester kay Roi.

Carrie. Carrie. Carrie. Magkasundo naman ang dalawang 'to noon, pero dahil sa babaeng 'yun, nadalas na silang mag-away. Kung sino man ang babaeng 'yun ay gusto ko siyang pagsabihan. Hindi ko alam ang buong kwento, pero bakit pakiramdam ko ay pinaglalaruan ng Carrie na 'yun ang dalawang pamangkin ko?

"Sasagutin na niya ako, pero umeksena kang gago ka!" Si Roi.

Magkasing tanggad sila. Roi is a kind of bad boy, while Chester is not. If only I had known that the relationship between the two would be like this when they moved here to Hariente, I would not have agreed to let them study here.

They don't want to study Manila. They want their freedom at kapag nandoon sila sa Manila ay hindi nila nagagawa ang gusto nila dahil parehong stricto ang parents nila. Ang ama ni Chester at Roi ay kapatid ko sa ama. Malaki ang agwat ng edad ko sa mga ama nila at hindi naman naglalayo ang edad namin ng mga pamangkin ko.

I'm 26 while they are 19. Pitong taon ang agwat namin. 

Pinakiusapan nila ako na dito muna sila mag-aral. Of course, I said yes, pero kung alam ko lang na sila ang magiging dahilan sa pagbilis ng pantanda ko dahil sa konsumisyon ay hindi ko na sila pinatapak sa eskwelahan dito sa Hariente.

Muling naibalik ang atensyon ko sa kanila nang marinig ko ang tawa ni Chester.

"You are dreaming, Cousin. You are dreaming," sambit ni Chester at tinapik si Roi. 

"What sup-- Oh may away nanaman," hindi ko pinansin ang kararating lang na si Jhudel. He is one of my closest friends.

Tumayo na ako nang makita ko ang pagkuyom ng kamao ni Roi. Handang-handa na ito para suntukin ang pinsan nito. Pumagitna ako sa kanila at pinaglayo sila.

"Ano? Gusto niyo pa bang manatili rito? Kung palagi na lang kayong mag-aaway dahil sa babaeng 'yan ay bumalik na lang kayo sa Manila," seryoso kong sambit sa kanila.

"Uncle, 'yang si Roi ang paalisin niyo, tutal ay hindi naman ito seryoso sa pag-aaral," sambit ni Chester.

"Really? Bakit ikaw seryoso ka? Huwag kang magmalinis, nakita kitang nag cutting noong isang araw," sambit naman ni Roi habang nakangisi.

Napasulyap ako kay Chester dahil roon. Natatawang napailing lang ito at nag-iwas ng tingin, akala ko ay titigil na ito, pero muli itong nagsalita.

"Nakita mo pala ako? So nakita mo rin na si Carrie ang kasama ko? Heto ah, payong magpinsan lang, huwag ka na umasa kay Carrie," ani ni Chester.

Muli ay napahilot ako sa noo ko. Carrie. Sino ba talaga ang Carrie na 'yan? I swear, kapag nakita ko 'yang babaeng yan ay papangaralan ko! She's to much! Magpinsan ang pinaglalaruan niya!

"Shut up you two! Sinasabi ko kapag nag-away pa kayo dahil sa babaeng yan ay papaalisin ko kayo rito sa bahay! Dahil sa babae magkakaganyan kayo? Hindi niyo pa napapansin na baka pinaglalaruan lang kayo ng Carrie na 'yon? At ikaw, Chester! Nag cucutting ka na? Alam ko na nasa tamang edad na kayo, pero isipin niyo na kayo ang inaasahan ng mga daddy niyo para magmana sa mga kompanya niyo! Binilin kayo sa'kin ng mga magulang niyo kaya umayos kayo!" Sunod sunod na sambit ko.

"Tsk," sabay pa sila at parehong umalis sa harap ko. Lumabas sila sa Dining Area nang wala man lang sinasabi.

Napabuntong hininga ako nang malakas. 

"Wow. Bravo! Ang ganda ng pangaral ni Uncle Ian ah. Ang galing, nasasanay na maging uncle. Tumatanda ka na," pang-aasar ni Jhudel at sinamahan pa ng pagpalakpak.

"Those two! Pinapasakit nila ang ulo ko!" Inis na sambit ko.

"Relax, Uncle," patuloy nitong pang-aasar kayat tinignan ko na nang masama.

Dahil nawala na ako nang gana ay lumabas na ako sa Dining Area. Sinabihan ko na lang si Manang na ayusin na iyong hinanda niya. Pagkaupo ko sa swivel chair ko ay binalingan ko agad si Jhudel. Sumunod ito sa'kin dahil may pag-uusapan kami, pero hindi iyon ang gusto kong sabihin sa kanya sa ngayon.

"Ihanap mo ako ng letrato ng babaeng kinahuhumalingan ng dalawa kong pamangkin. Carrie, that is her name," sambit ko.

"Carrie? What is her surname?" Tanong nito.

"I don't know, and I don't care. Ang gusto ko lang ay makita kung sino yang pinag-aawayan ng dalawa kong pamangkin. Magsisimula na ako next month bilang substitute professor sa Hariente Community College, at kapag nakita ko ang Carrie na 'yan, pagsasabihan ko talaga," nangangalaita kong sambit.

"Bro, makikiealam ka sa lovelife ng mga pamamgkin mo? Gaya ng sabi mo matatanda na sila," sambit naman nito.

"Hindi ko papakealaman. Pagsasabihan ko lang 'yung Carrie na 'yun," sambit ko.

Nagkibit balikat na lang si Jhudel. Sunod ay pinag-usapan na namin ang sadya niya. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap namin dahil kita ko pagmamadali niya. May kikitain pala ang mokong.

Dahil gusto kong mag unwind at magrelax pagkatapos pasakitin ng dalawa kong pamangkin ang ulo ko ay sumama ako. Bahagi pa rin naman ng Hariente ang isla na pupuntahan niya. Malapit lang naman ito at hindi ko first time pumunta. 

If I had free time, I'd go there to unwind.

"Come on. May kasama ang kikitain ko ngayon. Samahan mo muna iyon para masulo ko si Helly," pangungulit ni Jhudel nang makarating kami rito at nakaupo na.

"Wala akong planong mambabae ngayon. I need to unwind. Alak ang gusto ko ngayon," sambit ko.

"Bahala ka! Nasaan na ba si Helly?" Nilibot nito ang paningin, hindi ko rin tuloy maiwasang ilibot ang paningin ko.

Dinadayo ang isla nito. Punong puno ng mga taga Hariente ang isla na 'to tuwing gabi at ang iba ay taga manila pa.

"Hoi! Tignan mo nga kung maayos buhok ko? Sila na 'yun oh," si Jhudel. 

Napasulyap ako sa tinutukoy niya. Napaayos ako nang pagkakaupo nang maagaw ng paningin ko ang babaeng papalapit sa'min ngayon.

"Sino si Helly diyan? Kaliwa o kanan?" Tanong ko agad kay Jhudel habang hindi tinatanggal ang titig sa babaeng 'yun. 

"Kaliwa--"

"Suluhin mo na, susuluhin ko yung nasa kanan," sambit ko sabay lagok sa iniinom ko.

Ramdam ko ang titig niyo sa'kin. "Akala ko ba ayaw mong mambabae?" Natatawa nitong sambit.

"Wala akong maalalang sinabi ko yan," sambit ko ulit nang hindi tumitingin sa kanya. Wala naman masama kung mambabae ako minsan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status