Caroline was all smiles as she walked down the carpeted aisle. Ang lapad ng ngiti niya at nag-iinit ang gilid ng mga mata habang marahang naglalakad at titig na titig sa lalaking naghihintay sa kaniya sa ginawang altar.
Finally, after their long-term relationship, nauwi na rin sila sa kasalan. After five years of planning her Filipiniana-themed beach wedding, she is finally wearing her dream gown. Suot niya ngayon ang Filipiniana-inspired two-piece gown made of tulle fabric. Floral embroidered cropped top with butterfly sleeves. Hanggang sahig naman ang haba ng pang-ibabang skirt na may thigh-high slit, at high-heeled white sandals.
Simple lang ang ayos ng buhok niya, nakaipon at nakatali ito sa gitna ng ulo at nilagyan ng white floral band that matches her gown, and her hair bangs were split into two sides. Light lang din ang make up niya; nude brown for her eyeshadows, nude mini orgasm blush on, and sand nude for her lips.
Umaalingaw-ngaw rin sa buong paligid ng resort ang malamyos at mabagal na musika mula sa orchestra. Gusto na niyang bilisan ang lakad para lang makalapit sa groom niya, pero pinigil niya ang sarili para hindi masira ang momentum ng sarili niyang kasal.
“Hi," her groom, Jordan, said as she approached him. Jordan looks gorgeous in his beige, trendy barong-tagalog suit and side-swept hair.
Matamis niya itong nginitian, “Hi,” ganting bati niya at tinanggap ang inilahad nitong palad. Parang noong una lang silang nagkakilala. Simpleng palitan ng ‘Hi’ na nauwi sa matagalang relasyon. Sabay nilang nilakad ang improvised altar na nasa harapan ng dagat.
Kumikinang ang mga mata ni Caroline habang pinakikinggan ang sermon ng pari na nagkakasal sa kanila. Panay rin ang pisil ni Jordan sa palad niyang hawak-hawak nito na nakakapagpangisi sa kaniya. Alam niyang pareho silang excited at kinakabahan.
Natapos sa sermon ang marriage officiant. They exchanged their vows and wear their wedding rings. Iniabot ni Caroline ang sign pen kay Jordan matapos niyang pirmahan ang marriage certificate. Tinanggap iyon ng lalaki at akma nang pipirma, ngunit tumigil ito at napatitig sa papel na magbubuklod sa kanilang dalawa.
“May problema ba, Dan?” mahina niyang tanong sa kasintahan. Sinulyapan siya nito at akma na namang pipirma, subalit agad ring matitigilan.
“Jordan?” kinakabahang tanong ni Caroline. Kita niya ang paggalaw ng panga ni Jordan, hudyat na nagpipigil ito sa kung ano man ang nararamdaman nito.
“Why can’t you sign it, Jordan Liam? Napagtanto mo na bang ako ang karapat-dapat sa ‘yo?” anang boses mula sa gilid, sa babaeng papalapit na sa kanila.
Lumalim ang gatla sa noo ni Caroline habang pinapanood ang paglapit nito. Maganda ang babae, at pamilyar sa kaniya. Nanlaki ang mga mata niya nang maalala kung sino ito. Mabilis niyang nilingon si Jordan na nanatiling nakatingin sa papel na magpapatibay sa kanilang pag-iisang dibdib. Nakaamba pa rin doon ang sign pen na mariin nitong hawak.
The lady in red bodycon dress is none other than Clarisse, ang babaeng minsan nang naipakilala sa kaniya ni Jordan bilang matalik na kaibigan. Ano’ng ginagawa nito sa kasal nila? She invited her and even offered her to be her maid of honor, but Clarisse refused, tapos ngayon nandito ito?
Bumalik ang tingin ni Caroline sa dalagang namumula ang mga labi na nagpatingkad sa kaputian nito. The sunset reflected on Clarisse beauty. Minsan na niya itong pinagselosan dahil sa insecurity. Matangkad ito at maganda ang pang-modelong katawan. Maamo ang maliit nitong mukha at bilugan ang mga mata. Pero iba ang awra nito ngayon, mukha itong naghubad ng maamong maskara at ipinakita ang tunay na anyo. She looks stunning and seductive, wala na roon ang kainosentehang dahilan noon para mapanatag siya.
“Jordan…” mahina niyang tawag sa dapat ay asawa na niya.
