Share

Chapter 6: Papa ni Bullet

Pumasok ang itim na pajero sa nakabukas na gate at huminto iyon sa harap ng dalawang palapag na bahay. Huling tuntong ni Caroline doon was years ago, seven or eight years old palang yata siya noon. Bakas pa ang karangyaan sa bahay na iyon noon. Buhay na buhay sa mga ilaw sa buong paligid. Namumukadkad ang mga tanim na halaman at mga bulaklak sa hardin. Malayo sa nakikita niya ngayon.

Walang kabuhay-buhay at mukhang hindi na naaalagaan. May bahagi ng pader na  nabibitak na ang puting pintura, at ang hardin, tuyot na ang ilang mga halaman. Ang lupa na berdeng-berde dati dahil sa bermuda grass, ngayon, nakatiwangwang na lupa na lang ang mas malaking bahagi, at ligaw na damo na lang ang sa iba pa.

Hindi niya alam kung ano ang nangyari, dahil simula nang ipagtabuyan siya palabas sa bakuran na iyon, hindi na siya muling tumapak pa roon.

“Anyaki nan hawt, mimi!” bulalas ni Lottie nandilat pa ang bilugan nitong mga mata habang iginagala ang paningin sa paligid. Pero mabilis itong nagtago sa likod ng ina nang bumukas double door ng bahay na nasa harapan nila at iluwa niyon ang isang mestisahing ginang na hindi nalalayo sa kuwarenta ang edad nakasuot ng eleganteng bestidang pula.

“Caroline? Is that you, hija?”

“T-tita…”

Nakalahad ang mga brasong lumapit pa ang ginang kay Caroline at niyakap siya. “Welcome back. Thank you for coming, hija.”

Nag-aalangan si Caroline kung gagantihan ang yakap nito. Ngunit sa huli ay niyakap na rin niya ang asawa ng ama. Ang ginang din naman ang unang kumalas sa kanila at hinarap siya. Napansin nito ang dalawang paslit nang dumako ang tingin nito sa kambal na nasa magkabilang gilid ng likod niya at muling bumalik ang tingin nito sa kaniya.

“And they are your?”

“Mga anak ko, Tita. Clover, Lottie, bumati kayo sa…”

“Mamita na lang, kids,” pagpapatuloy ni Bridgitte sa pag-aalangan ni Caroline sa itatawag ng mga anak dito.

“Heyow po, Mimiya.” Nakipag-unahang lumapit si Lottie kay Bridgitte at saka nito inabot ang kanang palad ng ginang. Subalit mabilis itong yumuko at ang pisngi ang inilapit sa paslit.

 

“Ayoko pang maramdaman na matanda na ako, kaya kiss na lang para kay mamita, sweety. Ang gaganda ng kambal mo, Carol. Mukhang magkakaroon na ng buhay ang bahay na ‘to. Come inside. Pasok kayo para makapagpahinga ang mga bata.  Sandra, pakiprepara ang mga pagkain,” tawag nito sa natitirang kasambahay habang papasok sila sa kabahayan.

“Mimiya, anyaki po nan hawt mo!”

“Oh, sweety, this will be your house too.”

Bumilog ang bilugang mga mata ni Lottie nang lungunin nito ang ina na sinagot lang ng tipid na ngiti ni Caroline.

“T-tita, si Papa?” hindi natiis na tanong ni Caroline.

“He’s still in the hospital, hija. Umuwi lang ako dahil darating kayo.

“How is he?” tanong niya habang nasa kambal ang tingin.

Malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Bridgitte.”He’s safe for now. The doctor says that what happened was a major heart attack. Bumuti lang ang lagay niya nang sabihin kong darating ka. Half of your father’s body was paralized, hija. Malaki ang naging epekto sa kalusugan niya simula nang magkaletse-letse ang negosyo namin. Hindi niya nakontrol ang emosyon niya kaya siya inatake. Isa pa, masiyadong workaholic ang ama mo to the point na nawawalan na siya ng time para sa sarili.”

“All our properties were gone. Iyong iba napilitan na kaming ibenta para mabayaran ang mga utang. Dumagdag pa ang pandemic, and this happened, kaya halos wala nang natira kundi itong bahay at iyong isang kotse.” Nilingon ni Bridgitte si Caroline. “Ano palang pangalan ng kambal mo?”

