Share

5

Aubrey's POV

"Aubrey" sabi nya at isang maiinit na hanggin sa batok ko ang nararamdaman ko at mainit na braso sa bewang ko at napaka pamilyar na amoy na ngayon ko lang naamoy ng malapitan. Biglang nag laho ang lahat ng hinanakit at sakit sa dibdib ko sa isang yakap lamang.

Para akong nasa langit. Para akong lumilipad sa mga ulap at napakasarap sa pakiramdam. Napakatagal ko nang hinintay ang pag kakataon na ito.

Ang mayakap nya ako ang maramdaman ko sya sa katawan ko at ang maramdaman na mahal nya ako

"L-leion?" I ask and mas lalo nya pang hinigpitan ang yakap saakin at mas lalong lumapit ang hininga nya sa batok ko at mas lalo akong nakaramdam ng kasiyahan.

"Please aubrey, don't leave" sabi nya.

Naiyak ako ng di ko inakala. That ia the first time na nag please sya saakin at ang pinigilan nya ako at ang mayakap at ang makalapit sa kanya ng ganitong kalapit is a first time to me.

Dati pinapangarap ko lang na mahawakan nya ako, pero ano. Andito na. Nasa likod ko ayaw akong pakawalan pa.

"I don't know" sabi ko at naiiyak ako lalo ng bumitaw sya at iharap ako sa kanya at hawakan ang jaw ko at titigan ang muka ko.

"Just please don't leave me. Ikaw nalang ang meron ako" sabi nya sabay haplos sa pisngi ko at napapikit ako sa ginawa nya. This moment is like a fairytale for me. He said he needed me. That was heaven

"Leiondhale" sabi ko sabay hawak din sa pisngi nya napatak padin ang mga luha ko sa di malamang dahilan.

He wipe my tears at mas lalo akong naiyak sa ginawa nyang pag pahid sa luha ko. Pakiramdam ko ay napakagaan at napangiti ako ng sobrang luwag na akala mo'y mga high school lovers kami.

"Iloveyou" sabi ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit at naiyak ako ng malakas kase pakiramdam ko panaginip lahat ng ito. Pakiramdam ko nananaginip ako na andito si leion sa harapan ko at pinipigilan akong iwan sya after kong pirmahan ang annoulment paper noong di ko na matandaan kung anong buwan ba iyon.

"Baby stop crying" sabi ni leion sabay hawak sa balikat ko at unti unti nyang nilapit ang muka nya saakin at nag lapat ang aming mga labi.

Unang halik ko. Unang halik na binigay ko sa taong mahal na mahal ko. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi kasiyahan.

Humiwalay sya sa pag kakahalik sa labi ko at hinawi ako mahaba kong buhok na humarang sa muka ko.

"Aubrey i'm so sorry for everything i've done, please forgive me" sabi nya sabay luhod sa harapan ko at pinipilit ko syang patayuin sa harapan ko at napaluhod naden ako para lang patayuin sya sa pag kakaluhod nya sa harapan ko. Pakiramdam ko parang sobra sobra ang kasiyahan na nararamdaman ko ngayon.

"Kahit hindi ka huminggi ng tawad patatawarin kita kasi mahal na mahal kita kahit ano kapa" sabi ko at inangat ang muka nya na nakatungo

"I thought you don't loved me anymore aubrey" sabi nya sabay haplos ulit sa muka ko at napapikit ako at ngumiti sa kanya.

"Hinding hindi iyon mang yayare. You will always my first and last love leion" sabi ko at niyakap sya habang nakaluhod kami.

Doctor Dwight Tan's POV

Ipapasok ko na ng biglang may tumapik sa balikat ko at naulit nanaman na may tumapik sa balikat ko at pag kamulat ko ay nasa harapan ko si aubrey at nakatayo sya sa harapan ko at ginising ako. Akala ko totoo.

Panaginip lang pala yon! Bullshit naman oh! Akala ko pa naman totoo na.

Napatulala lang ako sa kanya at pinapanood syang mag salita.

She is so simple.

Her green eyes na parang kristal na kumikinang.

