Share

Kabanata 1

It was a windy afternoon and it was our summer break vacation. I was standing on my balcony in my room looking at the wide sea.

My mouth parted when I saw my dad riding his brown horse, bumaba ito at naglakad na lamang habang sinusuklay ang buhok ng kabayo niya. Since I was young I wanted to have my own horse, and want to learn how to ride a horse.

"Isang linggo na lang thirteenth birthday n'yo na. Do you have any wish?" tanong ni Papa habang nasa hapag kami.

Tahimik lang akong kumakain sa pagkain ko.

"Yes Papa!" sagot ni Rafaella ang kakambal ko. Huminto si Papa sa pagkain at tumingin sa kanya na katabi ko.

"What is it, Rafaella?" Sumulyap ako kay Rafaella na ngumiti.

"I want to know how to bake." Napahinto si Mama sa pagkain at ibinigay ang buong atensyon sa amin.

"We have a chef Hija, you can request whatever you want." Mabilis na umiling si Ella.

"I want to learn on my own, Ma. It is my wish, Papa. There will be a culinary class during summer in our school. I want to try, please?" Pagmamakaawa nito.

Sumulyap si Papa kay Mama, nagkibit-balikat si Mama. "Okay, because it is my birthday gift... sure," sagot Papa at pumalakpak si Rafaella sa tuwa.

"Did you hear that Bella? I'm so excited! Wanna join me?" anito na nakangiti.

"Ikaw, Abella? Ano ang gusto mo?" Tanong ni Papa sa akin. Hindi ko nasagot ang tanong ni Ella at tumingin ako kay Papa na naghihintay ng sasabihin ko.

"Yo-You really granted my wish, Papa?" tanong ko punong-puno nang pag-asa.

Ngumiti si Papa. "Of course, what is it?"

"Promise me Papa!" I exclaimed in excitement.

" What is your wish, Abella?" bulong ni Ella sa akin. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Okay, I promise. I guess that's what you really want." Lumapad ang ngiti ko at ibinalik ang tingin kay Papa.

"I want a horse." I demanded. Kumunot ang noo ni Mama na tumingin sa akin.

"A what?" tanong muli ni Papa.

"A horse Papa! I want to have a horse! I want to learn how to ride a horse," sabi ko habang nakangiti.

"Riding a horse is for men, Abella." Mom's reminded.

"That is why I wanna learn," mariing giit ko.

"Why don't you just join your sister in her culinary class, at least that's better!" Nagbuntonghininga ako at nawawalan nang pasensya.

Itinuon ko ang pansin kay Papa na ngumiti. "That's what I want Papa, and you promise me."

"Okay, I guess I have no choice-"

"Cristobal!" Mama warned.

"She can ride a horse inside of our hacienda Angelita, and I see no problem with that," mahinahon na paliwanag ni Papa.

Mama hissed and shook her head in disapproval. "You should just at least give them a present and don't ask them what they want," ani Mama.

"You really want to know how to ride a horse?" tanong sa akin ni Ella.

"Yeah," tipid na sagot ko.

"But it is too risky. You might break a bone," nag-aalalang komento nito.

"I know, but I wanna try," sagot ko.

My mom hates me for doing things that she doesn't want me to do. She always praised Rafaella, dahil nagagawa nito ang mga bagay na gusto ni Mama. It was unfair, but can you blame me? Dito ako masaya.

* * *

"You wanna die?" Napaawang ang labi ko sa tanong nito. Nanginig ang labi ko at tumingin sa mga kamay kong nakahawak sa walang saplot at matigas nitong dibdib.

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis kong itinulak ang katawan ko palayo sa kanya.

"Ano bang problema mo?!" naiinis na tanong ko sa kanya.

Kumunot ang noo nito at itinuro ang gitna kung saan ako nanggaling kanina.

"You're not trying to kill yourself right?" nakakunot na noong tanong nito. "Mag-iisang minuto na hindi ka pa umaahon sa tubig," matigas na sambit nito.