“Si Charlotte po iyong kausap ninyo kanina, iyong tahimik naman po si Clover.”

“Ang gaganda nila. I mean, maganda ka, Caroline, pero mukha kasi silang may lahi.”

Nakagat ni Caroline ang labi at hindi umimik. Napansin iyon ni Bridgitte kaya iniba na nito ang usapan.

“Mananghalian muna tayo. Hinintay ko talaga kayo para may kasabay naman ako. I usually ate in the hospital, but since you will came, it’s a good idea to join you in a lunch. After lunch, take a rest. If you want to visit your dad, we will visit later. But…” Dumako ang tingin ni Bridgitte sa kambal. “They are not allowed yet. Pero igagala ko na lang muna sila sa mall habang nasa hospital ka. Is that okay with you?”

“Ayos lang po.”

*****

“Always listen to your Mamita, ha? Lottie, don’t give your mamita a headache, are we clear?”

“Opo, Mimi. Tottie will be-eyb (behave).”

“Thank you, sweety.” Hinalikan ni Caroline ang bunsong anak sa noo bago binalingan ang panganay. “Clover, ikaw na ang bahala sa kakambal mo, ha?” bilin niya rito.

“Yes, Mima.”

“I love you two.” Hinalikan niya rin ito ‘saka binalingan ang madrasta.

“Tita, mauna na po ako. Kayo na po muna ang bahala sa kanila.”

“Sige, hija. Please call me if the doctor says anything, huh?”

“I will, Tita.” Muli niyang hinalikan ang kambal bago siya tuluyang bumaba ng sasakyan. Hinintay lang niyang makaalis ang itim na pajero bago bitbit ang basket ng mga prutas na tinalunton niya ang papasok sa ospital.

Sinabi na ng Tita Bridgitte niya kanina kung saang silid naka-confine ang ama kaya naman dumiretso na siya roon. Nang nasa harapan na siya ng kuwarto, ilang buntonghininga ang ginawa niya para alisin ang kabang nararamdaman.

It’s been years. Almost twenty years niyang hindi nakita ang ama, and now that she has the chance, nasa ganito naman itong sitwasyon.

Another sighed, and she opened the door. Tumambad sa kaniya ang amang nakaratay sa puting kama sa gitna ng puting silid na iyon. Wala nang anumang aparato ang nakakabit sa katawan nito maliban sa IV nito sa likod ng kaliwang palad.

Dahan-dahan siyang humakbang papasok sa silid. Kinapa niya ang sarili, ngunit wala siyang ibang maramdaman. Walang galit, walang pananabik. All she could feel is a hole in her heart.

Inilapag niya ang basket ng mga prutas sa mesang nasa gilid malapit sa pintuan, ‘saka siya humakbang papalapit sa higaan ng walang malay na ama. Akala niya talaga para na siyang batong walang mararamdaman, but as she looked at him intently, noon niya naramdaman ang tila init na humaplos sa puso niya.

Maingat niyang hinaplos ang nangungulubot nitong kamay. Noong malakas pa ito, isang beses lang niyang nahawakan ang kamay nito, at hindi pa iyon nagtagal, dahil ipinagtabuyan siya ng asawa nito. Gusto sana niyang sana piliin siya ng ama, pero hindi sapat ang pagiging anak niya rito para piliin siya. Ni hindi na nga ito nagtangkang hanapin siya matapos ng mahabang panahon. Ngayon lang. Ngayon kung kailan nag-agaw buhay ito.

“Ang d-daya mo, ‘Pa.” Napasinghot siya nang maramdamang nag-iinit ang mga mata niya at gumuguhit ang hapdi sa ilong niya. “Noon ko pa hinihiling n-na sana maisipan mo man lang akong hanapin. Na sana, maramdaman mong nangungulila ka sa a-akin. Kasi ako, kahit ayaw kong aminin s-sa sarili ko, sobra akong nangungulila sa ‘yo, sa inyo ni mama. Alam mo ‘yon, ‘Pa? Lagi kong tinatanong noon sa sarili ko, bakit ayaw n’yo sa akin? Dahil ba isang pagkakamali lang iyong mabuo ako? Ganoon ba kasama para sa inyo na nabuhay ako?” Mabilis niyang hinablot ang tissue pack na nasa side table. Kumuha siya roon ng tissue para punasan ang namumukal na luha sa mga mata niya.

