TIMOTHY couldn't process what he just heard from the officers. Jordan, the mastermind, was nowhere to be found. Caroline was drugged intentionally to erase her memory. At mababa ang chance na maibalik pa ang memorya nito. Ang sabi ng ina nito, six years ago ang naaalala ni Caroline nang ipaalaga ito ni Jordan dito. Memory nito hanggang sa bago niya ito na-meet sa tulay para sagipin siya sa pag-aakala nitong tangka niyang pagsu-suicide. Alaala kung saan bago ang kasal nito kay Jordan na hindi natuloy dahil sa pagkakabuntis sa kapatid niya.The situation became too complicated. Nagpapasalamat na lang siyang nagising itong hindi na naghihisterya para hanapin si Bullet. Ngunit hindi dahil unti-unti na itong nakaka-recover, kundi dahil hindi na nito naaalala kung bakit ito nasa hospital ngayon, maging ang pamangkin niyang inakala nitong anak.“Si Jordan? Baka hinahanap na ako ni Jordan. Kasal namin ngayon, Mister,” puno ng pag-aalala ang namamaos na boses ni Caroline nang sabihin nilang na
Inikot-ikot ni Timothy ang basong hawak habang prenteng nakaupo sa ergonomic chair at matiim na nakatitig sa labas ng malaking bintana ng sarili niyang opisina. Hindi niya maiwasang hindi mahulog sa malalim na pag-iisip tuwing sumasagi sa isip niya ang mga nangyari this past years. He was lost when they lost Caroline. Ang hirap ng adjustment na kailangan niyang gawin lalo na pagdating sa pagiging ama sa dalawa nilang anak. Clover and Charlotte did not grow up with him, kaya sobrang hirap mangapa. At alam niyang naging mahirap din sa dalawa ang biglang pagkawala ng ina ng mga ito.And now that Caroline was back, the kids were so excited to reunite with their mom. The problem is, Caroline couldn’t recognize them. She was trying, unfortunately, the overdose of the drugs that Jordan gave her, made Caroline’s memory—lost. And the experts are still monitoring her condition as she undergoes rehabilitation.Hindi sana mangyayari ang lahat ng ito kung mabilis nilang nahanap si Jordan. But what
“DADA, when will you and mimi get married?” inosenteng tanong ni Charlotte habang sinusuklayan nito ang laruang manika.Natigilan naman si Timothy. Nilingon niya ang anak at hindi agad nakasagot sa taong kausap sa telepono. “I will call you back.” Tinapos niya ang tawag at naupo sa single couch para samahan ang kambal. Sasagot na sana siya sa tanong ng bunso niya, ngunit naunahan siya ni Clover.“Mima won't marry him, Lottie.”“Bakit hindi, Clover? Anak nila tayo kaya dapat papakasal na sila!”“Having us doesn't mean they have to get married. Mima doesn't love him anyway. Mima loves that Jordan.”Kunot ang noong nailipat ni Timothy ang tingin sa panganay na anak. Hindi niya alam kung ano'ng nalalaman ni Clover at nasasabi nito ang ganoon.Hinaplos niya ang buhok ng bunso na nasa harapan niya. “Once your mom recovers from all of these, we will talk about it, honey,” malambing niyang saad rito.Nag-angat naman ng mukha si Clover na nasa kaliwang gilid ng center table at nagkukulay. “Are
“Good afternoon, Mr. Donovan. Angelo Cervantes from ValSecA. Pleased to meet you, sir,” bati ng lalaking nakasuot ng smart formal attire na cream trouser, mint green button-down shirt, at white sneakers nang tumayo ito para salubungin si Timothy. Inilahad niya ang kamay nang makalapit ito sa kaniya.Tinanggap naman ni Timothy ang palad nito para makipagkamay. “Please to meet you too, Mr. Cervantes. Have a seat please,” pagbati niya rito ‘saka inilahad ang kanang kamay para ialok dito ang upuang inuupuan nito bago siya dumating.“My apology to keep you waiting," paghingi niya ng paumanhin `saka naupo sa bakanteng upuan sa katapat ni Angelo.“You are still early, sir. Nasa itaas lang naman ng hotel na `to ako naka-check-in.”Tumango si Timothy bilang tugon sa kaharap. Hindi naman na nagpaligoy-ligoy pa si Angelo, dinampot nito ang folder na nakapatong sa mesa malapit sa kopitang pinag-inuman at inilahad iyon kay Timothy. Tinanggap iyon ng binata at walang salitang binuklat ang folder pa
