Share

Kabanata 2

Nagising ako sa ilang katok na nanggaling sa aking pinto. Hindi pa ako nagsalita nang bumukas na ito. Nakita ko si Katya na may dalang tray ng pagkain.

"Señorita, gising na ho at kumain na kayo dahil alam kong hindi ka nakakain kagabi," ani Katya sa akin.

Pinatay nito ang aircon at binuksan ang mahabang kurtina. I groaned when the sun touched my skin, at tinago ko ang mukha sa malambot na comforter dahil sa sinag ng araw.

"Ugh. I wanna sleep pa Katya," tamad na tamad kong pahayag. Naramdaman ko ang pag-upo nito sa aking kama.

"Nagbigay ng mga gagawin mo ngayong araw si Donya Angelita, Bella." Napabalikwas ako sa aking kama at tumingin kay Katya na nakalukot ang mukha. "At hinabilin niya ito kay Perla," bulong nito na sumulyap pa sa pintuan.

I heaved a sigh and nodded my head.

"Nakaalis na ba sila?" tanong ko nang iniinom ang mainit na gatas na nakapatong sa center table.

"Oo, at isang linggo silang mawawala." Napahinto ako at nanlalaki ang matang tumingin kay Katya na nakangisi sa akin.

"Really?" I exclaimed.

"Nagtungo sila sa Davao para sa isang linggo business meeting, kaya hinabilin niya ang gagawin mo kay Perla. Pero hindi ba't mas okay iyon?"

Ngumiti ako at tumango-tango. "Sanay naman ako na lagi silang wala, kaya kapag nandito sila, pakiramdam ko lumiliit 'tong mansyon para sa aming tatlo."

"Sabi ko naman sa 'yo Bella 'di ba? 'Wag ka na lang sasagot sa Mama mo. Nakakatakot 'yon kapag nagagalit. Kinabahan ako baka gawin na naman niya iyong ginawa niya sa iyo noong hindi ka umuwi galing Cebu." Napahinto ako sa sinabi ni Katya at marahang kinagat ang vegetable sandwich.

Naalala ko pa iyon, noong galit na galit si Mama. Sa buong buhay ko doon ko palang siya nakitang nagalit nang gano'n. Pinahiya niya ako sa lahat ng tao, maging sa mga kaibigan ko. Isang buwan din ako noon na grounded sa kwarto ko at hinahatiran na lamang ng pagkain. Daig ko pa ang preso, even phone and TV kinuha niya. Awang-awa noon sa akin si Katya, pero sanay na sanay na ako kay Mama. Kahit kailan, hindi ko naramdaman na mahal niya ako, kaya hindi na ako magtataka kung nagawa niya sa akin iyon. My dad wasn't sweet and too caring but he cares, at least a bit.

Nagkibit-balikat ako at kinagat muli ang nakakasawang lasa ng sandwich, wala man lang bang bacon? Or burger?

Napatayo nang maayos si Katya nang narinig ang pagbukas ng aking pinto.

"Senyora Abella," narinig ko ang estriktong boses ni Perla. Sumulyap ako dito na umagang-umaga ay kunot na kaagad ang noo.

Nasa early forties na si Perla, dalaga pa lang daw ito ay kasambahay na siya ng pamilya ni Papa. Hanggang sa nagdesisyon na magpakasal si Papa at ginawang mayordoma sa mansyon namin. Malinis ang pagkapusod ng kanyang buhok at plantsado ang kanyang uniporme. Ito na nga yata ang trademark niya sa amin.

"Bakit ho?" Ngiti ko dito na hindi binalik ang ngiti sa akin.

"Pagkatapos mong kumain ay maligo ka na para sa morning workout mo. Nandito ang trainor mo." Nasamid ako sa sinabi ni Perla at napangiwi. " Kailangan mong i-maintain ang twenty-five inches at malaking balakang mo para sa paghahanda sa nalalapit na pag-uwi ni Senyor Esteban."