“Nakakatawa lang na– kung kailan nanganib ang buhay ninyo, ‘saka mo ako naalala.” Mapait siyang natawa. “Bakit, ‘Pa, takot ka bang mapunta sa impyerno? Ayaw mo bang umalis na alam mong may anak kang masama ang loob sa iyo?” Huminga siya nang malalim. “Don’t worry, ‘Pa, kasi matagal ko na kayong napatawad ni mama. After all, hindi ko mararanasan ang mabuhay kung hindi kayo nagkamali, ‘di ba? Hindi ako galit sa inyo, pero hindi pa kayo puwedeng mawala. Pa, kailangan mong bumawi. Kahit  hindi na para sa akin, kahit para na lang sa mga apo ninyo. Kahit sa kanila mo na lang iparamdam iyong hindi ninyo naiparamdam na pagmamahal at pag-aaruga. Babawi kayo, ‘Pa, ‘di ba? Kaya dapat gumaling ka.”

*****

“Anyaki nan mall, Mimita, Tover!” bulalas ni Lottie, manghang-mangha sa mga nakikita. Halos kalahating oras na rin silang naglilibot sa Mall of Asia, pero wala pa sa kalahati ang napupuntahan nila.

Ilang paper bags na rin ang bitbit ng driver ni Bridgitte dahil sa mga gamit na pinamili para sa kambal. Kasalukuyan silang naglalakad papunta sa wing kung nasaan ang ice skating rink, dahil nabanggit iyon ng ginang sa kambal. At nang makita nila ang hinahanap, iniwan ng dalawa si Bridgitte at nag-uunahang makalapit para tanawin ang ice skating rink na nasa loob ng nakapalibot na wall glass.

“You want to try it?”

“Yet, Mimita!” walang pag-aalinlangang sagot ni Lottie na nasa rink lang ang atensiyon.

“Opo, Mamita!” sagot naman ni Clover na nilingon ang ginang.

“All right, just wait for me here. I will buy tickets for you.”

“Thank you, Mimita!”

Ibabalik na sana ni Clover ang tingin sa loob ng ice skating rink nang may mamataan siyang pamilyar na mukha. Wala sa loob na sinundan niya iyon.

“Papa ni Bullet! Sir!” tawag niya sa sinusundang lalaki. Halos takbuhin niya ito para lang maabutan. “Papa ni Bullet, wait po!” Maabutan na sana niya ito ngunit may grupo ng mga teenager ang nagpahinto sa kaniya dahil baka mabunggo siya.

Nang makaalis ang dumaang magkakaibigan, hindi na niya nakita ang lalaking hinahabol. Inilibot niya ang paningin, ngunit hindi na niya ito makita. Tumalikod siya para sana bumalik sa pinanggalingan, ngunit ganoon na lang ang takot ni Clover nang hindi makita ang ice skating rink.

“Lottie? Mamita?” Naikuyom niya ang mga palad habang panay ang linga sa paligid. Matalas ang memorya niya, pero dahil ibang direksiyon ang tinahak niya at hinahabol pa ang papa ni Bullet, hindi niya matandaan kung nasaan ang ice skating rink.

Ang bilis ng tahip ng dibdib ni Clover. Panay na rin ang mabagal pero malalim na paghinga niya. “Lottie… Mamita…” Nag-iinit na ang mga mata niya pero pinigil niya iyon. Nahihiya siyang umiyak sa harap ng maraming tao.

“Lottie, mamita…” mahinang tawag niya habang panay ang lingon sa paligid. Natatakot na siyang umalis sa kinatatayuan dahil baka mas lalo siyang mapalayo.

Sumusikip na ang dibdib ni Clover. Panay na rin ang paghugot nito ng malalalim na hinga, pero hindi iyon naibubuga. “Mima, natatakot na po ako. Nasaan ka po, Mima…”

“Hey, kid. Are you alright?” Nilingon niya ang nagsalita at ganoon na lang ang tuluyang pagtulo ng luha niya nang makilala ito. ‘Saka lamang siya nakahinga nang maayos at wala sa loob na niyapos ang estrangherong lalaki.

“Papa…”

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lv Villarino
cguro ang papa ni bulet yung niyakap ni Clover.na papa din ng kambal hehhee
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status