Mula sa pagkakaestatwa ni Jordan, tumayo ito nang tuwid. Nananatili sa kamay nito ang hawak na panulat nang titigan siya ng nang-aamo nitong mga mata.
“Speak up, Liam,” ani Clarisse na nakatayo ilang dipa mula sa likuran ng lalaki.
Umangat ang kaliwang kamay ni Jordan at magaang na humaplos sa braso ni Caroline.
“I- I’m so sorry, Carol. I want this wedding to be successful. I don’t want to lose you. Pero may kailangan akong aminin sa iyo,” ani Jordan sa mababang boses.
“A-ano ‘to, Jordan?”
“He cheated on you, Caroline. He cheated on you for me. He has an affair with me.” Napasinghap at umingay ang paligid sa pinasabog na bomba ni Clarisse.
“Shut up, Clarisse!”
Tiningnan lang ng dalaga ang lalaking nakatalikod rito, “He’s bored. You are boring, so he cheated. Best friend? Yes, we are. Not just a best friend, I am even his bed buddy. You know, men can’t stand without s*x and you can’t give him what he needs,” pagpapatuloy ng babaeng sumira sa atmosphere ng paligid.
Naninikip na ang didbib ni Caroline at namumuo na rin ang luha sa mga mata niya. She wanted to look at Jordan, pero hindi niya magawa. Nanatili ang titig niya sa babaeng sumisira sa pangarap niyang kasal.
“Don't listen to her, darling,” pakiusap ni Jordan at nilingon na ang babae sa likuran. “Take that woman away from here!” dumagundong ang boses nito sa malakas na utos na ‘yon.
Mabilis na tumalima ang mga bodyguard ng binata, subalit nagpupumiglas si Clarisse.
“Don't touch me! Don't you dare touch me! Liam, I am pregnant!” Clarisse threw another bomb that made Caroline burst into tears.
“Liam, sabi naman sa ‘yo ayos lang, ‘di ba? I know what I am to you, kaya hahayaan kitang makasal sa kaniya kahit mahal na mahal kita! Pero, Jordan, buntis ako. Hindi pwedeng maging bastardo ang magiging anak natin!” pagpapatuloy pa ni Clarisse.
Tinabig nito ang kamay ng bodyguard na nakahawak sa braso at may hinalughog sa red purse nito. At saka malalaki ang mga hakbang na lumapit kay Jordan at inilahad ang isang papel.
“This is the proof. I just came from my OB-gyne last week dahil ilang araw na akong may morning sickness.”
Kunot ang noong marahang inabot ni Jordan ang papel na may dalawang maliit na animo film. Ultrasound result na nagsasabing six weeks nang nagdadalantao si Clarisse. Nag-angat ito ng ulo at tila pinagbagsakan ng mundo ang tinging ipinukol kay Caroline.
Hindi malaman ni Caroline kung ano ang gagawin. Ano ba dapat ang maramdaman niya? Ano ba dapat ang gawin niya? Ang alam lang niya; pinagtaksilan siya, at nasira ang dream wedding niya. Nasasaktan siya. Hindi maipaliwanag na sakit ang nararamdaman niya. Na sa sobrang sakit, parang namamanhid na ang buo niyang katawan.
“C-Caroline…” Jordan sounds defeated as he called her name. Muli nito sanang hahawakan ang braso ni Caroline, ngunit mabilis na nag-iwas ang dalaga.
“J-Jordan, don’t do this to our child. Huwag mong itulad sa akin na lumaking walang kumpletong pamilya,” nagsusumamong lumapit si Clarisse kay Jordan at hinawakan ito sa braso. “C-Caroline, I’m sorry. I didn’t mean to ruin your wedding. But shits happens. A-alam kong naiintindihan mo ako. I’m doing this for the life inside my tummy,” baling nito kay Caroline.
Malalim na napasinghap si Caroline. Daig pa niya ang inilulubog sa dagat at pilit na iniaahon ang sarili upang habulin ang sariling buhay. Alam niya ang pakiramdam na walang pamilya. Alam niya kung gaano kahirap ang mabuhay nang mag-isa at walang nag-aaruga. Alam niya ang pakiramdam na maging anak sa pagkakasala.
Ngayon, pinagtaksilan siya, at nagbunga ang pagtataksil na iyon. Galit siya, pero hindi niya kayang idamay ang bata dahil sa galit niya.