"Sige po, susunod na ho ako at uubusin ko lang itong almusal ko," walang ganang sagot ko.

Umalis ito nang tahimik. Tumingin ako kay Katya at nagbuntonghininga. Isang beses lang ako kumain ng meat at iyon lang naligo ako sa talon, tumingin ako sa kinakain kong wheat sandwich na may palaman na gulay. Sawang-sawa na rin ako sa pagkain na ganito. Tingin ba nila ay tumataba na ako e puro dahon lang naman ang kinakain ko?

"Maliligo lang ako," paalam ko kay Katya.

Sinuot ko ang kulay itim na fitted long sleeve na terno sa leggings na suot ko. Ginugol ko yata ang isa at kalahating oras sa workout room kasama ang trainor ko. Overall workout ang ginawa namin, from cardio, tummy workout at butt workout.

Nagpahinga ako nang ilang oras sa loob. Pagod na pagod akong bumaba sa hagdan upang kumain. Binigyan naman ako ng protein drink ni Katya pagbaba ko. Ako lang ang mag-isang kumakain sa mahabang mesa. Tanging ang kubyertos ko lang ang naririnig, may limang kasambahay na nasa gilid upang kunin ang mga kinakailangan ko sa pagkain kung may iuutos ako. Gusto ko man silang sumabay sa akin ngunit papagalitan sila ni Perla kaya minabuti ko ng tapusin ang tanghalian ko.

"Mamayang alas tres ay tutungo ka kina Don Herman, Senyora Abella." Napangiwi ako habang umaakyat sa aking silid.

"Can't we just move that schedule Perla? My body is sore, I need to rest," pagdadahilan ko.

"Iyon ang utos ni Donya Angelita, Senyora Abella. At saka pa, tinawag ito sa mansyon ni Don Herman kaya inaasahan ang pagdalo mo." Hindi na ako nakasagot pa sa sobrang inis.

Tumango na lang ako at tumungo na sa kwarto ko. I decided to use the bathtub to have a warm bath. Binabad ko ang katawan ko sa tubig na amoy rosas. Nagising ako sa katok na nanggagaling sa aking pinto. Nagulat ako nang napagtanto na nakatulog pala ako sa bathroom.

"Senyora Abella?" narinig kong tawag ni Katya sa labas.

"Bathroom!" I shouted, then hurriedly washed my whole body in the shower.

Nakatapis pa ako nang lumabas sa washroom at nakita ko si Katya na nanonood ng TV habang naghihintay.

"Kailangan mo nang mag-ayos," anito sa akin at tumayo at pumunta sa tapat nang malaking salamin kung saan nandoon ang mga make up ko.

Sinuot ko ang elegante ngunit simpleng long dress na kulay abo, nadepina ang hugis ng katawan ko, habang maluwag naman ito sa baba kaya hindi ako nahihirapan maglakad. I wore Cinderella white shoes.

Inayos ni Katya ang mahaba at kulot kong buhok. Half ponytail ang ginawa niya habang may ilang mga strand ng buhok ko ay hinayaan sa aking mukha, light make up lang ang ginawa nito dahil ayoko nang sobrang kapal.

Bumaba na ako sa kwarto ko at hindi ko na hinayaan pa na tawagin ako ni Perla. Ngumiti ako sa ilang kasambahay namin na naghihintay sa malaking sala kung saan manghang-mangha ang mga mata ng mga ito nang makita ako.

Tumikhim si Perla upang kunin ang atensyon ng bawat isa.

"Mabuti naman at hindi mo na hinayaan na umakyat pa ako bago ka bumaba," anito sa akin at naglakad palabas ng mansyon.

Naka-park ang kotse sa tapat nang mansyon. Sumunod ako rito habang nasa likod ko naman si Katya.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Rad na nakasuot nang kulay puting uniporme at black slacks. Hindi ko mapagkakaila na mas lalong umangat ang kagandahan ng kanyang katawan at naging mas tumigas ang features nito. Kunot-noo akong tumingin sa kanya na seryoso ang matang nakatingin sa akin.