Huminga ako nang malalim at hinawakan ang dibdib ko dahil sa nangyari. Natawa ako sa sinabi nito at napailing. I trained myself as a free diver at kaya kong magtagal sa ilalim ng tubig kahit walang oxygen na gamit.

"I am so desperate to be free, but not enough to end my life!" I hissed at mabilis akong umahon sa tubig, kinuha ko ang basket na dala ko at tumuloy sa maliit na kubo malapit sa talon.

Sumulyap ako sa kanya na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umaahon at seryoso itong nakatingin sa talon.

Napahinto ako sa paglalakad at napakagat sa ibabang labi ko. I felt guilty about what I've said. Okay, I get it he saved me cause he thought that I'm going to end my life, napangiti ako dahil doon.

Mabilis kong ipinaalala sa sarili ko na nag-aalala ito dahil kapag may masamang mangyayari sa akin ay siya ang sisihin ni Mama. Napailing na lang ako roon. Pero gano'n pa man hindi pa rin dapat ako masama sa kanya at umasta ng ganoon.

"Rad!" tawag ko sa kanya pagpasok ko sa maliit na kubo. Sumulyap ito sa akin and I felt goosebumps when he roamed his eyes on my body.

Umiwas ito ng tingin nang magkatinginan kami. Dapat lang dahil nag-iinit na ang pisngi ko rito. Dapat pala ay nagdamit na muna ako bago kumain pero baka kasi mabasa iyon at mapansin ng mga kasamahan namin sa bahay lagot ako kapag nagkataon.

Napakurap ako nang tumayo ito at hinihintay ang sasabihin ko.

"Uh, ku-kumain muna tayo," nahihiyang pagyaya ko at nilabas ang mga pagkain na inihanda sa akin ni Katya.

Ngiting-ngiti ako nang makita ang barbecue, lechon manok at bulalo. Paano ito naluto ni Katya ng ganoon kabilis? Or did she order these? Uh! I miss eating this food.

I closed my eyes when I have a first bite of a savoury barbecue! I've been craving for this kind of food. Napahinto ako nang marinig ang kaluskos at naalala na meron nga pala akong kasama.

Tinignan ko si Rad na kinukuha ang damit nito.

"Uh, let's eat," nahihiyang anyaya ko muli sa kanya. Sumulyap ito sa akin.

"Pagkatapos mo na lang, Senyora." Umiling ako nang mabilis at binaba ang barbecue na hawak.

"No. Uh, I mean you can join me. I don't mind! Lagi na lang ako kumakain na mag-isa," sabi ko at tumingin ito sa akin na parang nagdadalawang isip pa.

Napangiti ako nang pumasok ito sa kubo. Sa laki ng katawan niya ay lalong nagmukhang maliit ang kubo.

Tahimik kaming kumain ni Rad, nahihiya rin ako magtanong o magsalita pero dapat ay hindi ako makaramdam ng ganito.

"You know what? I've been craving for this food, lagi na lang kasing vegetable salad ang hinahanda sa tuwing kumakain ako. They want me dead!" wala sa sariling pahayag ko habang inuubos ang natitirang barbecue sa stick na hawak ko.

Mabilis kong itinikom ang bibig ko at tumingin kay Rad na napahinto sa sinabi ko. Patay!

"Hindi ko dapat sinabi iyon." Tumaas ang tingin nito sa akin. "Uh- Kung isusumbong mo ako kay Mama naiintindihan ko. Pe-pero 'wag mo na lang sabihin ang pangalan ni Katya. Gusto ko lang naman kumain ng meat, sawa na ako sa dahon," madamdaming paliwanag ko.

Masyado yata akong naging komportable at nakalimutan ko na trabahador nga pala namin ang kausap ko.

Ngumisi ito sa akin bago uminom ng tubig. "Sinabi na sa akin ni Katya ang mga bagay ukol doon. Hindi mo kailangan mag-alala."

Napaawang ang labi ko nang mas lalo akong nabigyan ng pagkakataon na masilayan ang mukha nito.

