Share

Chapter 2: One Night Stand

Chapter 2: One Night Stand

Sinampal ni Neera ang sarili dahil hindi niya pa rin mapaniwalaan na bumalik siya sa nakaraan. She's still dreaming, right? Pero paano ba mananaginip ang taong namatáy na? Kung hindi ito panaginip... 

Neera did the unthinkable. She grabbed her hair hard. Mas masakit, mas maniniwala siyang nakabalik nga siya. At noong maramdaman ang matinding kirot sa anit, saka siya napaniwala. 

Nakabalik nga siya! 

Is this the compensation God had given Neera to change her fate? Kaya ba siya nakabalik sa nakaraan ay para ayusin ang magulo niyang buhay? If yes, she will really change her life! 

"Neera, matagal ka pa ba? Tara na! Everyone's waiting for us!" Sinundan iyon ng malakas na katok sa pinto ng restroom. 

Nagbago ang masayang emosyon ni Neera at napalitan iyon ng malamig na ekspresyon. Matalim na tingin ang binato niya sa pinto kung saan nasa likod noon ay si Alisha na isa sa sumira sa buhay niya. 

Kumuyom ang dalawang kamay ni Neera at matinding pagpipigil sa sarili ang ginawa niya para hindi sugurin si Alisha. This is not the right time to hurt this bítch. 

Kailangan niya nang maayos na plano kung paano ang gagawin na pagpapahirap kay Alisha, kay Paul, at sa iba pang taong naging kasangkapan para masira ang buhay niya. 

And she will start now.

Humugot nang malalim na hininga si Neera at hinarap ang salamin. Maganda ang anyo ng sumalubong sa kanya na repleksyon. 

Neera knows that she's beautiful. Mana siya sa namaalam niyang ina na dating beauty queen socialite. Maalon-alon ang light brown niyang buhok. Hindi kataasan ang kilay niya na nagpapaamo ng mukha niya. Matangos ang ilong ni Neera at may kakiputan ang mamula-mula niyang labi. Ang mga mata niya, natural na mapungay iyon lalo pa't mahahaba rin ang pilikmata na mayroon siya. 

Hindi niya akalain na makikita niya pang muli ang ganito niyang itsura. Sa gunita niya, may malaking pilat sa gilid ng kanyang mukha. Kahit surgery ay hindi maayos iyon dahil sa sobrang lalim ng pagkakahiwa. Only by wearing make-up helped her to hide that scar. 

Mula iyon sa naging pagligtas niya kay Alisha noong minsan itong sugurin ng isang taong may galit dito. Isang sikat na sikat na artista si Alisha at nadawit sa maraming scandal na mariin ni Alisha na tinatanggi. Siya naman na tangá, paniwala na inosente ang kaibigan niya. 

Now thinking about it, maybe those rumors about Alisha were true. That person who had an extreme vendetta on Alisha wouldn't do that if that was just a rumor. Siya itong bobó na niligtas pa ang taong gusto siyang gawan ng masama. Hula ni Neera, tawang-tawa si Alisha noong makita na niligtas niya ito mula sa ilalim ng patalím. Inutíl nga siya. Pero hindi na iyon mauulit pa.

Muling inayos ni Neera ang sarili bago siya lumabas ng restroom. Agad na sumalubong sa kanya si Alisha. Nakangiti ang mga labi nito ngunit noong magawi ang tingin ni Neera sa mata ni Alisha, kita niya ang lihim na galit, inggit at pagkadisgusto nito sa kanya. Bakit ba hindi niya ito nakita noon?

Stupid, Neera. You're stupid. 

"Raeneera! Why are you spacing out? Tara na!"

Nagulat si Neera noong hawakan siya ni Alisha kaya mabilis niyang winasiwas ang kamay. Pakiramdam niya, may mga maliliit na insektong gumapang sa katawan niya noong hawakan siya ni Alisha.

Inis na lumingon naman si Alisha sa kanya ngunit mabilis nitong binago ang ekspresyon. Inosente itong ngumiti kay Neera at malumanay na nagtanong. 

"Neera, is there a problem?"

Nilunok ni Neera ang namumuong galit at pinili na umaktong maayos. Ngumiti siya pabalik kay Alisha kahit na sa totoo lang, gustung-gusto na niyang gumanti sa babae. But no, hindi siya maaaring kumilos nang walang plano. 

"No, I'm fine. Let's meet up with your friends," aniya. 

Sinipat pa siya ni Alisha ng tingin. Nang walang makitang mali, dinala ni Alisha si Neera sa isang private room. Maraming tao roon na nakapaligid sa punung-puno ng alak at mga chips na long table. Pumasok sila sa loob.

"Guys, this is Neera. She's my bestfriend and my stepsister," pakilala ni Alisha sa kanya. 

Halos lahat ng tao ay bumaling sa kanya at nag-hello. Hindi nakaligtas sa tingin ni Neera ang pagpapalitan ng senyas ng ilang lalaki roon. 