"Si Rad ang driver mo ngayon, Senyora Abella." Nasagot ni Perla ang tumatakbong tanong sa isipan ko. Tumingin ako kay Perla na nakangiti kay Rad. Kumunot lalo ang noo ko at ngayon ko lamang siya nakitang ngumiti sa ibang tao. "Marahil hindi mo pa siya kilala dahil hindi ka naman madalas lumabas ng mansyon," dagdag pa nito na nakapagpakaba ng dibdib ko.

Nagkatinginan kami ni Katya at ibinalik ang tingin kay Rad na bahagyang yumuko kay Perla bilang paggalang.

"Senyora Abella, si Rad nga pala." Ulit nito sa akin kaya nataranta ako at ngumiti nang pilit.

"Hi, ni-nice to meet you," wala sa sariling bati ko. Nakaramdam ako ng hiya nang ngumisi si Rad sa akin.

"Ganoon din ako, Senyora Abell," sagot nito. Natameme ako dahil naalala ko iyong kagabing kausap ko siya.

"Kasama ng magulang mo si Efren na tumungo sa Davao. Mabuti na lang at marunong pala magmaneho itong si Rad," ani Perla sa akin kaya nabalik ako sa aking ulirat.

"Ihatid mo siya sa mansyon nina Don Herman, at 'wag kang aalis doon na hindi siya kasama Rad," pagpapaalala ni Perla sa kanya.

Tumango si Rad. "Makakaasa ho kayo," anito bago ako pinagbuksan ng pinto ng kotse.

"Napakabuting bata talaga," narinig kong bulong ni Perla.

"Diane!" tawag ni Perla, at may lumapit na isang dalagang kasambahay na ngayon ko lamang din nakita. May dala itong box. Kumunot ang noo ko at tumingin kay Perla.

"Naghabilin si Donya Angelita na ibigay mo raw itong cake na ito kay Don Herman. At sabihin mo na ikaw mismo ang nag-bake nito." Kumunot ang noo kong tumingin kay Perla na seryoso ang matang tumingin sa akin. "Madalas kasing magdala si Senyora Rafaella noon ng cake na gawa niya, hindi man katulad nito pero okay na kaysa wala," dagdag pa nito.

I rolled my eyes in frustration and sat at the backseat. Inabot ni Rad ang cake at ibinigay sa akin.

"Salamat," walang ganang sagot ko. Kumaway si Katya sa akin bago tuluyang sumara ang pinto ng kotse.

Natahimik ako nang maalala na si Rad nga pala ang kasama ko. Bumuntonghininga ako at sumandal sa backseat. Napansin ko ang pagsulyap nito sa salamin upang makita ako.

"Marunong ka pa lang magmaneho," wika ko upang mawala ang katahimikan sa aming dalawa.

Tumango lamang ito at tuluyan na kaming nakalabas ng mansyon. Natahimik ako at tumingin sa bawat paligid na dinadaanan namin. Sa sobrang dalang kong lumabas ng mansyon ay para akong dayuhan sa sarili kong bayan.

Mukhang alam na ni Rad ang daan patungo roon dahil hindi naman ito nagtanong. Malalaki ang mga bahay sa Valencia ang natatanging bayan sa Bohol, puro mga mansyon at naglulumang mga hotel at casino ang narito.

Mayroon ding pribadong paaralan para sa amin. Malaki ang bayan na ito kumpara sa iba, nandito din ang mayayaman at makapangyarihang tao pagdating sa industriya ng pagnenegosyo, at taniman. Kaya naman hindi nakapagtataka na nanalo si Don Herman bilang gobernador ng probinsya dahil isa siya sa mayaman at makapangyarihan dito sa bayan namin.