Sobrang kapal ng kilay nito na mas lalong nagdedepina sa kanyang malalim at nangungusap na mga mata at tangos ng ilong, makapal at mukhang malambot ang labi niya. Mabilis kong iniwas ang tingin ko, nakakausap niya ba ng madalas si Katya? Bakit parang close na sila.

Hindi naman ito na kwento sa akin ni Katya, kung sa bagay hindi naman kasi ako kahit kailan nagkaroon ng interest sa mga nagtatrabaho sa amin dahil lahat sila ay inutusan ni Mama na bantayan ang bawat kilos ko.

I heaved a sigh. "I-ilang araw ka na sa hacienda namin?" kuryosong tanong ko.

"Magdadalawang buwan," nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, ganoon na pala siya katagal ngunit hindi ko man lang siya nakita. Hindi ko din namalayan na ganoon na rin pala katagal na wala si Mang Densyo.

"Ang tagal na pala!" I snapped and nodded my head. Napalunok ako nang masilayan ang hubad niyang katawan, sobrang tigas siguro ng katawan nito at mukhang batak sa trabaho.

Dahil sa pagkailang ko ay tumayo na ako at tumungo na muli sa talon. Nilibang ko ang sarili ko lalo na at hindi ko alam kung makakaulit pa ako sa pagpunta rito. Pag-ahon ko sa tubig ay lumangoy ako malapit sa mga bato upang makapagpahinga. Ang sarap ng tubig sa balat nakaka-relax. Hinanap ng mga mata ko si Rad at napahinto ako nang makita ko siyang nakasandal sa isang malaking puno habang nakapikit ang mga mata, suot na rin niya ang kanyang damit. Nakatulog na yata siya.

Tuluyan na akong umahon sa tubig, at naglakad malapit sa kanya dahil doon nakasabit ang suot kong summer dress.

I froze when he moved and he slowly opened his eyes. I can't look at his sleepy eyes because he looked so hot? I grabbed my dress and hurriedly went to the kubo. My hair is still wet, but we need to go back to the mansion before they find out that I sneaked out.

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang maramdaman ang pagdampi nang matigas na mga kamay nito sa likod ko upang hawakan ang tali. Tumingin ako nang diretso sa daan at inaliw ang sarili sa mga puno. Pinipilit ko na 'wag masyadong mamangha sa kanya.

He seems mysterious, or I am just mesmerizing him. Parang may iba sa kanya na hindi ko maipaliwanag.

Wala si Katya sa lugar kung saan ako dapat ibababa ni Rad. Kinuha nito ang basket na dala ko at ibinaba sa damuhan. Umiwas ako ng tingin nang hawakan nito ang balakang ko upang ibaba ako. Pagbaba nito sa akin ay nahaplos ko ang matigas na dibdib nito para makapagbalanse. Nagkatinginan kaming dalawa at kunot ang noo nitong nakatingin sa akin nang seryoso. Mabilis kong iniwas ang tingin ko at nahiya sa nangyari.

"Salamat, Rad," bulong ko.

"Walang ano man, Senyora Abella," anito at hindi ko na siya tiningnan pa.

Mabilis kong kinuha ang basket habang inaayos ang suot ko at nagtungo na ako sa mansyon. Sa taranta ko ay hindi ko na nai-text si Katya.

Hindi ko mapigilang ngumiti habang papasok ng mansyon.

"Magandang hapon po, Senyora Abella. Mabuti na po ba ang iyong pakiramdam?" tanong ng isang kasambahay sa akin na nasa edad na trenta.

Napahawak ako ng mariin sa basket at ngumiti rito. Maging ang kasambahay namin ay hindi ko kilala.

"Uh, oo. Hinahanap ko si Katya balak ko sanang magpakuha sa kanya ng mangga," sabi ko at itinaas ang basket na dala ko.

"Nasa iyong silid po siya, Senyora. Hindi n'yo po ba napansin?" Takang tanong nito.

Napaawang ang labi ko at tumango-tango. "Baka noong paglabas ko sa banyo, ay lumabas siya," pagsisinungaling ko at ngumiti. "Maraming salamat," dagdag na wika ko at mabilis na naglakad patungong hagdan.