Dahil doon, may kung anong sumirko sa tiyan ni Neera. Those people were the culprits who took advantage of her! Ni hindi niya alam kung sino sa kanila ang ama ng anak niya. After having a one night stand with an unknown man, indecent photos and videos of her flocked the internet. Naging laman din siya ng newspaper at balita dahil kilala ang ama niya sa business world. Iyon ang isa sa dahilan kung bakit siya tinakwil ng ama. 

Naalala niya, tinanong niya si Alisha kung ano ang nangyari at iniwan siya nito sa hotel pero ang sagot ni Alisha sa kanya, siya mismo ang nagpumilit na umuwi na si Alisha at iwan siya roon. Dahil tingin niya ay kaibigan si Alisha, pinaniwalaan niya ito at sinalo niya lahat ng kahihiyan. 

Thinking about that made Neera wanted to wreck the whole place. She's really stupid! 

Pinapangako niya, gaganti siya. Ibabalik niya lahat ng naranasan sa mga taong ito! At magsisimula siya ngayon. 

Umakto si Neera na inosente at sumakay sa plano ni Alisha. Noong sandali itong malingat at ibilin siya sa mga kaibigan nito, nagpaalam si Neera para magbanyo ngunit hindi siya pumunta sa banyo kundi naghanap siya ng waiter na pwedeng makausap. 

When she found one, she whispered something on his ear and when the waiter was reluctant, she wrote a cheque for him on the spot. Mabilis na tumango ang waiter noong makita ang maraming zero sa cheke at sinabi nitong gagawin ang utos niya. 

Bumalik si Neera sa private room at nakipagkwentuhan pang muli. Mayamaya lang ay pumasok na ang waiter na kausap niya at ito ang naghatid sa kanila ng tequila at wine kasama ang ilan pang additional chips. 

"Neera, try this drink. Light lang ’to kaya hindi ka malalasing. It’s good." Lumapit si Alisha, hinatak siya patayo mula sa pagkakaupo at nag-abot ng wine flute. 

Hindi iyon kinuha ni Neera kaya nag-boo ang mga tao sa paligid. 

"Alisha, your sister's too prude! Let her drink!"

"Drink! Drink!"

Hinarap siyang muli ni Alisha at pilit inaabot ang wine glass sa kanya. She accepted the drink and acted like she took a sip. 

Kumunot ang noo ni Alisha. "Ubusin mo, Neera. Pinapahiya mo ako sa friends natin."

Hinawakan ni Alisha ang kamay niyang may hawak ng glass at tinapat nito sa labi niya ang inumin. Kumunot ang noo niya sa babae at natigilan si Alisha noong maisip nito ang nagawa nitong aksyon. 

‘Drink it, bítch! Why don't you drink it?!’ sigaw ng isip ni Alisha. 

Tinapat ni Neera ang inumin sa bibig ngunit may bumunggo sa kanya kaya nabitiwan niya ang hawak. Bumagsak iyon sa lapag at tumapon ang lamang wine. 

"The wine was wasted! Boo! Boo!"

Sa sigawan na iyon, nagpalitan ng lihim na tingin si Neera at ang waiter. Tumango ang waiter bilang senyas na nagawa na nito ang utos. Neera smiled secretly. 

Alisha poured wine again on a new wine glass and didn't stop to convince Neera to drink. Umiling siya. "Let me go to restroom first, Ali. The wine was spilled on me."

"No can do. You drink this first, Nee. Please?"

Dahil sa isip ni Neera ay naitapon na niya ang wine na may halong aphrodisiac, kinuha niya ang inaabot sa kanya at walang alinlangang ininom iyon. 

After that, she excused herself to go to restroom. Neera didn't see the triumphant smirk on Alisha's face when she finished the wine. 

Nakalabas ng private room si Neera at nagpunta sa restroom. Umaaasa siya na magtatagumpay ang plano niyang naisip para kay Alisha. 

This is just the start. 

Hindi ba't gusto ni Alisha na maging artista? Magiging artista pa ba ito kung lalabas ang baho nito? She didn't think so. 

Neera washed her face because she thought it's kind of hot right now. Ngunit nakatatlo na siyang hilamos, naiinitan pa rin ang pakiramdam niya. May kung ano sa ibabang parte ng tiyan na nag-iinit. 

Doon nagbago ang itsura ni Neera. She was still drugged! 

Damn it! Sinubukan niyang baguhin ang kapalaran niya ngunit bakit ganito pa rin? Nag-isip muli si Neera. Maybe the whole wine bottle was spiked. Hindi lang ang natapon na wine na una niyang iinumin kanina. 

Sa susunod na niya iisipin iyon! She needs to get away fast. Alam niyang alam ni Alisha na under the influence siya kaya maaaring mag-utos ito ng taong susunod sa kanya. Kaya habang matino pa ang pag-iisip niya, kailangan niyang makaiwas! 

Mabilis na lumabas si Neera ng restroom at naghanap ng pupuntahan. 

Shït. Think faster, Neera! 

Maybe some reporters were outside so it's not safe for her to go outside. Lalo't may kung ano sa sistema niya. Mabuting maghanap siya ng pagtataguan habang inaayos niya ang sarili. 