"What's your plan after this?" Lumipat ang tingin ko kay Rad na nagsalita rin pagkatapos nang ilang minuto.

Kinunot ko ang noo ko upang isipin ang sinabi niya ngunit naalala na wala naman talaga akong plano.

"Wala. Uuwi na," tipid na sagot ko dahil wala naman talaga akong alam gawin at wala naman din hinabilin pa si Perla.

Marahan itong tumango. Muli kong sinandal ang likod ko sa malambot na backseat. Pagkatapos nang treinta minutos ay malapit na rin kami sa malaking gate ng mga Hernandez. Malaki na ang mansyon namin, ngunit mas doble ang laki ng mansyon nila Esteban.

Naaliw ang aking mga mata sa malabong na mga bulaklak nito sa malaking hardin bago makarating sa mansyon nila. Hindi ito ang unang pagpunta ko dito pero hindi pa rin nawawala ang pagkamangha ko sa mga diseniyo ng bawat parte ng mansyon. Sumisigaw lahat ito ng karangyaan.

Dahil alam na nila ang kotse na madalas kong ginagamit ay may sumalubong sa akin na mga kasambahay na naka uniporme na kulay asul. Napabuntong hininga ako at napansin ang pagsulyap muli ni Rad sa salamin at napapansin yata nito na hindi ako gumagalaw nang tumigil na ito sa tapat ng mansyon. Lumabas ito at pinagbuksan ako ng pinto.

"Umpisahan na ang pagpapanggap," bulong-bulong ko at lumabas ng kotse at sumalubong lahat sa akin ang mga kasambahay at bumati.

Ngiting-ngiti ako sa kanila at naglakad patungo sa hagdan paakyat ng pintuan ng mansyon. Sumulyap ako kay Rad na hindi man lang gumalaw sa kinatatayuan niya kanina. Inikot ko ang paningin ko sa malaking sala nito na may mga upuan at lamesa.

"Sumunod po kayo sa akin, Senyora Abella," saad ng isang kasambahay habang ang iba ay nasa aking likuran.

Manghang-mangha pa rin ako sa laki ng chandelier nito at kumikinang ng dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa malaking bintana. Inikot ko ang aking mga mata at nasilayan ang malaking family picture ng mga Hernandez maging ng kanilang mga apo.

Napangiwi ako nang makita ang maangas na mukha ni Esteban habang nakangising aso. Mukhang aso talaga!

"Dito po," sabi pa ng kasambahay ng makita akong huminto sa gitna ng malaking sala.

Ngumiti ako at sumunod sa kanya. Marami pa kaming pintuang nadaanan bago tuluyang pumasok sa isang pasilyo, napahinto ako nang makita ang maraming pagkain na nakahanda sa malaking dining table nila habang nasa dulo noon ay si Don Herman. Lumapad ang ngiti nito nang makita ako at tumayo. Sinalubong ko ito nang yakap, at naalala ang cake na inabot sa akin kanina ni Perla.

"Magandang hapon po Don Herman, naghanda po ako ng munting pasalubong para sa inyo." Naiilang na ngiti ko.

Nanlaki ang mga mata ni Don Herman no'ng makita nito ang pasalubong ko. Ipinakuha niya ito sa isa sa mga kasambahay. "Maraming salamat, Hija. Sadyang napakasarap ng cake na ginagawa mo."

Napangiwi ako sa sinabi niya at napangiti nang pilit.

Kailan pa ako natutong mag-bake? I asked sarcastically at the back of my head.

"Halika at umupo ka muna, naghanda ako ng simpleng merienda para sa iyo." Napakurap ako sa dami ng pagkain dito sa malaking mesa.

Kung simple lamang ito paano pa kung engrande?

Lahat ng ito ay pagsasaluhan lang naming dalawa, mayroon Panzanella, Mushroom risotto, Focaccia bread at ibang klase ng pasta. Akala ko ay makakain na ako ng kakaiba pero wala pa rin pa lang pinagbago.

