Share

Chapter 1: Reset

Chapter 1: Reset

Isang mahigpit at nakakasakit na paghawak sa panga niya ang nagpaigik kay Raeneera. Dahil sa pag-iwas niya ng mukha ay nainis si Alisha kaya malakas na sampal ang natanggap niya mula rito. 

"I really hate you, Neera!" muhing pagsigaw ni Alisha. 

Hindi si Neera makaganti sapagkat hindi niya maramdaman ang katawan. May kung anong pinainom sa kanya ang kaharap at hindi niya mapilit ang sarili na makagawa ng kilos.  

This was supposed to be her happiest day. Kasal nila ni Paul kanina at ngayon ay nasa yatch sila na pag-aari niya para sana sa honeymoon celebration pero hindi pala honeymoon ang mangyayari. 

She was trapped here by Alisha, her stepsister and Paul, her husband. They colluded with each other to make a fool out of her! She should've known that there's something wrong when Alisha insisted to go with them. But she was softhearted and gullible that she fall to their schemes! 

"Pipirmahan mo ’to!" gigil na ani Alisha. 

"Hindi! Hinding-hindi ko pipirmahan iyan!" pagmamatigas niya. Dumaan ang matinding galit sa mukha ni Alisha at sinabunutan nito si Neera. Sinampal pa siya muli ng babae. 

"Talagang ayaw mo, ha? Paul! Come here!" Tinawag nito ang atensyon ng lalaking nasa gilid. Agad namang lumapit ang lalaki kay Alisha at pinaikot nito ang braso sa maliit na beywang ni Alisha. 

"Yes, babe?" Paul asked while smirking. 

"Convince your 'wife' to sign this. Hindi natin makukuha ang lahat ng kayamanan at ari-arian kapag wala ang pirma ng gagang ’to!"

Humarap kay Neera si Paul at sinubukan nito na haplusin ang mukha niya na umiwas si Neera. 

"Neera, sign these, okay?" Paul chuckled after that made Neera gagged.

She hates him! She really do! Kung ano ang pagmamahal na nararamdaman niya rito ay naglaho at napalitan ng matinding pagkamuhi! 

Did she really fell in love with this two-faced man? She was blinded by him! Gusto niyang sampalin ang sarili sa katangahan! 

These were the people she trusted her life with. Hindi niya akalain na lahat pala iyon ay kasinungalingan lang. 

Neera treated Alisha as her bestfriend! And Paul, he was her fiancé! Matagal na silang dalawa at kanina nga ay nagpakasal ngunit wala siyang ideya na habang nakatalikod siya ay may relasyon din si Paul sa stepsister niyang si Alisha!

"Kung ayaw mo talagang pirmahan ’to, makakagawa pa rin ako ng paraan para sumunod ka sa akin, Neera. Remember the body of your bastard baby? I have his remains."

Sa narinig, napaangat ang tingin ni Neera. Muntik na siyang maging ina dati. Pero dahil sa kapabayaan niya, namatay ang anak niya. Oo, resulta ang bata ng one night stand pero kahit na ganoon, hindi niya kailangan naisip na ipalaglag ang anak. 

Noong malaman niyang buntis siya, inalagaan niya ang sarili para maging malusog. She even took vitamins for pregnant women but it didn't help her to keep her child. She miscarriage at the sixth month of her pregnancy. Sinilang niyang walang buhay ang bata. 

"W-What do you mean?"

Ngumisi si Alisha sa kanya. "Dahil tangá ka, hindi mo alam na dahil sa amin ni Paul, namatay ang anak mo. Ang bobó mo dahil ininom mo lang naman ang pampalaglag na nasa juice na bigay ni Paul sa'yo. You know why we killéd that child? Lumambot kasi si Dad at naisip na pamanahan ang anak mo dahil nalaman niyang lalaki ang bata. He's thinking of making him his heir. Hadlang ang bata sa plano namin kaya 'yon ang sinapit niya."

Parang huminto ang pag-ikot ng mundo ni Neera noong mga oras na iyon. Matinding pagkirot din ng puso niya ang naramdaman niya. Gusto niyang sumigaw ngunit walang lumalabas na boses sa bukas niyang bibig. Tahimik na pagluha lang ang nagawa niya.

She was anticipating the birth of her baby! That's her child! Marami man siyang naging maling desisyon sa buhay, hindi damay ang anak niya roon. 

Napabaling siya kay Paul at inaninag ang mukha nito. "P-Paul?"

Natatawang tumingin sa kanya ang lalaki. "I don't want to be a father of a bastárd's child, Neera. Palabas lang ang lahat simula pa lang. I even despise you, you know? Bibigay ka rin pala sa ibang lalaki, bakit hindi pa sa akin? Ang tagal kong hinintay na makuha ko pero nagpatïra at nagpabuntis ka sa iba? Good thing that Alisha was there for me. Iyong hindi mo maibigay sa akin, siya ang pumuno."