Pagbukas ko ng silid ko ay nakita ko si Katya na nanonood ng Netflix habang nakaupo sa sofa. Napasapo ito sa kanyang noo at tumingin sa wall clock.

"Nako oras na pala!" anito at tumingin sa akin. "Hindi mo man lang ako t-in-ext!"

Ngumiti ako nang pilit at nilagay ang basket sa lamesa. "Halata at nakalimutan mo akong sunduin. Sana na lang hindi ako napag-isipan ng masama ng kasambahay na nakasalubong ko." Mabilis na tumingin sa akin si Katya na nanlalaki ang mga mata.

"Sino roon? Sino?! Ang mayordoma ba?" tanong nito na kinakabahan.

I smiled sweetly at her and removed my summer dress. "Don't worry, Katya. I don't know her," mahinahong sagot ko.

Nalukot ang mukha nito. "Lahat naman yata ng trabahador dito ay hindi mo kilala Abella, kaya hindi na ako magtataka." Umiling-iling ito.

"Kilala ko naman ang mayordoma na sinasabi mo!" giit ko, isa yata siya sa kanang kamay ni Mama. Ewan ko ba sobrang istrikto rin, dagdag na rin siguro na matanda itong dalaga. Napailing na lang ako at tumungo sa washroom upang makaligo muli.

I watched TV the whole afternoon and I'm so bored. I want to go out but I don't want to socialize with other people here in Valencia which is not really totally forbidden by Mama but she limits my time. It sucks to talk about them bragging about their success and all. Padabog kong tinapon ang remote sa sofa pagkapatay ko sa TV. Isang ordinaryong araw na naman ang matatapos, at wala akong ginawa kung 'di aliwin ang sarili.

May kumatok sa aking pinto kaya napatayo ako. "Senyora Abella? Senyora Abella, bumaba na ho kayo para sa inyong hapunan."

I glanced at the wall clock and it's quarter to seven.

"Okay!" sigaw na sagot ko at nag-ayos ng aking mahabang dress na pambahay.

Napahinto ako nang makita ko sa hapag si Mama at Papa. Almost two weeks since we last share a dinner, they were too busy with their businesses at halos hating gabi na kung umuwi. Nagbago bigla ang timpla ng gabi ko, mas mabuti pa kung ako na lang mag-isa.

"Salamat," sabi ko sa isang kasambahay na itinulak ang upuan upang ako'y makaupo. Katapat ko si Mama habang nasa gitna si Papa.

They put a mushroom soup on my soup bowl. I looked at my mom who was gracefully sipping her soup. My dad was also busy with his food. I'm not still used to it. Minsan mas gugustuhin ko nang ako na lang mag-isa kumakain dahil ganoon din hindi ko maramdaman na kasama ko sila o kaya naman ay palagi na lang ako napag-iinitan.

"Perla told me that you're not going out," pagbabasag ng katahimikan ni Mama sabay ng pagbaba ng soup spoon nito. Tukoy nito ang mayordoma rito sa amin.

Marahan lamang akong tumango at humigop sa mainit at masarap na soup.

"You must go out Abella. Socialize with the people here in Valencia like what your sister always does," mariin na payahag nito. Napahinto ako sa paghigop ng soup at mariin na hinawakan ang kutsara.

"Your mom is right, Bella. Try to visit Don Herman," ani Papa na tinutukoy ang lolo ni Esteban ang governador dito sa Bohol.

"Noted," tipid na sagot ko at huminga nang malalim at nagpatuloy sa pagkain kahit na hindi ko naman alam kung magagawa ko iyon. Ayoko na lang makipagtalo.

"That's the point you are going to be the wife of one of the grandsons of our governor. You should be proud of that!" saad ni Mama.

Anong nakaka-proud doon? Saang parte?

"Gusto mo akong lumabas at ipagyabang iyon Mama?" sarkastikong tanong ko. Napatingin ako kay Katya na nakatayo sa likod ni Mama at nanlaki ang matang tumingin sa akin habang umiiling nang mabilis.