"Maraming salamat po sa mainit na pagtanggap, Don Herman. Nakakahiya at baka po naabala ho kayo." Umupo ako sa kabilang dulo nang malaking lamesa.

Matanda na si Don Herman, puti na ang buhok nito ngunit hindi pa rin mawawala sa mukha nito ang dugong espanyol. Hawig na hawig nito si Esteban. Minsan iniisip ko kung bakit pa siya tumatakbong gobernador. E, sa edad niyang ito ay dapat nagpapahinga na lamang siya.

"Ayos lang, Hija. Minsan ay kailangan ko rin magpahinga." Ngiti nito sa akin at kumain.

Kaunti lamang ang kinain ko, hindi naman kasi bago sa akin ang pagkain. Ganito rin madalas iluto ng chef namin. Lahat na lang yata rito sa Valencia ay hindi alam ang salitang masarap, puro na lang kasi vegetable diet ang ginawa nang iilan upang alagaan ang katawan nila.

Dalawang oras din kaming nag-uusap ni Don Herman. Madalas ay nagtatanong siya na tungkol sa negosyo namin na hindi ko naman alam kung paano sagutin kaya iyon lamang ang mga alam ko ang mga sinasabi ko.

"Dalawang buwan na lang ay uuwi na si Esteban, marahil ay gusto mo na siyang makita," ani Don Herman pagkatayo ko sa aking upuan. "You are indeed a beautiful lady, Hija. No wonder Esteban is excited to go home," dagdag pa nito.

Ngumiti lamang ako bilang sagot sa kanya dahil ni minsan hindi ko hinangad na makita siyang muli.

"Mauuna na ho ako Don Herman, maraming salamat po." Tumango ito sa akin pagkatapos inumin ang tea nito.

"Maraming salamat din, Hija. Give my regards to your parents," anito at ngumiti.

Muli ay iginiya ako ng isa sa mga kasambahay niya upang makalabas sa malaking mansyon. Laking pasasalamat ko nang matapos ang oras na ito.

Mabilis na tumayo si Rad no'ng makita ang paglabas ko. Napansin ko ang iilang kasambahay rito na mukhang kanina niya pa kausap at naaaliw sa kanya. Napatingin ako kay Rad na nakangiting tumingin sa akin, napansin ko ang mga kubyertos sa lamesa. Sumulyap ako sa tatlong kasambahay na sa wari ko ay kasing edad ko lang. Biglang yumuko ang mga ito. Naglakad si Rad patungo sa akin at tumingin sa malaking pintuan.

"Le-Let's go," bulong ko at nauna na akong naglakad sa sasakyan.

"Maraming salamat muli sa pagdalaw, Senyora Abella," habol ng babaeng matanda na naghatid sa akin. Ngumiti ako rito at ako na mismo ang nagbukas ng pinto ng kotse.

Nakita ko ang pagkaway ng mga kasambahay kay Rad bago siya pumasok sa loob. Sinulyapan ko ang kanyang mukhang nakakunot ang noo habang pinapaandar ang sasakyan.

"You're having fun don't you?" matabang na tanong ko at sumulyap muli sa mga babaeng humahagikgik habang kumakaway pa sa kanya.

"They are nice," matigas na ingles na sagot nito.

My brows furrowed and stared at him at the mirror, he was furiously looking into the road. Sinulyapan ko ang magandang hubog ng braso nito at ang morenong balat nito habang nakahawak sa manibela.

"Kumusta na si Mang Densyo?"

Sumulyap ito sa akin sa salamin at tumango. "Maayos na siya ngayon, nagpapahinga."

Tumango-tango ako at tiningnan muli ang mga bulaklak na dinaanan namin kanina bago tuluyang nakalabas ng mansyon.

Malapit na kami sa daan patungo sa barrio namin at iniisip ko pa lang na wala na naman akong gagawin buong hapon ay nakakatamad na. Napabalikwas ako dahil nilagpasan nito ang daan patungo sa amin at tiningnan ito na punong-puno nang pagtataka.

