~Present; The chapter 23’s continuation~ MITSUKI’S POV Habang nakatingin sa kamay ko ay hindi ako makapaniwalang ikakasal ako. Parang pakiramdam ko ay panaginip lang ang lahat ng ito. Habang nakatingin sa labas at tinatanaw ang magandang tanawin dito sa may veranda ay narinig ko ang pagbukas ng pinto at nakita kong nakangiti si ate Haruka at tingin ko’y mang-aasar na naman. Wala na naman sya sigurong magawa sa office at kung mero’n man tingin ko ay ibinigay na naman nya ang utos sa iba. “Congratulation sa kapatid kong malakas mag-emote pero nag-yes sa kasal,” sabi nito at napahawak ako sa ulo ko. “Bakit ba ang lakas mo parating mang-asar?” inis na sabi ko. “I was wondering... you were avoiding him when he arrived here and when he found you, Mitsuki. But I can’t understand why, all of a sudden, he proposed to you?” takang tanong nito. Tumingin ako sa kanya at napaisip sa kung ano ang ibig nyang sabihin. “W-what? You should be to his side, pero bakit parang biglang liko ka na nama
~Past; The chapter 21’s continuation~THIRD PERSON’S POVHindi alam ni Mitsuki ang kan’yang gagawin nang sandaling iyon. Nang makasigaw siya sa kaniyang unan ay tumayo na ito at saka siya huminga ng malalim at naligo na at saka siya nagbihis. Kailangan na niyang ihanda ang kaniyang sarili dahil hindi na sila mag-amo ng kaniyang boss na si Ashton at kailangan niyang tanggapin na hindi na lang employee ang tingin sa kaniya ng kaniyang boss kung hindi isang babaeng makakasama nito hanggang sa dulo ng kan’yang buhay. Nang makapagbihis na ito ay saka siya ulit bumaba pero nasa sala na ang lahat kaya naman naisipan nitong pumunta sa kusina kasi nagutom siya. Hindi pa kasi siya nag-aalmusal matapos ang nangyari kanina. Nang makakuha ito ng pagkain ay isinara na nito ang ref at napatalon siya sa gulat nang makita si Ashton sa pagsara ng ref. “Ginulat mo ako!” ani niya. “I didn’t mean that,” sabi naman ni Ashton. Lumapit sa kaniya si Ashton. “Alam na ba nila?” bulong na tanong nito. Nanguno
~Past; The chapter 24’s continuation~MITSUKI’S POVLumipas ang ilang linggo at unti-unti kong nakikita ang pagbabago ni Ashton. Sa totoo lang ay naninibago lang ako ngayon sa kaniya kasi hindi ako sanay na ganito siya sa ‘kin kahit na noon pa. Habang abala ako sa opisina ay hindi nawawalan ng update sa ‘kin si Ashton. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamasuwerteng tao sa mundo dahil mayroong isang lalaki ang kayang magbago para sa ‘kin. Hindi lang dahil sa gusto niya akong bumalik sa kaniya kung hindi dahil sa gusto niya. “Zahara!” Napalingon ako sa tumawag sa ‘kin at doon ko nakita ang mukha ng kapatid ko. “What?” walang ganang tanong ko. “Ang sungit mo today ah? May dalaw ka?” tanong niya at napairap na lang ako sa kaniya. Hindi ko sinagot ang tanong niya kasi wala naman akong balak na makipag-usap sa kahit na sino sa ngayon kasi gusto ko ang mapag-isa muna. Ang sakit ng ulo ko ngayon at pakiramdam ko ay ang bigat ng buong katawan ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramd
PROLOGUE“Wala ka ba talagang ibang gagawin kung hindi ang pagtaguan ako?” inis na tanong nya at bakas ang pagtitimpi nito sa pananalita niya.“Hindi ko alam kung bakit ba patuloy mo pa rin akong sinusundan kahit alam mong nilalayuan na kita!” Iyak kong saad sa kanya.Biglang namutawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko na alam saan ako maaring magtago at kung anong gagawin ko malayuan ko lang sya. Hindi dapat sya nandito at matagal na mula ng huli ko syang makita at makausap ng ganito. Naiinis ako dahil sa ginagawa niya. Naiinis ako dahil kahit anong tago ko ay nahahanap niya ako. Unti-unting bumuhos ang malakas na ulan at iyon ang tanging kong naririnig.“Y-you know how much I love you right?” Tumingin ako sa kanya at hindi ko maiwasan ang hindi maawa. “You know how much I care for you, how much I miss you. From time-to-time I wanted to see you, hug you and kiss you. Pero hindi ko magawa dahil wala ka sa tabi ko.”Ang boses niya ang syang nakakapagpalambot sa puso ko.