"Yes!" Lumakas ang boses ni Mama at ngumisi sa akin. "You are not good at everything, Abella. At least just this one you should be proud of!"

Nawala na iyong pasensya na natitira sa akin, kahit anong pigil ko ay sinasagad ni Mama lahat ng respeto kong natitira para sa kanya. Sandali... meron pa nga ba?

"Angelita, calm down," ani Papa at hinawakan ang kamay nito.

"I'm sorry, Cristobal. If only Rafaella is here." My mom sighed in dismay.

Napapikit ako sa inis at padabog na ibinaba ang kutsara. Naramdaman ko ang tingin nilang dalawa sa akin.

"Where is your etiquette, Abella?" Mahinahon ngunit may riin na tanong ni Papa.

"Now Mama! Where is your favorite daughter?!" Naiinis na tanong ko kay Mama na nanliliit ang matang tumingin sa akin. Padarag akong tumayo at tumingin kay Papa pabalik kay Mama.

"She left! She left because of this toxic life!" naiinis na sabi ko.

Nag-aalala ang mata ni Katya na tumingin sa akin. Nagbago ang timpla ng mukha ni Mama at alam kong galit na siya. I removed my table napkin and snapped it on the table. "Sino ngayon ang nandito para ayusin ang gulong iniwan niya?!" nakatiim na bagang tanong ko.

"Abella!" my dad warned. I took a deep breath, this is so suffocating and it's killing me.

Naglakad ako without giving my excuses. They don't need it anyway.

"Abella!" sigaw muli ni Papa.

"Let her be, Cristobal. So that she will realize that I am right!" dagdag pa ni Mama. Umiling ako nang mabilis at naninikip ang dibdib sa sobrang emosyon na nararamdaman ko.

I love them, but they are giving me too many reasons to hate them more. I stopped when Katya held my shoulder. Her eyes were concerned. I smiled sadly and walked away.

My heart is aching, I hate Rafaella so much for giving too much pressure for everything, because of her I need to be better. I am giving all my best but it seems useless. I'm so useless! I felt the warm liquid running through my cheek.

Tumakbo ako palabas ng mansyon. The moon was shining so bright. I sobbed and slowly walked away from the mansion. Naglakad ako sa likod nito, pababa sa dagat. Umihip ang malamig na hangin, I cover myself for the cool breeze.

Inalis ko ang aking sandals at naglakad sa mainit na buhangin. Tanging ang hampas ng alon ang aking naririnig. Dahan-dahan akong umupo sa buhangin at inilagay ang sandals sa tabi ko, tumingin ako sa bilog na bilog na buwan.

Suminghot ako at pinahid ang luha sa aking pisngi ngunit walang tigil ang pagpatak nito.

"D*mn it! Where are you Rafaella?" sigaw ko sa malawak na dagat na nasa harapan ko.

Pagod na pagod na ako. Ayoko na rito, pinahid kong muli ang aking mga luha.

"Ang sakit-sakit na! Bakit kailangan pa nila akong ikumpara sa iyo? Alam ko naman eh! Na mas better ka, na ikaw yung favorite. Tanggap ko na iyon, tanggap na tanggap ko na 'yon," mapait na sambit ko sabay hagulgol.

Ang sikip-sikip na ng dibdib ko. Mas lalo akong binabalot ng kalungkutan nang dahil sa dilim at lamig ng paligid na parang alam ang sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko mag-isa ako sa lahat ng bagay at wala akong kakampi.

"Senyora Abella..." Nahagip ko ang aking hininga at napahinto sa pagpahid ng aking mga luha.

"A-Anong ginagawa mo di-dito, Rad?!" naiinis na tanong ko. Wala akong oras ngayon para magkunwaring okay lang ang lahat.

Naramdaman ko ang kamay nito sa aking braso na hinarap ito sa kanya. He removed his black jacket and he covered my body and it smelled mint green and gave me warmth.

"You're crying," bulong nito, nakakunot ang noo nito at umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Rad, leave me please," utos ko at nainis ako dahil mas dumaloy ang luha sa aking mga mata.