"Rad, lumagpas tayo," maagap napahayag ko at tinuro ang daan.

Tumingin lamang siya sa akin at ngumisi.

"I thought you wanted to be free," giit nito at sumulyap sa salamin upang tingnan ako.

Nanlalaki ang mata kong tumingin sa kanya, mabilis kong hinawakan ang mahabang dress ko at humakbang sa pagitan ng front seat.

"Bella!" Taranta nito pero bago pa ito nakapagsalitang muli ay nakaupo na ako sa passenger seat.

Inalis ko ang ponytail ko at tumingin kay Rad na nagagalak.

"Are we going out?" I asked excitedly. He looked at me at my multo nang ngiti sa kanyang mga labi.

"You seem so excited," birong pahayag nito at medyo binilisan ang takbo.

"Is it real? I mean you're not joking right?" Itinaas nito ang kanang kilay niya. "I guess you're not. I hope you're not!" I pouted my lips.

Noong nakalagpas kami sa kabilang barrio ay ang magagandang tanawin na ang bumungad sa amin. Ibinaba ko ang bintana ko at ipinatong ang dalawang siko rito.

I shut my eyes and felt the cool breeze on my face. Sumulyap ako kay Rad na ibinaba rin ang bintana nito.

"Where are we going?" manghang tanong ko. In my twenty three years of existence never pa akong nakapunta sa lugar na ito ng Valencia.

Huminto ang kotse malapit sa isang bangin. Mabilis akong lumabas ng kotse at sumabong ang mahaba kong buhok sa aking mukha nang dahil sa hangin. Namangha ako sa sobrang ganda ng paligid sa aming harapan ay ang kulay asul na dagat.

Lumaki ang ngiti ko at tumingin kay Rad.

"Ang ganda!" I exclaimed at tumingin muli sa malawak na dagat sa aming harapan. Palubog na ang araw at unti-unti nang nagbabago ang kulay ng dagat.

"Pano mo nalaman 'to? I've never knew this place!" I said without looking at him. "Ngayon lang..."

"Valencia is a good place," tugon nito nang nasa tabi ko na. Ngumiti ako at tumingin sa kanya.

"Yes! In deed. Kaya ka ba bumalik dito sa Valencia?" ngiting tanong ko. Kumunot ang noo nito at naging seryoso. "Ang sabi sa akin ni Katya ay pamangkin ka ni Mang Densyo, marahil ay nakatira ka sa kabilang bayan?"

"Yes, but it is far away in this place." Natigilan ako sa sagot niya at binigay ang buong atensyon sa kanya.

Malayo? Saan? Sa Cebu? Davao? Imposible naman sa Manila. Pero kahit saan pa iyon impossible naman akong makakapunta roon. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng lungkot.

"So you mean you're staying here for good?" kuryosong tanong.

"I'm not."

Nanigas ako sa aking kinatatayuan at parang tumabang ang aking pakiramdam.

"You're going home soon?" matabang na tanong ko. Marahan itong tumango at tumingin sa akin na seryoso ang mga mata.

Kung ganoon sino na ang magdadala sa akin dito?

Umiwas ako ng tingin at tumikhim upang mawala ang bara sa aking lalamunan.

"Well, that's good. I hope you enjoy staying here," bulong ko at tumango-tango kinukumbinsi ang sarili na hindi naman dapat ako magpaapekto kung aalis nga siya. Hindi ko lang kayang itanong kung kailan, sana ay magtagal siya rito kahit ilang buwan lang.

Umihip muli ang hangin at napahawak ako sa aking buhok. Tumingin ako sa pagbabago ng kulay ng langit dahil sa unti-unting paglubog ng araw. Napangiti ako at sumulyap kay Rad, nagulat ako dahil seryoso itong nakatingin sa akin.

