“MIMI?”Napaigtad si Caroline nang marinig ang tawag na iyon ng bunsong anak buhat sa likuran nila. Mabilis niyang pinunasan ang mga luha bago tinapunan ng tingin ang lalaking katabi ‘saka nila sabay na nilingon ang paslit.“What did you do to my mom, Tito?” masungit at tuwid na tanong ni Lottie nang makalapit ito sa kinaroroonan ng dalawa. Umikot ito sa harapan ng dalawa at agad na niyakap ang ina. “Niaaway mo mimi ko?” Masama ang tinging ipinukol nito kay Timothy.Napaawang ang mga labi ng lalaki at nanghihingi ng saklolo ang tingin kay Caroline.“No, sweety. Hindi niya ako inaaway.”“Then why are you crying, Mimi?” Tiningala nito ang ina at pinunasan ng maliliit nitong kamay ang namamasa pang mukha ni Caroline.Hindi alam ni Caroline ang isasagot sa anak. Nagpakawala siya nang malalim na buntonghininga at akma nang magsasalita nang unahan siya ni Timothy.Matiim na tinitigan ni Timothy ang bunsong anak nila. “Your mom is worried about her work. Hindi na kasi siya magiging tutor ni
“Si Tito Titimo? Kaya pala niyayakap niya si Mimi kagabi.” “Not my Papa, Lottie. I have a real daddy and he loves Tita Carol. He doesn’t want my mommy because he loves Tita.” “You have two fathers?” singit ni Clover. “My papa is just my uncle, Clover. Kuya siya ng mommy ko.” “Ah…” sabay na sambit ng kambal. “Bakit papa tawag mo?” usisa ni Clover. “Because he raised me like a dad.” “Pero hindi pwede, Buyet. Sabi ni Mimi mayroon na kaming dada. Pag-uwi ni dada i-su-suprize namin siya. Tapos pakakasalan na niya si Mimi. Kaya hindi pwedeng pakasalan ng daddy mo ang mimi namin.” Nahugot ni Caroline ang hininga dahil sa naririnig na usapan ng mga bata. Dumako ang tingin niya kay Bullet na mukhang disappointed sa narinig. Lumapit na siya sa tatlo. “Ready for breakfast?” tanong niya na nagpabaling sa mga bata. “Yes, Mima!” Naunang tumayo si Clover at lumundag pababa sa kama saka tumakbo palapit sa kaniya. “Mimi, nisasabi ni Buyet love ka raw ng daddy niya! ‘Di pwede, di ba, Mimi? Mag
“MIMA, p’wede ba kaming sumama?”Nilingon niya si Clover na nakaupo sa paanan ng kama, habang ang kakambal nito, naglalaro ng rugged doll sa gitna ng kama niya. Itinabi niya ang maliit na maletang dadalhin niya pabalik sa Cebu—kailangan niyang asikasuhin nang maayos ang resignation at kunin ang ilang importanteng gamit na iniwan niya sa pag-aakalang babalik pa sila roon. Nilapitan niya ang anak at naupo sa tabi nito.“Three days lang naman si mima doon, anak. By Monday morning nandito na ulit ako.”“Ako, Mimi, okay lang po ako rito. Pupunta si Buyet kaya maglalaro kami.”Nginitian niya si Lottie matapos itong lingunin ‘saka binalingan ulit ang panganay. “See? Pupunta si Bullet dito at baka ipasyal pa kayo ng papa niya. Kung sasama ka sa akin, maiiwan lang kita sa Ninang Edlyn mo dahil may kailangan akong asikasuhin sa school. Kung dito ka, makakasama ka sa kanila.”“Ma-mi-miss po kasi kita, Mima.” Inabot ng mga braso ng anak ang baywang niya at saka isinubsob ang mukha sa tiyan niya.