Pinigilan nito ako at naramdaman ko ang mainit na kamay nito sa aking pisngi. Napahinto ako at napaawang ang aking labi nang seryoso ito sa kanyang ginagawa. He is carefully doing it.

I sobbed and he sat beside me. I don't know what to say but I felt relieved when for the first time in forever there's someone who stayed beside me.

Ang sikip-sikip parin ng dibdib ko, nakakatawa lang isipin na kakakilala ko lang sa kanya kanina pero nandito siya ngayon. Hindi ko maipagkakaila na kailangan ko ng taong makakausap ngayon dahil ang sakit na.

"Bakit hindi nila maintindihan na hindi ako siya?!" naiinis na tanong ko. Okay lang, kahit hindi siya magsalita. Alam ko hindi niya ako naiintindihan pero sapat na sa akin na may tengang makikinig sa akin.

Niyakap ko ang aking tuhod at pinanood ang tahimik na dagat.

"I am so tired of everything. This is not what I'm dreaming for..." malungkot kong pahayag, naramdaman ko ang paglingon ni Rad. "Naiinggit ako, naiinggit ako sa mga taong nagagawa ang mga bagay na gusto nila." Sumulyap ako kay Rad na seryosong nakatingin sa akin.

Kumislap ang mata nito dahil sa pagtama ng liwanag ng buwan. Malalim at punong-puno ng tanong ang mga mata nito. Natawa ako ng bahagya.

"I'm sorry, I just want to burst it out. Please bear with me, it's okay if you don't understand me or you can't answer my questions. I don't mind." I nodded slowly. "I-I just need someone to talk to..." bulong ko at marahan na tumingin muli sa kanya upang makita ang kanyang ekspresyon.

He clenched his jaw and his Adams apple bobbled up. He look so arrogant but hot at the same time. Umiwas ako ng tingin at muling itinuon sa harapan ang tingin.

"Kaya ka ba umiiyak?" tanong niya sa mababang tono.

"Nagkasagutan kami ni Mama." Yumuko ako at pinaglaruan ang buhangin. "Wala ng bago, pero masakit pa rin," bulong ko. "You know, our life here isn't normal. You have to be perfect, but I am not perfect," mapait na sambit ko.

"What do you want to do then?" tanong nito.

Ngumiti ako. It's my first time to hear someone who asked me what I want in my life.

"I want to do the things that I want, to travel the world, marry the man I love, go to the places without limitation, wear the clothes I want and eat delicious food! If only... if only I wasn't born here," sagot ko at sumulyap kay Rad. "I want to be free, Rad."

Ngumisi ito at marahang tumango. "Senyora-"

"Please call me Abella or Bella, wala naman nakakarinig," I said, cutting him off.

Tumango ito.

"Abella..."

Parang may humaplos sa aking puso nang marinig ang pagsambit nito sa aking pangalan. "Gusto mo ba talagang gawin 'yon?" matigas na tanong nito.

"Oo naman!" magiliw na sagot ko.

"Senyora Abella!" Nagkatinginan kami ni Rad nang marinig si Perla ang aming mayordoma.

"Senyora Abella?!" sigaw muli nito.

Mabilis akong tumayo at pinagpag ang aking mahabang dress na suot.

"I have to go. Maraming salamat muli, Rad. It's nice talking to you," paalam ko at kinuha ang sandals.

"Senyora Abella!" dinig kong muling sigaw ni Perla.

"Paakyat na ho!" balik na sigaw ko. Naglakad na ako patungo sa hagdanan at sumulyap muli kay Rad na ngayon ay nakatayo na at nakatingin sa akin.

Napangiti ako at kumaway sa kanya. Napahawak ako sa jacket na suot ko nang maalala na kanya pala ito. Akmang aalisin ko ito nang magsalita siya.

"You can keep it," anito at ngumiti. Sumigaw muli si Perla kaya nataranta akong tumingin sa kanya.

"Goodnight, Abella," saad nito at sa hindi ko malaman na dahilan ay naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
Buti anjan si rad at me nag kokomoort sayo kaya moyan
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status