Umatras siya ng isa nang akmang hahawakan ulit siya ni Jordan. Marahas niyang pinunasan ang mga luhang nagpapalabo sa paningin niya. Tinanggal niya ang wedding ring kasama ang manipis at hindi kahabaang gwantes na suot ng mga kamay niya. Ibinato niya iyon sa paanan ng lalaking dapat ay mapapangasawa niya.
“C-Caroline, pag-usapan natin ito.”
Umiling siya at muling umatras para hindi mahawakan ni Jordan. Isinunod niyang hinubad ang diamond necklace na accessories niya sa katawan at ibinato iyon sa paanan ng lalaki. Yumuko siya at isa-isang hinubad ang high-heeled sandals at isa-isa iyong inihagis sa kung nasaan niya ibinato ang mga naunang gamit.
Kung pwede lang din niyang hubarin ang suot na wedding gown, gagawin niya wala lang siyang matangay na bagay na pag-aari nito, na ito ang gumastos.
“The moment you cheated on me, we should be done. Alam mo ang insecurities ko noon sa babaeng iyan, pero ang sabi mo matalik lang kayong magkaibigan. You make me believe with your lies, Jordan.” Humakbang pa siya ng isa patalikod. “Alam mo kung ano ang naging buhay ko, Jordan. Sa lahat ng tao, ikaw dapat ang nakaaalam ng pinagdaanan ko. Pero pinili mong magloko dahil lang sa tawag ng kalibugan mo! Sana hindi mo na pinaabot pa rito. Sana hindi mo na sinayang ang pera at oras mo para sa kasal na ‘to kung kapag nakatalikod pala ako bestfriend mo ang kinakalantari mo!” Lumipat ang nanlalabo niyang tingin kay Clarisse at bumalik sa lalaki. "Magsama kayo, mga baboy!” Hinawakan niya ang magkabilang bahagi ng suot niyang skirt at iniangat iyon ‘saka tinalikuran ang dalawa at patakbong umalis sa lugar na nagmistulong impyerno sa kaniya.
She would never dream of a wedding—again.
Ang sakit isipin na buong buhay mo, wala kang ibang pinangarap kundi ang magmahal, mahalin, ikasal at makabuo ng isang masayang pamilya na hindi niya naranasan. She was deprived of a complete and a happy family, dahil sa pagiging anak niya sa pagkakasala. Lumaki siya sa pangangalaga ng tiyahin na pinsan ng babaeng siyang dapat nag-aruga sa kaniya. Lumaki siyang inaalila ng pamilya nito, na ilang taon din niyang tiniis.
Siya ang nagpaaral sa sarili simula nang makapagtapos siya ng elementarya. Umalis siya sa poder ng tiyahin at nagpalaboy-laboy sa kalye. Kinuha siya ng social welfare at dinala sa ampunan. Nakapagpatuloy siya ng highschool sa tulong ng scholarship. Tumanggi siyang magpaampon dahil sa trauma na dinanas niya sa tiyahin. Kaya bilang kapalit, naging katuwang na lang siya ng mga volunteer at mga madre sa ampunan. Nakapagpatuloy sa kolehiyo sa tulong na rin ng mga ito at ng mga sponsor ng ampunan.
She wanted to teach, kaya kumuha siya ng Education. At nakilala niya si Jordan when she was in her 2nd-year college. Acquaintance party nila noon, and he approached her, graduating naman ito. They started dating then, and after a month, sinagot niya ito.
Jordan is the epitome of smart, rich, and handsome. Pero hindi naman kasi iyon ang nagustuhan niya rito. May respeto itong lalaki. They cuddled, they makeout, pero hanggang doon lang. Jordan would stop and would tell her na hindi nila gagawin ang higit doon kung hindi pa siya handa.
Kaya pala hindi ito namimilit— may pinagpaparausan pala kasi!
Marahas niyang pinunasan ang mga matang hilam sa luha gamit ang kanang braso. For sure, sirang-sira na ang make-up niya at sobrang gulo na ng hitsura niya. She was just thankful na hindi over-do ang mga kolorete niya sa mukha.
A bottle of wine is on her right hand, nakuha niya iyon nang mag-walk out siya sa kasal nila at madaanan ang reception area sa loob ng hotel. Mula sa wedding venue, naglakad siya nang walang direksiyon at hindi na niya alam kung saan siya napadpad.