HINDI nagpalit ng oras nang muling tumunog ang cellphone ni Caroline, it was Harold, Mr. Donovan’s right hand. She was told that he had booked her a ticket and sent the flight details in her email. And she was told that she will be pick up by one of Mr. Donovan’s men. Kinumusta niya ang mga bata kung nahanap na ba ang kambal, and Harold assured that Timothy is on his way to where the twins were. Nagpasalamat siya rito bago ibinaba ang tawag at inayos ang mga gamit niya.She packed her things that was left before. Hindi naman siya nagdala ng mga gamit dahil mayroon naman siya roon. She texted Edlyn that she couldn’t process her clearance anymore at kailangan na niyang bumalik sa Manila. Alam niya sa sariling hindi siya mapapalagay hangga’t hindi niya nakikita ang mga anak.Hindi na baling ma-awol, Mr. Donovan is willing to hire her, tatanggapin niya ang offer nito. Binuksan niya ang email para tingnan ang flight schedule niya, 19:45 ang boarding time niya at past four na. Bago mag-alas
NAGAWA niyang imulat ang mga mata nang araw na iyon, ngunit hindi rin nagtagal ay muli siyang iginupo ng dilim. Hindi niya alam kung ilang araw o gabi ulit siyang nanatiling nakapikit, ngunit nang magising siya, wala na ang oxygen na nakakabit sa kaniya. She can breathe normally. Nakakaramdam pa rin siya ng hilo tuwing igagalaw niya ang ulo, pero hindi na iyon ganoon kalala.Inilibot niya ang tingin sa silid na pawang puti ang nakikita niya. Wala siyang makitang ibang tao sa silid, ngunit nang ibaba niya ang tingin sa gilid niya, nakita niya ang ulong nakahiga roon. Sinubukan niyang igalaw kahit ang mga daliri man lang at hindi siya nabigo. Mabilis ding nagising ang taong nasa gilid ng kama niya at nang makitang gising siya, mabilis itong tumayo at may pinindot sa uluhan niya bago siya binalingan.“Honey, gising ka na ulit. May masakit ba sa iyo? You want something?” sunod-sunod na tanong nito sa kaniya.“N-na…uu…haw…&rdquo
Pinakatitigan ni Bullet ang cellphone na naiwanan ng ama sa side table. He tried to open it and good thing that it wasn’t lock. Sumulyap muna ang paslit sa ikalawang palapag kung nasaan ang silid ng Daddy Jordan at Mommy Carol nito, nang masigurong hindi pa lalabas ang ama ay agad itong nag-dial.“Please, pick up the phone, Nida…” he whispered as the other line continued ringing.“Hello?”Nangunot ang noo ni Bullet nang boses ng batang babae ang sumagot sa kaniya. “Lottie?” he asked as he was familiar with her voice.“Buyet! Hala, Buyet, ikaw ba ‘yan?”“Yes, what are you doing in my papa’s house?” pabulong niyang tanong dito sa takot na marinig ng ama.“Dito na kami nakatira, Buyet. Buyet, alam mo bang papa namin si papa mo? Tapos, Buyet, si mimi… Buyet, si mimi ko wala na. A bad person took my mimi. T-tapos… tapos nisusunog nila body ni mimi… Buyet, wala na kaming mimi.”Mabilis na pinunasan ni Bullet ang luhang tumakas sa mga mata nang marinig ang pag-iyak ng kaibigan. “Sorry, Lott
SINULYAPAN ni Caroline si Jordan habang nakaupo sa wheelchair at minamasahe ng physical therapist ang mga binti niya. She wanted to ask something, ngunit hindi niya alam kung paano sisimulan, lalo pa’t mukhang hindi maganda ang timpla ng mood ng asawa habang abala sa mga binabasa nitong papeles sa table nito. Sa labas sana nila gagawin ang passiver exercise session nila ng physical therapist niya, mas madali kasing mag-relax ang nerves niya kapag naaamoy ang sariwang simoy ng hangin na nahahaluan ng amoy ng dagat, pero dahil may gusto nga sana siyang itanong kay Jordan, dito sila sa opisina nito pumuwesto. Wala pa ring maramdaman ang mga binti niya, marahil dahil sa tagal niyang na-comatose, kaya hanggang ngayon, hindi pa rin niya maigalaw ang mga paa. Matapos imasa-masahe ng physical therapist ang mga binti niya, ini-stretch naman nito iyon ngayon. Pagkaraan ng ilang ulit na pag-bend ng tuhod niya, inutusan siya nitong subukang iangat ang kanan niyang paa, ngunit hiningal na lang si
“JORDAN, paano ko pala kayo matatawagan?” tanong ni Caroline nang ihatid ang mag-ama sa dalampasigan, sa may woodbridge kung saan may naghihintay na yate. She couldn’t even remember kung yate rin ba ang sinakyan nila noong dalhin siya rito sa isla.“I gave your mom a phone. Nasa first dial ang number ko para madali mo akong matawagan,” tugon nito na tinanguan niya.“Mommy…” anas ni Bullet.Inangat niya ang mga braso at inabot ang anak. Bullet’s eyes were restless, para itong may gustong sabihin pero hindi nito masabi. Mahigpit niyang niyakap ang anak at pinupog ito ng halik. Hindi pa man umaalis ang dalawa, nangungulila na kaagad siya rito.“Ibili mo ako ng pasalubong, ha?” bilin niya rito para lang pagaangin ang atmosphere sa paligid, ramdam kasi niyang nagpipigil din ang anak na ilabas ang nararamdaman nito.“I will, Mom. I love you.”“I love you so much.”“Let’s go, son.”Mahigpit pa siyang niyakap ni Bullet bago ito humiwalay sa kaniya. Lumapit naman si Jordan at yumuko para halik