Unti-unting nanlamig ang pakiramdam ni Neera. Para siyang nabibingi sa mga naririnig. Before Paul became her husband, kababata niya muna ito. Alam nito ang lahat ng insecurities niya at nagsilbi itong tagaprotekta niya. Tapos ngayon ay malalaman niyang hindi ito totoo sa lahat ng gawa nito? And he's proud of having an affair with her stepsister? May kung anong bumagsak sa tiyan niya kasabay ng pagsiklab ng galit na pumupuno sa dibdíb niya. 

Kaya siya nahulog kay Paul at minahal ito ay dahil kahit nabuntis siya ng hindi niya kilalang lalaki, nariyan pa rin ito sa tabi niya. He even told her that he's willing to become the father of her baby! 

When she lost her baby, hindi ito umalis sa tabi niya. He supported her every step of the way. Sampung taon ang hinintay ni Paul bago niya ito tinanggap na boyfriend at limang taon niyang pinakisamahan ang lalaki bago siya pumayag na pakasalan ito. At the age of thirty-three, she built a business empire for the two of them but what she got is her husband's betrayal! 

Sa loob ng labinlimang taon na kasama ito, hindi niya pa rin pala lubusang kilala ang lalaki. Dahil kung tunay niya itong kilala, wala siya sa sitwasyon na ito. He won't sided with Alisha and betray her! 

"If you want to see the remains of your baby, you will sign these documents," pagsali ni Alisha sa usapan. 

Lumipad ang malamig na tingin ni Neera kay Alisha. "Hayop ka, Alisha! I trusted you!"

Matinis na tawa ang sagot nito. Hinablot ni Alisha ang buhok ni Neera at hinarap nito ang mukha niya sa mukha nito. "Yes, I'm an animal, I don't care. Kahit ano pang sabihin mo sa akin, walang magbabago na hawak ko ang kapalaran mo, Neera. Pipirmahan mo ang mga dokumento o itatapon ko ang buto ng anak mo sa dagat? Paul, ipakita mo sa kanya kung ano ang hawak natin."

Kumilos si Paul at nawala sa paningin nila. 

Pinilit ni Neera na kumilos ngunit hindi niya talaga kanya. Patuloy pa rin ang pagpatak ng luha sa mga mata niya. 

Bumalik si Paul na may dalang maliit na box at binuksan ito sa harapan ni Neera. Mula roon, nakita ni Neera ang ilang piraso ng maliliit na buto. Hindi man kanais-nais ang amoy mula sa box, hindi alintana iyon ni Neera. Tinangka niyang itaas ang kamay para abutin iyon at nagtagumpay siya ngunit iniwas ni Paul ang kahon. 

Nahulog sa pagkakaupo sa silya si Neera pero hindi niya pinansin iyon. Pagapang niyang inaabot ang direksyon ni Paul dahil sa hawak nito. 

"My baby..."

Instead of giving her the remains of her child, Alisha held the stack of documents and went to face Neera. "Sign this and I'll give you your baby's bones."

Umaalab ang tingin na binigay ni Neera kay Alisha na kung makakamatáy lang iyon, bumaba na sa impyernó si Alisha. Unfortunately, that's all she could do, glare at Alisha's direction and pray to God that she would have retribution. 

Sa huli, pumirma si Neera. Puro iyon transfer of power, transfer of property and transfer of company shares kay Paul at Alisha.

Kahit nanghihina, malinaw ang pag-iisip ni Neera. Nabasa niyang lahat ng dokumento at tama ang naisip niyang dahil sa pera at pag-aari niya kaya siya niloko. 

After signing, hinagis sa kanya ni Alisha sa kanya ang box na may pinaghihimlayan ng anak. Niyakap niya ang box at pumatak doon ang mga luha ni Neera.

Ngiting-ngiti naman si Alisha habang binabasa ang hawak. Kumapit naman dito si Paul at nakisilip din habang paulit-ulit na humálik sa pisngi ni Alisha. 

"We really did it, Babe. Mayaman na tayo!" ani Paul. Alisha grinned at him before she looked at Neera. 

"Since I'm done with you, there's no harm to tell you the whole truth. You want that, Neera? Treat this as my gift to you."

Alisha laughed victoriously and looked down at her. 

"Ang nanay ko ang talagang mahal ni Dad. Kaya lang naman pinakasalan ang nanay mo ay dahil mayaman siya. Pero hindi naputol ang koneksyon ni Dad kay Mama. Unfortunately, he's not my father. When your mother died, ikaw pa ang kumumbinse na pakasalan ni Dad si Mama, hindi ba? Nakakatawa ka sa ginawa mo, Neera. Tangá ka talaga. Pakitaan ka lang namin ng kaunting kabaitan, nauto ka na. You were so happy when you found out you're going to be my stepsister? Stupid. You also treated me as a friend? Yuck. You don't know how much I loathe you, Neera! You got what I want to have in life. Bakit mayaman ka samantalang ako, kailangan ko pang mabuhay sa anino mo? That's why I drugged you on your 18th birthday. Iyon ang gabi na nabuo ang bastardo mo. You should thank me. Kung hindi dahil sa akin hindi mo masusubukan na mahawakan ng lalaki—wala ang anak na hawak mo ngayon. Iyon nga lang, puro buto na lang siya. Ni hindi niya namulatan ang mundo. What a pitiful child, ha!"