Wala siyang pakialam kung ano na ang hitsura niya. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan na siya ng mga taong nakasasabay niya sa paglalakad. Ang gusto na lang niya, makalayo sa lugar na iyon.
Malayo sa venue ng nasira niyang kasal.
Malayo sa lalaking muntik na niyang pakasalan.
At malayong-malayo sa mga taong kahit siya na ang naloko, alam niyang siya pa ang pinag-uusapan.
Mga p*nyeta sila!
Inilapit niya sa bibig ang nguso ng boteng hawak at ininom iyon nang walang tigil. Hindi pa sana niya titigilan kung hindi lang siya nahirinan. Napayuko na siya kakaubo. At nang makabawi, muli siyang tumungga.
"Hnngg, l-lumilindol ba?" Inilibot niya ang tingin. Umiikot ang paningin niya pero kung lumilindol nga hindi naman mukhang nagpa-panic ang mga tao sa paligid. "Lasheng na yata ako…" bulong niya.
Ibinato niya ang wala nang lamang bote sa kung saan. Inipon niya sa harapan ng mga hita ang laylayan ng wedding skirt at naglakad na naman nang naglakad nang walang direksiyon. Kumakanta siya nang may kalakasan. At nang mapansing tulay na pala ang nilalakaran, napatigil at napangisi siya.
“Kung tumalon kaya ako diyan? Siguradong walang maghahanap sa a-akin o iiyak kapag natagpuan akong isang bloated at malamig na bangkay!” sambit niya, ngunit mabilis na nawala ang ngisi sa mga labi niya nang maalala ang mga estudyante niyang napamahal na sa kaniya.
“Hahanapin pala ako ng mga anak ko.” Iwinasiwas niya ang kamay sa harap ng mukha para alisin ang masamang balak. Hindi siya magpapakamatay para lang sa walang kwentang lalaki.
Naglakad ulit siya. Madilim na ang paligid at mas madalim sa dulong bahagi ng tulay. Wala nang masiyadong dumaraan, ngunit nanlaki ang mga mata ni Caroline pagkakita sa bulto ng isang tao na nakatuntong sa konkretong balustre ng tulay— at akma iyong tatalon!
“Hoy!” At kahit hirap sa paglalakad dahil sa kalasingan, adrenaline rush yata kaya nagawa niya itong takbuhin at hilahin.
“Hey!” asik ng lalaki. Na-outbalance na ito at nadala sa paghatak ni Caroline, patalikod na bumagsak at nabagsakan ang estranghera. “Damn it! What did you do?” asik na naman nito na mabilis umalis sa pagkakadagan sa kawawang babae.
Ang sakit ng katawan ni Caroline. Hindi biro ang paglagpak niya sa konkretong sahig ng tulay. Galit ang boses ng lalaking sinagip niya mula sa pagpapatiwakal, kaya kahit nanlalabo na ang mga mata dulot ng kalasingan at sakit na nararamdaman, iminulat niya ang mga mata.
Malabo ang mukha ng lalaking nakatunghay sa kaniya. “Kahit gaano kabigat ang problema, kahit gaano kasakit ang panloloko nila, hindi solusyon ang pagpapakamatay, hm?” aniya rito. Namimigat na ang mga talukap niya. Nararamdaman niya ang pag-angat niya sa lupa, pero wala na siyang lakas para dumilat pa.
Sana paggising niya, wala na ang sakit ng nararamdaman niya.