Caroline was all smiles as she walked down the carpeted aisle. Ang lapad ng ngiti niya at nag-iinit ang gilid ng mga mata habang marahang naglalakad at titig na titig sa lalaking naghihintay sa kaniya sa ginawang altar. Finally, after their long-term relationship, nauwi na rin sila sa kasalan. After five years of planning her Filipiniana-themed beach wedding, she is finally wearing her dream gown. Suot niya ngayon ang Filipiniana-inspired two-piece gown made of tulle fabric. Floral embroidered cropped top with butterfly sleeves. Hanggang sahig naman ang haba ng pang-ibabang skirt na may thigh-high slit, at high-heeled white sandals. Simple lang ang ayos ng buhok niya, nakaipon at nakatali ito sa gitna ng ulo at nilagyan ng white floral band that matches her gown, and her hair bangs were split into two sides. Light lang din ang make up niya; nude brown for her eyeshadows, nude mini orgasm blush on, and sand nude for her lips. Umaalingaw-ngaw rin sa buong paligid ng resort ang malamyo
Malamig natubig, mabangong paligid, matipunong bisig, mainit na palad. Hindi na malaman ni Caroline kung saan siya nalalasing. Nalalasing ba siya dahil sa nilaklak na wine o dahil sa mabangong amoy ng lalaking kasama, o dahil sa paghaplos nito sa katawan niya? Malamig ang tubig na bumabagsak sa buong katawan niya, ngunit pinapawi ang lamig na iyon ng mainit na palad na humahaplos sa kaniya, ng mainit na hiningang tumatama sa kaniya. Ilang sandali pa, tumayo ang lalaki at iniwan siya. Pagbalik nito, naramdaman niya ang magaspang pero malambot na telang bumalot sa kaniya at ang pag-angat ng katawan niya. Hinabol ba siya ni Jordan at nakita sa tulay? It was Jordan, right? Kilala niya ang amoy ng kasintahan. Naluha siya sa isiping hinabol at inaasikaso siya nito. She can be selfish, right? Puwede pa rin naman sila kung tatanggapin niya ang kasalanan nito. Mahal niya si Jordan, at kung pipiliin siya ng kasintahan, kayang-kaya niyang tanggapin at maging ina sa magiging anak nito kay Clari
“Teacher Carol, I’m done!” “Wow, Carl! You are so fast!” puri niya sa batang lalaking lumapit sa table niya at inilapag ang papel kung saan puno iyon ng sinulat na buong pangalan nito. “Yes, Teacher. Can I have my stars na, Teacher Pretty?” “Okay.” Kinuha niya ang stamp na hugis star at idiniin iyon sa stamp pad. “Three stars for the fastest Carl.” Tatlong beses niyang itinatak iyon sa likod ng palad nito. “Yey! Thank you, Teacher Caroline!” umalingaw-ngaw ang masaya nitong boses bago patakbong bumalik sa desk nito. Ibinalik naman ulit niya ang atensiyon sa ginagawa, ngunit hindi pa nagtatagal, nakarinig na siya ng iyakan. Mabilis siyang tumayo pagkakita sa dalawang estudyante niyang nag-aaway na. “Anong nangyari? Ronie, why are you crying? Carl?” mahinahon niyang tanong sa dalawang bata. Nakatayo si Carl sa tabi ng desk nito, si Ronie naman, nakaupo at umiiyak. “It was Carl’s fault, Teacher! It should be me who finished first, not him!” “Teacher, wala po akong ginagawa kay Ron
“Mimi!” Nilingon ni Caroline ang nagmamay-ari ng matinis na boses, at napangiti nang makita ang kambal niyang anak. Si Lottie, ang bunso niya ang tumawag sa kaniya. Napangiti siya pagkakita sa nakabusangot nitong mukha. Pinatay niya ang screen ng laptop at iniurong ang ergonomical chair para harapin ang mga anak. Agad na yumapos ang mabilog na mga braso ni Lottie sa batok niya at kumandong sa mga hita niya. “Mimi, iaaway ako ni Tover,” pagsusumbong nito na ang tinutukoy ay ang kakambal nitong si Clover. “And what Clover did to you?” tanong niya rito habang nakatingin sa panganay, na seryoso lang na naupo sa gilid ng kama niya, paharap sa kaniya. “Nitatabi niya, buyoy yaw ako. I’m not buyoy, mimi, yayt?” Matamis niyang nginitian ang anak habang pinapasadahan niya ng mga daliri ang mala-Goldilocks nitong buhok. “Natural lang ang pagiging bulol, baby. As you grow up, you will learn to speak properly. Right, Clover?” Baling niya sa anak na may tuwid na tuwid naman at maayos na nakatal