MITSUKI’S POV ***2 years ago*** Maaga akong nagising at nag-asikaso. Kailangan ko kasing maghanap ng trabaho para hindi ako nasa bahay lang. Matapos ko kasing mag-resign sa dati kong work after ng isang linggo naisip ko rin na kailangan ko talagang ilibang ang sarili ko ng hindi ako nabo-bored at nasa bahay lang. Nang makapag-ayos na ako ay saka ako bumaba at nakasalubong ko si Ate Haruka na no’n ay kumakain ng hotcake. “Oh? Ang aga mo ata?” takang tanong niya at saka ako kumuha ng isang hotcake. “Mag-aapply ako,” sabi ko naman at nagtaka sya. “Kaka-resign mo lang no’ng nakaraan mag-aapply ka na agad?” “I’m bored.” “Bored?” “Hay nako, Haruka. Ikalimang beses na niya ‘yan ginawa. Ewan ko ba dito sa kapatid mo at hindi mapakali sa iisang kompanya lang,” sabi nman ni mommy at saka ako nagtimpla ng gatas. “I told you last time. Sa café ka na lang,” ani nito at hindi ko siya pinansin. Matapos kong mag-almusal ay umalis na ako at hindi ako nagpahatid. We have our own business, per
MITSUKI’S POV “Wala ka ba talagang ibang gagawin kung hindi ang pagtaguan ako?” inis na tanong nya at bakas ang pagtitimpi nito sa pananalita niya. “Hindi ko alam kung bakit ba patuloy mo pa rin akong sinusundan kahit alam mong nilalayuan na kita!” Iyak kong saad sa kanya. Biglang namutawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko na alam saan ako maaring magtago at kung anong gagawin ko malayuan ko lang sya. Hindi dapat sya nandito at matagal na mula ng huli ko syang makita at makausap ng ganito. Naiinis ako dahil sa ginagawa niya. Naiinis ako dahil kahit anong tago ko ay nahahanap niya ako. Unti-unting bumuhos ang malakas na ulan at iyon ang tanging kong naririnig. “Y-you know how much I love you right?” Tumingin ako sa kanya at hindi ko maiwasan ang hindi maawa. “You know how much I care for you, how much I miss you. From time-to-time I wanted to see you, hug you and kiss you. Pero hindi ko magawa dahil wala ka sa tabi ko.” Ang boses niya ang syang nakakapagpalambot s
MITSUKI’S POV Nangunot ang noo ko dahil wala namang maglalakas loob na pumasok ng mag-isa sa opisina ko. Maayos na rin kasi ito at p’wede na akong magpa-welcome bukas. Pumunta ako ro’n saka ko binuksan ang pinto at sa hindi inaasahan ay may humila sa ‘king kamay at hinila ako papasok. Sinara nito ang pinto at agad na sinunggaban ang labi ko ng halik. Hindi na rin ako nakapalag dahil na rin sa lakas nito at inaamin kong na-miss ko ang mga labi na iyon. Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ko ang kamay nya sa may bewang ko at mas hinapit pa ako papalapit sa kanya. Nalaglag ang gamit na dala ko at binuhat niya ako at saka pinatong sa may lamesa. “A-Ashton…” banggit ko sa pangalan nito. “I miss your lips baby,” bulong na sabi nito na tila napapaos pa. “A-anong…” Napakagat ako ng labi ko ng bigla nyang hawakan ang binti ko at ipinuwesto iyon sa kanyang bewang. “Fvck sh*t!” inis kong sabi. “Babalik ka sa ‘kin, Mistuki.” “I will never do that,” pigil ko. “Alam kong mahal mo pa ako.
MITSUKI’S POV Ilang araw ang lumipas at naging maganda naman ang naging mga araw ko sa company ng mga Turner pero may mga bagay lang akong hindi masyadong naiintindihan lalo na kay Janne. Sa kanilang tatlong magkakapatid kasi ay si Janne lang ang may hilig sa pakikipag-sparing lalo na sa mga guards nya pero hindi naman sya tinatantanan ni Dylan at kahit saan sya naroon ay nandoon din ito. I was actually also annoyed by this man, but he’s kinda funny sometimes when he makes Janne annoyed at him all the time. Habang naglalakad ako papuntang cafe ay nakasalubong ko si Sir Tyler na may kasamang babae. It is beautiful, sexy, and has a sense of fashion. Napatingin sa ‘kin si Tyler nang mamukhaan nya kung sino ako at napayuko naman ako sa kanya at saka ako ngumiti. “Good morning po, Sir Tyler,” bati ko sa kanya at saka sya tumango at ngumiti sa ‘kin. “Who is she?” tanong nang babaeng kasama nya. Bumaling ako ng tingin sa kanya at saka ako ngumiti. “I’m Mitsuki,” pagpapakilala ko at sak