Malamig natubig, mabangong paligid, matipunong bisig, mainit na palad. Hindi na malaman ni Caroline kung saan siya nalalasing. Nalalasing ba siya dahil sa nilaklak na wine o dahil sa mabangong amoy ng lalaking kasama, o dahil sa paghaplos nito sa katawan niya? Malamig ang tubig na bumabagsak sa buong katawan niya, ngunit pinapawi ang lamig na iyon ng mainit na palad na humahaplos sa kaniya, ng mainit na hiningang tumatama sa kaniya. Ilang sandali pa, tumayo ang lalaki at iniwan siya. Pagbalik nito, naramdaman niya ang magaspang pero malambot na telang bumalot sa kaniya at ang pag-angat ng katawan niya. Hinabol ba siya ni Jordan at nakita sa tulay? It was Jordan, right? Kilala niya ang amoy ng kasintahan. Naluha siya sa isiping hinabol at inaasikaso siya nito. She can be selfish, right? Puwede pa rin naman sila kung tatanggapin niya ang kasalanan nito. Mahal niya si Jordan, at kung pipiliin siya ng kasintahan, kayang-kaya niyang tanggapin at maging ina sa magiging anak nito kay Clari
“Teacher Carol, I’m done!” “Wow, Carl! You are so fast!” puri niya sa batang lalaking lumapit sa table niya at inilapag ang papel kung saan puno iyon ng sinulat na buong pangalan nito. “Yes, Teacher. Can I have my stars na, Teacher Pretty?” “Okay.” Kinuha niya ang stamp na hugis star at idiniin iyon sa stamp pad. “Three stars for the fastest Carl.” Tatlong beses niyang itinatak iyon sa likod ng palad nito. “Yey! Thank you, Teacher Caroline!” umalingaw-ngaw ang masaya nitong boses bago patakbong bumalik sa desk nito. Ibinalik naman ulit niya ang atensiyon sa ginagawa, ngunit hindi pa nagtatagal, nakarinig na siya ng iyakan. Mabilis siyang tumayo pagkakita sa dalawang estudyante niyang nag-aaway na. “Anong nangyari? Ronie, why are you crying? Carl?” mahinahon niyang tanong sa dalawang bata. Nakatayo si Carl sa tabi ng desk nito, si Ronie naman, nakaupo at umiiyak. “It was Carl’s fault, Teacher! It should be me who finished first, not him!” “Teacher, wala po akong ginagawa kay Ron
“Mimi!” Nilingon ni Caroline ang nagmamay-ari ng matinis na boses, at napangiti nang makita ang kambal niyang anak. Si Lottie, ang bunso niya ang tumawag sa kaniya. Napangiti siya pagkakita sa nakabusangot nitong mukha. Pinatay niya ang screen ng laptop at iniurong ang ergonomical chair para harapin ang mga anak. Agad na yumapos ang mabilog na mga braso ni Lottie sa batok niya at kumandong sa mga hita niya. “Mimi, iaaway ako ni Tover,” pagsusumbong nito na ang tinutukoy ay ang kakambal nitong si Clover. “And what Clover did to you?” tanong niya rito habang nakatingin sa panganay, na seryoso lang na naupo sa gilid ng kama niya, paharap sa kaniya. “Nitatabi niya, buyoy yaw ako. I’m not buyoy, mimi, yayt?” Matamis niyang nginitian ang anak habang pinapasadahan niya ng mga daliri ang mala-Goldilocks nitong buhok. “Natural lang ang pagiging bulol, baby. As you grow up, you will learn to speak properly. Right, Clover?” Baling niya sa anak na may tuwid na tuwid naman at maayos na nakatal
NANGUNOT ang noo ni Caroline nang mabasa ang pangalang nakarehistro sa telepono na dahilan ng pagva-vibrate niyon. Sa mahabang panahon, hindi na pumasok sa isip niya na isang araw may isa sa mga taong bahagi ng buhay niya ang magpaparamdam pa sa kaniya.“All right, may phone call akong dapat na sagutin. I will give you time to study the 8 Earth History. Magkakaroon tayo ng recitation after this call. Are we clear?”“Yes, Ma’am.”In-off niya ang camera ng laptop at nag-mute ng speaker. Bago dinampot ang cellphone na muli na namang nag-vibrate matapos nang ilang segundong pananahimik.“H-hello?” nag-aalangan niyang tanong.“C-Carol, si— si Tita Bridgitte mo ito.”“Napatawag po kayo?” may kaba nang pag-uusisa niya. Garalgal kasi ang boses ng nasa kabilang linya at halatang nagpipigil na lang na umiyak“A-ang papa mo. Your father Carlo is dying, hija. And he’s looking for you.”“Po? A-ano pong nangyari kay Papa? ‘Asaan siya, Tita?”“We are in the hospital. Please visit your father. He rea
