Share

Chapter 14: Ang Paghaharap

“Jordan?”

Tumayo ang bisita niya at hindi malaman kung lalapit ba sa kaniya o hindi. Ang anak na si Lottie na may dalang teddy bear naman ang sumugod sa kaniya at yumakap.

“Mimi! Gift po sa akin ni Tito Yordan!”

Hinila naman ni Clover ang kamay niyang hawak nito dahilan para lingunin niya ito.

“Kanina pa siya nandito, Mima.”

Inalis niya ang tingin sa anak at bumaling sa bisita na nanatili sa kinatatayuan nito.

“Lottie, Clover, maglaro muna kayo sa room ninyo, ha? May pag-uusapan lang kami ng bisita.”

Hindi tumalima si Clover na masama ang tingin sa bisita nila, pero hinila ito ni Lottie at kinaladkad papunta sa kuwarto. Hatid-tanaw naman ni Jordan ang kambal.

“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya rito. Iniisip niyang dahil nasabi na niya kahapon sa meeting ang tungkol sa pagiging ina niya ay mawawalan na ito ng interes at tatantanan na siya. Pero mukhang mali siya ng akala.

“Ang gaganda nila,” puri nito sa kambal.

Hindi niya iyon pinansin. Itinuro niya ang upuan sa likod nito para pau
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Mary Joy Remocaldo
nko Magkita na lagot na ano kayang mangyari....
goodnovel comment avatar
Mary Joy Remocaldo Donase
thank you sa update author ...️
goodnovel comment avatar
Ro Wena
sana magpakasal na sina Clarisse at Jordan para kay Bullet. si Timothy yata ang tatay ng kambal na anak ni Carol
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status