Umiwas ako bigla ng tingin at sa hindi malamang dahilan ay bumilis ang tibok ng dibdib ko at nakaramdam ng hiya.

Bakit ako mahihiya hindi ba at nahuli ko siyang nakatingin sa akin?

Narinig ko ang pagtikhim nito kaya sumulyap muli ako sa kanya. Nagtaas-baba ang Adams apple nito. Hindi ko maipagkakaila kung bakit ang daming babaeng lumalapit sa kanya, moreno ang balat nito ngunit pakiramdam ko ay dahil lang iyon sa pagbababad niya sa araw. Iniwas ko ang tingin ko dahil baka mahuli niya pa akong tumititig sa kanya.

I want to ask more about him.

"Kailangan na nating bumalik," pagbabasag ko sa katahimikan dahil masyado na akong nawiwili sa kanyang presensya, akmang hahakbang ako nang hinawakan nito ang aking palapulsuhan.

Napahinto ako at tumingin sa kanya na seryoso pa ring nakatingin sa aming harapan. Sumulyap ako roon at napaawang ang labi ko namg unti-unting kinakain ng dagat ang araw.

"Wow! This is the best sunset spot," I murmured while mesmerising the view.

Unti-unti nang kinakain ng dilim ang liwanag hanggang sa tuluyan nang lumubog ang araw. Malalim ang bawat paghinga ko at sumulyap sa kamay nito sa aking palapulsuhan.

"Let's go home," bulong nito at tumalikod na.

Sa likod na ako umupo dahil baka makahalata pa ang tao sa bahay. Alas sais nang makauwi kami sa mansyon. Ngiting-ngiti ako nang huminto ang kotse sa tapat ng mansyon.

Sumulyap ako kay Rad.

"Maraming salamat kanina. Sana maulit pa iyon, Rad." Ngumisi ito at lumabas ng kotse. Pinagbuksan ako nito ng pintuan. Inayos ko ang aking buhok at damit.

Sumalubong sa hamba ng pintuan sina Perla at Katya kasama nang iilang kasambahay.

Bumaba ako sa kotse ngunit dahil sa pagmamadali ay naapakan ko ang dress ko kaya nawalan ako ng balanse, at hindi ko napigilang tumili.

"Bella..." bulong ni Rad na mabilis nitong hinawakan ang aking bewang upang hindi tuluyang matumba.

Nanginig ang ibabang labi ko nang sobrang lapit ng kanyang nag-aalalang mukha at halos maghumarantado sa bilis ang tibok ng dibdib ko.

"Rad..." kumurap-kurap ako at umayos nang tayo.

"Senyora Abella," ani Perla na bumaba at hinawakan ang kamay ko.

"Salamat Perla, sa-salamat din." Sumulyap ako kay Rad at ngumiti.

Hindi ako makagalaw sa tapat ng aking malaking salamin kakaisip sa mga nangyari kanina. Hindi ako makapaniwala.

"Tulala ka d'yan!" puna ni Katya sa akin habang sinusuklayan ang buhok ko.

"Did you often talk to Rad?" tanong ko sa kanya habang pinaglalaruan ang aking takas na buhok.

Nag-isip pa muna ito at tiningnan ako mula sa salamin. "Sa totoo lang, noong una hindi masyado. Mukha kasing masungit at tahimik," anito at tumango-tango. "Bakit mo natanong?"

I shrugged my shoulder. "Pero malapit siya kina Perla, lagi kasi niya itong tinutulungan sa tuwing namamalengke," anito at ngumiti.

Pabiro niya akong itinulak. "Bakit? Bakit parang... curious ka sa kanya?" Nanlalaki ang mata ni Katya at ngumiti nang nakakaloko.

"Ano ba!" Pagkukunwari kong naaasar. "Natanong ko lang no." I pouted my lips but I cannot help but felt the butterflies in my stomach.

I can't help, but what he did was so...sweet.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status