Pumasok ang itim na pajero sa nakabukas na gate at huminto iyon sa harap ng dalawang palapag na bahay. Huling tuntong ni Caroline doon was years ago, seven or eight years old palang yata siya noon. Bakas pa ang karangyaan sa bahay na iyon noon. Buhay na buhay sa mga ilaw sa buong paligid. Namumukadkad ang mga tanim na halaman at mga bulaklak sa hardin. Malayo sa nakikita niya ngayon.Walang kabuhay-buhay at mukhang hindi na naaalagaan. May bahagi ng pader na nabibitak na ang puting pintura, at ang hardin, tuyot na ang ilang mga halaman. Ang lupa na berdeng-berde dati dahil sa bermuda grass, ngayon, nakatiwangwang na lupa na lang ang mas malaking bahagi, at ligaw na damo na lang ang sa iba pa.Hindi niya alam kung ano ang nangyari, dahil simula nang ipagtabuyan siya palabas sa bakuran na iyon, hindi na siya muling tumapak pa roon.“Anyaki nan hawt, mimi!” bulalas ni Lottie nandilat pa ang bilugan nitong mga mata habang iginagala ang paningin sa paligid. Pero mabilis itong nagtago sa l
“Papa… ni Bullet…” Humigpit ang yakap ni Clover sa batok ng lalaking nakatalungko sa harapan niya at saka humikbi-hikbi habang hinahagod nito ang likod ng paslit.“Are you lost, pretty?” tanong ng lalaki na tinangu-tanguan ni Clover.Humiwalay ang paslit sa pagkakayapos dito at pinunasan ang basa sa luhang mukha. “Nakita ko po kasi kayo kaya sinundan ko po kayo. Kayo po papa ni Bullet, ‘di ba?”Nangunot ang noo ng lalaki at pinakatitigan ang batang babae. “Oh, you are that kid in the airport. I see.”“Naaalala n’yo na po ako?” Kumikinang sa tuwa ang mga mata ni Clover, lalo na nang tumango ang lalaki.“And why did you follow me? If my bodyguards didn’t tell me a kid was looking for me, I would not notice you.”“I—” Napayuko si Clover nang walang maisagot.Hinaplos ng estranghero ang tuwid na buhok ng paslit. “Next time, don’t follow anyone even if you know them. Do you understand?” paalala nito habang nakasapo sa magkabilang pisngi ni Clover ang malalaki nitong kamay.“Opo. Hindi na p
“Are you all right, hija?” Nag-aalalang lumapit si Bridgitte kay Caroline nang magulat ito sa naging reaksiyon ng anak ng asawa.Panay ang singhap at buga ng hangin ni Caroline habang kunot na kunot ang noo. Nag-angat siya ng tingin sa madrasta. “W-wala naman na po tayong connection sa Pure Falls, ‘di ba?” tanong niya rito.“B-bakit? May problema ba? Binigyan ni Mr. Salcedo ng 5% share ang papa mo. At iyon ang bumubuhay sa amin ngayon. May problema ka ba sa kaniya? Kilala mo ba siya?”“W-wala, Tita.” Umiling-iling siya at pilit na nginitian ang madrasta. “Mabuti pa po, matulog na tayo.”Tumango si Bridgitte bago sabay nilang inakyat ang second floor kung nasaan ang mga silid. Nanghihina siyang napaupo sa kama nang makapasok sa kuwartong okupado niya. Kung may maliit na shares pa rin ang ama niya sa dati nitong kumpaniya, may posibilidad na magkita pa sila ng dating kasintahan, lalo na kung mananatiling nasa ganitong kondisyon ang ama. At hindi niya alam kung handa na ba siyang makahar
“ARE you done, Silver?” tanong niya nang makitang nakahilig na lang ang ulo ng paslit sa desk nito at nilalaro ang hawak na lapis. Binigyan niya ito ng seatwork after ng lunch break nila. And it’s been an hour now, wala pa rin itong ipinapasa sa kaniya.“Silver?”Tamad na nag-angat ng ulo ang paslit. Padabog nitong binuklat ang pad paper at padabog ding dinampot ang pencil. “Not yet, Miss,” sagot nito.Marahang nagbuga ng hangin si Caroline. It’s been a week since she started teaching Silver. Gumagawa naman ito, iyon nga lang laging delayed ang tapos ng per subject niya rito dahil hindi agad nito ginagawa. Hinahayaan na lang muna niya, dahil kung ganito pa ito sa kaniya, baka mas mag-tantrums lang ito kapag pinilit niya.Ibinalik niya ang atensiyon sa ginagawa nang makitang nag-uumpisa nang magsulat ang bata. Simple lang naman ang ipinapagawa niya rito ngayon; isulat sa buong papel ang buo nitong pangalan. Matalino naman kasi ito. Sa isang linggo niyang pagtuturo dito, nakita niyang m