Sumakay ng lift si Neera at nagpindot ng kung anong una niyang mapindot. She didn't notice that she pressed the letter P on the elevator button that stands for Penthouse. 

Nang makalabas si Neera, nagsisimula na siyang mahilo at mag-init ang pakiramdam. Hindi niya napansin na may taong bumunggo sa kanya at sumakay rin sa elavator. 

Naglakad sa mahabang corridor si Neera at sakto namang bumukas ang nag-iisang pinto sa floor na iyon. Lumabas ang isang lalaki na madilim na madilim ang ekspresyon at diretsong tiningnan ang direksyon ni Neera. 

"I told you to fúcking stay away from me! If you take a step closer, I promise that I'll wreck your life."

Hindi na maintindihan ni Neera ang sinasabi nito. Ang alam niya lang, maaaring makatulong ang lalaking ito sa problema niya. Naglakad si Neera palapit sa lalaki at huminto siya sa harapan nito. 

The man creased his forehead and he was ready to push the lady away from him when Neera leaned and put her arms around his neck. The man was taken aback. 

Mas lalo pa itong nagulat noong hálikan ni Neera ang mga labi nito at idikit ni Neera ang katawan sa lalaki. May naramdaman si Neera na matigas na bagay na nakatusok sa may puson niya kaya binaba niya ang isang kamay na nakayakap sa leeg ng lalaki para haplusin kung ano ang nararamdaman niya. 

The man growled on her mouth and Neera was surprised when the man also put his hands around her while kissing her hard. Payakap siya nitong binuhat at ang isa sa kamay ng lalaki ay nasa may puwétan niya. Sapo-sapo ng lalaki ang likod niya at parang sa pakiramdam niya, pinisil pa iyon ng lalaki. 

The man pushed the door opened using his one foot and went inside while carrying Neera on his arms. 

What happened was blurred for Neera. Naramdaman na lang niyang maingat siyang hiniga ng kasama sa malambot na kama at naramdaman niya ang bigat nito sa ibabaw niya. 

Naiinitan siya na parang tinutupok ng apoy bawat sulok ng katawan. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanya kaya pilit niyang hinahatak ang damit. A hand helped her to free herself from her dress that suffocating her breath.

Mainit ang kamay na humaplos kay Neera ngunit komportable siya na maramdaman iyon sa katawan. Hinanap niya kung saan nagmumula iyon at kumapit doon. 

Eliazar was again taken aback when the woman under him hugged him and tried to rub her body on him. She bumped on his hard-on that made his breathing hitched. 

Fúck! Pinipigilan niya ang sarili ngunit dahil sa nainom na aphrodisiac, hindi niya alam kung kaya niya pa bang pigilan ang katawan.

"It's hot...too hot... help me... please...?"

The sweet pleading voice of the woman penetrated to Eliazar's ear. Butil-butil ang pawis niya sa noo at init na init na rin ang pakiramdam, maliit na parte na lang ng utak niya ang rasyonal. 

Eliazar tried to move away from her. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip at pinasok niya sa loob ng penthouse ang babae at hiniga pa ito sa kama. Damn him! Maybe the drug was messing his system. 

He needs to stay away.

Umalis nga si Eliazar sa ibabaw ng babae ngunit hinawakan siya nito sa braso at hinatak palapit. Soft lips was pressed on his lips again and Eliazar couldn't retain his rationale anymore. 

He never experienced this before. If someone approached him, he would feel uncomfortable. But the woman under him... he didn't reject her touch. 

That ignited something inside Eliazar but no! He couldn't take advantage of this woman even though he was drugged! He realized that she's not the same woman who drugged him. Kung bakit man ito napunta rito sa penthouse, wala siyang alam. 

"Stop kissing me if you want to be safe, woman," he gritted his teeth as he uttered that in this woman's ear. 

But instead of listening to him, this woman kissed him again to shut him up. Mariing napapikit si Eliazar. 

Damn it. She smells so good and also taste good. He realized that as his tongue tangled with her sweet little tongue.

Fúck. The string of reasoning in Eliazar's brain broke. He tried to push her away but this was what she wanted! 

"Hmm..." 

She moaned and the evil fire inside his body couldn't put out anymore. He pressed the woman under him and loved her throughout the night. 

*

Nagising si Eliazar na masakit ang ulo. Kinapa niya ang tabi ngunit wala siyang nahawakan kundi ang malamig na parte ng kama. It means that it's been awhile since the person left. 

Mabilis na bumukas ang mga mata niya at madilim ang ekspresyon na umupo sa kama. Nalihis ang kumot na tumatakip sa kahubdan niya ngunit hindi alintana ni Eliazar iyon. Nilibot niya ng paningin ang buong kwarto ngunit walang bakas ng babae roon.

He gritted his molars and gripped his fist hard. That woman ran away from him after what happened to them! Siya itong lalaki ngunit siya ang tinakbuhan! 

Eliazar called his secretary. "Collect the CCTV footage from last night and once you found out the woman who went here and stay with me, find her identity—no, everything about her. Report it to me."

Let's see if she could really run away from him. 

~ ~ ~

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status