Her small nose na napakatangos at pointed

Her pink lips and her jaw line is so perfect.

She is a living goddess

She waved her hands on my face kaya parang nagising ako sa imagination ko kaya napatayo ako at

"I'm so sorry aubrey okay kalang ba? Did i disturb your rest? I will leave you nalang muna" sabi ko at dali daling lumabas sa hospital room nya at pumasok agad sa office ko.

Kaso nakalimutan kong ipainom ang gamot nya na dapat nurse ang gumagawa pero mas gugustuhin ko na ako nalang mag painom ng gamot sa kanya.

Dali dali nanaman akong lumakad papunta sa room nya at di ko inaasahan ang makikita ko.

Her ex-husband hugging her back at nakangiti naman si aubrey at parang nag mamakaawa ang asawa nya sa kanya.

Hindi ko madinig usapan nila dahil sa mahina ang pag sasalita nila at ang ugong ng aircon at dahil narin sa gulat ko.

Na-stuck ako sa pag kakatayo ko sa pinto at parang tanga na pinapanood kung papaano sila mag lambingan at mag heart to heart talk. Ansakit sa dibdib. Parang tinutusok ang dibdib ko at pinipiga ang puso ko sa nakikita ko.

Mas lalo akong nasaktan sa nakita ko ng hinalikan sya ng asawa nya at pakiramdam ko ay para akong pinapatay ng unti-unti at parang tutumba ako sa kinakatayuan ko

Dahan dahan kong sinara ang pintuan ng kwarto ni aubrey at lumakad papalayo sa kanila. Sa tagal ng panahon na sinusubaybayan ko si aubrey

Ung mga panahon na tinitignan ko sya sa malayo kase di ko sya malapitan dahil narin sa estado ng buhay ko. Mayaman sya may kaya lang kami.

Flashback.

High school palang sya may gusto na ako kay aubrey noon. Kumbaga 1st year palang sya ay 3rd year ako.

Sikat sya sa school kase maganda sya at active sa student council. Ako ang former vice president ng student council at sya ang muse dahil nga sa ganda at talino nyang taglay. Talagang kakaiba sya at nakakahumaling.

Current cheerleader ng cheerdance squad napaka galing nyang sumayaw. Napakadaming nanliligaw sa kanya. Naging close naman kami kahit na lagi akong busy sa council.

Kahit na di kami classmate sinusulyapan ko sya sa malayo.

Hanggang sa nag 4rth year ako at 2nd year sya.

Andami nang umaaligid lalo sa kanya kase mas nakilala sya sa school dahil sa galing nya. Biruin mo 2nd year palang naging vice president agad sya. Kaya nga hangga ako sa kanya.

Nang nagraoon ng studeng council party naisayaw ko sya at sobrang saya ko. Nung graduation ay niyakap nya ako dahil sa ako ang valedictorian ng school at pag ka college ko sa US nako mag aaral.

Nung college ko nag ka girlfriend ako kase nga akala ko crush lang yung nararamdaman ko pero dumating ung point na gustong gusto kong umuwi ng pinas para makasama ka.

Sobrang kilala nya sa social media. Thousand likes, thousand followers at matalino pa.

May thousand likes din naman ako. Gwapo kase ako wag kayo.

Pero nung pauwi ako ng pinas nabalitaan ko na kinasal na sya. Kay leiondhale. Ang pinaka kilalang basketball player noon sa school at kilalang cassanova

Hindi ko alam kung uuwi paba ako kaya nag tagal ako lalo sa states ng 3 more years at nabalitaan ko nanaman na sinasaktan sya ng asawa nya

Dali-dali akong umuwi noon at nag apply sa hospital kung saan suki ang parents nya dahil sure ako doon ka dadalhin at doon ka nga dinala dahil sa napakadami mong pasa hanggang sa ako na mismo ang nag prisinta sa head na ako na ang magiging doctor mo.

Masaya ako noon na ako ang naging doctor mo kaso ang pinaka masakit na nangyari ay ang di mo ako kilala....

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Maryet Malinao
update please
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status