Alisha laughed again and Neera balled her fist. 

Naalala niya na ang nangyari noon. Si Alisha ang nag-aya sa kanya na pumunta sa club at doon, hindi niya alam kung ano ang nangyari. Nagising na lang siya kinabukasan na walang saplot. At bago pa siya makalabas ng kwarto, dumating ang reporters at naging eskandalo ng pamilya nila ang pakikipag-one night stand niya. 

She was outcasted after that and her father even disowned her because it affected their company's prestige. Si Alisha ang pumalit sa kanya. 

Pero dahil sa suporta ni Paul, inahon niya ang sarili at bumuo ng sarili niyang kumpanya. Iyon pala, ayon iyon sa plano ng mga tao sa paligid niya! Tangá nga siya at nagtiwala sa mga taong nakapaligid sa kanya!

Hindi na makahinga si Neera sa sobrang galit. Tanging mahigpit na pagyakap sa box na kinalalagyan ng anak ang nagawa niya. 

"Paul, you know what to do. Let's now throw her to the sea."

Wala nang naging reaksyon si Neera noong hatakin siya ni Paul palabas ng kwarto. Dinala siya nito sa may roof deck ng yatch at dahil gabi, walang tao sa paligid. Ang mahinang paghampas lang ng alon sa yate na kinatatayuan nila ang naririnig sa buong paligid. 

Kipkip ni Neera ang box, tumingin siya sa paligid. Sila nga lang tatlo ang nasa gitna ng dagat. Lumapit sa kanya si Alisha at tuwa ang nababasa sa mukha nito. 

"Goodbye. Good riddance, sister."

Tinulak siya nito sa dagat ngunit hinanda niya ang sarili noong ginawa iyon ni Alisha. Saktong pagtulak sa kanya ay ang paghawak niya sa buhok nito na natangay din si Alisha sa pagkalaglag. 

"Paul, help me! Paul! I don't know how to swim!" 

Hinablot ni Paul si Alisha ngunit dahil mahigpit ang pagkakahawak ni Neera kay Alisha, hindi rin kinaya ni Paul at nahulog silang lahat sa dagat. 

Binitiwan ni Neera si Alisha at pinanood niya ang dalawa na hampasin ng malalaki at malakas na alon. Siguro ay nakikiayon sa kanya ang dagat dahil noong oras na mahulog sila ay nabasag din ang katahimikan ng karagatan. 

Marunong man lumangoy si Paul, nahirapan ito dahil kay Alisha na ayaw bumitiw sa lalaki. Sa huli ay kinain ng mga alon ang dalawa. If they're déad or not, no one knows. 

Si Neera naman ay hindi na lumaban pa. She can feel she's dyïng. Nahihirapan na siyang huminga at pinasok na ng tubig ang lalamunan pero hindi niya tinangka na lumangoy pa. 

Unti-unting lumubog ang katawan ni Neera na mahigpit ang pagkakayakap sa box na may laman ng anak niya. 

If there's a reset, Neera promised to herself and to her child that she won't make the same mistake again. 

Kung maaari mang umulit ang lahat, sisiguraduhin niyang pagbabayarin niya ang lahat ng taong may kasalanan sa kanya. 

Tumulo pa ang isang luha mula sa mata ni Neera na humalo sa tubig ng karagatan bago siya nawalan ng buhay. 

*

Matinding pagkirot kasabay ng panlalamig ang naramdaman ni Neera noong buksan niya ang mga mata. Pinilit niyang kumilos ngunit walang lakas ang bawat himaymay ng katawan. 

Tumingala siya at noong matapatan ng liwanag na galing sa ilaw sa itaas, napapikit siyang muli. Dahil sa dilim mula sa pagpikit ay kahit paano, nakahinga nang maluwag si Neera. 

Pero sandali lang iyon dahil agad niyang naalala ang mga nangyari. She married Paul. And in return, she was betrayed by him and Alisha! She was thrown to the sea by them together with her baby's remain and she diéd! She's deád! 

Kaya... bakit nakakaramdam pa rin siya ngayon? 

Mabilis na idinilat ni Neera ang mga mata. Doon niya napansin na nasa restroom siya at nakasandal sa isa sa cubicle. Kung bakit siya narito, wala siyang ideya! 

"Neera, matagal ka pa? Let's go! I told you I will introduce you to my friends, 'di ba? Bilisan mo na!"

Boses ni Alisha iyon. Nang marinig niya si Alisha, halos umapaw ang galit sa dibdíb ni Neera. Bakit niya kasama ang babaeng ito? 

Mabilis na nag-isip si Neera. Tiningnan niya ang sarili at nakita niya ang sling bag na nakasabit sa katawan. Binuksan niya iyon at may cellphone siyang nakita. 

From there, she read the date. Nanlaki ang mga mata niya noong makita kung ano ang petsa na nababasa niya. Nanginig ang kamay ni Neera na may hawak ng cellphone. 

It's her 18th birthday today and she's back 15 years from the past! 

~ ~ ~

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Linda Washington
English please
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status